Kabanata 16

85 5 0
                                    

Ibang pakikitungo ang binigay sakin ni Davis. Hindi ko nga alam kung sekretarya pa ba niya ako o ako na ang amo niya. Isang linggo na din ang nakakalipas simula nung binigyan ko siya ng pagkakataon at hindi niya ako binigo doon.

Walang araw na pinalampas si Davis katulad ngayon.

Nakatunganga lang ako sa opisina niya dahil ayaw niya ko bigyang ng trabaho, kaya ko naman talaga eh. Pero nagpupumilit ang lalaking ito, gusto niya talaga na siya ang masunod. Wala naman akong magawa, boss ko siya at kailangan kong sumunod.

"S-sir, wala po ba akong gagawin?" untag ko.

"Stop calling me Sir, Av. Davis will do or mas better if you call me baby." sabi niya at kumindat pa.

Agad ko siyang inirapan, ganyan siya! Simula noong nakabalik kami, walang araw na hindi siya nangungulit. Walang araw na hindi siya nagpapakilig, walang araw na sumasablay ito. At panatag ako doon.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman doon napunta ang aming atensyon.

Tumatawag si Auntie, agad ko itong sinagot. Hindi pa ako nakakapagsalita ay narinig ko na agad ang matinding sigaw ni Auntie at ang paghikbi nito.

"Avina, kaya mo bang umuwi ngayon din? May mga lalaki sa bahay pati si Aleng Nelda at Mang Karding, sinisingil nila si kuya sa utang niya. Utang niya pa ito noon, yung sa furniture shop."

"I-ipapabarangay niya daw ang tatay mo, Avina..." dagdag pa nito.

Tila natigil ang tibok ng puso ko at parang nabingi sa di magandang balita, "P-po?"

"What's the problem, Av?" agad na tanong ni Davis pero hindi ko na siya napagtuonan ng pansin.

Napaayos ako ng upo, lahat ng atensyon ko ay naka Auntie lang, "A-avina, anak..."

Hindi po nito natatapos ang salitang nais niyang sabihin ay nakarinig agad ako ng sigaw, "Kukunin ko itong bahay, lahat ng gamit niyo pag di kayo nagbayad ngayon din! Sinasabi ko sayo wendell, matagal na kong naniningil pero ni singkong duling wala ka ng bigay!"

Narinig ko ang hirap at ang pagmamakaawang boses ni tatay, agad akong napamura. Magsasalita na sana ako ng namatay na ang tawag. Di-nial ko ito ngunit nakapatay na, ilang bes ko itong inulit ngunit wala na talaga.

"Hey...what happened?" nakakunot ang noo ni Davis na nag-aalala habang nakatingin saakin.

"K-kailangan kong umuwi sa amin, n-ngayon na..."

"Huh?" naguguluhan niyang tanong, "Kila Cyreen? Ok i'll drive you home, give--"

"Hindi, sa Agban sir!" hindi ko na napigilan ang hikbi ko.

Bumuntong hininga ito, hindi siya iniiwas ang tingin saakin.

"We will go there, baby. Hush."

Hindi na ko umangal pa, may tinawagan siya sandali at rinig kong pinacancel niya lahat ng gagawin niya ngayon. Agad niya kong hinatak papalabas ng opisina niya. Pagkababa sa susunod na floor ay pinagtitinginan kami ng ibang empleyado at tahimik na nakatitig saaamin.

Nakita ko ang lihim na nagbubulungan at ang nag-aalalang mukha ni Cyreen. Sumenyas ako sakanya, nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya tumahimik nalang ito.

Kitang-kita ko din ang iritang mukha ni Patricia, siguro ay bibisitahin niya si Davis pero nahuli siya. Agad naman na umikot ang dalawang mata nito at tiningnan ako ng masama. Hindi ko na ito inintindi pa, kailangan ako ng pamilya ko.

Pagkadating sa parking lot ay pinagbuksan ako ng pinto ni Davis, mabilis akong nagtungo doon. "How many hours to get there?" tanong niya.

"Anim na oras." sagot ko. "From here to Agban? Ok, i can do it." aniya.

