Kabanata 2

1.6K 63 2
                                    

Nag-aayos ako sa apartment na naupahan ko ngayon. Di naman ito ka-liitan di rin naman ito kalakihan ayos na din para saken. Nakakatawa nga at di na ko bibili ng yelo para lumamig yung tubig na iinumin ko dahil may ref na din dito. May isang kwarto at ibang natirang gamit nung dating umupa. Dadag-dagan ko nalang siguro pag may trabaho na ko.

Pagpasok po ay matatanaw mo na agad ang sofa na medyo malambot at isang lumang tv na stock na dito. Pagtingin mo naman sa kanan ay makikita mo ang isang mallit na lamesa na may tatlong upuan at nandun nadin ang lutuan. Sa kaliwa naman ay may dalawang pinto. Isa para sa tutulugan ko at isa naman ay kubeta. Dalawa pa nga ang pintuan nito, pag may emergency na din siguro ay pwedeng lumabas sa likod.

3k ang upa, ayos na din. Salamat talaga kay pedro este sa lalaking nakatabi ko at nag-iwan ng pera sa bus. Sino kaya iyon? Buong akala ko pa naman ay isa siyang hambog katulad ng ibang mayaman. May pa keep the change pa kasing nalalaman.

Mamaya siguro ay bibili nalang ako ng pagkain sa labasan at maghahanap ng mga murang damit para sa interview ko. Alas-nuebe palang naman at mamaya pang ala-una ng hapon ang appointment ko.

Nagsimula na kong mag-gayak para makauwi ako ng mas maaga at mapractice ko na ang sasabihin ko. Dahil mukha pa namang masungit si Davis yung CEO ng kompanyang papasukan ko. Naglakad na ako palabas ng eskinitang dinadaanan ko, napasikip naman dito at ang baho ng usok. Hindi katulad sa Agban na tanging sariwang hangin lang ang malalanghap mo.

Pumasok ako sa isang ukay-ukay para magtingin-tingin. Kahit papano ay nakabili naman ako ng mga 5 limang piraso ng blouse may iba pa naman akong blouse na dala, tama na siguro ito. Isang palda nalang siguro dahil meron din naman akong dalang tatlo. Palda ko pa iyon noong kolehiyo pa ako. Kasya pa naman kahit papano. Mabuti nalang at ipindala sakin ni Auntie ang heels niya na medyo bago pa.

May mga nagtitinda naman pala ng tapsilog dito. Yun nalang siguro ang kakainin ko. Pumasok ako sa isang tindahan at umorder na. Ang bilis ng oras alas-onse na agad. Nilakad ko lang naman kasi, di ko kasi alam kung saan ako bababa kung sasakya pa ako ng jeep. At malapit lang din ang kompanyang pinapasukan ko dito. Konting lakaran lang.

"Isang hotsilog nga po."

Habang nag-preprepare ang ale, ay naisip kong kailangan ko pala ng cellphone. Pano na ito? Eh wala pa kong sapat na pera para makabili ng cellphone. Kasya lang ang natirang pera para sa pangkain ko bukas. Sana ay payagan ako ng boss ko na bumali kung sakaling matanggap ako.

"Miss, eto na. 35 pesos." nag-abot na ako ng salapi sa ale, at sinimulan ng kumain kailangan kong makauwi ng maaga at baka malate pa ako. "Isang mountain dew nga po."

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko at mabilis na naglakad pauwi sa tinitirahan ko. Pagpasok ko ng bahay ay agad kong hinanap ang ibang damit na dala ko, ito muna ang gagamitin ko at lalabhan ko muna ang mga napamili ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuklay ang buhok ko. At sinuot ang damit na hinanda ko, nagpulbo nalang ako dahil di ko naman kailangan ng makapal na make-up. Mas simple mas maganda, ika nga.

Alas-dose imedia na ng nakarating ako sa Avilã Enterprises. Nakita kong malapit ng mapuno ang elevator kaya nagmadali akong makapasok sa loob nito kahit siksikan na. Sa awa ng Diyos ay nakaabot pa.

"Ano ba yan, nakita na ngang puno na eh. Sumiksik pa." sabi ng isang empleyado sa tabi ko. Debby Flores ang pangalan niya nakita ko ito sa name tag niya.

"Sorry naman. Nagmamadali kase ako Debby." tugon ko.

"Wait, close ba tayo? How did you know my name?" maarteng sagot niya.

"May name tag ka, may mata ako kaya nakita ko."

Nagpipigil ng tawa ang ibang empleyado sa likod ko habang itong si Debby ay inis na inayos ang name tag niya pati na din ang damit niya. Saktong pagbukas ng elevator ay umalis na agad siya.

"Debby, wait! San ang office ng CEO? Si Dabis."

"What? It's Davis not Dabis napaka probinsiyana mo naman!" maarteng salita niya at bago umalis sa harap ko ay umirap pa. Akala mo naman kung sinong maganda, chararat naman!

Naglakad-lakad na ako para hanapin ang office ni Dabis este Davis, ang laki laki naman nitong Avilã Enterprises. Sa haba ng paghahanap ko ay nakita ko na din, dulo pa pa pala kaya siguro ang hirap hanapin ng opisina.

Kumatok muna ako para naman kahit papano nagbibigay ng respeto, para good shot ako diba.

"Come in." malamig na sabi ng isang lalaki sa loob.

Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa upuan na malapit sa lamesa niya. Amoy na amoy ang pabango ng lalaking nakatalikod ang swivel chair sa harap ko ngayon at napaka manly niyang manalita. At kahit likod palang niya halata mong ang gwapo na! Kalandian goals, ano ba Avina nandito ka para sa isang interview hindi para lumandi.

Nakita ko din ang "Davis Avilã" na nakalagay sa ibabaw ng table niya.

Kinuha ko ang ibang documents sa loob ng shoulder bag na dala ko nang bigla siyang nagsalita.

"Avina Casinto? Right?" napatingin ako sakanya at para bang huminto ng ilang segundo ang mundo ko.

Ang gwapo na ang hot pa! Kanin nalang ang kulang at pwede na kong kumain, Lord siya na ba? Ang nakatadhana para saakin? Napaka-bait niyo naman po at binigyan niyo ko ng isang gwapong nilalang sa buhay ko.

"Miss Avina? Are you listening?"

Natigil ang pag-aasume ko ng bigla siyang nagsalita, "Ah yes sir." sagot ko.

"Business Management? From AC? Ashire College?" tanong niya.

"Nako, hindi po! Agban College po!" maligayang sagot ko.

"Magaling ka ba sa mga muwebles? Kailangan na kailangan ko kase ng trabahador."

"Oo naman po sir, kayang kaya ko po!"

"Sir, kung sakali pong matatanggap ako. Ah...eh pwede po bang bumali? Ipapadala ko lang po sa na sa tatay ko para maibili na siya ng gamot ng tiyahin ko at mabilan ko na din ng sapatos ang kapatid ko. Kung pwede lang naman po, hehe."

Sumeryoso ang tingin niya saakin at binalik ulit sa mga dokumento na hawak niya ngayon, Lord kahit hindi na siya basta makapasok lang po ako sa trabaho na to. Kailangan kong matanggap dahil kung hindi ay baka di ko na mapag-aral si Jordan at tuluyan ng lumala ang sakit ni tatay.

Nakita ko siyang umiling at napayuko nalang ako sa lungkot na naramdaman ko. Tumayo na ko at alam kong di ako tanggap sa trabaho bilang sekretarya niya. Sino ba namang makapal ang mukha na magsasabi na pwede bang bumali agad, interview palang naman.

Bahagya akong napahinto ng marinig ko ang malamig na boses ni Davis na nagpatalon ng puso ko sa saya.

"Sige, pwede kang bumali. You can start tomorrow, you may go."

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon