Crush at First Sight ✔️ (Publ...

By Everjoy_Condes

9.4M 190K 6.2K

(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores... More

Thank You! #TYMARAnatics ;)
Available na ang CAFS nationwide! ❤️
Prologue
Chapter 1: Morning
Chapter 2: Mall
Chapter 3: Birthday Party
Chapter 4: Birthday Party o.2
Chapter 5: Say WHAT?
Chapter 6: Mr. MVP
Chapter 7: si Crush <3
Chapter 8: Shocking na doll
Chapter 9: Finally <3
Chapter 10: Amara 2.0
Chapter 11: Stalking her
Chapter 12: Cafeteria
Chapter 13: Girls Night Out
Chapter 14: GNO part 2
Chapter 15: Argue
Chapter 16: Code Bro
Author's Note ❤️
Chapter 17: all about TYRON
Chapter 18: TYRON again
Chapter 19: becca
Chapter 20: Peace Offering?
Chapter 21: Kidnap!
Chapter 22: Amara's Secret
Chapter 23: Getting to know you with a bang
Chapter 24: I hate you but I LOVE YOU <3
⚜Crush at First Sight - Cast⚜
Chapter 25: officially it is ! <3
Chapter 26: first month ! <3
Chapter 27: First Time
Chapter 28: the Surprise Plan
Chapter 29: Meet the Anderson's
Chapter 30: Mr. Possessive
Chapter 31: Beach Time
Chapter 32: bonFIRE
Chapter 33: The Rival
Chapter 34: Heartaches <\3
Chapter 35: I love you, Goodbye <\3
Chapter 36: Regrets?
Chapter 37: The part where the end start?
Chapter 38: The Past
Chapter 39: It's all about trust
It's all about Facebook! ❤️
Chapter 40: Jealous
Chapter 41: Another Chance
Chapter 42: back in each others arms
Chapter 43: The Promise
Chapter 44: The Warning Signs
Chapter 45: Good and Bad
Chapter 46: Mistrust
Chapter 47: His Fault
Chapter 48: No more "#TYMARA"
Chapter 50: Bagong Yugto
Chapter 51: Reunion
Chapter 52: Pursuing her
Chapter 53: Flesh and Blood
Chapter 54: Ghost from the past
Chapter 55: Dread
Chapter 56: The Secret Proposal
Chapter 57: Forgiveness
Chapter 58: Blessing
Chapter 59: perks of being preggy
Chapter 60: Family
Chapter 61: The Big Day
Chapter 62: Epilogue
TYMARA Book 2 (Sequel) Completed
Montenegro Naked Series ❤️
NAIVE SERIES ❤️
About "Crush at First Sight"
Book Giveaway ❤️

Chapter 49: Beginning Today

92K 1.8K 49
By Everjoy_Condes

Chapter 49

Lumipas ang mga buwan at tuluyan nang iniwasan ni Amara si Tyron. Patuloy pa rin ito sa pagsuyo sa kanya, ngunit hindi na niya talaga kayang patawarin ang binata.

Sa dinami-dami ng lalaking kanyang nakarelasyon, kay Tyron lang niya ibinigay ang buong pagkatao, puso at pati na ang kanyang kaluluwa.

Kaya't ganoon na lang ang naging galit n'ya rito nang hindi siya pakinggan ng binata sa kanyang mga paliwanag at pinaratangan ng mga bagay na walang batayan.

Nagdesisyon na si Amata na sa Amerika ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis, mas maigi na rin iyon para makaiwas siya sa stress at sa mga bulong-bulungan tungkol sa kanyang pagdadalang tao.

Ngayon na ang araw ng pag-alis ni Amara. Hindi na n'ya tinapos ang kanyang pag-aaral dahil masyadong maselan ang ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis.

AIRPORT:

"So pano girls alis na 'ko." nakangiting sambit niya sa kanyang mga kaibigan.

"Ano ba 'yan bakla naiiyak ako! Masisira 'yung muk-ap ko! Kaimbyerna!" maarteng wika ni Jefra ngunit ang totoo ay nalulungkot ito sa pag-alis ng dalaga.

"Ang arte mo talaga Jefra, hindi ka naman maganda!" natatawang sabi ni Bianca para pagaanin ang sitwasyon.

"Letsugas ka Bianx ahh! Namumuro ka na sa akin!" naiinis na anas ni Jefra sa dalaga.

"Hoy tumigil na nga kayong dalawa, agaw eksena naman kayo eh." bulyaw ni Cindy sa dalawa para patahimikin na ang mga ito.

"Sorry naman bakla, nacarried away lang ang beauty ko." saka winagayway ni Jefra ang kanyang buhok kahit maikli pa ito.

"Paano bes, hanggang dito na lang tayo ingatan mo ang sarili mo ha? Kayo ng magiging inaanak namin." sabay yakap ni Cindy kay Amara na sobrang higpit.

"Oo naman bes, basta Facegram tayo palagi." naluluhang sambit ni Amara saka ngumiti ng alanganin.

"Bye bakla," beso ni Jefra. "Ingat ka doon ahh, kamusta mo kami kay Tita at kay Tito."

"Thank you bakla," balik beso n'ya dito. "Keep in touch tayo sa facegram okay?"

"Bye girl," yakap naman ni Bianca rito. "Mamimiss ka namin."

"Mas mamimiss ko kayo girls, Mamimiss ko 'yung mga bonding natin," naluluhang sambit ni Amara. "Basta palagi n'yo akong babalitaan sa mga ganap n'yo sa life ha?"

"Haaaaayyyy.. Naiiyak na'ko mga bakla ! Group hug." wika ni Jefra at iminustra ang kanyang mga braso para yakapin ang kanyang mga kaibigan.

Nag-iyakan ang magkakaibigan, dahil sa loob ng apat na taon ngayon lamang may mawawalay sa kanilang apat.

Simula kasi nang nabuo ang kanilang friendship, halos hindi na mapaghiwalay ang mga ito kaya't ganoon na lang sila naging emosyonal.

"Oh s'ya girls alis na ko, palagi n'yo ko vivideo call, update n'yo ko sa mga happenings n'yo sa life okiedokie?" wika ni Amara sabay pahid ng kanyang luha.

Tumango na lang ang kanyang mga kaibigan at tinanaw si Amara na papasok na sa loob ng departure area.

Bago tuluyang pumasok sa loob ang dalaga, muli n'yang nilingon ang kanyang mga kaibigan at kumaway sa mga ito tanda ng kanyang huling pamamaalam.

Agad namang kumaway pabalik sina Cindy, Bianca at ang todong iyak na si Jefra sa kanilang matalik na kaibigan.

Hanggang sa nakapasok na si Amara sa loob ng departure area.

Habang naghihintay sa boarding ng kanyang flight, hinaplos nang dalaga ang kanyang sinapupunan at kinausap ito.

"Anak sorry kung kailangan muna kitang itago sa Daddy mo ha? Hindi pa kasi ready si Naynay na kausapin s'ya. Gustuhin ko man baka magulo lang ang lahat. Pangako anak pag perfect na ang timing makikilala mo rin ang Daddy mo." naluluhang sambit ni Amara sa kanyang munting anghel.

Nang marinig ni Amara ang tawag ng kanyang biyahe, ay mabilis nitong tinungo ang eroplano para sa paglipad patungong Amerika.

Photo CTTO




TYRON's POV:

Bakit bigla akong kinabahan? Haaaayyyy...

It's been a long time since Amara and I never talked to each other, gustong-gusto ko s'yang kausapin but she keeps avoiding me.

I admit, I still loved her. I made a terrible mistake, mistake that I did not listen to her explanation. Then I even f*cking accused her without any basis.

I should not believe Jake at the first place, he might just disparage our relationship kaya n'ya sinabi sa akin 'yun.

Argh! That f*cking bastard! His the reason why my relationship is been totally damage. I will kill that f*cktard!

While I'm scrolling my facegram newsfeed I saw amara's posted something.

Amara Grace Gomez post: 2 hours ago

Kasabay ng aking pag-alis ay ang paglimot sa nakaraan. Goodbye Pinas!

Photo CTTO



I got nervous when I read her posted. Is she leaving? I hurriedly took my car key and went out of my pad to go to Amara's place.

Third Person's POV:

Nakarating si Tyron sa building ng condo unit ni Amara at agad tinungo ang elevator. Nang bumukas ang lift ay dali-dali n'yang tinungo ang unit ng dalaga at sunod-sunod na nagdoorbell.

Walang sumasagot sa loob kaya't napaupo siya sa sahig habang umiiyak.

Nasa ganoong sitwasyon si Tyron nang biglang bumukas ang pinto. Agad naman siyang napalingon dito at nakita niya si Nana Perla.

"Ohh dodong gabi na bakit..." hindi na natapos ni Nana ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Tyron.

"Nana, nasaan po si Amara?" umiiyak na usal ng binata rito.

"Ay dodong wala na si Gracia, umalis na kaninang hapon papuntang Amerika." mabilis na sagot naman ng matanda sa binata.

Agad namang nagbagsakan ang mga luha ni Tyron sa kanyang narinig.

"Pasok ka muna nang mabigyan kita ng maiinom." alok ni Nana Perla sa nanlulumong si Tyron.

Walang ganang tumalikod si Tyron dito at naglakad patungo sa elevator.

Sumakay s'ya sa kanyang kotse at pinagsusuntok ang manibela nito sa sobrang pagsisisi.

TYRON's POV:

D*mn! Bakit mo ko iniwan babe, mahal na mahal kita, why did you left me, why?!

Amara... Bakit mo ko iniwan? Bumalik ka na sa'kin please, kulang ako kapag wala ka babe! Hindi ko na alam kung makakaya ko pang mag-isa at hindi ka kasama.

Mas maigi na 'yung hindi mo ako kinakausap pero palagi naman kitang nakikita, atleast 'yon kahit sa tingin man lang maramdaman mong mahal kita.

Pero ganoon nga siguro kakumplikado ang lahat, hindi mo na ko kayang mahalin katulad ng dati. Nawala na ang pagmamahal na pinangako natin sa isa't-isa.

Kaya Simula sa araw na 'to sisimulan na kitang kalimutan masakit pero kakayanin ko.

Simula sa araw na 'to pipilitin kong ibaon sa limot lahat ng ala-alang nagpapa-alala sayo.

Simula sa araw na 'to unti-unti kong kakalimutan ang pagmamahal ko sa'yo Amara.

Isinubsob ko ang aking mukha sa manibela habang iniisip ang mga ala-ala namin ni Amara na dapat ko nang kalimutan.


*****

Awww-- 😢😢😢

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Continue Reading

You'll Also Like

392K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
18.7M 203K 70
You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be your husband. Wow, what a life! © iheartc...
25.8K 536 35
Can you still pretend that you're okay, but you're not? Can you still pretend that you have forgotten you're past, when you're not? (Kathniel po ito)
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...