She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 14

9.9K 157 16
By ShuperShimmer

Hello, guys! Add niyo ko sa new facebook account ko :) Thankyou.

www.facebook.com/shupershimmer.wattpad (or click the external link) ->

 Chapter 14

Sinakay ko siya sa kotse at dahil ayoko siyang ihatid nang lasing, nag-park muna ako sa isang amusement park tapos lumabas para bumili ng cup noodles sa pinakamalapit na tindahan. Hanggang ngayon kasi, may slight pa amats ni Catacuts! Tulog nga siya eh, nakanganga pa.

Pagbalik ko, nakita kong gising na siya. Tipong nakatungo lang sa harap. Medyo, lasing pa rin tignan tapos nagsalita siya, “Nasan tayo?”

Umupo ako sa loob ng sasakyan tapos inabot sa kanya yung cup noodle na umuusok pa, “Wag mo ng itanong, okay? Ubusin mo ‘to para mawala yang hilo mo.”

Kinuha niya naman yung inabot ko habang tinitignan ang paligid. Tahimik kaming kumakain nun sa loob tapos si Catacuts ang nag-break ng ice.

“Bakit naka-sleeveless ka? Nasaan ang jacket mo?”

Napasama ang tingin ko sa kanya. Syet, di niya ba matandaan na nalagyan ng suka niya yung jacket ko nung yumakap siya kanina?! Buti nga at natulak ko siya agad eh!

“Hinubad ko, mainit e.” yun na lang ang sinagot ko kahit medyo nilalamig naman talaga ako at aircon ang kotse. Ugh.

Napataas ang isang kilay ko nung yumuko si Catacuts para tignan yung damit niya. Hinawakan niya pa nga yung neckline ng uniform niya eh at tinignan kung okay ang butones. Baliw ‘to ah!

“Hoy, hindi kita pinagsamantalahan, okay?!” sabi ko, “Hindi ako ganon kalibog para pagtiyagaan ka.”

Hindi na sumagot si Catacuts tapos tumingin siya sa wristwatch niya, “Shocks! 9:00 na pala!” tumingin siya saken, “Kailangan ko ng umuwi, baka hinahanap na ko!”

“Uuwi kang lasing?” sabi ko, “Di na ko magtataka kung palalayasin ka ng nanay mo.” I smirked.

“Kasalanan mo ‘to eh!”

“KASALANAN KO NA NAMAN!?” Ba’t ba lahat na lang sa’kin niya sinisisi?

“Oo, kung di mo ko niyaya, di sana di ako makakainom… tsk!” nagkamot siya ng buhok niya, tapos dinukot niya ang phone niya, “Naku, nag-missed call na si kuya!”

Nakakabadtrip ‘to ah. Sabing wag iinom e! Sabi ko, sumama lang at mag-enjoy. Nawala lang ako saglit, nilaklak na yung alak! Tapos, kasalanan ko pa din!? Jesus. Wag na siyang dumagdag sa Global Warming, please.

“Hello kuya?” sabi ni Catacuts sa phone tapos halata kong natatatakot siya nung pagtingin niya sakin. Kinakagat niya pa nga yung kuko niya nun eh, yuck.

“Nasaan ako?” napatingin ulit siyas akin na parang di niya alam ang isasagot, “Uhm—“

 

Inagaw ko ang phone. Medyo halata kasing lasing ang pagsasalita ni Catacuts.

“Hello.” Sagot ko.

“Ikaw ba ‘to, Brent?” sabi nung lalake, “Saan mo dinala si Darla? Hinahanap na siya sa bahay, baka may balak kang iuwi ‘yang kapatid ko? Ano’ng oras na oh!”

 

I frustatedly sighed, “First of all, I am not Brent.”

 

“Sino ka?”

 

“Lawrence. Amo ni Catac—Darla dun sa sideline niyang pagtu-tutor. Kasama ko siya, kaya wag kang mag-alala. I’ll take her home, safely.”

 

Tapos pinatay ko na yung tawag at hinagis ang phone kay Catacuts.

“Amo?! Nababaliw ka na ba?! Ang alam nila, babae ang nag-hire sakin. Kainis! Tatanungin na naman ako niyan pag-uwi.” Bugnot na bugnot na yung hitsura niya dahil lang sa sinabi ko.

“Bakit ka ba kasi naglasing?!”

Natigilan siya sa tanong ko tapos kinuha niya na lang ulit ang noodle sa dashboard at kumain, “Si Brent? Tang ina, si Brent ulit? Di ka ba nagsasawa?”

Bumilis yung paghigop niya ng noodles, “Ano? Ba’t di ka makasagot? Kasi tama ako?” I exclaimed, “Naglasing ka dahil sa gagong yun? Ang tanga mo naman.”

Nilapag niya nang malakas ang cup sa dashboard kaya nagulat ako, “Oo na! Gago talaga siya! Niloko nila ako. Pinaniwala. Nagmukha akong tanga!” hiningal siya sa mga pinagsasabi niya, “O ano, masaya ka na?”

“Sinong ‘nila’?” I pretended, though alam ko na ang tinutukoy niya.

Pinatong niya ang siko niya sa may bintana at nilagay ang kamay sa noo. Siguro dahil sa stress?

“Sila ni Denise,” lumingon siya saken, “Yung babaeng kasama ko sa McDo.”

“I see.” Tinabi ko naman yung noodle na di ko pa nauubos, “How did you know?”

“Narinig ko kanina, pero di ko pa nako-confirm.” She sighed, “Pero malakas ang kutob kong matagal na nila akong… pinagmukhang tanga.” Nabigla naman ako nung nagpahid siya ng luha tapos nag-sob.

“Ngayon mo lang nakutuban?” mahinang tanong ko. Di ako sanay sa mga ganitong usapan—ang deep kasi. Hindi ako masyadong exposed sa mga ganitong senaryo na may iiyak mismo sa harap ko tapos bibigyan ko ng payo. Baka kabulastugan ang masabi ko! Kaya nga lahat ng ex ko, brineak ko through phone calls tapos yung isa, sa chat message.

“Ewan ko ba,” napailing siya, habang naluluha-luha pati yung ilong niya may uhog na, “Ang galing nila magtago.”

I slightly nodded, wala akong maisip na isasagot.

“Kaya siguro nakipag-break siya, kasi gusto niya si Denise! Di man lang siya nag-isip!” nakatingin lang ako sa kanya nun, “Kaibigan ko yung tao! Sinira niya yung friendship namin! Di ko kasi matanggap eh… okay pa sana kung di ko kilala yung pinalit niya… pero si Denise pa!”

“Ano ng balak mo?” mahinang tanong ko.

“Balak saan?”

“Kakausapin mo ba silang dalawa? Darla, I can’t see any point kung bakit umiiyak ka dahil nalaman mong pinagpalit ka. You should be happy dahil napakawalan mo ang walang kwentang gaya niya.” Wow, astig ko dun, ha.

She shook her head, “Di ko alam kung kaya kong kausapin si Denise—masama ang loob ko, baka masaktan ko siya.”

“Tanga ka nga,” sarcastic na sabi ko tapos nagsalubong ang kilay niya sakin, “nasaktan ka nga niya nang di mo alam eh, tapos natatakot kang baka masaktan mo siya?” I shook my head, “kung ako sayo, she deserves a slap.”

Natahimik siya pero pinagpatuloy ko yung sinasabi ko, “And that asshole, Brentot, he deserves a gunshot.” I smirked to her.

“Wala akong baril.”

I stressfully shut my eyes for awhile. God! Hindi ko naman mean na barilin niya talaga. Idiomatic expression lang ‘yon! Ano ba naman ‘yan. Gusto ko sana siyang asarin pero ayokong dumagdag sa wrinkles ng noo niya kaya iba na lang sinuggest ko.

“Then, date another guy who’s better than him.” I faced the front, “Yung magpaparealize sa ex mo na wala siyang silbi sa ibabaw ng lupa.”

“Sino’ng idedate ko?” tanong niya. Pati ba naman ‘yun, ako pa magsasuggest? Sumusobra na siya ah.

“Malay,” nagkibit-balikat na lang ako, “Maghanap ka ng rebound. Pang-move on.”

Hindi ko alam kung nagustuhan niya yung sagot ko pero wala akong pakialam dahil kung ako nasa pwesto niya, yun din ang gagawin ko. Later on, nagsabi siya na kailangan niya nang makauwi but I suggested na ako na ang maghahatid—yun kasi ang nabanggit ko sa kuya niya. Syempre, nagtalo na naman kami at dahil ako si Keith Lawrence Legazpi, ako rin ang nanalo sa huli.

DARLA’s POV

Nananahimik lang ako nun habang nakasandal yung mukha ko sa salamin ng bintana sa may passenger’s seat. Inaantok na kasi ako and besides, nag-aalala ako kung anong salubong sakin ng nanay ko pagkauwi ko. Dapat talaga hindi na lang ako naglakas-loob na inumin yung sunrise e, pucha, sobrang nakakahilo.

Well, kahit paano, thankful parin ako na kahit lasing ako kani-kanina, eh si Lawrence ang kasama ko. Nakakatuwa lang dahil kahit inis na inis na siya sakin, ihahatid niya parin ako. Sana naranasan ko man lang yung ganito kay Brent. Tapos kanina… nasuka—shit.

Napatingin ako kay Lawrence na nakasuot na lang ng sleeveless white shirt habang nagda-drive. Napatingin ako sa biceps niya na hindi naman kalakihan pero kapansin-pansin. Hala, nakakahiya!

“Bakit?” tanong niya dahil napansin niya yata ako.

“Nasukahan ko ba ‘yung jacket mo?” nahihiyang tanong ko naman tapos umismid siya, “Hala! Sorry! Sorry talaga! Hindi ko sadya!” sabi ko.

Nagpoker-face naman siya, “Sorry, tss. Kung ramdam mo na kasing masusuka ka, dapat di mo na lang ako niyakap kanina.”

I blushed. Para di niya makita yung pag-init ng pisngi ko, humarap ulit ako sa may salamin, “Lalabhan ko na lang yung jacket mo.”

“No need. Tinapon ko na sa basurahan kanina.”

Ngumiwi na lang ako. Grabe naman, nasukahan lang tapon agad? Para namang may nakakamatay na virus yung suka ko at di na pwedeng suotin! Habang nag-iisip ako, may hinagis siya sakin na spray bottle. Pagtingin ko, breath freshener pala kaya napatingin ako ulit sa kanya.

“Para sa’n ‘to?”

“Mag-spray ka, amoy alak yung hininga mo,” bumuga ako ng hangin sa palad ko at amoy alak nga. Ugh, “Para safe narin sa nanay mo.”

Inispray ko nang mga ilang beses tapos inagaw niya na sakin agad, “Ano ba! Maubos naman ‘yan! Grabe maka-spray,” tinabi niya na yun tapos tahimik ulit kami.

“Mabait ka naman pala eh,” puri ko sa kanya kaya medyo nagulat siya sa sinabi ko.

“Are you still drunk? You’re saying creepy things.” Natawa siya sabay tingin sakin.

“Alam mo, kung ganito ka everyday, kung ganyan ang pakikitungo mo sakin kapag nagkikita tayo sa bahay ng tiyahin mo,” I smiled, “baka magkasundo tayo.”

“Ikaw lang naman ang pasimuno eh. Lahat ng kamalasan mo, sakin ang sisi. Ako lagi may kasalanan!”

“Okay, sorry na po.” Ginaya ko yung tono ni Chicay, “Friends na tayo, ha?” tinaas ko yung right hand ko para makipag-appear tapos nawirduhan na naman siya.

“Korni mo naman.”

“Appear na kasi!”

Inalis niya saglit yung kamay niya sa manibela at nagtouch yung palms namin. Napailing na lang siya dahil sa ginawa ko tapos another seconds of silence na naman. Pero this time, siya naman ang unang nagsalita.

“I have to tell you one thing.” Kinabahan ako syempre.

“Ano?”

“Promise me, na hindi ka magagalit.” He smirked, “nakipag-appear ka kanina, kaya wag mo kong aawayin!”

“Okay.” I nodded cheerfully. Ano ba ‘yun?

“Actually… bago pa kayo naghiwalay ni Brentot… alam ko ng may affair sila nung kaibigan mo.” He hesitated and looked at me.

“Go on.” Seryosong sabi ko.

“Nung nakita ko sila sa mall, akala ko kasama ka nila but I found out na… sila lang dalawa. Hindi ko na siguro kailangang sabihin na magkaholding hands sila, diba? Saka sa actions nila, obvious ng—“

“Stop.” Sabi ko, raising my right hand, “Ba’t di mo sinabi sakin? Eh dati pa pala akong niloloko?”

“We started as enemies.” Sagot niya sakin, “Saka di tayo ganon ka-close para makialam ako sa buhay pag-ibig ninyo.”

“Well, salamat at sinabi mo.” Firm lang na sagot ko at sumandal na lang sa upuan para marelax. Kaya pala napansin ko dati na kumukulo ang dugo niya pagdating kay Brent. Bakit ganun si Denise? She’s my friend, first of all, pero nagawa niya yon sakin? Ba’t di ko man lang na-feel na ginagawa niya na akong tanga? I trusted her. A lot. Tapos, yun lang ang igaganti niya? Ano bang kasalanan ko sa kanya?

Hindi na nagsalita pa si Lawrence about Brent kaya pagdating namin sa Tayuman, tinuro ko na lang ang mga lilikuan niya hanggang sa makarating kami sa bahay.

Sabay kaming napatingin ni Lawrence sa isa’t isa, “Patay.” Sabi ko.

Si Mama kasi, nakapamewang na sa labas ng gate namin at mag-a-alas onse na! Patay talaga ako nito. Tinanggal ko yung seatbelt tapos binitbit yung bag at lumabas. Si Lawrence naman, nag-stay lang sa loob.

“Hi, ma,” sabi ko, “Gising ka pa?”

Mukhang sasabog na ang nanay ko sa galit, “Ba’t ginabi ka?! Ano’ng oras na! San ka galing!?” piningot ako ng nanay ko sa kaliwang tenga. Ugh.

“Aray… a-aray! Ma! Aray! Masakit!”

“Ah, masakit, ha?! San ka galing na bata ka?! Alas onse pa ba ang oras ng uwi ng matinong babae?!” pinipilit kong ilayo yung sarili ko pero lalong masakit kaya nakapikit na lang ako. Shit.

Narinig kong bumukas yung pinto ng sasakyan at nagsalita si Lawrence, “Mrs, wag niyo na siyang pingutin sa tenga. Kasalanan ko po,” napatingin si mama sa kanya, “Kung pwede, bitiwan mo na siya.”

Binitiwan nga ako. Shocks, feeling ko pulang-pula na ang tenga ko at anytime pwedeng malaglag sa lupa!

“Sino ka?” tanong ni Mama, “Ikaw ba yung sumagot sa tawag?!” Humarap yung nanay ko sakin, “Sino ‘tong lalaking ‘to? Boypren mo ba ‘to?!”

“Ma, hindi!”

“Yes.” Singit ni Lawrence.

“Boypren ka ni Darla?” sagot agad ni Mama. What!

“No.”

“Ano ba talaga!?”

“I mean, yes, ako yung sumagot sa tawag kanina. No, I’m not her boyfriend. I’m Lawrence, pinsan ng tinuturuan ni Cat—Darla sa bahay. Ihahatid ko sana siya kanina kaso nasira yung gulong ng kotse ko kaya nag-stay pa kami ng ilang oras sa pagawaan.” Paliwanag niya, “We’re sorry.”

Halatang labas sa ilong yung sorry niya pero elibs ako sa reason niya, ah. Pwede na! Lusot!

“Ba’t di ka man lang nagtext!?” tanong sakin ni Mama.

“Zero balance na ‘ko.” Sagot ko.

At dahil sa kahihiyang natamo ko at mas nakakahiya dahil si Lawrence pa ang nakakitang piningot ako—ugh, di ko matanggap—hinigit ko na yung braso ni Mama.

“Ma, sige na, pasok ka na sa loob, ako na magsasara ng gate,” hinila ko siya tapos pumasok na siya kaya ako ang naiwan sa labas.

I blushed out of shame, sabay kamot sa tenga ko, “Uhm, sorry sa nangyari.”

Hinawi ni Lawrence yung buhok ko saka hinawakan yung kaliwang tenga ko, tapos parang tumayo ang balahibo ko—dahil siguro sa lamig ng hangin, “Naaawa ako…”

Nung nakuryente na ko, saka ko inalis yung kamay niya, “Ano ka ba! Wag kang maawa sakin, ganun talaga nanay ko pag galit, pinipingot ako.” I shyly smiled.

He poked my forehead, “Baliw, hindi ako sayo naaawa. Sa tenga mo.”

Inismiran ko lang siya tapos narinig kong sumigaw yung nanay ko na pumasok na raw ako sa loob kaya pareho kaming natawa ni Lawrence.

“Sige na, pumasok ka na sa loob.” Sabi niya.

Tumango naman ako, “Salamat ulit, ingat ka sa pag-uwi.”

“Good night.”

“Good night.”

Nagsabihan na kami ng goodnights pero magkaharap pa rin kami na parang di namin alam kung sino ang dapat mauna. Papasok ba muna ako sa loob o hihintayin ko siyang makasakay? Ang labo!

Natawa na naman kami dahil parang may dumaang anghel sa sobrang awkward.

“Good night.” Sabay na sinabi naming pareho tapos nung makita kong nag-lean forward siya—I don’t know. Para siguro sa beso?—nagkusa na rin ako tumingkayad nang konti.

Kaya lang, sa maling side ko naiharap yung pisngi ko. Dapat sa right side ako haharap para sa beso pero nagaya ko siya na humarap sa left. We laughed quietly. Di ko na dapat ipupush yung beso kaya lang siya na mismo ang nag-lean at naramdaman ko yung labi niya sa may pisngi ko.His soft and tender lips.

Tae! Sa pagkakaalam ko, ang beso ay cheek to cheek! Hindi lips to cheek!!!

Di ko alam kung napansin niya pero ramdam kong namumula ako. Jesus. Pagharap niya ulit, ngumiti lang siya tapos nadistract na naman kami.

“DARLA ANO BA! DYAN KITA PATUTULUGIN SA LABAS! INAANTOK NA KO!” sigaw ni Mama sa bintana kaya nataranta ako at pumasok sa loob sabay sara ng gate. Pagtingin ko kay Lawrence, pasakay na siya sa loob ng kotse kaya kumaway ako sakay nagtatakbo paakyat.

Tapos, nakahawak yung isang kamay ko—hindisa tenga—kundi sa pisngi.

                                              

Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.1K 96
•Not edited so expect Typo and Grammatical errors ahead• Ang bawat tao ay mga kaniya-kaniyang kwento. Malungkot. Masaya. At masasabi kong minsan ang...
512K 13.2K 44
Cailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving...
6.5K 1K 37
"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.
1.7M 39K 55
'I gave you everything including my heart and soul. Now it's my turn to take everything from you. Everything. And that includes yourself, you made me...