Kabanata 6

1.2K 55 5
                                    

Masaya akong nag-aayos ng mga muwebles na nagawa ko, mahilig akong mag ukit at gumawa ng kung ano-anong muwebles. Gawain ko na din to noon pa sa Agban.

Namana ko ata tong gantong gawain kay mama, mahilig rin siyang gumawa ng muwebles kung hindi lang siguro nagloko si mama baka hanggang ngayon buhay pa din yung shop.

Pinagpagan ko na at nilagay sa sala ang mga nagawa kong upuan masasabi kong maganda yung pagkakagawa ko nito, pulido at ayos na ayos. Kung sana nandito lang si tatay sigurado ako matutuwa yon.

"Hello, sino to?" biglang may tumawag sa cellphone ko, unknown number? Ha? Sino kaya to?

"Sino to? Tatawag tawag ka tas di ka magsasalita!" nakakainis ba yung ganon, madami pa kong ginagawa tas mang iistorbo lang.

"Woah, easy lang siksik girl!" narinig ko ang pagtawa ng isang pamilyar na lalaki sa kabilang linya.

"Andre? I mean sir?"

"Andre nalang, tuloy tayo ha?"

Oo nga pala yung pambawi ko sakanya. Pupunta ba ko? Wala pa kong pera, tsaka isa pa sabi ni Sir Davis wag daw akong pumunta. Kaso nakakahiya naman diba?

"Oo sir---este Andre, sige pupunta ako."

"Good then, sunduin kita before 12' ok?"

"Sure, sige ingat."

Avina, ano ba naman tong pinasok mo! Kung wala lang talaga akong utang na loob, di ko gagawin yon. Ayokong mawalan ng trabaho, pag nalaman to ni Sir Davis panigurado lagot ako!

Teka' anong oras na ba?

Saktong pagkatingin ko sa orasan, ay 11 na pala!

Salamat talaga kay Cyreen, kase dahil sakanya may mga damit at sapatos ako ngayon, konting gamit sa bahay. Makukumpleto na nga, decoration nalang talaga kulang ok na ok na.

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit, buti nalang at pahinga ko din ngayon. Susulitin ko na dahil bukas may pasok na ako.

Simpleng dress at shoes na bumagay sa kulay ng balat ko ang suot ko, di naman ako masyadong maitim, tama lang ang kulay ng balat ko.

Ano kayang mangyayari mamaya? Hindi talaga ako handa sa mga ganito at saka first time ko to. Hindi ako sanay, haaaay sana nandito nalang si Auntie para may gabay ako kahit papano.

Huhuhu, Lord ikaw na po bahala saken pag may bumisina sa labas. Gabayan niyo po ako para mamaya, ayoko pong mawalan ng trabaho.

Nagulantang ako sa malakas na pagbusina ng isang sasakyan sa labas, di kaya si Andre na to? Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang pagbaba ng isang lalaking pamilyar saken.

"Tao po? Avina?"

Mabilis kong inayos ang sarili ko, at pinagbuksan siya ng pinto. Tumambad saken ang gwapong nilalang este-- si Andre.

Tiningnan niya lang ako at hindi umimik. Panget ba yung suot ko? Feeling ko matutunaw na ko sa titig ni Andre.

"A-ah magpapalit lang ako, A-andre."

Akmang tatalikod na ko ng bigla siyang nagsalita kaya napatingin ako sakanya. Infairnes, ang gwapo niya din pala. Talagang mag bestfriend talaga sila ni Sir Davis, ang hot nilang dalawa!

"No, you look good. Let's go?"

Tumango nalang ako, at sumunod sakanya. Pinagbuksan niya ko ng pinto bago siya pumasok. Parehas sila ng amoy ni Sir Davis, yun nga lang mas ok yung kay Andre, ang tapang kase ng kay Sir Davis, parang siya lang. Parang leon na tao.

"Saan mo gusto kumain, Avina?"

Naalala ko na naman ang sinabe ni Sir Davis, patay talaga ako pag nalaman niyang tumuloy ako sa date na ito. Di lang patay, lagot na lagot pa.

"Avina, are you listening?" nagising ako sa baritonong tono ni Andre.

"Ah, san nga pala tayo?"

"I'm asking you, Avina. San mo ba gusto?" tanong niya.

"Kahit saan nalang, di naman ako maarte eh. Ok na ko kahit saan basta ba mabubusog ako!" ani ko.

Inistart niya na yung engine at pinatakbo na ito. Naghuhurumentado ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Si Andre ang kasama ko pero iniisip ko ang galit na mukha ni Sir Davis.

Bumaba kami sa isang fancy na restaurant, masasabi kong mga mayayaman lang ang may kayang kumain dito. Kaya siguro di ko din maiwasan na mamangha dahil ngayon palang ako nakakapasok sa mga ganitong klaseng kainin.

Mga carenderia lang ang kaya kong pasukan at mga fast food chain na kaya ng aking bulsa.

"Andre, hindi ba parang ang mahal naman dito?" untag ko, masyado naman kasing high class tong napili niyang resto. Ok na sakin yung tama lang.

"Ako naman magbabayad, Avina. Let's go." aniya at hinatak niya na ko.

"Good day, ma'am and sir!" agad na may bumati samin.

"Table for two."

Di na ko nakatanggi pa agad na din akong hinatak ni Andre papasok sa nasabing kakainan namin.

Habang nag aantay ng order namin ay kanina pa ko di mapakali sa titig na tinatapon sakin ni Andre ngayon, kung titingnan mo ay para hinahalukay niya ng ang buong pagkatao ko.

Save by the order. Mabuti nalang at agad na dumating ang order namin. Dahil kung hindi ay sobrang awkward na ng pakiramdam ko. Hindi ako sanay na may lalaking nakatitig sakin.

Nagsimula na kaming kumain, sa oras na to. Hindi ko na hahayaan na magkaron ulit ng isang pagkakamali. Naalala ko naman ang katangahang nagawa ko noong kumain din kami ni Sir. Davis sa isang ganitong klaseng restaurant. Para na naman akong kakainin ng lupa sa tuwing sumasagi sa isipan ko iyon.

"Avina, bat ka nga pala napadpad ng Maynila? Agban is a nice place by the way. Ang sarap manirahan doon." untag ni Andre.

"Kailangan ko kasi ng pagkakakitaan, lalo na't may sakit si tatay. Hindi kasya ang kita ko sa pagtitinda." bulalas ko.

Napatango nalang siya at kumain. Tahimik lang kaming kumakain mabuti nalang at di na siya nagtanong pang muli. Hindi ko kase alam ang ibabato kong salita sakanya.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon