" Let the Pain Remain "
- Shayne's POV -
Antok na antok akong pumasok sa school ngayon. Paano ba naman kasi, patulog na ako kagabi nang biglang nag-ring ang phone ko. Dali-dali pa naman akong bumangon sa kama galing sa pagkakahiga. Akala ko si Kris na yung tumatawag at binabalikan na ako, yun pala si Nicko lang pala ang tumawag.
Napaiyak ako bigla. Akala ko magiging happy ending na ang lahat eh. Akala ko matatapos na ang kwentong ito. Pero hindi pa pala. Patuloy pa rin pala ako sa pagdurusa at pagpapakasakit sa sarili. Ako man, gusto ko nang sumaya gaya ng iba. Gusto ko maging si Ariel o si Honey Oh na ginawa ang lahat para mahalin din sila ng taong mahal nila. Pero, kahit anung papansin ang gawin ko, hindi na talaga babalik sa akin si Kris.
My mind back to present. Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school papunta sa room namin nang bigla mayroon akong napansin.
May nakatingin sa akin.!
Hindi ko naman siya kilala para tanungin kung bakit niya ako tinititigan, kaya dinedma ko na lang siya. Maglalakad na sana akong muli nang bigla siyang lumapit sa akin.
" Di ba, ikaw si Shayne? " Sabi nung lalaki nang nakangiti sa akin.
" Oo! Ako nga? Bakit? " Pagtatakang sagot ko sa kanya. Hindi ko naman siya kilala pero alam niya ang name ko.
" Ah! Basta, narinig kong tinawag name mo eh. Nga pala, I'm Kiro Joseph De Vera. " Sabay abot ng kanang kamay sa akin. Ako naman ay iniabot din ang kamay ko para makipag-shakehands sa kanya.
" Oh, I see . . " Maikli kong reply sa sinabi niya.
Patuloy lang kami sa pag-uusap ni Kiro nang biglang may nagpapansin sa amin.
" Ehem! Pwede ba makausap si Shayne? " Mula sa likuran ay nilingon ko kung sino yung nagsalita.
Hindi ako nagkamali sa inisip ko. Si Daniel nga ung nagsalita. Pero, bakit naman bigla siyang gumawa nang eksena.
" Oh siya, una na ako Shayne, nice meeting you pala. Sa uulitin. " Tumalikod na siya at saka umalis.
Binalik ko ang tingin ko kay Daniel na ngayo'y nasa harapan ko.
" Bakit bigla ka na lang sumusulpot dyan? " Pag-uusisa ko.
" Wala ka na dun. Pumasok na tayo sa room at malalate na tayo. "
" Kahit kelan talaga ang taray-taray mo pagdating sa akin. Ano bang ginawa ko sa'yo at tinatarayan mo ako ha? ".
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay binigyan na lang niya ako ng NO-COMMENT-LOOK.
Naglakad na kaming dalawa papunta sa room 51. Hindi niya pa din ako pinapansin. Ano bang problema nito? Lahat ng tao pinapansin niya pero pagdating sa akin, tinatarayan niya ako. Hindi ko siya maintindihan.!
Nauna siyang pumasok sa room.
" Oh, Daniel bakit magkasunod kayong dumating ni Shayne? " Sabi ni Grace kay Daniel na lumapit pa talaga siya kay Daniel at tumabi pa dito.
Nilapag ko na ang bag ko sa gilid nang armchair at saka naupo. Medyo maaga pa naman kaya yumuko muna ako para umidlip.
" Nagkataon lang na sabay kami pumasok. " Pagpapaliwanag ni Daniel. Dinedma ko na lang ang usapan nila at saka ipinikit ang aking mga mata.
" Kris, teka lang! Mag-usap tayo. " Sigaw ko sa kanya na ngayo'y naglalakad papunta sa girlfriend niya. Lumingon si Kris sa akin at tumigil sa paglalakad.
Hingal na hingal akong lumapit sa kanya.
" Kris, talaga bang iiwan mo na ako? ".
" Sorry, Shayne. Kailangan kong gawin to. Ayaw ko nang makita ka pang nasasaktan ng dahil sa akin, umiiyak nang dahil sa akin. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin. Tumingin at makiramdam ka lang sa paligid mo. At makikita mo na ang sagot sa mga katanungan mo. "
" Pero, Kris. Mahal talaga kita. " Sabay agos ng luha sa mukha ko.
" Alam ko yun, Shayne. Pero, may mahal na akong iba. Masaya na ako sa kanya ngayon. Siguro, hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Shayne, pakawalan mo na ako. "
" Ayoko Kris! Ayaw kong mawala ka sa akin. Hindi ko kakayanin. " Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit na mahigpit. Gusto kong maramdaman niyang ayaw ko mapunta siya iba.
" Sorry, Shayne. But I have to say Goodbye. " Sabay tanggal nang mga kamay niya sa pagkakahawak ko at saka tumalikod at naglakad paalis.
Napaupo ako sa sahig. Hindi ko matanggap na wala na talaga sa akin ang pinakamamahal ko. Ang sakit tanggapin. Ang sakit isipin.
Maya-maya pa'y may narinig akong tumatakbo papalapit sa akin.
" Shayne! "
Parang pamilyar ang boses na yun. Parang narinig ko na ang boses na yun. Pero, saan at kailan? Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses na yun. Pero di ko maaninag ang mukha niya. Natatakpan kasi siya ng sikat ng araw. Nagmamadali siyang lumapit sa akin.
" Shayne, wag ka na umiyak. Nandito na ako. Ako na lang ang masaktan. Wag na ikaw. Ayaw kong makita kang nahihirapan. " Sabi nung lalaki s
a akin at saka ako niyakap ng mahigpit.
" Salamat! " Niyakap ko na din siya at saka ako umiyak.
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. May nararamdaman akong may humahawak sa balikat ko at niyuyugyog ako.
" Shayne! Gising na! Mag-start na ang klase! " bulong niya sa tenga ko. Parang boses ni Kris un ah!
" Kris!! " Sigaw ko ng malakas sabay angat ng ulo ko.
" Huh? Sinong Kris? " Sabi ng buong klase na talaga namang tumingin pa sa akin.
" Wala! Nevermind niyo na lang! ".
Nilingon ko si Daniel. Dedma lang siya sa mga nangyayari. Tanging pinagkakaabalahan niya ay ang pag-aaral. Pero may napansin ako, bakit namumula ang mukha niya?
- Daniel's POV -
* Flashback *
Papunta na sana ako sa classroom ngayon nang may narinig akong nagtatawanan sa may hallway. Noong una, dinedma ko lang ito. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Nang makarating na ako malapit sa may hagdan, namukhaan ko kung sino ang mga nagtatawanan.
Si Shayne at isang lalaki. Ang saya-saya nilang nagtatawanan. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nakaramdam ako ng selos. Gumawa ako nang paraan para madistract sila.
" Ehem! Pwede ba makausap si Shayne? "
Tumigil bigla ang dalawa sa pagtawa nang marinig nila ang boses ko. Lumingon naman agad si Shayne sa akin.
Tumingin din sa akin yung lalaking kausap ni Shayne sabay balik ng tingin nito kay Shayne.
" Oh siya, una na ako Shayne. Nice meeting you pala. Sa uulitin. " Sabay alis nito.
Lumapit ako kay Shayne. Binigyan naman niya ako ng PANIRA-KA-KAHIT-KELAN LOOK.
" Bakit bigla ka na lang sumusulpot dyan? " Pagtatanong ni Shayne. Ayaw pahalata sa kanya na nagseselos ako kaya tinarayan ko na lang siya.
" Wala ka na dun. Pumasok na tayo sa room at malalate na tayo. "
Nagulat na lang ako nang biglang naiba ang tingin ni Shayne.
" Kahit kelan talaga ang taray-taray mo pagdating sa akin. Ano bang ginawa ko sa'yo at tinatarayan mo ako ha? "
Napagpasiyahan ko nalang na hindi sagutin ang tanong niya. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.
* End of Flashback *
Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko kanina nang makita kong yumuko si Shayne. Una kong inisip, umiiyak siya. Kaya hinayaan ko na lang.
Alam ko na naman ang dahilan eh. Si Kris na naman.
Pagkaraan ng 5 minuto, wala akong naririnig na hikbi. Napanatag ang kalooban ko. Ngayon, alam ko na natutulog siya. Bigla gumalaw ang ulo niya. Paharap sa akin. Yumuko na din ako para titigan siya. Pasimple kong hinahaplos ang mukha niya. Napansin kong namamaga ang mga mata niya. Umiyak na naman siya.
Nakaramdam akong muli ng kirot. Maski ako, kahit na ang tingin nila sakin ay manhid, pagdating sa taong mahal ko, mas lalo akong naaapektuhan.
" Ang ganda niya no? "
" Ah ganon ba? Sana lang makamove on na siya. " Sabi ko kay Renz habang hinahaplos muli ang mukha ni Shayne.
" Oo nga. Sana. Nga pala, hindi ba ikaw si Mr.walangpera? ".
" Oo. Ako nga. Bakit? " Pag-uusisa ko.
" Wala lang naman. Nagtxt kasi nung nakaraan si Shayne na pinag-titripan mo daw siya. "
" Oo dati. Pero, nagbago na ang lahat nang makita ko si Shayne. Sa katunayan nga, hindi pa niya alam na ako si Mr.walangpera. "
" Mag-ingat ka ah! Kahit na napatawad ka na ni Shayne, hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa mo. Siya, gisingin mo na siya at magstart na ang klase. "
Bago ko ginising si Shayne ay tinitigan ko muna ang maamo niyang mukha.
Napangiti ako. Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa babaeng to. Kahit na napakakulit at isip bata, binalewala ko yun. Ni hindi ko nagawang mainis sa ugali niya.
Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang makalimot. Ayaw ko munang gumawa ng hakbang. Saka na lang ako magpaparamdam sa kanya ng aking nararamdaman kapag may lakas na ako ng loob. Lakas ng loob na tanggapin lahat ng mga maaaring pwedeng mangyari kapag nalaman na ni Shayne ang katotohanan.
Sabi nga ng ilan . . .
Let the pain remain. Hanggang sa puso mo na ang makalimot sa taong nagpakasakit sayo.
Sana Shayne. . . Makalimutan mo na siya.
Sana . . .