Somebody To Call Mine (Comple...

By ohrenren

2.5M 41.4K 1.4K

{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva. More

Somebody To Call Mine
Prelude
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
KABANATA XLIV
KABANATA XLV
KABANATA XLVI
KABANATA XLVII
KABANATA XLVIII
KABANATA XLIX
KABANATA L
KABANATA LI
KABANATA LII
KABANATA LIII
KABANATA LIV
KABANATA LV
KABANATA LVI
KABANATA LVII
KABANATA LVIII
KABANATA LIX
KABANATA LX
KABANATA LXI
KABANATA LXII
KABANATA LXIII
KABANATA LXIV
KABANATA LXV
KABANATA LXVI
KABANATA LXVII
KABANATA LXVIII
KABANATA LIX
Epilogue: Forgive and Forget (Part 1)
Epilogue: Somebody To Call Mine (Finale)
Author's Note
Special Chapter

KABANATA XIII

33K 596 23
By ohrenren

Warning: Don't kill me after this update >_<. Maikli lang to :)

Read.Vote.Comment

Kabanata XIII: Maling Akala.

Nanlaki ang mata ko ng bigla akong halikan ni Chrome. SH!T anong ginagawa niya? Nagpumiglas ako pero inilagay nito ang kamay sa likod ng ulo ko at idiniin ang sariling labi sakin. His eyes are closed and I can taste the alcohol in his mouth.

Hindi ko na alam kung saan ako nalalasing, sa halik ba niyang ibinigay niya sakin sa unang pagkakataon o sa alak na nalalasahan ko mula sakanyang bibig. Napapikit ako ng kagatin niya ang labi ko. Chrome what are you doing to me?

Ganito ba katindi ang nararamdaman mo para gamitin ako sa pagpawi ng sakit na binigay niya? Habang nakapikit ako ay tumigil na ko sa pagpupumiglas, nasa parking lot pa rin kami at hindi pa ko nakakabawi sa mukha ni Ken kanina ay agad akong sinunggaban ni Chrome.

Nagpaubaya na ako, siguro kung ito ang makakapawi sa nararamdaman niyang sakit ay ibibigay ko ng buong-buo. Ganun ko yata kamahal ang lalaking ito na kahit ang lalaking nagmamahal sakin ay nagawa ko lang panuorinng lumayo para sakanya.

Kumawala ang isang hikbi mula sakin ng pakawalan ni Chrome ang labi ko. I tried to suppress it pero pilit talagang umalingawngaw ang tahimik na iyak, "Sh!t sorry sorry Mandy D-amn sorry." Paulit-ulit siyang nagmura. Hindi pa rin ako dumidilat dahil ayaw kong makita ang mukha niyang pinagsisihan ang ginawa niya sakin.

Ramdam ko ang pagpahid niya ng mga luha sa pisngi ko. Ni hindi ko alam na may dumadaloy na palang luha mula sa mga mata ko. "Open your eyes Mandy, Please open it." Sinunod ko siya at bumungad sakin ang namumula rin niyang mga mata.

"Sorry I didn't mean to kiss you. Hindi ko sinasadya Mandy." Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang punasan ba ang luha niya o ang luhang tumatagas mula sa aking mga mata.

Hindi ako nagsalita. I'm at lost for words to describe what I'm feeling right now. Diba dapat masaya ako? Dapat naglulundag na ako sa tuwa dahil matapos ang mahabang panahon ay nagawa akong halikan ni Chrome, ang nag-iisang lalaki na kinabaliwan ko sa loob ng mahabang panahon.

Yumuko ako, ano bang gagawin ko ngayon? Paniguradong galit sakin ngayon si Ken. Matapos niya akong ipakilala sa mga magulang niya at sabihan ng nararamdaman niya eto ako at pinili si Chrome na wala ng ginawa sa akin kung hindi ang paasahin at saktan ang puso ko.

Wala ng umimik ulit samin, nagpunas ako ng luha at pilit ng bumaba ng truck niya. "U-umuwi ka na C-Chrome. M-mag-iingat ka. H'wag kang mag-alala b-babalik si Chantal m-mahal ka niya." At bago pa tuluyang kumawala ang second batch ng luha ko ay nagtatakbo na ko pabalik sa condo.

Pagpasok ko ng elevator ay hindi ko na nagawang pindutin ang close button dahil napahagulgol ako sa isang sulok at niyakap ang sarili. Feeling ko napakamiserable ng gabing ito. He kissed me not because he love me but becauseh he wants to forget her. Then Ken saw us together and I know his possessive side took over.

Naramdaman ko ang pagpasok ng isang lalaki sa elevator base na rin sa pabangong gamit nito. Pinakalma ko ang aking sarili. Nakakahiya baka akalain nung lalaki ay napapano na ako pero ng maalala ko ang nangyari nawala na naman ang control ko sa sarili.

Nang bumukas ang pintuan ay kaagad akong tumayo. Mabuwal-buwal pa ko dahil sa nangangatog na tuhod ko. Pero bago ako tuluyang makalabas ay hinigit ako nung lalaki papasok muli at kinulong sa bisig niya.

"Calm yourself. Don't cry and we'll talk." Boses palang niya ay killalang-kilala ko na. Imbes na tumahan ako ay napahagulgol ako ulit sa dibdib niya. "Aish" narinig kong sumarado ulit ang pinto at sa muling pagbubukas nito sa rooftop na kami ibinaba.

Naglakad kami patungo sa rooftop garden at iginaya niya ako sa bench doon. Hinawi niya ang mangilan ngilang hibla ng buhok ko at iniipit sa aking tenga. "It's him again." Hindi patanong kundi isang pahayag iyun.

"He needs me." Tugon ko.

"But you should prioritize yourself more Amanda." Bakas ang awtoridad sa tinig niya. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, lagi ko bang napapabayaan ang sarili ko dahil sakanya?

"Anong gagawin ko Kuya?" desperadong tanong ko. Hinagkan niya kong muli at marahang hinagod ang aking likod.

"Anong sinabi ko sayo bago ko umalis nun?"

I tried to recall his advices but I'm just too preoccupied with everything that is happening. He sighed and started brushing my hair from behind. "I told you loving him won't do any good for you. Your love for him is so selfless that you almost forgot yourself. I didn't like what I saw but I let you decide on your own, but you choose to let him took advantage of your weakness. Kung hindi ka lang masasaktan kanina malamang ako pa mismo ang naglayo sakanya."

Kuya Kyle is my brother at bago siyan umalis patungong ibang bansa ay pinangaralan niya ako tungkol sa aking pagtingin kay Chrome. I didn't believe him but with what is happening right now? I guess it would be best to listen to his advices.

"He's broken Kuya, I can't leave him like that."

"Lalaki siya ang guys do fall for the people who comfort them gugustuhin mo bang maging rebound ka? I'm a guy Mandy alam ko ang takbo ng isip ng mga lalaki at hindi malabong mangyaring ikaw ang sumalo sakanya." He tucks in my messy hair.

"What should I do Kuya? Naguguluhan ako." I feel so helpless. Hindi lang naman ang samin ni Chrome ang inniintindi ko pati na rin ang nasaksihang eksena ni Ken kanina.

"You should take a break from work and from all the drama you are under. I'll hand in your resignation. I know Troy would understand if I say I'll take you with me." Nagpanic ang buong katawan ko sa sinabi ni Kuya. Hindi ako pwedeng umalis, ayaw kong iwanan silang lahat ng ganun-ganun na lang.

"No Kuya. I just need to rest and I'll be with Chrome as a friend. Malinaw naman sakin ang papel ko sa buhay niya."

I'm just his friend at ang nangyari kanina ay dala lang lahat ng alcohol.

Tinitigan niya ko with so much frustration in his eyes.He heaved a sigh, "Silly, sige magpahinga ka na muna. Open up your heart Mandy I know someone is courting you. Hindi ko man siya kilala personally but as a man and your brother I would rather see you with him than with Chrome." hindi na ako nagtaka na alam ni Kuya ang kaganapan sa buhay ko.

He use to hire private investigators to follow me around. "He's Ken Kuya and he's a good man." Isa pa nga siya sa iniisip ko ngayon.

"Now I'm curious about this man. Do you like him? Coz I know you don't love him yet." He's teasing me and he's trying to cheer me up.

Sumandal ako sa balikat niya at naramdaman kong hinimas niya buhok ko. Si Kuya na siguro ang pinakasweet na kuya sa buong mundo. He's my father figure nung lumalaki ako kaya super close kaming dalawa. "I don't know Kuya, aaminin ko for almost a month na kilala ko siya feeling ko ang importante kong tao. Na bukod sayo ay may lalaki pa palang makakaappreciate sa kung anong meron ako bilang ako at hindi bilang anak nina Mommy."

Noon pa man ay punong-puno na ako ng insecurities dahil karamihan sa naging kaibigan ko nung nasa grade school ako ay dahil lang sa mga koneksyon nina Mommy. Laking pasalamat ko na nga lang at dumating sa buhay ko sina Chrome, Ivan, Roxanne at Sam. Ang mga tunay kong kaibigan.

"Kenneth Montemayor, will you introduce him to me?" aniya.

Umiling ako, "I don't know Kuya siguro after ng nakita niya kanina hindi na niya itutuloy yung panliligaw sakin. Hindi ko pa man kasi siya sinasagot ay nagagawa ko nang saktan siya."

Pangalawang beses ko na siyang nasaktan and I would understand if he will stop. "If he really loves you he'll understand. Explain your side and who knows what will happen."

"Maybe Kuya pero bahala na. Sorry to welcome you with so much problems. The prodigal daughter strikes back." I smiled.

"Nothing beats your smiles. Magpahinga na tayo because tomorrow you'll go to work and fix the mess you have with your boss."

-ooOoo-

Its 8 am and any moment now darating na si Ken. Maaga akong pumasok nagyong araw dahil hindi ako mapanatag sa mukhang nakita ko sakanya. Sinunod ko ang payo ni Kuya na kausapin siya tungkol sa nasaksihan niya kagabi.

Si Kuya naman ay umuwi rin kagabi sa bahay namin sa Quezon City pero bumalik rin siya kaninang umaga para ihatid ako dito. Laking pasalamat ko at timing ang pag-uwi niya mula sa Canada.

Mugto pa rin ang mga mata ko. Hanggang sa pagtulog kasi ay naalala ko ang nangyari. Naawa ako kay Chrome dahil sa ginawa ni Chantal. Tinext ko nga siya kaninang umaga. I told him, 'Forget what happen last night. We're friends at hindi kita iiwanan.'

I was pacing back and forth inside his office when the door burst open. Buong akala ko ay siya ang masisilayan ko pero hindi. Isang matandang lalaki ang pumasok habang dala-dala ang isang envelope.

"Ikaw ho ba ang sekretarya ni Sir Ken?" aniya.

Tumango ako. "Ay eto ho pinadadala po niya ito para daw sa proyekto niya. At pinasasabi po niyang hindi siya papasok ngayon." Para kong pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabi ni Manong.

"Bakit ho? May nangyari po ba?" nag-aala ako baka kung napano siya kagabi.

"Hindi ko ho alam pero kagabi ay nagmamadali silang umalis nina Mam Eliana. Mukha nga pong lasing pa si Sir Ken. Ito pong mga papeles ay binilin lang niya sa mga katulong."

Hindi kaya tuluyan na siyang sumuko sakin? Baka nawalan na siya ng pag-asang sasagutin ko siya dahil sa nakita niya kagabi?

Mabilis akong tumungo sa opisina ni Troy. Their cousins so malamang alam niya ang nangyayari sa pinsan niya. "A-audrey andyan ba si Troy?" nabigla siya sa panginginig ng boses ko.

"Oo nasa loob siya. Teka okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?"

Hindi ko siya pinansin at nagmamadali akong pumasok. Inabutan ko si Troy na umiinom ng kape.

"Troy where's Ken?"

Kumunot ang noo niya, "Hindi ba siya nagpaalam sayo?" lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Please don't fail me Lord I need him right now. Pero hindi yata nakikiayon sa akin ang tadhana ngayon.

"He boarded the plane last night and left." he left sa haba ng sinabi niya yun lang ang tumatak sa utak ko, para kong binuhusan ng malamig na tubig. Bumubuka ang bibig niya pero hindi ko na naririnig pa ang mga iyun. Sapat na ang narinig ko.

Umalis nga siya. Iniwanan na nga niya ako. Sumuko na nga siya, ganun na lang ang kirot na gumuhit sa aking dibdib. Ang daya mo Ken.

Akala ko mahal mo ko? Akala ko ba hindi mo ko iiwan hangga't hindi ako umoo. Akala ko ba dito ka lang sa tabi ko?

Maling akala.

Masakit palang umasa at panghawakan lang ang salita mo Ken. Umasa kasi ako pero umasa pala ako sa wala.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 17.9K 44
Daniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times...
69.7K 1.1K 53
Si Siera ay isang simpleng babae na sa paningin ng lahat ay isang perpektong tao. Pero nagbago din ang lahat ng ito mula noong nagbago siya dahil sa...
222K 6.8K 44
Inisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at...
1.9M 68.2K 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napag...