Zombie Hunter: The Safest Pla...

Od percilondiary

700K 25.6K 2K

EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how... Viac

Note (注意)
∆PROLOGUE∆
Zombie 1
Zombie 2
Zombie 3
Zombie 4
Zombie 5
Zombie 5 Part 2
Zombie 6
Zombie 7
Zombie 8
Zombie 9
Zombie 10
Zombie 10 Part 2
Zombie 11
Zombie 12
Zombie 12 part 2
Zombie 12 part 3
Zombie 13
Zombie 13 part 2
Zombie 14
Zombie 14 part 2
Zombie 15
Zombie 15 part 2
Zombie 16
Zombie 17
Zombie 18
Zombie 18 part 2
Zombie 18 part 3
Zombie 19
Zombie 20
Zombie 20 part 2
Zombie 21
NOTE (注意)
Zombie 22
Zombie 22 part 2
Zombie 23
Zombie 24
Zombie 25
Zombie 26
Zombie 27
Zombie 28
Zombie 29
Zombie 30
Zombie 31
Zombie 32
Zombie 33
Zombie 34
Zombie 35
Zombie 35 part two
CHARACTERS ( キャラクター)
Zombie 36
Zombie 38
Zombie 38 part 2
Zombie 39
Zombie 40
Zombie 41
Zombie 41 part 2
Zombie 42
Zombie 43
Zombie 44
Zombie 45
Zombie 46
Zombie 47
Zombie 48
Zombie 49
∆EPILOGUE∆
Special Zombie
New story

Zombie 37

6.9K 282 24
Od percilondiary

Zombie 37: Lost

Megan's POV

One month and 2 weeks na ang nakakalipas. Bulong ng isip ko habang nakatingin sa kalendaryo. Tinanggal ko yung takip ng red pentelpen at inekis kung ano yung araw ngayon. Nag buntong hininga ako at umupo sa lumang swivel chair.

Damn. I miss him so much.

God knows na ginawa ko ang lahat para lang makauwi para lang makita sya. Pero parang minamalas yata ako dahil nasa gitna kami ng syudad ng danger zone. Hindi na din ako makatulog ng ilang araw ng dahil sa nangyari kay kuya.

Flashback

"Mag ingat kayo sa byahe, anak"  naka ngiting sambit ni tito at niyakap kaming dalawa ni kuya.

"Ikaw rin dad. Una na po kami heneral Crisostomo"  magalang na sabi ni kuya kay heneral Crisostomo. Habang ako naman ay malumanay na tumango.

"Paalam. Mauna na kami!" sigaw ni kuya habang kumakaway kela Tito at Heneral Crisostomo na kumakaway din sa amin. Sumakay na kami sa truck ng mga sundalo. Hindi sya yung as in na truck. Yung malaking sasakyan ng mga sundalo ang tinutukoy ko.

Nang makasakay na kami ay agad kong narinig ang pag bukas ng makina ng sasakyan.

"Excited ka na bang makita sya, bunso?" naka ngiting tanong ni kuya. Napaismid ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"What are you talking about?" malamig kong tanong kahit ang totoo ay alam ko kung sino yung tinutukoy nya. Narinig kong tumawa sya ng nakaka asar kaya hindi ko maiwasang mahiya. Damn! bakit ba ako nagiging ganito?

"Don't deny​ it bunso. Halata naman sa itsura mo na miss na miss mo sya" sabi nya habang humahagikhik.

"Shut the f-ck up, kuya" iritado ko'ng sambit. Tumigil sya sa kakatawa at naging seryoso. Ok?

"Pero bunso, kung mahal mo sya wag mong pigilan. Pero kapag niloko at sinaktan ka nya sabihin mo lang sa akin at babaliin ko yung buto nun" sabi nya at nag acting pa na parang may hawak at binabali yun.

"Tsk" hindi nalang ako nag salita at natulog nalang. Mahaba pa naman ang byahe kaya matutulog muna ako.

* * *

"Hmmm..." naalimpungatan ako nu'ng may maranig akong putok galing sa baril. What's that noice come from?

"Shit! Bunso, wake up! Bunso!" rinig kong sigaw ni kuya at tinapik tapik pa yung pisngi ko. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at nakita ko syang madungis ang mukha at hinihingal pa. Anong nangyari sakanya at ang dungis ng mukha nya?

Ibubuka ko na dapat yung bibig ko para tanungin sya ng inunahan nya ako.

"Alam ko'ng nagtataka ka kung bakit ganito yung itsura ko pero mamaya mo muna ako tanungin! Kailangan na natin makatakas dito!" kinakabahan nyang sigaw at hinila yung kamay ko. Napakunot yung noo ko ng mapansin kong wala yung mga sundalo. Nasan na yung mga yun?

"Mamaya ka na mag tanong! Lintek, delikado tayo ngayon!!" sigaw nya at muli akong hinila papalabas ng sasakyan. At nanlaki yung mga mata ko nung bumungad sa akin yung mga sundalo na kasama lang namin kanina. Naka handusay sila sa gitna ng kalsada at wala ng buhay.

"Shit!" napamura ako at napadapa kami sa lupa nung may kung anong nag paputok ng baril papunta sa direksyon namin. Naningkit yung mga mata ko para makita ng mabuti yung mga taong bumabaril sa amin.

Nasa di kalayuan lang sila at ang masasabi ko lang ay sobrang dami nila. Hindi ko sila mabilang dahil naka kalat sila. Hindi ko makita yung mga mukha nila dahil naka takip yung mukha nila na itim. Naka pang soldier outfit sila pero yung kulay non ay puro itim.

Habang bumabaril si kuya ay gumapang ako papunta sa sundalong patay na. Kinuha ko yung baril non at gumapang uli papunta naman sa gilid ng kotse. Huminga ako ng malalim at kinasa yung baril.

Tumayo ako at nag simula ng barilin yung mga armadong sundalo. Habang bumabaril ako ay tumatakbo ako ng mabilis para mailagan yung mga balang papunta sa akin.

Nang mapansin kong paubos na yung bala ng baril ko ay nag tago ako sa likod ng sasakyan. Nilibot ko yung paningin ko sa paligid para maka hanap ng panibagong baril. Napa dako yung tingin ko sa armadong sundalo na busy-ing bumabaril.

Dahan-dahan akong lumapit sa likod nya. Mukhang nararamdaman nya na may taong nasa likod nya kaya bago nya ako lingunin ay hinawakan ko yung leeg nya at pinilipit para mabali ang buto. Kinuha ko yung baril nya at kinasa yun.

Tumungtong ako sa kotse at nag simula ulit pag barilin yung mga armadong sundalo. Napa ngisi ako nung may mag pop-out sa utak ko na plano. Agad akong bumaba sa sasakyan at lumapit kay kuya.

"Kuya back-apan mo ako" seryoso kong sabi habang patuloy sa pag babaril. Nang tumango sya ay tumalikod na ako sakanya at nag lakad ng mabilis papunta sa direksyon ng mga armadong sundalo.

Medyo nakaka lapit na ako sa mga armado kaya binaril ko yung malaking sasakyan na malapit lang sa kanila. Nung makita kong may lumabas na gaas doon ay yun naman ang binaril ko hanggang sa may mabuong apoy at nag lakad papunta sa sasakyan.

Agad kong nilingon si kuya at hinila papalayo doon. Hindi pa kami nakakalayo ng malakas yung sumabog kaya napa dapa kami sa lupa.

Umuubo-ubo ako habang inaaninag yung paligid. Hindi ko makita dahil mausok yung paligid.

"Kuya tumayo ka na" umuubo kong sabi at tinulungan si kuya na makatayo. Kailangan na naming makaalis dahil nasa di kalayuan yung mga zombies na papalapit sa amin. Nang makatayo na si kuya ay agad kaming tumakbo kahit na nanghihina yung mga katawan namin ng dahil sa pag sabog ng sasakyan.

* * *

*Bang*

*Bang*

*Bang*

Mahina akong napa mura nung naubusan ako ng bala. Binato ko yung baril at tumingin kay kuya. Mukhang mauubusan na rin sya ng bala.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga zombie na papasugod sa amin ni kuya. Kailangan naming makatakas dito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa mga zombie. Narinig kong tinawag pa ako ni kuya pero hindi ko na iyon pinansin.

