Buried Alive

3.8K 109 8
                                    

Simula



"Lintek na buhay naman to! Sardinas na naman ba Avi? Araw-araw nalang!" pasigaw na sinabi ni nanay.

Ako si Avina Louwen Casinto. Mahilig akong gumawa ng mga muwebles, mayroon kaming maliit na shop na bumagsak na ngayon. Hirap kase ng buhay eh, sayang lang at hindi ko naisalba. Kaya eto, pagtitinda sa palengke ang inabot ko.

Ganun ba talaga kapangit ang lasa ng sardinas? Kesyo malansa daw, di masarap, pangit lasa, at cheap sa paningin ng iba. Yung tipong di makain ng mayayaman. Bakit? Ang sarap kaya!

At ang sumigaw naman kanina ay isang dragon, este si nanay. Louisa Casinto ang sumpa ng buhay ko, keme keme lang! Di naman ganyan ang nanay dati, dala narin siguro to ng kahirapan namin sa buhay. Nagsimula ito noong nagkasakit si tatay at natigil ito sa pagbubukid dito sa Agban. Si nanay? Nauubusan yan ng pera sa kakasugal, kakainom. Pero sa dakdak? Impossible.

Grumaduate ako sa Agban College, business management pa nga ang tapos kong kurso. Ang kaso palengke ang bagsak ko.

"Eh nay, yan lang po kita ngayon." mahinahong sagot ko.

"Ilang beses ko na yang narinig sayo! Napakawalang kwenta mo talaga!" sigaw niya at bago lumabas ng aming tahanan ay kinuha niya muna ang kakaunting barya na naipon ko para sa gamot ng tatay.

Narinig ko ang hirap na pag-ubo ni tatay at agad agad akong kumuha ng tubig para sakanya. Inalalayan ko siya sa pag-inom at nilagyan ng bimpo sa likod.

"Tay, magpahinga nalang po kasi kayo. Sabi ko naman po kasi sainyo pag may kailangan kayo tawagin niyo lang po ako o kaya si Jordan."

Si Jordan Casinto ang aking bunsong kapatid. Graduating na siya ng high-school. Kaya kailangan ko pang magpakatatag para matustusan ko ang pang kolehiyo niya at para narin sa gamot ni tatay.

Si Wendell Casinto naman ang aking mapagmahal na tatay. Literal man na mahina na ang kanyang pangangatawan siya padin ang pinakamatatag na tao na nakikila ko sa buong buhay ko.

Lalabas na sana ng kwarto ng maramdaman ko ang mainit na haplos ni tatay saking braso, "Anak, pasensya ka na dahil nahihirapan ka. Pabigat na kami ni Jordan saiyo."

Ngumiti lang ako at inayos ang higa ni tatay, "Tay ayos lang! Ako pa, keribells lang!"

Pagkatalikod ko, naramdaman ko nalang ang mainit na luha na pumatak galing sa mga mata ko. Simbolo ba ito na kailangan ko pang magpalakas? O sumuko na ko?

Naglakad ako patungo sa kusina para icheck kung may gamot pa ba si tatay. Hindi na ko nasorpresa na wala na.

Nagsimula na kong gumayak para makarating ng mas maaga sa kabilang baryo. Sampung piso? Nako, wag na mas pipiliin kong maglakad nalang. Pwede itong ipang dagdag sa gamot na bibilhin ko.

Basang-basa yung suot kong damit bago ako makarating buti nalang at bumaba ng araw, at sa pag uwi ko ay hindi gaanong maiinit ang dadaanan ko.

"Tao po, si Avi po ito!" sigaw ko.

Agad kong narinig ang sigaw ng Ale, "Di na kami nagbebenta sa mga walang pambayad! Uutang ka na naman? Sa ibang tindahan nalang!"

Di ko na ipagpipilitan ang sarili ko, baka idemanda na ko sa sobrang dami kong utang. Yumuko ako at nadama ang kumakalam na sikmura ko.

Tuluyan na nga nawala ang liwanag ng araw, kasabay ng pagkawala ng pag-asa kong magkaroon ng mas maayos na buhay para sa pamilya ko.

Sino bang kukuha sa isang tulad ko? Ano ka ba Avi? Patapon ka nga diba? Anong pang pag-asang hinahanap mo?

"Ayoko na! Ayoko ng mabuhay!"

Sa pagsigaw ko ay isang papel ang dumapo sa mukha ko. Lulukutin ko na sana ng makita kong isang mahiwagang linya.

"Job hiring, Salary: 30k a month."

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon