Kabanata 15

96 5 3
                                    

Kinukusot kusot ko pa ang aking mga mata, maaga kaming dumating kahapon at agad kaming nagpahinga sa hotel, ni hindi na din ako masyadong nakapag ikot-ikot sa sobrang pagod. Malaki ang room ko at katabi lang ito ng room niya.

At pwedeng-pwede pumasok si Davis dito dahil nanghingi siya ng spare card kahapon.

Lumabas ako ng room at nag-uunat unat pa, laking gulat ko ng makita si Davis sa loob na kampanteng nakaupo sa sofa habang pinapanuod ako.

Nakaputi siyang polo na regatta ang tatak. He's wearing a chambray chino walk shorts at naka sneakers siya na puti. Ang gwapo niya pa din kahit ang simple lang ng suot niya. Idagdag mo pa ang kanyang buhok na talaga namang bagay sakanya kahit anong gulo nito.

"S-sir, bakit po ang aga niyo?"

Nagulat siya sa pagsulpot ko sa kanyang harapan, kaya naman agad itong napayuko. At umiwas ng tingin. Nagtanggal naman ako ng muta or kung anong pang meron sa mukha ko. Napatingin ako sa sarili ko, agad ko itong nayakap at napagtanto kung anong napansin niya!

Manipis na puting damit lang ang suot ko at wala akong bra!

Napatalikod ako sa kanya sa sobrang kahihiyan!

"A-av, please m-mag ayos ka na."

Dahan-dahan akong tumango at mabilis na bumalik sa kwarto ko. Hingal akong napaupo sa kama. Chineck ko pa ulit ang mukha ko kung may dumi ba, nakakahiya naman kay Davis kanina pa siya nandito at ako naman ay kagigising lang.

Agad akong nag-ayos.

I bun my hair and i'm wearing a white raglan dress, suot ko din ang white sneakers ko. Bago ako mamili ng mga damit kahapon ay nagsearch pa ko ng mga trending at uso, at sa tingin ko ay napili ko ang mga mgagandang damit.

Bakit ang aga niya? Wala akong maisip na ibang dahilan, ang meeting niya ay mamaya pang hapon. Alas-otso palang ng umaga at nandito na agad siya sa room ko? Gusto niya ba kong makita?

Walang ibang dahilan Avina, business ang pinunta niyo dito.

Kinuha ko agad sling bag na itim at lumabas na ng room.

"S-sir, ayos na po ako."

Pinagmasdan niya lang ako, agad siyang tumayo at mabilis na pinadausdos ang kamay niya sa kamay ko. Hinatak niya ko palabas habang siya ay nakangiti na akala mo'y nanalo siya sa lotto.

"S-san po ba tayo pupunta?" tanong ko ulit, dahil wala talaga akong kaalam alam kung saan ba ko dadalhin ni Davis.

"Nakapag zipline ka na ba?" aniya.

Nagulantang ako sa tanong niya. Ayoko ng matataas, takot ako sa heights. Naalala ko pa noon nung sumakay ako sa Ferris Wheel sa perya ay nag kanda hilo hilo ako at muntik na kong himatayin sa takot.

"S-sir pwede po bang maglibot muna tayo?" pag-iiba ko ng tanong.

"Sure."

Nagsimula na kaming maglakad at aaminin kong maganda nga dito. Madaming mga makalumang lugar na talaga namang magandang pasyalan, bibihira lang ako makarating sa lugar na  ganito.

Noong nasa Agban ako, laging bahay trabaho lang. Kaya kahit malapit lang ang ibang pasyalan doon ay hindi ko pa din makuhang mamasyal dahil sobrang dami ng intindihin ko noon. Kahit sariling kasiyahan ay di ko na maasikaso.

Halos isang oras din kaming nag-ikot para suyudin ang buong lugar. At eto na naman si Davis na kinukulit ako sa zipline niya, milyong kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Mabilis niya kong hinatak papunta doon.

"Masaya dito! Come on, don't be nervous." aniya sabat hatak.

"Ayoko talaga, Davis!" binawi ko ang kamay kong kanina ko pa sinusubukang gawin at kanina pa ako bigo.

"Davis, please!" tili ko. Hindi niya ko pinakinggan hanggang sa makarating kami sa station. Pilit kong hinahatak ang mga kamay ko ngunit bigo ako. Ano ba namang laban ko sa muscles niya?

"Don't you trust me? Pag natakot ka, hold my hand. Sabay naman tayo, di ko papabayaan na mag-isa ka Avi. I won't let go of your hand, I promise. If my presence still won't help you can scream. Face your fears, baby. You can look at me or anywhere you find relaxing. Just don't close your eyes, mamimiss mo ang maganda view and also you'll miss the fun." seryoso niyang saad kaya naman ay hindi na ko makatangi.

Kaya naman nung kami na ang nakasalang at nilagyan na kami ng safety gears ay mahigpit akong nakahawak sa kamay niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang sa naramdaman ko na gumagalaw na ito. Pumikit ako sa takot.

"Relax, baby. Open your eyes."

Halos malaglag ang puso ko ng umandar na ito ng sobrang bilis. Napasigaw ako sa sobrang kaba, feeling ko ay katapusan ko na. Ayoko talaga ng ganito, kahit ano nalang please wag lang ganito.

"Davis, punyeta sabi ko sayo ayoko eh! Papatayin kita pagkatapos na pagkatapos nito!"

Wala na kong pakielam ang alam ko lang ay takot na takot na ako at kabado.

Narinig ko ang paghalakhak niya sa tabi ko, hindi man lang siya natakot? Ako pala ang tinatawanan niya.

"Shit! Shit! Shit!" sigaw ko ng mas lalong bumilis, mapapatay ko talaga to si Davis!

"Scream louder, baby!" sigaw niya.

"I hate you so much, Davis Angelo!"

"I love you too, Avina Louwen!"

Natahimik ako sa biglang pagsigaw niya. Anong sabi niya?

Buong ride ay wala na akong kibo, tulala akong bumaba. Samantala si Davis ay ang laki ng ngisi habang pinagmamasdan ako.

"Are you mad?" tanong niya.

Silence took control of the atmosphere as I watch the world from up here. Nakakabinging katahimikan hanggang sa binasag niya ang mga iyon.

"I love you."

Natigilan ako, hindi ko alam kung nananaginip lang ako. O baka naman hindi pa din bumabalik sa huwisyo ang kaluluwa ko o totoo talaga ang narinig ko.

Binalik ko ang tingin ko sakanya. His brooding eyes met mine, lumapit siya saakin at niyakap ako. Gulat ako sa mga nangyayari hanggang sa bumulong siya, "Do your hear me? I love you, Av."

I felt my heart pounding so fast, tiningnan niya ako uli at hinaplos ng marahan ang aking mukha. I suddenly felt his warm touch against my hand at doon ko napagtanto na totoo lahat ng nangyayari na hindi lang ako nanaginip.

These are all real and forever printed in my soul.

"I know, i'm a jerk Av. Pero hindi ko na kaya, please give me a chance. Papatunayan ko sayong mali ang mga iniisip mo. Please, baby." bulong niya habang nag-iwas ng tingin.

Para akong nanghihina sa mga narinig ko, nag angat ako ng tingin sakanya. He looked hopeful and uncertain. I feel the same way, pero binigay ko ang sarili ko sakanya.

Marahan akong tumango at ngumiti sakanya. Kita ko ang gulat sakanyang mga mata. Agad niya akong hinatak. He gave me a heart stopping smile, mas lalo niya kong nilapit sakanya at ang sunod na nangyari ay para na kong mababaliw.

He gave me a soft sweet kiss, claiming that i'm his girl.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon