Kabanata 7

111 7 1
                                    

"Where's Davis?" tanong saken ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Chinita, nakaladlad ang kanyang buhok hanggang balikat. Kitang-kita mo ang magandang hubog ng katawan niya dahil sa dress na suot niya. Malaki ang hinaharap. May katangkaran ngunit pansin mo sa mukha niya ang di magandang awra na bumabalot sa pagkatao niya.

Agad naman akong napatingin sa itsura ko. Ba't ang ganda niya?

"Where's Davis?" ulit niyang muli, habang nakataas ang kilay.

Aba't sino tong babae na to? Kinapuri puri ko pa naman tapos ganto ang bungad niya.

"Hanapin mo may mata ka di'ba." bulong ko.

"What did you say?" sigaw niya, narinig naman ata niya itatanong pa.

"Nasa office po, ma'am." diin kong pagsabi. Tinapunan niya ko ng tingin, habang nakataas ang kilay niyang drawing. Burahin ko kilay neto eh, may pa irap irap pa siya jan.

Nagfocus' ako sa paperworks na inaayos ko ngayon, at pasimpleng sumisilip sa pintuan ni Sir. Davis. Ewan ko ba, nacucurious ako kung sino ang babaeng yon at ganoon na lamang ang basta bastang pagpasok niya sa office nito. Ako nga, ilang kabayo pa ang tumatakbo sa dibdib ko, ilang libong kaba pa bago ako tuluyang makapasok.

Agad akong napaayos ng upo ng narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina.

Iniluwa ng pintuan na yon ang isang magandang nilalang -- este si Sir Davis na nakatingin sa akin ngayon.

"Hey, A-ah avina. Pakidala mo yung ibang files sa table ko ngayon na."

Bwisit, bwisit! Ba't di niya pa kinuha? Nandito na siya oh, malapit na sakin!

Gusto niya pa atang makita ko silang dalawa nung babaeng kilay nayon!

Inis kong kinuha ang mga files na hinihingi niya at dali daling pumasok sa opisina niya. Tumambad saken ang isang higad na nakaupo sa harap ni Sir Davis. Muntik ng bumagsak ang dala ko agad akong napatingin sa sahig.

Avina, avina wala kang nakita. Act normal.

Tahimik kong nilagay ang mga files sa mesa niya ng di siya tinitingnan ng masagi ko ang kasama niyang haliparot.

"Ouch!"

Wow ha? Konting dikit lang yon, masakit agad? Mas masakit pa yan pag sinampal kita ng bongga! Nasobrahan sa pagiging OA si ate girl.

"S-sorry, ma'am." di ko naman talaga sinasadya eh.

"Patricia, can you please go? I'm busy." napalingon ako sa nagsalitang si Sir Davis.

"But Davis i miss--" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinutol agad nito ni Sir.

Buti nga sa'yo!

So patricia pala ang pangalan ng babaeng kilay na'to?

Magandang pangalan, magandang sapakin.

Padabog na umalis ng opisina niya si Patricia, at ako naman ay akmang lalabas na din ng hinawakan ni Sir Davis ang braso ko. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko.

"S-sir, b-bakit po?" kinakabahan na ko. Wala naman akong ginawang masama diba?

"Ah, A-avina kase may dumi ka sa ano sa..."

Di na niya pinatapos ang sasabihin niya at agad naman niyang hinarap ang mukha ko sakanya.

Pinunasan niya ang gilid ng labi ko.

Pinunasan niya.

Pinunasan niya.

Pinunasan niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, di ako mapakali. Mabuti nalang at hawak niya ang braso ko dahil kung hindi ay baka napaupo na ko sa sahig. Parang nagslow-mo ang paligid ko, ang gwapo.

Nakatingin siya sa sahig pagkatapos niyang gawin yon, at ako naman ay nanatili sa ganong posisyon.


"Don't date other guy, naiinis ako Avina."

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon