Kabanata 4

1.5K 50 5
                                    

Laking pasasalamat ko talaga at andito si Cyreen. Dadating ang mga magulang ni Sir. Davis sa opisina, kaya siya nagtext kahapon. Kinakabahan ako dahil gusto akong isama ni Sir. Davis sa dinner nila. Parang meet the parents tuloy, kalandian goals. Kinakabahan ako, sino ba namang hindi? Elizaebeth Avilã at Steve Avilã? Jusko, ayoko pa namang mamatay ng maaga.

"Avina, ang ganda mo!"

Inayusan ako ni Cyreen, dumaan ako sa office niya bago ako pumasok sa opisina ko.

"Salamat talaga, cyreen! Una na ko ha? Baka inaantay na ako ni Sir. Davis."

Dali-dali akong naglakad papunta sa opisina ko para mailapag ko na agad ang ibang gamit na dala ko, naabutan ko naman si Sir. Davis na nakikipagtalo sa kausap niya sa cellphone niya. Na-upo na ko at nagtype na ng mga gagawin ko.

Pag-kaupo ay sumulyap ako sakanya at matilim na nakatitig sa mga documento na pinasa ko, nilukot niya ito at napatingin sa direction ko umiling ito at umigiting ang panga niya sa inis. Mukhang hindi niya ito nagustuhan. Padabog siyang umupo at inis na hinilamos ang mga mukha niya.

Nagulat ako sa bigalng pagtunog ng cellphone ko.

Sir. Davis:

"Go inside, now."

Sa text niya palang ay halatang galit siya, tumayo na ako at kumatok sa pintuan niya, dahan-dahan akong lumapit sakanya habang siya ay matalim na nakatitig saakin ngayon na para bang isang kalabit ko lang sakanya ay sasabog na siya sa inis.

"Bakit ganun ang mga papers na ginawa mo? Diba sabi ko sayo? Mali yung format mo!"

"S-sir uulitin ko nalang po, s-sorry po."

"You should, ayokong mapahiya sa magulang ko. Kung tatanga-tanga ka at di marunong makinig sa instructions na sinabe sayo, di ka tatagal sa trabaho na to. Leave."

Para akong binagsakan ng lupa sa mga sinabe niya, tatanggapin ko nalang ito dahil ayokong mawalan ng trabaho. Kailangan kong tiisin, magkokolehiyo palang si Jordan at kailangan ng gamot ni tatay para malabanan niya ang sakit niya.

Pagkalabas ko ng opisina niya ay agad kong sinimulan ang trabaho ko, nagtext din ako kay Cyreen na di ako makakasabay sakanya sa lunch dahil kailangan kong tapusin ito. Sumulyap ako kay Sir. Davis na tahimik na nagtatype sa laptop niya.

Ititimpla ko muna siya ng kape para kahit papano ay maibsan ang inis niya saakin. Naglakad ako patungo sa mini-kitchen niya malapit sa pinto ng opisina niya. Kinuha ko ng ang asukal at kape at tinimpla ito. Lalagyan ko nalang ng notes ulit, tutal nahihiya naman akong mag-sorry sakanya, idadaan ko nalang dito.

"Peace offering boss! Keribells lang! - Avina ;)"

Kumatok ako sa pinto niya at agad na lumapit sa lamesa niya, nilapag ko ang kape doon. Hindi niya ako pinansin, ngumiti nalang ako at naglakad na palabas ng opisina upang maipagpatuloy ko na yung trabahong ginagawa ko.

Ramdam ko na ang kumukulong sikmura ko, titiisin ko nalang ito. Malapit na din namang matapos ang office hours, tiyak na aalis kami agad dahil ayaw ni Sir. Davis ang late. Kaya din siguro siya nainis kanina ay dahil kanina niya pa ko hinahanap at di pa rin ako dumadating dahil nag-papaayos pa ako kay Cyreen.

Dumaan si Sir. Davis sa harap ko at nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

"15 minutes, aalis na tayo."

Lumabas na siya at ako naman ay mas binilisan ko ang pagtatype ko para matapos ko na agad ito. Dali-dali ko itong pinrint at inayusan ko ang sarili ko. Kumukulo na sikmura ko, nagugutom na ko. Buti nalang talaga at kakain na.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon