Rise of the Warriors

By rhiiicamae

275K 8.2K 249

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... More

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(16) Back-out
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(29) Letting Go
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(49) She Fell
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(56) First Quarrel
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(63) Killer of her Lover - Part II
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(72) Revealed
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(73) The First Goodbye

1.5K 51 2
By rhiiicamae

Maddison's P.O.V

Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko sa mga mata ni Lei na nasaktan siya sa mga sinabi ko. Hindi ba dapat hindi siya maapektuhan dahil hindi naman niya ako gusto o mahal pero...ano tong nakikita ko? o baka naman...mali lang ako? Bakit ba ang gulo-gulo ng mundo?

"Aba nga naman. Hindi ko akalain na mala-telenovela pala ang kwento niyo. Alam mo Lei...pinahahanga mo talaga ako. Sabi ko na nga ba't magandang desisyon ang pagpapadala ko sayo sa Enchanted para maging espiya. Hindi ako nagkamali na gawin kang kanang kamay ko. Maasahan ka talaga."- Guido
"Maraming salamat po Pinuno."- Lei

Psh. Pinuno? Ang samang pakinggan.

"Ngayon Warrior...gusto nyo pa bang ituloy ito? Tutal alam nyo na rin naman ang kahihinatnan nyo, bakit kaya hindi na lang kayo sumuko?"- Guido
"Punong-puno ka talaga ng kayabangan Guido."- Renz
"Ang dami mong satsat. Tatlo lang kayo...pito pa kami. Tingnan natin kung anong laban nyo."- Jed
"Aba. May natitira ka pa palang tapang ha."- Guido

Sa halip na sumagot sa paandar ni Guido...bigla na lang may lumabas na apoy sa kamay ni Jed pero hindi ito ordinaryong apoy lang dahil sa gitna nito ay may isang bilog na liwanag na nagbibigay ng dagdag na init at liyab dito.

"Natural lang yun. Warrior ako ee." At saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Guido.

Nagulat kami dahil hindi namin inaasahan na bigla-bigla na lang susugod si Jed. Pero kagaya ng kanina...pilit may ginagamit ang tadhana para hadlangan siya sa pagpapatumba kay Guido.

"Not that fast Jed."
"Lei..."

Agad na nakaharang si Lei sa daraanan ni Jed at hinawakan ito sa wrist. Sa palitan ng tingin ng dalawa, alam mo na may mangyayaring matinding labanan at hindi nga ako nagkamali...

Parang ngayong nagrereplay ang laban nila sa twing gaganapin ang taunang Trial and Error sa Enchanted. Kapag kasi silang dalawa ang naglalaban...parang guguho ang mundo sa tindi ng impact ng bawat atake nila sa isa't isa.

Sabihin na natin na maaaring makalamang si Lei dahil siya ang kahinaan ni Jed...pero sa nangyayari ngayon, hindi ito alintana ni Jed.

Sinubukang gawing yelo ni Lei ang inaapakan ni Jed para mabawasan ang balanse nito at magawa niyang atakahin si Jed habang mahina pa ang depensa pero mabilis nakabawi si Jed dahil ginamit niya ang apoy niya para tunawin ang yelo at gawin itong ordinaryong tubig lamang. Sa pagkakataon na yun...lumabas mula sa kamay ni Jed ang espada na yari sa apoy at agad itong ipinang-atake kay Lei pero mabilis ring nakagawa si Lei ng espada na yari naman sa yelo. Ang mga espada nila ay sing tibay ng pagnanais nila na matalo ang isa't isa.

Kada magtatama ang kanilang espada...ramdam namin ang lakas ng pwersa na nagmumula dito. Battle of the Giants talaga ang nagaganap ngayon. Kahit na gusto ko silang pigilan at baka kung saan mapunta ang labanan na ito, wala akong magawa. Kada may nagaganap na duelo sa pagitan ng Exceptional Learners...hindi ito maaaring pakialaman ng kahit na sino, miski kaming mga kasama nila. Yun ang patakaran.

"Yan lang ba ang kaya mo Jed?!"- Lei
"Yan ang akala mo." Bigla na lang may lumabas na apoy mula sa kaliwang kamay ni Jed at tumama ito sa parteng tiyan ni Lei na siyang nagpalayo dito pero hindi pa man nakakabawi si Lei bigla na lang siyang sinipa ni Jed at gamit ang espada niya, nagawa niyang sugatan si Lei sa kanang braso nito.

Kitang-kita namin ang pulang-pulang likido na umaagos mula sa braso ni Lei habang bakas sa mukha niya ang sakit sa ginawa sa kanya ni Jed.

Dahil hindi ko na kaya pang panuorin ang ginagawa nila sa isa't isa...binalak kong pumagitna sa kanila pero pinigilan agad ako nina Ro at Casie.

"You know the rule."- Ro
"Pero..."
"Alam namin na nag-aalala ka kay Lei pero sa ngayon...wala tayong magagawa kundi ang manuod. Kilala natin si Jed...kahit na kalaban pa si Lei, hindi niya ito magagawang patayin."- Casie

Kinalma ko ang sarili ko at pinilit kong paniwalaan ang sinabi ni Casie. Sana nga hindi magawang patayin ni Jed si Lei. Sana nga hindi ito humantong sa kinatatakutan ko. Sana walang buhay na mawala sa ginagawa nila.

Agad naman na binalutan ng yelo ni Lei ang sugat niya para tumigil ang pagdurugo pero hindi ito naging sapat dahil ang transparent na kulay nito ay nagiging pula na.

"Ako naman." Huminga ng malalim si Lei at sa pagbuga niya...naging yelo ang katawan ni Jed mula sa bandang dibdib hanggang paa. Sinubukang makawala ni Jed mula dito pero hindi niya ito magawa. FREEZE BREATH.

Patakbong lumapit si Lei kay Jed at ng makalapit ito ay sinipa niya si Jed ng ilang ulit sa itaas na bahagi ng katawan nito kaya dumurugo ngayon ang labi at mata nya na parehong nagkaroon ng malaking sugat.

Tinangka ulit itong gawin ni Lei pero nakaiwas na si Jed dahil nagawa na niyang tunawin ang yelo na pumipigil sa kanya na makagalaw gamit ang pagkontrol sa init ng katawan niya. THERMOKINESIS.

"Tsss. Bwisit."- Lei

Mabilis na lumayo si Lei at inihanda ang sarili sa paparating na pag-atake ng Jed. At sa muling paglalapat ng kanilang mga espada...naramdaman namin ang paglakas ng pwersa na nagmumula dito at mababakas rin sa kanilang dalawa na ibinubuhos talaga nila ang lahat ng meron sila para sa mithiin na manalo sa labanan na ito.

Sabay na naglayo si Jed at Lei...at ng makabawi ay tumakbo sila pasalubong sa isa't isa at mula sa pwesto namin, kitang-kita ang asul na aura na bumabalot ngayon kay Lei at namumulang aura naman kay Jed. At sa huling pagkakataon...nagtama ang kanilang mga espada kasunod ang isang malakas na pagsabog.

"Anong nangyari?"- Renz
"Hindi ko alam. Hindi ko rin sila makita dahil sa usok."- August
"Sino kaya ang nanalo sa kanilang dalawa?"- Casie
"Sana walang napahamak. Sana okay lang sila pareho."- Mackie

Tama si Mackie. Sana nga ay parehong maayos ang kalagayan nila. Bakit ba kasi nangyayari ito ngayon sa Warriors? Hindi dapat kami nagkakaganito.

Sa pagkawala ng usok, duon bumungad ang katawan ni Jed at Lei na parehong walang malay at nakadapa sa lupa. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kanila at agad na tiningnan ang kalagayan nilang dalawa.

"Lei...Lei..." Hinawakan ko ang mukha ni Lei at sinubukang gisingin ito pero hindi siyang nagrerespond sa akin.
"Andami nilang sugat."- August
"Puro dugo na ngayon ang katawan nila dahil sa hiwa-hiwalay na sugat na nakakalat sa katawan nila."- Mackie
"Casie...tulungan mo sila please." Pakiusap ko kay Casie dahil alam ko na siya ang kailangan ngayon ng dalawa.
"Sige."- Casie

Itinapat ni Casie ang mga kamay niya kay Jed at ng umilaw ito...kitang-kita namin na naghilom ang mga sugat ni Jed at mabilis rin na bumalik ang ulirat niya.

"Ayos ka lang Jed?"- Ro
"Oo. Si Lei?"- Jed
"Ako na ang bahala sa kanya. Huwag ka ng mag-alala."- Casie

Akma na sanang gagamutin ni Casie si Lei pero bigla itong umangat sa ere at gumalaw papunta sa direksyon nina Guido.

"IBALIK MO SIYA." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napasigaw na lang ako.
"At bakit naman? Pagmamay-ari ko si Lei at walang pwedeng gumalaw sa kanya."- Guido
"Hindi mo ba nakikita? Puro sugat si Lei. Kailangan niyang magamot."
"Hindi na niya kailangan yan. Kayang-kaya na ng katawan niya ang kaunting pinsala na natamo niya."- Guido
"Kayang-kaya? Ee ni wala nga siyang malay ngayon. Kung wala kang balak na gamutin si Lei...ibigay mo na siya sa amin. Kaya naming gawin ang hindi mo magawa."
"Sinabi ko na hindi ba. Kaya na niya yan. Kung mamatay man siya ngayon...hindi ko na kasalanan yun. Nagpabaya siya kaya bagay lang yan sa kanya"- Guido
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Wala ka talagang puso. Halimaw ka."
"Ganyan ba talaga kayong mga Warrior? Nagagawa nyo pa ring mag-alala sa kabila ng ginawa niya sa inyo. Nakakatawa."- Guido
"Hindi yun katawa-tawa. Kaibigan namin si Lei kahit na ano pang sinabi at ginawa niya. Kahit na nasaktan kami sa mga yun, wala pa ring magbabago. Kasabay ng panunumpa namin bilang Warrior ang sumpa na kahit kailan, hindi masisira ang pagkakaibigan namin. Kaya ka siguro natatawa dahil kahit kailan...hindi mo naramdaman yun DAHIL WALANG NAGMAMAHAL SAYO."
"WALANG HIYA KA."

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa at ang mabilis kong paggalaw papunta sa isang malaking bato. Ilang segundo pa man...naramdaman ko na ang malakas na pagtama ko dito kasunod ang pagguhit ng napakatinding sakit sa buo kong katawan.

"MADDISON." Narinig ko ang malakas na pagsigaw ng iba pero hindi ko magawang magrespond sa kanila dahil para akong tinakasan ng bait sa nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko ang mainit na likido na umagos palabas sa bibig ko at ang paningin ko...unti-unting lumalabo.

Sinubukan kong labanan ang antok na unti-unting bumabalot sa akin at bago ako tuluyang sakupin nito...nakita ko ang dahan-dahng pagbangon ni Lei at ang mataman na pagtingin nito sa akin.

Lei...bakit ganun? Bakit ang lungkot ng mga mata mo? Huwag kang ganyan. Hindi bagay sayo. Lalo kang pumapangit. Pinilit kong ngumiti kay Lei bago ako tuluyang pumikit.

---

Ro's P.O.V

Mabilis kaming tumakbo kung saan tumama ang katawan ni Maddison at sinubukan siyang gisingin pero hindi na siya nagrerespond.

"Kanina si Jed. Ngayon si Maddison. Iniisa-isa na tayo aa."- August
"Casie...tulungan mo si Maddison, please."- Mackie
"Sige."- Casie

Kagaya ng kanina...itinapat ni Casie ang kamay niya kay Maddison at sa pag-ilaw nito, inaasahan namin ang paghilom ng sugat at ang pagbabalik ng malay ni Maddison pero...

"Anong nangyayari?" I asked her with confusion.
"Hindi ko alam. Para kasing...ayaw tumalab."- Casie
"What do you mean?"
"Hindi gumagana ang kapangyarihan ko."- Casie
"Pano nangyari yun?"- August
"Hindi ko din alam."- Casie
"Pano na to?"- Renz

Napabalik ang tingin namin kay Guido dahil bigla na lang itong tumawa ng malakas. The heck. He's crazy. Too crazy. - -

"HAHAHAHA. Kaawa-awa nilalang. Hindi na niya magagawa pang gamutin ang sinumang magkakameron ng malalang pinsala sa inyo dahil nagawa ko ng harangan ang kakayahan niyang yun dito sa loob ng Training Ground."- Guido
"Napakasama mo talaga."- Mackie
"Alam ko. So ngayon...patas na ang laban." Lumingon si Guido sa katabi niyang si Empress na nakabawi na ng lakas matapos ang nangyari kanina at hinaplos-haplos ang likod nito habang nakangisi kay Jed. "Empress ikaw na ang bahala sa kanila ha."
"Tssssk."- Jed

Sa pagkakataon na yun...nagsimula na naman ang pag-atake ni Empress sa amin. Dahil hindi pa nababawi ni Jed ang kabuuan niyang lakas, itinabi muna siya nila Mackie kay Maddison na walang paring malay hanggang ngayon.

"Ikaw na Jed ang bahala kay Maddison. Kami na muna ang bahala sa kanila."- Mackie

Pagkatapos ni Mackie na sabihin yun ay mabilis niya kaming tinulungan sa pakikipaglaban kay Empress. To be honest...kahit na lima kami at iisa lang siya, nagagawa niya pa ring pagtibayin ang depensa niya at sa bawat atake, palakas naman ng palakas ang opensa niya.

Ganto ba talaga kalakas ang Dark Side ni Raxelle? Parang walang limitasyon ang lakas na meron siya.

"AAAAAAA." Sheeez. Naramdaman ko ang matinding kirot na gumihit sa tagiliran ko matapos itong tamaan ng espada na hawak ngayon ni Empress. Pinilit kong diinan ang pagkakahawak dito kahit sobrang sakit para maiwasan ang sobrang pagdurugo.
"AAAAAAAAA." Ngayon...si Casie naman ang tinamaan ng atake ni Empress. Kagaya ko, dumurugo na rin ang braso niya na napuruhan sa pag-atake.

Sa paglipas ng oras, dumami na ng dumami ang natamo naming sugat at pinsala sa buong katawan. Miski si August, Renz at Mackie ay puro sugat na rin kagaya namin ni Casie.

"YAAAAAAAAA." Sabay-sabay naming sinugod si Empress pero sa isang tirahan lang...lahat kami tumalsik papalayo sa kanya.

Ilang metro ang layo ng binagsakan namin sa isa't isa. Pakiramdam ko, nabali ang likod ko sa pagkakabagsak ko. Bukod sa hapdi ng mga sugat na natamo namin, ramdam na rin namin ang matinding panghihina dahil sa pagkaubos ng enerhiya namin.

I don't know if we can make it. We're devastated right now. Hindi ko na alam kung saan kami huhugot ng lakas para ituloy ang laban. Nawawalan na ako ng pag-asa. Raxelle is our only hope pero wala siya ngayon at hindi namin alam kung nasaan na siya. Napanghihinaan na talaga ako ng loob. Hindi ko na alam. Ayoko na.

"G-Guys..." Kahit hirap...pinilit kong tingnan si Maddison na katabi ngayon ni Jed at mukhang bumalik na ang malay tao niya.

Paika-ika silang naglakad papalapit sa amin pero hindi pa man nakakalayo bigla na lang umangat sa ere si Jed ilang metro ang taas at mabilis na bumagsak sa lupa.

"HINDIIIIIII." Si J-Jed...

Alam kong nawalan ng malay tao si Jed dahil hindi siya ngayon kumikibo. Gusto ko sana siyang lapitan pero hindi ko magawa. Wala kamibg magawa. Naiinis na ako sa sarili ko dahil napakahina ko. Wala akong magawa para tulungan siya. Para tulungan sila. Naririnig ko na ngayon ang paghikbi ni Casie habang si August at Renz ay parehong napasuntok sa lupa habang nakadapa. Napapikit na lang ako sa mga nakikita ko. Si Jed...si Maddison....tapos kami naman ngayon. Hindi ko na talaga alam.

"Ano na Warrior? Hanggang dito na lang ba?"- Guido

Nanlilisik akong tumingin kay Guido at sa isip ko ay minumura ko na siya.

"Raxelle...Lei...kayo na lang ang pag-asa namin. Pakiusap, bumalik na kayo." Umiiyak na sabi ni Casie habang dahan-dahang tumatayo.
"Huwag na kayong umasa. Wala ng tutulong sa inyo. Hanggang dito na lang kayo."- Guido
"Lei...hindi mo ba talaga kami tutulungan? Hindi mo man lang ba talaga kami tinuring na kaibigan. Kailangang-kailangan ka namin ngayon."- Casie
"Tumigil ka na nga." Muling itinapat ni Guido ang kamay niya kay Casie at sa pagkakataon na yun...muli itong umangat sa ere pero hindi para tumama sa lupa, bato o puno pero para sakalin.
"H-Hindi a-ako m-makahinga." Naalarma ako sa sinabi ni Casie kaya sinubukan kong tumayo pero dahil sa tindi ng tama sa bandang hita at binti ko..ilang ulit akong bumagsak at tumaob pabalik sa lupa.

Ano ba Ro? Tulungan mo si Casie. Tumayo ka jan. Pinilit kong muli ang sarili ko na gawin yun pero walang nangyari dahil para akong baldado sa pagkakataon na ito. Wala na talaga akong magagawa ngayon. Hanggang dito na lang ako. Sana lang...Sana lang may tumulong sa amin dahil hindi na namin kaya.

"C-Casie..."- August
"T-Tulungan natin si Casie."- Renz
"H-Hindi to pwede. C-Casie..." Sinubukan ring tumayo ni Mackie pero di pa man siya nakakalahati ay muli siyang napahiga sa lupa at walang nagawa kundi iumpog ang ulo dito. "Casie..."

Nagbe-blur na ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak. Hindi ko na kaya pang pigilan ang tuluyang pagpapakita ko ng kahinaan. Inaamin ko...natatakot na ako ngayon. Natatakot ako sa nga pwedeng mangyari. Ayokong makita na nahihirapan ang mga kaibigan ko. Ayokong nakikita na unti-unti silang binabawian ng buhay. Hindi ko kaya.

"TAMA NAAAAA." Binalot ang T.G ng napakalakas na sigaw at sa pagharap namin sa pinanggalingan nito, duon namin nakita ang nanlilisik na mga mata ni Lei habang nasa likod siya ni Guido at nakasakal ang mga bisig niya dito. Ilang segundo pa man ay lumabas ang espada niya na gawa sa yelo at itinutok ang napakatulis na dulo nito sa leeg ni Guido. "Tama na. Hindi ko na kaya." Lei...
"Anong ginagawa mo?"- Guido
"Hindi ko na kaya na makita na nahihirapan sila. Hindi ko na kaya pang magpanggap na wala akong pakelam. Tama sila...kailangan nila ako. Hindi ko na matiis na tumunganga na lang habang iniisa-isa mo sila."- Lei
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo Lei. Sinisiguro ko sayo yan." Matapos sabihin yun ni Guido, mas inilapit ni Lei ang espada sa leeg nito at kitang-kita namin ang pag-agos ng namumulang dugo ni Guido dito.
"Nagkakamali ka. Hindi ko pagsisisihan ito dahil ang totoong pinagsisisihan ko ay ang pag-anib sayo. Pinilit kong papaniwalain ang utak ko na kalaban sila kahit na ipinagsisigawan ng puso ko na kaibigan ko sila at hindi ko dapat ginawa ang ginawa ko kanina. Sinubukan kong tiisin ang nasa puso ko pero nung malaman ko na wala kang pakelam kahit na mamatay ako at sila meron...duon ko napagtanto na isang malaking kahibangan ang pagiging kanang kamay mo. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na pinahalagahan mo ako bilang kasama at alagad mo. Ni hindi ko naramdaman na may pakelam ka sa akin. Ginamit mo lang ako. Kailangan mo lang ako dahil may pakinabang ako sayo at kapag nagawa ko na ang lahat ng gusto mo, isasang tabi mo na ako. Pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko para sayo. Pinagsisihan ko na nakilala kita at naging parte ng napakasamang kampon mo. Ngayon...gagawin ko na kung ano ang gusto ng puso ko at yun ay ang lumaban kasama ng mga taong pinahahalagahan ako hindi lang bilang isang kasama kundi bilang kaibigan. Kaya ngayon..." Bahangyang inilayo ni Lei ang espada sa leeg ni Guido at matapos yun... "MAMATAY KA NA..." Nung akma na niyang itutuloy ang pagsaksak sa leeg ni Guido bigla na lang nabasag ang espada niya na gawa sa yelo at mabilis siyang tumalsik papalayo dito. "E-Empress..." Rinig kong sabi ni Lei matapos niyang bumagsak sa lupa malapit sa kinalalagyan ko.

Galit na galit kaming tiningnan ni Guido at walang anu-anong bigla na lang bumigat ang pakiramdam namin na para bang binabalot kami ng matinding magnetism kung saan nagsisilbing magnet ang lupa at ang katawan namin na gustong-gusto ng maglapit. Sinubukan namin itong labanan pero sa pag-ilaw ng mata ni Guido lalo itong tumindi at ngayon...pare-pareho na kaming malapit ng humalik sa lupa.

"Ginagalit nyo talaga ako. Nauubos na ang pasensiya ko sa inyo." Gigil na gigil na sabi ni Guido. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo Lei. PAGSISISIHAN MO."

Out of nowhere...bigla na lang may naglabasang limang magkakaibang sukat at tulis na espada na pumapalibot ngayon kay Guido at nakatutok ito ngayon kay...

"Maddison..."- Casie

Hindi nagawang makakilos ni Maddison sa lupang kinaluluhuran niya dahil maski siya ay natatakot at nagtataka kung bakit sa kanya nakatutok ang lahat ng espada. Sinubukan ko ulit bumangon mula sa pagkakadapa pero mas naging mahirap ito dahil sa magnetism na hanggang ngayon ay nararamdaman namin.

"Ngayon...sisiguraduhin ko na mas matindi pa sa pisikal na sakit ang mararamdaman mo dahil kukunin ko ang pinakamahalagang bagay sa buhay mo."

Hindi...ibig sabihin...huwag...si Maddison...hindi...

"HUWAG...MADDISON...HINDI..."

Hindi ko na nagawa pang tingnan ang mga sumunod na nangyari dahil hind ko kaya na makita na may mapulang likido ang aagos sa lupa at sa katawan ng isa sa amin. Hindi ko kayang makita na may isa sa amin ang mawawala.

"HINDI...LEI..."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang napakalakas na pagsigaw ni Maddison kasunod ang malakas na pag-iyak nito. Ibig sabihin...si Lei...

***

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 1.1K 41
After his planned death. Ace journeyed alone finding a new Master to teach him more about his power. Meanwhile, after his disappearance, the war begu...
299K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
Codename Red By pynkiee

Mystery / Thriller

38.5K 1.3K 34
[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...