Nang makalapit na ako sa isang zombie ay mabilis kong hinatak yung braso nya at binali. Mabilis kong tinadyakan yung sikmura ng zombie-ing papalapit dapat sa akin. Nang makalayo iyon ay binalik ko yung tingin ko sa zombie na binalian ko ng buto. Gamit ng isa kong kamay ay humugot ako ng isang dagger na nakasabit sa bewang ko at sinaksak yung zombie sa ulo.

Nang matumba yung zombie ay may panibagong zombie na papalapit na akin. Umilag-ilag pa ako sa mga galamay nila dahil baka nakalmot nila yung balat ko. Sinuntok ko ng malakas yung isa kaya napalayo iyon. Yung isa naman ay pinilipit ko yung leeg.

Habang nakikipag-patayan ako sa mga zombie ng marinig ko yung malakas na daing ni kuya. Nang pag lingon ko kay kuya ay laking gulat ko ng makita ko syang nakagat ng zombie sa braso. Bago ako lumapit kay kuya ay binalian ko ng leeg yung zombie na hawak-hawak ko.

Mabilis akong lumapit sa kanya para maalalayan.

"Kuya!" kinakabahan kong sigaw habang hawak-hawak sya sa braso. Mukhang nahihirapan syang tumayo kaya dahan-dahan ko syang pinaupo sa gilid ng kalsada. Mabuti nalang at naubos ko na yung mga zombies na nasa paligid.

"B-bunso" nanghihina nyang tawag sa akin na ikanapanlumo ng katawan ko.

Nakikita ko yung araw kung kelan namatay si kuya Derrick kay kuya C. Nakaramdam ako ng kaba habang nakatingin kay kuya na nag hihingalo na. No. No. No!

"Kuya kumapit ka lang. Wag na wag mo kong iwan!" inis kong sabi habang umiiyak. Hindi nya ako pwedeng iwan tulad ng ginawa ng kuya ko. Hindi ko na alam kung ano mangyayari sa akin kapag nawala sya sa buhay ko.

"Halika na kuya. H-humanap tayo ng matataguan natin" nanginginig kong sabi at inaalalayan syang makatayo.

"Kumapit ka lang, kuya. Parang awa mo, kumapit ka lang sa akin" naiiyak kong sabi habang nag mamadali kaming nag lalakad sa gitna ng kalsada.

Hindi naman nag salita si kuya at puro daing lang ang naririnig ko mula sa bibig nya na para bang nasasaktan sya.

Medyo nahirapan akong alalayan si kuya dahil ang bigat nya isama mo pa doon yung armas na ginagamit kong pang baril kay sa mga zombies na lumalapit sa amin.

Natigilan ako sa pag baril nung napa luhod si kuya sa gilid ko at nanghihinang nag suka ng dugo. Para akong tinamaan ng kidlat dahil sa sobrang daming dugong nasusuka ni kuya. Ang putla na nya lalo na yung buong mukha nya.

“I..i can't take it..” nahihirapan nyang sabi sabay sumuka muli. Kulang nalang ay maisuka na nya yung mga lamang loob nya sa katawan.

Umiling ako ng mariin at hinawakan yung braso nya para makatayo.

“No! Lumaban ka, Kuya. Palakasin mo yung loob mo para sa akin”

Habang inaalalayan ko'ng makalakad si kuya ay kinuha ko yung hawak nyang baril at pinagbabaril yung mga zombie na humahabol sa amin.

Bigla akong napahinto sa pag lalakad ng may makita akong matandang lalaki na nasa pintuan ng drugs store at nag aalalang naka tingin sa amin.

"Dito! Dito kayo mag tago!" sigaw nya. Agad naman akong lumapit sa kanya habang naka kapit pa rin sa akin si kuya.

"Pumasok na kayo" nag mamadali nyang sabi habang panaka naka ng tingin sa palagid. Hindi naman ako nag salita at pumasok na sa loob. Nang pag kapasok namin sa loob ng drugs store ay napa dako yung tingin ko sa pader na may kung anong naka sulat na numero at letra. Para syang mga formula. Meron namang malaking mapa na naka dikit sa kabilang pader.

Naputol yung tingin ko doon ng marinig ko na naman yung daing ni kuya. Kanina mahina lang pero ngayon mas lalong lumalakas na.

"W-wag kang pumikit kuya. Please, kuya. Please" nag mamakaawa kong saad at pinahiga sya sa malamig na semento. Nanginginig yung kamay kong humaplos sa maputlang  pisngi ni kuya. May lumalabas na mga ugat sa leeg nya at umabot na yun sa pisngi nya. Marami na ding lumalabas na dugo sa braso nya.

Hindi ko maiiwasang maiiyak lalo nung makita ko yung luhang lumabas galing sa sulok ng mata nya. May kung ano syang sinasabi pero hindi ko maiintindihan. Pero iisa lang ang naintindihan ko at sobrang sakit na marinig yun.

"Pa.....ta...warin mo ako, bunso" kasabay na nun ng dahan dahan nyang pag pikit.

"Hindi!" sigaw ko habang humahagulgol na niyakap yung katawan ni kuya.

No! This is impossible! This can't be true. Mababakil ako pag nawala si kuya!

Pilit kong niyuyogyog yung katawan ni kuya at nag babakasakaling dumilat yung mga mata nya. Pero nabigo ako nung hindi ko na muli nakita yung kulay asul nyang mata.

Humagulgol ako at umiling ng paulit ulit na nakapikit dahil hindi ko matanggap na nawala na si kuya sa buhay ko. Bakit kailangan mangyari pa ito?!

"Ako na ang bahala sa kanya" napahinto ako sa pag iyak ng marinig ko yung boses ng matandang lalaki. Kumunot yung noo ko ng makita kong may hawak syang injection. Matalim ko'ng tiningnan yung matandang lalaki.

"Anong gagawin mo sa kuya ko?" galit kong tanong sa kanya. Nag buntong hininga yung lalaki at seryoso akong tinignan.

"Look hija, hindi ako masamang tao. I'm just helping you, especially your kuya. Kung gusto mo pang mabuhay yung kuya mo pwes wag mo kong pigilan na gawin ko ito sa kuya mo" saad nya. Hindi na ako naka palag dahil agad nyang tinusok yung injection sa balat ni kuya.

Tahimik akong nanalangin sa taas habang hawak-hawak ko yung isang kamay ni kuya. Sana wag nya akong iwan. Please.

"Ok na sya" naka ngiting sabi ng matandang lalaki at tumayo. O-ok na sya? Ibig bang sabihin nun magaling na sya? Hindi na sya infected?

"Ako nga pala si Arnold Dela Vega, isang secret agent slash scientist" pag papakilala nya. Natulala ako sa sinabi nya. Isa syang scientist?

"Nice meeting you.... Megan Stainsfield" nanlaki yung mga mata ko at napa tayo ng dahil sa pag ka gulat. Paano nya nalaman yung pangalan ko?

Saglit akong napatingin kay kuya at hindi ko maiwasang maging masaya dahil nawawala na yung mga ugat na nasa mukha at leeg nya.

Buhay sya!

Muli kong binalik yung tingin sa Arnold na relax na nakaupo sa upuan.

"Kamukhang kamukha mo talaga ang ama mo, Megan" naka ngiti nyang sabi. Bago pa ako mag tanong ay inunahan nya ako.

"Ako ang matalik na kaibigan ng magulang mo. Simula palang nung maging chief  ang magulang mo ay kaibigan ko na sila. Pero nung namatay na sila ay  na nung kamatayan yung buhay ko"


Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

28.5K 1.4K 52
Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you rea...
10.1K 440 52
For once, we all thought that life was given to us because of one reason, to reproduce. We reproduce. Almost all country has millions of people and i...
30.7K 1K 72
Hidden behind those blank and mysterious mask. Known in her name Zero. A mysterious and dangerous person to be played with. Knowing her secret, is...
5.3K 591 32
Disinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thoug...