Kabanata 3

1.7K 59 7
                                    

First day ko sa trabaho ngayon at laking pasasalamat ko ng nakabali agad ako sa trabahong pinapasukan ko, napadalhan ko na si Auntie Lorena para ibili ng gamot si tatay at mabilhan nan g sapatos si Jordan. Buti nalang at naibigay ni Auntie ang cellphone number niya. Pag nakaluwg-luwag na ako ay bibili na ko ng sarili kong cellphone. Uunahin ko muna ang ibang materiales na kulang pa sa tinutuluyan kong bahay.

Namili rin ako ng sardinas para ulam ko mamayang break time.

Naglakad na ko papuntang opisina ko na malapit lang sa opisina ni Sir. Davis, inayos ko din ang ibang nakaka-kalat sa lamesa ko at na-upo na. Sumulyap ako sa opisina niya na halos kita ko na kaagad dahil salamin lang naman ang pagitan naming at nakita kong wala pa siya, nakita ko din na may kalat sa opisina niya.

Kaagad akong tumayo at inayos ko iyon, tinimpla ko na din siya ng kape para naman maganda ang simula ng araw niya. Nilagay ko ito sa tabi ng mesa niya at nag iwan na din ako ng note doon.

"Have good day, boss! Keribells lang! - Avina :)"

Bumalik na ko sa table ko at nagsimula ng mag-type. Simula na to, sana ay mag tuloy-tuloy na at sana din ay magtagal na ako dito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, dumating na si Sir. Davis at nag-iwan ng isang box sa tabi ko.

Dire-diretso siyang pumasok sa opisina niya at napahilamos sa mukha niya. Naptingin siya sa kape na tinimpla ko at hindi ito pinansin. Binaling ko nalang ang tingin ko sa box na binagay niya at binuksan ko ito.

Isang cellphone na may apple na may kagat ang binigay niya.

Hindi ko kayang tumanggap ng mga bagay sakanya, sapat na nakabali na ako at ok na iyon. Masyado ng malaking halaga ito, at hindi ko na ito kayang bayaran. Kumatok muna ako at dahan-dahang pumasok sa opisina niya. Agad naman itong napatingin saakin at kumunot ang noon g ibinigay ko ang cellphone na galling sakanya.

"Sir. Davis, pasensya na po at hindi ko ito matatanggap."

Tiningnan niya lang ako ng walang expression sa mukha niya, "Hindi ko pinapabayaran yan, just get it and get out of my office."

"Pero p-...."

"I said get it and get out!" agad kong kinuha ito at lumabas ng opisina niya. Baka may problema ito sa kompanya kaya ganyan kainit ang ulo niya ngayon. Gagamitin ko nalang ito, at baka magalit pa siya.

Sinave ko na ang number ni Auntie Lorena, at nakita ko din na nandoon ang number ni Sir. Davis.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagtatype at sinulyapan ko siya nakita kong busy na siya sa pagtatype niya sa Laptop niya habang nakakunot ang noo niya. Sakto naman na nagring, ibig sabihin nito ay lunch break na ng mga empleyado.

Dinala ko na ang lunch box para bumaba sa cafeteria, umupo na ko sa isang tabi at binuksan ito. Ang sarap talaga ng sardinas, wala pang mas sasarap pa ditto bukod sa kape na sinasabaw sa kanin na paborito naman ng kapatid kong si Jordan.

Isusubo ko na sa ito ng may nagsalita sa likod ko, "Ano bang malansa tong naamoy ko? Is that you? Or yang sardinas na ulam mo?" bulalas ni Debby at umirap bago umalis sa harap ko.

"Napaka-arte." bulong ko.

May isang babae ang umupo sa harap ko at nilagay niya ang pagkain niya at sinabayan din akong kumain, "Hi? Bago ka dito? Cyreen ng pala, Cyreen Martinez." pakilala niya at inabot ang kamay niya saakin.

Inabot ko naman ito at nagpakilala din, "Avina Casinto, oo ako yung bagong sekretarya ni Sir. Davis."

Lumaki ang mata niya na para bang namangha ng marinig niya ang sinabi ko, "Ang swerte mo naman! Nakakaya mo? Ang gwapo niya kaya!"

Nagsabi siya ng konting detalye tungkol kay Sir. Davis at kinikilig pa habang nag-kwekwento. Marami palang nagkakagusto na empleyado sakaniya dito. Di ko na maikakaila dahil gwapo talaga ang boss ko. Masungit lang talaga siya dahil na din siguro sa pagod at hirap ng ginagawa niya.

Inabot ni Cyreen ang cellphone niya saakin, "Ilagay mo ang number mo, sabay tayong uwi mamaya ha."

Agad kong nilagay ang number ko at inabot na ito sakanya at nagpaalam na ko na babalik na. Sasamahan niya daw ako sa pamimili ng ibang materyales sa bahay dahil gusto niya daw akong maging close. Bumalik na ko sa opisina at sinumulan na ulit ang trabaho ko.

Hindi kaya siya nagugutom? Halos di siya lumalabas ng opisina niya at maghapon lang nakatutok sa Laptop niya. Ay baka makalimutan ko may meeting pala siya. Lumapit ako sa intercom.

"Sir, meeting po with Mr. Mills in a bit."

Bumalik na ako sa table nang biglang tumunog yung phone ko.

Sir. Davis:

K.

Yan lang ang sinabi niya, isend ko kaya ang buong alphabet letter sakanya? Habang nagtatype ako ay biglang nagtext saakin si Cyreen.

Cyreen:

"Girl, mamaya ha? Wag mo kong indianin. Wait kita sa cafeteria, may gagawin tayong bongga!"

Patago kong sinave ko na ang number niya at nireplayan siya. Mahirap na at baka makita ako ni Sir. Davis, bawal pa naman ang cellphone during office hours. Nagpapasalamat ako na nagkaroon agad ako ng kaibigan dito. Napasulyap ako kay Sir. Davis na lumabas ng opisina niya at dinaanan lang ako. Baka ay pupunta na siya sa meeting niya.

Napabuntong-hininga nalang ako ng nakalabas na siya. Sa wakas at nawala na din ang kaba ko. Kinakabahan ako sakanya dahil ang sungit-sungit niya daig niya pa ang babaeng may regla kung mag sungit.

Tatawagan ko na sana si Auntie nang bigla bumukas ang pinto at pumasok si Sir. Davis. Tiningnan niya lang ako ng matalim at dire-diretso na pumasok sa opisina niya para kunin ang files na naiwan niya. Patay, nahuli niya kong gumagamit ng cellphone.

Dinaanan niya muna ako bago siya tuluyang lumabas ng pinto ay nagsalita muna ito.

"Magtrabaho ka, puro ka text. Kanina pa kita pinagmamasdan."

Lumabas na siya na parang bang walang nangyari, at naiwan naman ako dito sa loob ng opisina ko ng naka-nganga. Mabuti nalang at di niya muna ko sinama sa meeting niya. Bad shot ka dun, Vina.

Mabilis na umikot ang oras at uwian na, kumatok muna ko sa office ni Sir. Davis upang tanungin kong may kailangan pa siya at magawa ko na para makauwi na ko ng maaga. Pumasok ako sa office niya at naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa ginagawa niya.

"Sir, baka po may ipapagawa pa po kayo?"

Hindi siya sumagot, siguro ay wala na nga. Palabas na kong pinto ng tinawag niya ako.

"Avina...ah nothing. Sige, you may go."

Nginitian ko nalang siya at naglakad papunta ng cafeteria kung saan naghihintay si Cyreen.

"Ang tagal mo girl!" reklamo niya. "Kanina pa kaya ako dito!"

Hinatak niya na ako at naglakad kami palabas ng building. Mamimili daw kami ng mga damit at treat niya daw ako, ipapadala niya nalang daw ang mga di na nilang nagagamit sa bahay para may gamit ako. Masasabi kong may kaya nga itong si Cyreen.

Pumasok kami sa iba't-ibang klase ng mall at binilhan ako ng ibat't -ibang klase ng damit. Pumasok din kame sa isang parlor para daw mag-paayos. Iniklian ng kaunti ang buhok ko at kinuluyan ng mas lalong nagpalabas ng puti ko. Nagpa -manicure din kaming dalawa at nagpa-spa. Sagot niya daw kaya wag na daw akong mahiya.

Pagkatapos naming doon ay nagtaxi kami papunta sa apartment na tinutuluyan ko, pagpasok niya ay napatili siya sa cute daw ng design. Pagkadating ko kasi dito ay inayusan ko ng kaunti ang bahay at nagdesign kahit papano.

Nagkwento si Cyreen tungkol sa buhay niya at ganun na din ako. Niyakap niya pa nga ako dahil ang drama daw buhay ko. Napatigil kami sa pagdadal-dalan dahil may nagtext saakin. At pangalan ni Sir. Davis ang lumabas.

"Avina, wear your proper clothes tomorrow. "

Anong meron?

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon