Kabanata 5

1.4K 48 1
                                    

Dumating ako ng maaga sa Avilã Enterprises at sinumulan agad ang trabaho ko. Pagkapasok ko palang ng opisina kanina ay agad akong nagtimpla ng kape para kay Sir. Davis at naglagay ulit ng note.

"Have a good day Sir! - Avina :)"

Hindi ko nalang masyadong inisip ang mga nangyari kahapon at nagfocus nalang sa trabaho. Mas kakailanganin ako ng pamilya ko, tuloy ang buhay. Back to normal, kung iiyak ka ay dapat isang beses lang at di na mauulit pa.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang boss ko na magulo ang buhok at parang nagmamadali sa pagpasok ng opisina first time niyang malate ngayon. Kitang ang pagtulo ng pawis niya mas lalo siyang naging hot.

Ano ba yan Vina? Trabaho ang pinunta mo dito, at hindi ang pagpapantasya sa boss mo.

Busy ako sa pagtatype ng bigla siyang nagsalita, "Avina, about yesterd--"

Agad ko ng pinutol ang sasabihin niya at nginitian siya, "It's ok sir, wala lang sakin yon. Marami pa po akong gagawin at kailangan ko ng tapusin to, call me if you need something. Excuse me po."

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagtatype at narinig ko ang padabog na pagasara ni Sir. Davis sa pintuan niya. Marunong pala siyang mag sorry? Hindi halata sakanya, dahil mukhang wala naman siyang ibang alam kung hindi ang manapak ng diginidad ng tao.

Hindi na ako magtataka, karamihan talaga ng mayayaman ay matapobre. Simula sa raw na to, kailangan ko ng kumilos ng normal at hindi probinsiyana. Para hindi naman ako magmukhang uneducated sa paningin niya.

Tumayo ako at lumapit sa intercom para meremind siya sa meeting niya.

"Meeting with Mr. Mills in a bit." bulalas ko.

Nag-ayos na ako para magready sa meeting, kinuha ko na din ang bag ko at binitbit ang ibang notebook kung saan ko isusulat lahat ng sasabihan niya. Agad ng lumabas si Sir. Davis sa opisina niya at diretsong naglakad papuntang meeting area.

Agad akong sumunod pag pasok niya sa isang room, karamihan ng CEO ay nandun na din. Agad akong pumwesto sa tabi ni Sir. Davis nagsimula na silang mag discuss ng kung ano-ano at ako naman ay abalang nagususulat ng mga importanteng detalye na sinasabe ng bawat isa.

Sa gitna ng meeting ay biglang tumunog ang cellphone ni Sir. Davis na dahilan kung bakit nagkaroon ng katahimikan, agad niya itong pinatay at nagpatuloy sa pagdidiscuss. Muli itong tumunog at pinatay niya ulit ito. Sa pangtalong pagkakataon ay tumunog na naman ang cellphone niya nag bigay inis sa ibang CEO.

"Shit." narinig kong bulong niya. "Re-sched ko nalang ang meeting, emergency. Dismiss."

Isa-isa ng tumayo ang mga CEO ng iba't-ibang kompanya na halatang naiinis sa nangyari, siguro ay marami pa silang ginagawa at naka abal ito sakanya. Abala ako sa pag-aayos ng mga folder ng bigla akong kinalabit ng isang CEO, ito ata si Mr. Mills.

"Avina Casinto? Right?" tanong niya, pano niya ito nalaman?

"Ah, opo. Pano niyo po nalaman ang pangalan ko?" naguguluhang tanong ko sakanya, imbis na sagutin niya ako ay hinawakan niya nalang ang ibabaw ng ulo ko at ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti siya at umalis na rin.

Lutang akong naglalakad papuntang opisina, ng bigla akong gulatin ni Cyreen.

"Hoy girl! Tulaley?" maligayang tanong niya.

"Hindi, wala lang talaga ako sa mood."

"Ok sige, i'll go na. Umayos ka sayang beauty natin." tumawa pa siya bagong tuluyang umalis.

Nasa tapat na pala ako ng pintuan ng office ko at hindi ko manlang namalayan. Pumasok na ako at naabutan kong may kausap si Sir. Davis na isang lalakina parang pamilyar saakin. Hindi ko nalang ito pinansin at nagtrabaho nalang.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nagtext pala si Sir. Davis.

Sir. Davis:

Get inside.

Pumasok na ako sa loob at naabutan ko silang nag-uusap at nagtatawanan ng lalaking kausap niya ngayon, ngayon lang ata siya tumawa ng ganito? Marunong din pala siyang tumawa kahit papano. Akala ko ay pagsusungit lang alam niyang gawin.

"Can you get us a drink? Ngayon na." utos niya, agad akong kumuha ng wine at ilalagay na sana ito sa table pero laking gulat ko ng natapon ito sa lalakiong kausap ni Sir. Davis.

"Sorry sir, hindi ko po sinasadya!" mabilis kong pinunasan ang basang damit ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"It's ok miss." natatawa pa siya habang kinakausap niya ako. Patuloy pa din ako sa pagpupunas ng damit niya at laking gulat ko ng makita ko ang lalaking nakasabay ko sa bus papuntang manila na siyang dahilan kung bakit ako nandito.

"Siksik girl! Ikaw pala yan, small world!"

"Hala! Ikaw pala yan, sorry talaga! Dami ko na tuloy atraso sayo!" natatawa kong sabi sakanya, inabot niya ang kamay niya saakin at nagpakilala.

"Andre Angeles, di ko na nasabi sayo. Nagmamadali kase ako nung gabing yon, pasensya ka na."

"Avina Casinto, ok lang ano ka ba. Salamat pala sa iniwan mo ha? Laking tulong nun saakin! Sorry na din pala at natawag kitang Pedro." natatawa akong inabot ang kamay niya at nagpakilala na rin sakanya. Salamat talaga kay Andre kung hindi dahil sakanya ay wala ako dito ngayon.

"At dahil jan, you owe me a date!"

"Naku wag na, nakakahiya naman. At tsaka wala pa akong pera."

"My treat, don't worry." sabi niya saakin at kumindat pa, hindi na ako tumanggi sakanya dahil nakakahiya naman kung ganon, yun na nga lang ang hinihingi niya ay hindi ko pa napagbigyan. Masyado naman atang makapal ang mukha ko kung tatanggi pa ako.

Napatingin ako kay Sir. Davis na nakatingin saamin na halatang naguguluhan sa nangyayari. Nag tiim bagang siya na para bang may ginawa na naman akong mali sakanya, ang totoo ay wala naman baka iniisip niya na malandi ako at pera lang ang habol ko sa kaibigan niya.

"You two know each other?" matabang na tanong niya.

"Oo bro, siya yung sinasabe ko sayo. Ganda niya in person diba?"

Tahimik na tumango si Sir. Davis at para bang sinusuri niya ako, ano bang ginawa kong mali sakanya? Kung tingnan niya ako ay para bang hinuhukay niya ang pagkatao ko. Oo, mahirap lang ako pero hindi ibig sabihin noon ay mukhang pera na ako.

"Una na ko bro, sunduin kita mamaya Avina ha."

Tumango lang ako at nginitian siya, umalis na siya at tinapik niya ang balikat ni Sir. Davis. Akmang lalabas na sana akong pintuan ng biglang tinawag ni Sir. Davis at parang may gusto siyang iparating kanina pa.

Lumingon ako at tiningnan siya, matalim siyang nakatingin saakin.

"Wag na wag kang makikipagdate sa kaibigan ko Avina."

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon