Kabanata 17

74 5 1
                                    

"Alas-siyete na ng umaga, nakahilata pa! Kaya tayo minamalas eh, hala magsibangon kayo at maglako na ng paninda!" narinig kong sigaw ni tatay.

Panay naman ang hagikhikan ng dalawa sa tabi ko, si Jordan na walang pasok ngayon dahil sabado. Mabilis namang napatayo si Davis sa gulat. Pupungas pungas pa siyang tumayo muli sa hinihigaan niyang banig.

Akala niya siguro ay ok na kila tatay ang ginawa niya kahapon.

Pwes, nagkakamali ka Davis.

"Tanghali na!" sigaw ni tatay, inabutan niya ito ng puting damit na may dalawang butones sa bandang itaas, at tsaka inihagis sakanya ang bilao at ibang pangsaka. Mabilis niyang hinubad ang kanyang damit at sinuot ang binigay ni tatay. Talagang sa harap pa namin siya nagbihis ah?

Bakat na bakat ang kanyang muscles, maging ang kanyang muscles sa braso ay ganun din. Kahit sa simpleng pagpalit ng damit ay napakalas ng appeal niya. Narinig ko ang malakas na tikhim ni tatay at pinandilatan ako ng mata agad naman ako tumalikod sa kahihiyan!

"Wow, siguro panay ang gym mo kuya sa maynila!" puri sakanya ni Jordan.

"Hala, kayong dalawa! Sumunod kayo saakin!"

Nagkatinginan kami ni Auntie, may balak magsaka ang tatay? Hindi pwede dahil masama ito sa kalagayan niya pero anong ginagawa niya?

"T-tay..."

Hindi pa ako tapos magsalita ay tumaas na sa ere ang kanyang kanang kamay na sinasabing tumigil ako dahil kaya niya. Ano kayang balak ni tatay?

"Goodluck nalang sa nobya mo." natatawang banggit ni Auntie.

Iling akong napangiti, niligpit ko na ang hinigian ni Davis. Kagabi ay nag usap kami, sabi ko ay isang linggo muna ako dito. Babantayan ko muna sila para siguraduhin na hindi bumalik ang mga kasamang armadong lalaki ni Aling Nelda. Gusto na din magpaiwan ni Davis. Ang sabi ko sakanya ay makakasama ang leave na gagawin niya pero parang wala siyang naidnig. Dalawang linggo nalang ay Expo na. Kung isang linggo siyang mananatili dito ay baka mahirapan siya.

"Ay nadulas si pogi!" sigaw ng mga batang kababaihan na nakatambay sa gilid ng aming lupain, bagong mukha kasi ang isang to at tsaka gwapo kaya pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Puro putik na ang kanyang damit.

"Ts, lampa ata to!" bulyaw sakanya ni tatay, mabilis naman itong tumayo at humingi ng paumanhin. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.

Kita mo na anak mayaman si Davis, sa kulay ng balat, galaw, imahe ng kanyang mukha.

Nakaupo ako sa taas ng puno ng mangga at napapangiting tinitingnan siya. Pawis na pawis na siya punong-puno ng putik ang kanyang damit. Bakat na bakat naman ang kanyang abs sa binigay na damit sakanya ni tatay, medyo bitin pa nga sakanya. Mas matangkad kase siya ng kaunti kay tatay.

"Grabe, ang gwapo niya talaga! Pati tindig niya ay lalaking lalaki!"

Napairap ako sa mga kababaihan na mga nene pa, nakakainis sigurado ay may paglalaba pa yan sa batis mamaya, inuuna pa ang pagsilay sa lalaking nasa harap ko.

"Kuya anong pangalan mo? May number ka ba? Bigay mo naman!" sigaw nila, pero parang bingi si Davis at hindi sila pinapakinggan. Nakatuon lang siya sa boses ni tatay at matitinag tuwing magkakamali.

"Boyfriend yan ng ate ko, magsilaba na nga lang kayo! Alis!" sigaw ni Jordan, ganyan nga bunso! Agad na namilog ang mata ko sa sinambit ko saaking isipan. Narinig ko naman ang panghihinayang sa boses nila.

Biglang nag-angat ng tingin sakin si Davis, agad na nagtama ang mata naming dalawa, nagsimula naman ang parada ng mga sandamakmak na paru-paro saaking tiyan, isang marahan na ngiti ang binigay niya saakin. Talagang nakakapanghina ng tuhod ang kanyang mga ngiti.

"Jordan! Jordan! Ang gwapo mo talaga!" di ko maitatanggi na gwapo ang kapatid ko. Madalas ay may nagbibigay ng regalo sakanya, kung minsan ay tinutunton pa aang aming bahay para lang maibot lang ito.

Mas lalo akong nagulantang ng mas lumakas ang tilian ng mga kababaihan sa baba, napasulyap ako kay Davis na nakatopless na ngayon. Nakasabit ang kanyang damit sakanyang balikat, hingal na hingal siya sa kanyang ginagawa.

"Hoy mga ineng, hala magsi-uwi na kayo at maglaba! Tulungan niyo ang mga nanay niyo, kebabata pa ay ang lalandi na!" sigaw ni Aling Lusing. Matagal na namin itong kasama sa pagsasaka. Kung baga sa relasyon ay loyal ito sa aming sakahan.

"Hijo! Magdamit ka kasi, pinaglalawayan ka ng mga dalagita rito!" natatawang biro ni Mang Ben sakanya.

"Mainit po kasi, mas makakakilos ako ng ayos pag ganito." aniya.

"Pagkatapos mo riyan ay sumama ka kay Lorena sa paglalako ng isda sa palengke, unahin mo muna ang pagbubuhat ng kahoy at sibakin mo. Kasama mo si Jordan doon, nang magawang uling at maibenta. Ang iba ay ilagay mo sa bahay." utos sakanya ni tatay.

"Sige ho, masusunod!" maganang sagot niya, mas binilisan niya pa sakanyang ginagawa.

"Tara na, bayaw!" aya sakanya ni Jordan, sandali niya akong tiningnan at nanlaki ang mata ko ng mabasa ko kung anong lumabas sakanyang bibig.

"So damn, beautiful" kasunod noon ang kanyang pagkindat.

Agad na nag-init ang mukha ko sa sinabi niya, ang lakas ng tibok ng puso ko. Talagang naghuhurumentado ito sa bilis, talagang nakakaloko at matutuliro ka sa kanyang ginagawa.

"Avina!"

Napatingin ako sa biglang pagsigaw ni Auntie, mabilis akong bumaba at tinakbo ang bahay, "Bakit Auntie?"

"Magbantay ka muna sa bahay, mauuna na ko sa palengke. Wag mo ng pasunudin ang nobyo mo roon. Mas makakatulong iyan dito, mauuna na ko ha." pakiusap niya, ngumiti ako at tumango.

Nasa gitna ako ng paglilinis ng aming bahay, nang makarinig ako ng nagsisibak ng kahoy sa aming bakuran. Kasabay noon ang malakas na tawanan ni Jordan at Davis, mukhang nagkakasundo na ang dalawa.

"Ikaw kase bayaw, kinausap mo pa! Namula tuloy yung mga babae!" nakuha nito ang atensyon ko, may kinausap siyang babae? Sino?

"Nakaharang kasi siya eh, ang bigat kaya ng dala natin kanina." paliwanag niya.

"Nakakatawa yung ingles mo, ang lalim!" natatawang sagot ng kapatid ko.

"Aba, hindi naman ako gaanong marunong magsalita ng straight na tagalog." nakangising paliwang niya sa kapatid ko.

"Pano nga iyon, bayaw? Excuse me ladies, this is heavy. Can you please move?" pilit niyang nilalakihan ang kanyang boses at ginagaya ang accent ni Davis.

Tumayo ako sa may pintuan, habang dala ang walis tambo.

"Magsibak nga lang kayo riyan! Wala kayong matatapos sa kadaldalan niyo!" sigaw ko, bigla akong nawala sa mood.

"Mukhang may nagseselos bayaw, ate wag naman!" pang-aasar ni Jordan, pinanglakihan ko siya ng mata umiling lang ito at ngumisi pa.

"Baby, don't be jealous. I'm all yours." ngumingising sabi niya habang nagsisibak.

"Naks, baby!" natatawang sambit ng kapatid ko.

Tatalikuran ko na dapat sila pero mas lalo akong napatigil ng hinarap niya ako at tinigil ang kanyang pagsisibak ng kahoy. Napaawang ang bibig ko ng ngumiti siya.

"Bwisit ka." matigas kong bulong.

"Huwag ka ng magselos, ikaw lang naman mahal ko eh. Damn, you're so cute when you're acting jealous."

Naglakad siya palapit saakin, habang hawak ang pangsibak ng kahoy. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, para magpantay kaming dalawa ay medyo bumaba ito. Lumunok ako, kahit pawis na pawis siya ang ang bango niya padin.

"Lumayo ka nga, isa!"

Ngumisi siya at umiling, tumalikod na siya at pinagpatuloy ang pagsisibak. Nang marinig ko ang bulong niya gamit ang kanyang baritonong tono ay nawindang ako.

"May nililigawan ako, hindi ko alam kung sasagutin niya ba ako dahil ang sama ng tingin niya sakin." malaman niyang sinabi.

"Malay mo naman, bayaw. Think positive." naiiling na sabi ni Jordan.

At nanigas na ko sa kinatatayuan ng may dinugtong pa ito.

"Sa tingin mo? Nakita niya kase lahat ng kagaguhan ko. Pero dibale, gagawin ko lahat para makuha ko siya."

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon