Kabanata 13

78 6 2
                                    

Pagpasok ko kinabukasan ay naabutan ko si Andre na kampanteng nakaupo sa sofa ng opisina ni Davis kasama si Alec na sa tingin ko ay walang pasok dahil nabanggit niya sakin na off niya ngayong araw na to, kahapon.

Si Andre ay naka polo at bukas ang kanyang dalawang butones habang si Alec naman ay naka shirt na itim, at si Davis naman ay naka longsleeve na puti na nakatupi hanggang siko at bukas naman ang isang butones.

Pumasok ako na bitbit lahat ng pinapagawa ni Davis.

"Oh Avina, you're here!" agad na bungad saakin ni Andre.

Ngumiti ako sakanya ayoko naming isipin niya na snob ako.

Agad na uminit ang puso ko ng maalala ko yung araw na lumabas ako kasama siya. At bumalik na naman sa isipan ko ang mga naglalarong salita ni Davis nooong araw na nakita pala niya kaming dalawa.

Agad akong napatingin kay Davis na may kausap sa kanyang telepeno habang nakakunot ang kanyang mga noo, "Just tell my mom, bye." matigas nitong sabi sa kanyang kausap.

"Are you busy?" tanong ni Andre at agad na lumapit sakin.

"Isn't obvious, Andre?" iritadong sabi ni Davis at nakatitig lang sa laptop niya habang nakakunot ang kanyang mga kilay.

Hindi na ko sumagot pa at ipinatong nalang ang ibang dala ko sa table katabi ng mesa ni Davis.

"Bat ba ang sungit mo, Davis? I'm just talking to her, that's all." sabi ni Andre at akmang kukunin ang iba kong dala para siya ang magbitbit nito.

"You're disturbing her."

"Tulungan mo nalang siya, it's obvious na you want to impress our girl." sabi ni Alec.

"Our girl?" agad na tanong ni Andre.

"Yes, Lean and Avi is our princesses." agad naman na sagot na Alec.

"Ts, I know what to do Alec. Don't teach me." masungit na sinabi ni Andre at mabilis na kinuha ang dala ko.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya, ayoko ng ganito. "Wag na, Andre. Kaya ko na."

"No, tutulungan na kita. Para naman matapos ka kaagad sa trabaho mo." sabi niya.

"Stop that, Andre. You're not an employee here." maring sinabi ni Davis.

Nagkibit balikat nalang si Andre at halatang naiinis na sa inaasal ng kaniyang bestfriend, "What's your problem? I'm just helping her, hindi naman ako hihingi ng sahod sayo if ever." natatawang saad nito.

"What's funny? Leave my employee alone." sabi ni Davis sa tonong mariin.

"Ok lang naman sayo Avina na nandito ako diba?" tanong niya.

"O-oo naman basta wag mo nalang ako tulungan, trabaho ko to eh." sabi ko.

"But I want to help you, para matapos ka na kaagad."

"Let her Av, i'm sure ok lang kay Davis yan. Right Davis?" natatawang sabi ni Alec habang nakatingin kay Davis.

Bumaling ako kay Davis na matalim na nakatitig sakanya. Alam kong naiinis na ito dahil alam ko ang mga galaw niya, alam kong ayaw niya ding tinutulungan ako ni Andre pero mapilit siya.

Pinanood kong inaayos ni Andre ang ibang papeles habang may mga pawis na namumuo sa kanyang noo, at lihim akong napapangiti dahil sa tulong na binigay niya.

"Ito lang ba ang aayusin?" tanong niya.

Tumango at ngumiti.

"Bakit ka nakangiti?" nagtaas ito ng kilay at chineck ang mukha niya kung may dumi ba ito.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon