Buried Alive

By lil0rbitz

18.1K 603 78

Isang kahig, isang tuka yan si Avina Louwen Casinto, isang babaeng gagawin ang lahat para sakanyang pamilya... More

Notes
Buried Alive
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 11

124 7 1
By lil0rbitz

Maaga pa lang ay subsob na agad ako sa trabaho, ayoko ng magkaron pa ulit ng chance magkausap kami ni Davis dahil sa totoo lang ay natatakot na kong magkausap kaming muli, baka di ko kayanin at maramdaman ko nalang ang mga bagay na hindi ko naman dapat nararamdaman.

Balik sa dating routine, papasok lang ako sa opisina niya pag may kailangan akong ipasa. Hindi ko siya binibitawan ng isang tingin, kahit na alam kong lagi siyang nakatitig tuwing nakikita niya ako.

Tama nga sila, isang malaking kahibangan ang masyadong magpatansya sa mga bagay na malabo mong makuha.

Gusto niyang umalis ako ng L'Amore? Bakit? Ang trabaho ko sa kanyang kompanya ay isang sekretarya niya sa L'Amore naman ay isa akong manggagawa ng mga muwebles. Alam kong parehas lang na pagawaan ng mga muwebles ang dalawang kompanyang pinasok ko, pero magkaiba ng posisyon.

Unti-unti ko ng minamahal ang gawain ng isang sekretarya, ngunit di pa din maalis sakin ang pagmamahal ko sa paggawa ng muwebles dahil ito na ang kinalakihan ko.

Pumatak ang alas-singko, nagsimula na kong magligpit ng mga gamit ko dahil duty ko naman sa kabila. Sumilip ako sa opisina ni Davis at nakita kong nakatingin naman siya ng malalim, agad na nagtama ang paningin namin kaya agad din akong umiwas.

Pagdating ko sa L'Amore ay tahimik ko ding sinimulan ang trabaho ko. Tinannong ako ni Leanna kung bakit ang tamlay ko, ngunit isang malungkot na tingin lang ang naibigay ko, bakit ba ang lakas ng epekto sakin nito?

"Nasan na ang mala anghel na ngiti mo? Huy, Avi di ako sanay." pagrereklamo sakin ni Alec.

"You look so sad, may nangyari ba?" sabi ni Lucas.

"Alam ko na..." lahat kami ay napatingin sa nagsalitang si Ase, once in a blue moon lang ito kung magsalita at para bang first time lang namin siyang narinig.

"It's my birthday, Av. Invite kita bukas to ease your pain at makapagliwaliw ka."

Hindi na ko nakapagsalita dahil minsan lang naman kung mag-aya si Ase kaya pupunta nalang din siguro ako. Napahiyaw naman sila Alec ng narinig ito. Maging si Leanna ay natuwa at nagtatalon pa sa sobrang excite.

"Ase, wala pa kong sahod ah, nakakahiya naman at baka wala akong mabiling regalo. Happy Birthday in advance!" sambit ko.

Tumango lang siya at bumalik na sa trabaho niya.

"Promise, di ka ma-oop dun!" pagkukumbinsi sakin ni Leanna.

"Kasama mo kaya kami!" dagdag naman ni Lucas.

Ngumiti nalang ako at natawa sakanila, pwede naman daw akong magsama ng kaibigan kaya baka ayain ko na din si Cyreen at baka pupwede siya para naman kahit papano ay hindi ako makaramdam ng hiya.


~*~


"Girl, hindi ako pwede! Aalis kami ni mudra mamaya, sayang talaga!"

Ngayon ko lang nabanggit kay Cyreen yung nasabing party ni Ase at mamaya ng 6 iyon. Heto naman siya, nagpapaliwanag sakin ni hindi siya pwede dahil magtatampo sakanya si tita pag hindi  niya ito nasamahan. Alas-kwatro y media na, at di pa din ako nakakapag-ayos.

"Paano ako?"

"Wag kang mag-aalala, aayusan kita ng bongga!"

Hinatak niyako sa loob ng kanyang kwarto at mabilis siyang naghalungkat mga dress. Kiunuha niya ang isang puting dress, simple lang ito na sa tingin ko ay babagay naman sa hubog ng katawan ko. "Bihis ka na Av, dali!"

Sinuot ko na iyon, at aaminin kong bumagay nga iyon saakin. Pakiramdam ko ay para akong isang anghel na galing sa langit dahil sa suot ko. Kahit na medyo maikli ito ay nagustuhan ko pa din.

"Shit! Wala ka pang ka ayos ayos pero ang ganda mo na agad!" sabi niya at pabiro akong hinampas.

Ngumiti ako at umupo na sa harap ng salamin. Sinuklay ni Cyreen ang mahaba kong buhok at mas lalo niya itong pinastraight. Light make-up lang ang nilagay sakin ni Cyreen, at aaminin kong magaling nga siya at fashionista nga ang isang to.

"Ayan, perfect! Para kang model!" agad na puri niya.

Mag aalasais na bago niya ko matapos ayusan at hindi pa siya nakuntento at chineck niya muna ang lahat bago ako umalis, talang sinigurado niyang ayos lahat saakin.

Kinuha ko ang purse na itim na pinahiram ni Cyreen maging ang pumps na suot ko ay kanya din. Nagpaalam na ko sakanya at lumabas na ng apartment, pinagtitinginan ako ng mga tao sa suot ko, ayoko sa lahat ay nababaling ang atensyon saakin kaya naman ay nagmadali ako.

Magtataxi lang ako, tinext naman ako kaagad ni Leanna na aabangan niya ko sa tapat ng bahay nila Ase at para sabay daw kaming pumasok sa loob.

Pahirapan muna bago ako makarating sa village nila Ase, iniisip ko tuloy kung paano ba ako uuwi at kung may sasakyan pa ba ako. Para tuloy ayoko ng tumuloy ngunit ayaw ko namang mabigo sila Alec dahil hinihintay nila ako doon.

Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko agad si Leanna sa labas. Nakaitim siyang dress na siyang bumagay sa kulay ng kutis niya, ang kanyang maikling buhok ay parang naging simbolo para mas maging elegante ang itsura niya. Ang ganda talaga ni Leanna.

Parang umurong ang sikmura ko at feeling ko ay mukha akong basahan.

"Oh my god! Avi, ang ganda ganda mo!" puri niya agad.

"Thankyou, ikaw din!"

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang napakalaking bahay sa harap ko at ang lakas na tunog na animo'y mga kantang pang bar sa loob, sa tingin ko ay kanina pa ito nag start. Maraming tao sa loob, sa garden na tanaw ng lahat, sa parking area, sa may gate maging sa veranda ay mayroon din.

Ang daming mga nakapark na magagandang sasakyan na halos puro mukhang mamahalin.

Bigla akong napaatras parang ayoko na pumasok, ang ultimong dala ko ay ang aking cellphone at dalawang daan para pambayad sa taxi mamaya. Feeling ko ay ma o-out of place ako.

"What's wrong Avi? Wag ka ng mahiya, ang ganda ganda mo kaya!"

Hinatak niya na ako sa table nila Alec at wala na kong magawa, nakayuko lang ako at parang wala akong mukhang maharap sakanila ngayon, nanliliit ako sa sarili ko ay pakiramdam kong hindi ako belong sa ganitong klaseng mundo.

"Who's that chic?" rinig kong tanong ni Alec.

"Hello, chic ka diyan! Si Avi to, she's so pretty!" pagmamalaki ni Leanna sakanila.

Nag-angat naman ako ng tingin sakanila, ang gulat sa mukha ng tatlong lalaki sa harap ko ay nagpatawa saakin. Animo'y parang ngayon lang nila ako nakita.

"Damn girl, di kita nakilala!" sabi ni Cj.

"Layo ka sakin Avi, i consider you as my sister. Shit, di ako pwedeng mainlove." pagbibiro ni Alec at agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Leanna.

"Ang ganda mo naman, Avi!" sabi ni Lucas at kinurot pa ang pisngi ko.

Nginitian ko lang sila at nilingon si Leanna.

"Leanna, samahan mo naman ako kay Ase. Babatiin ko lang siya."

Hinatak niya naman ako palayo doon, gusto pang sumama ni Alec pero sinamaan uli siya ng tingin ni Leanna. Kaya naman napakamot nalang ito sa kanyang ulo at bumalik sa kinauupuan niya.

Tinahak pa namin ang gitna ng dance floor, bago kami makarating sa pwesto ni Ase.

"Happy Birthday, Ase Daniel!" bati ko sa nakangiting si Ase.

"Avi? Hey, thankyou." sabi niya at nakipagbeso saakin. "By the way, enjoy."dagdag pa nito.

"Sure, una na kami Ase ha?" sabi ni Leanna at bago pa kami makaalis ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki at isang babae.

Si Davis at Patricia.

Nakahawak ito sa bewang na Patricia.

May hikaw ito sa kanang tenga niya at nakasuot siya ng isang napakagandang damit na kahit na puting damit lang iyon ay talagang bagay na bagay sakanya. Sinuklay niya pa ang kanyang mga buhok gamit ang kanyang daliri at binasa pa ang kanyang labi.

Nagbatian sila ni Ase at Leanna, nakita ko naman ang pagtaas ng kilay sakin ni Patricia at inirapan naman agad siya ni Leanna.

Parang may umanong kumirot sa dibdib ko ng makita silang magkasama. Akala ko ba di niya ugaling maghabol? Bakit niya kasama si Patricia? Bakit din parang unti unting pinupunit ang puso ko sa sakit?

Nakarating na kami sa table namin at tahimik na kumuha ng maiinom.

"Ang laki talaga ng bahay bakasyunan ng pamilya nila Ase tsaka Davis no?" sabi ni Cj.

Napukaw agad nito ang atensyon ko.

"Ganoon talaga, sobrang close din nilang magpinsan." sabi naman ni Alec.

Magpinsan sila? Sakanila ang bahay na ito? Ang akala ko ay ka Ase ito yuun pala ay pag-mamay ari nila ito.

Kahit medyo madilim sa loob kanina ay kita-kita at malinaw na malinaw saakin ang kabuuan ng kaniyang katawan. Agad ko ding iniwas ang tingin sakanya dahil alam kong pagpinatagal ko iyon ay baka di ko na maalis pa.

Ni hindi niya nga ako tiningnan kanina, nilagpasan niya lang ako.

"Uh, Avi? Sayaw lang kami." sabi ni Leanna.

Naiwan akong mag-isa doon, at ng di tumagal ay naghanap ako ng cr. Sa paghahanap ko ay, nawindang ako ng itulak ako ng isang babae doon at inapakan ang pumps na suot ko kaya naman na out of balance ako dahilan ng pagkatumba ko.

Umalis ito habang tumatawa, ramdam kong may sugat ako sa paa kaya ang hirap suotin ang pumps at masakit ito pag natatamaan, pinilit kong ayusin ang paglalakad ng makaramdam akong may malamig na kung anong natapon saakin.

Nakita ko si Patricia na nakatingin saakin habang hawak ang baso ng wine at nakataas ang kilay saakin, "Ooopps, di ko sinasadya."

Humugot ako ng malalim na hininga. Kinagat ko ang labi ko ng marinig ko ang tawanan ng ibang tao, kailangan kong magpigil ng galit. Ayokong magalit sa harap ng madaming tao. Nagpunta ako dito para umattend ng maayos. Ang makakuha lang ng atensyon ng ibang tao ay isa ng kahihiyan saakin.

"So cheap."

Akmang lalapitan ako ni Ase ay agad may isang lalaki na ang lumapit saakin na mabilis na idinausdos ang kanyang kamay sa bewang ko. "Patricia, stop."

Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at kanyang katawan na pinprotektahan ako.

"Davis? Bakit mo hinahawakan ang babaeng yan!" sigaw niya.

"I said stop."

"Wow? Bakit mo hinayaang imbitahan ni Ase ang mga feeli--"

"I said shut up, Patricia!"

Nagsasalita pa si Patrcia at parang walang naririnig si Davis at humarap sakin, dire-diretso niya akong hinatak palayo lahat sa mga taong aapihin ako.

"Hindi ka na dapat pumunta dito, you should stay in your house." aniya.

Kinagat ko ang labi ko, oo na Davis hindi na ako bagay sa mundo na to. Tama siya, dapat ay hindi na nga ako pumunta dito. I will never fit in, hindi ako bagay sa mundo niya. At kailanman ay hindi-hinding maglalapit ang mundo naming dalawa.

Habang hawak niya ang mga kamay ko ay nakaramdam ako ng pagka-irita, "Bitawan mo ko."

Sabi ko gamit ang matigas kong boses.

Wala siyang narinig at patuloy pa din siya paghahatak saakin hanggang makarating kami sa second floor. Nakita kong sinundan kami ng tingin ng ibang tao, maging si Leanna ay gulat din. Humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko.

Dinala niya ako sa isang kwarto na sa tingin ko ay kwarto niya. Pinaghalong kulay puti at itim ang kulay ng kwarto niya ta pagpasok palang ay maamoy na agad ang amoy ng kanyang pabango.

Mabilis kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak ni Davis. Mas lalo lang akong naguluhan, kung bakit pa kase ay sumulpot pa siya doon, sana ay hinayaan niya nalang ako.

Narinig ko ang kanyang malutong na pagmumura.

"Bakit ka pa nangielam sana ay hinayaan mo nalang ako." agad kong sinabi sakanya.

"Fuck." mariin niyang sinabi.

Hindi ko na siya pinansin at hinubad ang pumps na suot ko, napatingin naman siya saakin at kita kong parang nag-aalala siya dahil mas dumami lalo ang sugat ko sa paa dahil sa paghatak niya saakin.

"Hello...please' bring the medicine kit in my room and pair of clothes and slippers." sabi niya habang nakatitig sakin.

Akmang lalabas na ko ng pintuan niya ng mabilis niyang binaba ang cellphone niya at nagmura.

"Kaya kita dinala dito para gamutin yan at makapagbihis, tapos aalis ka?" mariin niya sinabi. "Stay there, Avina."

Nagpumilit pa din ako, "Kailangan ko ng umuwi."

Tiningnan niya ako at tinignan ko din siya pabalik. Malalim na buntong hininga ako binatawan niya. Nakatayo ako at siya naman ay nakaupo sa kama, hinatak niya ang braso dahilan kung bakit napalapit ako sakanya at agad niya kong kinulong sa bisig niya.

Nakayakap siya sa bewang ko at hinilig ang ulo doon, "Ang hilig hilig mong bigyan ako ng sakit ng ulo."

Hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga ng ayos.

"Fucking dress." sabi niya.

Nilakasan ko ang loob ko, "Uuwi na ako, Davis."

Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap, "Uuwi ka din, gagamutin lang natin yan."

Nag iwas ako ng tingin at di siya sinunod. Narinig ko ulit ang singhap niya at agad akong hinatak dahilan kung bakit nakaupo na din ako sa kama niya ngayon.

Nang gigilid na ang luha ko, naalala ko kung paano niyang sinabi hindi ako bagay sa ganitong klaseng party. Naalala ko kung paano ako maliitin. Naalala ko kung pano niya ko pinagtanggol at kung paano niya ko inalis sa mga taong sasaktan ako.

Narinig kong may kumatok, at agad namang sumigaw si Davis. "Ilagay mo lang diyan, at kukunin ko yan mamaya." sabi niya habang nakatitig saakin.

Hindi siya gumalaw, nakatitig pa din siya.

"Gamutin na natin ang sugat mo." sabi niya.

"Uuwi na ako."

Tumayo siya at binuksan ang pinto at kinuha ang kit doon. Nagkaroon pa ko ng oras para punasan ang mga luhang lumandas sa mata ko bago siya bumalik. Pinanood  niya lang ang paghikbi ko.

Gusto kong umalis na siya, ayoko siyang makausap. Ayokong mag angat ng tingin sakanya dahil pakiramdam ko ay sobrang baba ko. At sa tuwing naalala ko na masyado siyang mataas at mababa lang ako ay naiinis ako. Ni hindi ko alam kung anong nakakainis doon.

Akmang hahawakan niya na ang paa ko ay nilayo ko ito, "Uuwi na ako, Davis please."

"Gagamutin lang natin at ihahatid kita." sabi niya na para bang makinig ka saakin dahil ako ang boss mo at empleyado lang niya ako.

Siguro ay naaawa siya sa kalagayan ko, kaya siya ganito. Awa ang nararamdaman niya. Ayokong kinakaawaan ako pero wala na kong lakas ng loob makipagtalo dahil sa nangyari at sa mga pinapakita niya ngayon. Gusto ko lang ay makaalis na ko sa lugar nato. Pagod na ko sa lahat nangyayari.

At alam kong kailanman ay hinding-hindi magtatagpo ang mundo namin at magkaibang-magkaiba kami.

Hindi na ko sumagot pa, "I-iuwi mo na ko p-please." nanghihina kong sambit.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.7M 68.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4.8M 317K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
803K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.