Unforgiving LOVE

By issangtaolang

3.2K 22 12

Ako si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang ta... More

Panimula
Chapter 1 (Party must go on)
Chapter 2 (1 missed call)
Chapter 3 (Gift)
Chapter 4 (Ano raw?)
Chapter 5 (Inside my <3)
chapter 6 (It breaks me)
Chapter 7 (Frozen)
Chapter 8 (Concert)
Chapter 9 (Epic Valentine's day)
Chapter 10 (Akala lang)
Chapter 11 (Deadly stare)
Chapter 12 (Undefined feelings)
Chapter 13 (Who is he?)
Chapter 14 (Dad's back)
Chapter 15 (Beauty tips)
Chapter 16 (Epal lang)
Chapter 17 (ARGH!)
Chapter 18 (Taya!)
Chapter 19 (Come with me)
Chapter 20 (There it goes)
Chapter 21 (Stitch)
Chapter 22 (Joke)
Chapter 24 (Siya pala)
Chapter 25 (Clueless)
Chapter 26 (Inuman mode)
Chapter 27 (My Double Dead Heart)
Chapter 28 (Steve Saminal)
Chapter 29 (I can't fight what I feel)
Chapter 30 (Look at the other side)
Chapter 31 (His side)
Chapter 32 (A Heartbreak and another Chance)
Chapter 33 (Happiness)
Chapter 34 (The last Chapter Maybe)

Chapter 23 (Just happen)

74 1 0
By issangtaolang

Grabe lang, nakakahiya talaga! Buti nalang nakaisip ako ng magandang palusot kanina.

“Joke!”

Aisht!

“Hoy Payatot! Kanina ka pa wala sa sarili ah!” Magkasama pa rin kami ni Rick dito sa mall at naglalakad-lakad pa rin. “Kung iniisip mo pa rin yung kaninang sinabi ko eh para ka ng aning aning dyan. Hahahaha!”

“K.” Nagpout ako. Kasi naman eh! Pati sya pala nagjojoke. Hindi, sya lang pala talaga yung nagjoke kasi ako totoo naman yung sinabi ko.

“Ikaw talaga!” Huminto sya sa harapan ko at kinurot yung magkabila kong pisngi. “Ang cute cute mo talaga!”

*lub dub lub dub*

Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Wala namang ganyanan puso, sa sobra daming mong tinitibukan eh ako yung naguguluhan. Walang ganyanan aba.

“Hoy Rick, paki alis nga yang kamay mo sa magaganda kong pisngi! Baka magkagerms.” Pagkaalis nya ng kamay nya sa pisngi ko eh naglakad na ako ng mabilis at iniwan sya dun.

Kasi naman Rick eh! Walang ganyanan! Lalo akong naguguluhan eh!

“Payatot, bakit ka ba ganyan?” Hinawakan nya yung kamay ko na dahilan na rin para mapahinto sa paglalakad.

“Hindi mo ba maramdaman?”

“Bakit nga ganyan ka, Anna?” Anna? Tss.

“Eh kasi naguguluhan na ako!”

 “Saan?”

“Kay Jed at sa--”

The dawn is breaking

A light shining through

You’re barely waking

And I’m tangled up in you

Yeah

I’m open, you’re closed

Where I follow, you’ll go

I worry I won’t see your face

Light up aga--

Tss.

“Hello? Oh babes ikaw pala! Ah.. Oo.. Kasama ko si Anna.. Ha? Nasaan ka ba? Sige.. Puntahan na lang kita.”

Si Jess na naman. Haist!

(Jorj’s POV)

*tok tok*

“Jorj?”

Binuksan ko yung pinto. “Bakit po?”

“Ahm, anak. Ah kasi.. Ano eh..”

“Pasok po muna kayo dito sa kwarto.” Umupo si mommy sa kama ko at tinabihan ko siya.

“Anak, may sasabihin sana ako. Ano kasi.. Yung si Tito John mo..”

“Ano po? Na boyfriend mo sya? My, okay lang po yun. Basta po kung saan kayo masaya dun din po ako.” Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si mommy.

Napayakap sa akin si mommy sa sobrang saya at umiyak sya. Niyakap ko rin naman sya at hinintay na kumalma sya.

Si Tito John, sya yung kinakainisan ko dati. Dati kasi dinala ako ni mommy sa isang binyagan at dun ko nakilala si Tito John. High school pa lang ako nun. Naiinis ako nun kasi parang ang close close nilang dalawa. Mas nainis pa ako kasi kung tratuhin ni mommy yung anak nung John na yun eh parang tunay na anak nya. Naeechapwera tuloy yung beauty ko. Basta ayun, napakaclose nila. Lagi ko rin nalalaman nun na magkasama sila madalas. Alam ko namang nalulungkot lang si mommy dahil wala nga si daddy at humahanap lang sya ng care mula sa ibang tao. Kaya hindi nagtagal eh naunawaan ko rin kung anong meron sa kanila.

Umalis sa pagkakayakap sa akin si mommy. “Jorj, okay lang ba kung ipakilala ko sya sayo?”

“Eh diba po nakilala ko na sya dati?”

“Syempre ngayon iba na noh. Bukas ah? Sabay na tayo pumunta sa kanila.”

Lumabas ng kwarto si Mommy ng may ngiti.

Haay.

Masakit pa rin naman sa akin kahit papaano. Pero walang mangyayari kung hindi ko tatanggapin ang lahat. Sa totoo lang din eh namimiss ko na yung feeling ng isang pamilya. Baka sakaling maramdaman ko yun pag tinanggap ko ang lahat. Dahil magkakaroon ako ng dalawang pamilya. Pamilya ni mommy at pamilya ni daddy.

Lumipas ang mga boring kong araw. Malamang walang halos nangyayari. Kung tatanungin nyo ako about dun sa pagpapakilala sa akin kay Tito John eh okay naman. I didn’t find hard to be with them together with his children. And yes, may mga anak sya pero annulled na rin naman sila nung asawa nya. So wala namang problem dun. Sa tingin ko nga magiging masaya ako sa kanila eh.

Isa na lang ang pinoproblema ko about sa family matter. Si daddy. Hindi ko alam kung paano sya makakausap. Simula kasi nung araw na nagkaaway kami eh wala na akong balita sa kanya. Hindi ko rin alam kung saan sya nakatira ngayon. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito. Sana inunawa ko na lang sya. Kaso masakit talaga eh.

Ang hirap din palang mabuhay sa mundong to na walang kapatid. Wala man lang akong makausap at makaramay sa mga ganitong klase ng problema. Ayoko namang tanungin pa si mommy about kay daddy kasi mukha namang masaya na sya ngayon.

Sa tutuusin nga eh dapat masaya na ako ngayon dahil nakatagpo ako ng bagong tatay na alam kong hindi kami papabayaan ni mommy. Pero iba pa rin yung feeling na ang kasama mo eh yung tunay mong tatay.

*sigh*

Nagpunta ako sa simbahan sa sobrang depress. Siya na lang ang alam kong makakatulong sa nararamdaman kong to.

Madalas ako dito sa simbahan, nagtutulos ng kandila at nagdadasal. Sa ganitong paraan eh nababawasan yung bigat ng nararamdaman ko.

*sigh*

“In Jesus name, Amen.”

Naglakad na ako palabas ng simbahan nang may mangalabit sa akin.

“Ate, bili na po kayo ng sampaguita.” Tuloy lang ako sa paglakad ko at hindi ko sya pinansin kaso sinundan nya pa rin ako.

“Ate, sige na po..” Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Isang batang babae na mahaba ang buhok, kayumanggi ang kulay ng balat, payat, madungis.

“Bata, anong pangalan mo?”

“Cheska po.” Tignan mo nga naman oh! Nang-aasar ata ang tadhana. Sa dinami-dami ng pangalan na pwedeng ibigay sa batang to eh yung panget pa. Tss.

“Sinong nagpangalan sayo nyan?”

“Nanay Maring ko po.”

“Nanay mo ba sya o lola mo?”

“Hindi ko po sya kaanu-ano pero tinuturing nya po akong parang tunay na anak at tinuturing ko po syang tunay na nanay.”

“Nasaan ang mga magulang mo?” Nakita kong nangingilid ang mga luha nya.

“H-hindi ko po alam. Sabi ni Nanay Maring napulot nya lang ako sa basurahan.”

Nalungkot naman ako sa sinabi nung bata. Hindi pala ako dapat sumuko na lang at magmukmok dahil hindi lang pala ang problema ko yung malala. May maslalala pa pala dun.

“Eto oh..” Inabot ko sa kanya yung P100 na kinuha ko sa pouch ko. “Bili ka ng makakaen nyo ng Nanay Maring mo.” Nginitian ko sya at bakas sa mukha nya yung kaligayahan.

“Salamat po Ate! Eto po yung sampaguita nyo oh! ” Iniabot nya sa akin yung hawak nyang sampaguita.

“Hindi na Cheska. Sayo na yan at ibenta mo sa iba para makarami ka pa. Sayo na rin yang perang binigay ko. Basta siguraduhin mong ipambibili mo ng pagkaen mo yan ah?” Pinat ko sa ulo yung bata.

“Opo. Salamat po talaga ate! Mabibilan ko ng masarap na pagkaen si Nanay pati gamot na rin nya. Godbless po!” Isang bata na abot hanggang tainga ang ngiti. Nakakataba ng puso.

Nagsimula na akong maglakad ng may ngiti sa mukha. Feel na feel ko pa yung paglakad ko ng..

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!"

"JOOOOORJ!!!!"

Continue Reading

You'll Also Like

383K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
631K 16K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...