Patuloy na lumalandas ang luha ko, hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa mahinang pagdapo ng kamay ni Davis sa mukha ko, mag gagabi na kami ng makarating doon. Agad akong bumaba at tinakbo ang bahay. Sumunod naman sakin si Davis at mabilis na pinatunog ang car alarm nito.

Naabutan kong nasa labas sila ng bahay at nandoon ang ibang gamit namin.

"Ate!!" sigaw ni Jordan at mabilis ako niyakap.

"Anong nangyari?" mabilis kong tanong.

Namumuo ang luha nito, ngunit ayaw niyang ipakita na nanghihina siya sa sinapit ng aming pamilya, "Mawawalan na ba tayo ng bahay ate?" tanong niya.

"Gagawa ng paraan ang ate."

"Si Auntie ay nasa bahay nila Aling Nelda at Mang Karding, ate. Kanina pa nila pinipilit na magbayad si tatay." paliwanag ni Jordan.

Tumango ako at akamang lalabas ng bahay ng matanaw ko si Davis at Auntie na kausap ang matandang mag-asawa. Bakit siya nandoon at anong ginagawa niya roon?

Mabilis akong naglakad patungo sakanila, hindi ko inisip ang maputik na daan.

Nagulat ako ng mabilis na umalis ang mag-asawa at ang nagpapasalamat si Auntie kay Davis dahil sa inabot nito. Binayaran niya ba? Tumingin saakin si Davis at ngumiti. Bumaling naman saakin si Auntie at ngumiti, "Binayaran ng nobyo mo, Avina..."

Saad ni Auntie at dinaluhan na ang tatay para mag-ayos ng bahay. Tama ba ang dinig ko?Nobyo? Si Davis? Sumulyap ako sakanya, nakita ko ang mabilis na pag-iwas ng tingin nito. Unti-unti ding nawala ang kaning mga batalyon na tao para makichismis.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sumakit ata ang ulo ko sa nangyari.

Hindi ko din alam kung paano ipapaliwanag kay tatay na hindi ko pa nobyo si Davis.

"Anak, ayos lang iyan....natutuwa talaga ako at sa wakas ay may nobyo ka na." ngiitng saad ni tatay.

Narinig ko naman ang mahinhin na tawa ni Auntie, "Tay, Auntie...."

"Asus, si ate!" dagdag pa ni Jordan. "Nalulungkot tuloy si kuya, wag mo kasi siyang ireject!" sabi pa niya.

Wala na kong magawa, mariin kong kinagat ang labi ko. Anong palabas to? Hindi man lang ako tulungan ni Davis at mukhang nag-eenjoy pa ang isang to. Nang tingnan ko ang gawi niya ay talagang ginalingan nito, "Anong arte yan?" lumapit ako sakanya at bumulong.

"Just tell them na I'm your boyfriend and we love each other so much."

Sinaaman ko ito ng tingin, "Avina...wag muna kayo mabulungan, may oras para diyan." sabi ni Auntie.

Napadiretso ang upo nito, at napalunok.

"Ikaw ba ang amo niya?" malamig na tanong ni tatay.

Napalunok ito at sumagot, "O-opo.." pinapagwisan na ito sa kaba at halata mo iyon.

"Anong klaseng pamilya meron ka? Baka naman sasaktan mo lang ang Avina ko." sabi ni tatay.

Umiiling na nagsalita si Davis, "Hinding-hindi ko po sasaktan si Av--"

Hindi pa siya tapos ay nagsalita ulit si tatay, "Mahal mo ba talaga ang anak ko? Nag-iisang babae ko yan, at kapag yan nasaktan sinasabi ko sayo. Baka sugudin kita roon."

"I will never hurt her, sir."

"Mabuti, nang magkaliwanagan tayo." sabi ni tatay.

Lumakas ang tibok ng puso ko, abnormal na ata ang tibok nito. At mas lalo pa itong lumalala kapag kasama ko si Davis.

"She's my queen and my everything, i will do everything for her. I'll protect her, make her happy, and i think it's my job sir."

Tinapik ni tatay ang balikat nito, lihim itong napangiti.

One point ka doon, Davis.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon