Kabanata 1

3.1K 110 32
                                    


Sinimulan ko ang araw ko ng may malaking ngiti sa aking labi. Wala ng mas sasaya pa dito. Sinimulan ko na din ang mag-impake ng mga damit.

"Avi, bat ang liit liit naman ng bag mo?" sabi ni Auntie Lorena.

"Para namang pong may ilalagay pa ko dito auntie." ani ko. At agad niya kong inabutan ng limang-daan.

"Auntie, para saan po ito? Masyado na po itong malaki."

"Bakit? Maglalakad ka ba papuntang maynila? Biro lang, pangkain mo na din mamili ka na rin ng mga damit yung mumurahin lang ha." sabi niya at kumindat pa.

"Sa Jobillee ka na kumain ha." sabi niya nagpangiti saakin.

"Auntie, Jollibee po."

"Ay basta! Mamili ka ng damit sa Disoria ha?" sabi niya na nagpahagalpak ng tawa ko.

"Auntie, Divisoria po."

"Ay basta! Kung ano pa iyan, basta wag na wag kang magpapa-api doon. Wag na wag kang magpapa-apak sa mga matapobre doon ha. Mag-iingat ka lagi Avi." nakita ko ang pagtulo ng luha ni Auntie at niyakap niya ko ng mahigpit.

"Oo naman auntie, keribells lang!"

Si Auntie Lorena, ang pinakapaborito kong tiyahin na kapatid ni tatay. Hindi na nag-asawa dahil na broken sakanyang kasintahan noong high school. Nagtagal ata sila hanggang college. Naghiwalay sila nung umalis patungo ng America yung lalaki.

"Ate, sira na yung sapatos ko." malungkot na sabi ni Jordan.

"Hayaan mo, at magpapadala agad ako sa unang sahod ko. Ipagdasal mo na matanggap ako ha." niyakap ko siya ng mahigpit pati na din si Auntie.

Nagpaalam na din ako kay tatay na lihim na lumuluha sa isang tabi. Pati tuloy ako ay napapaiyak na din.

Si nanay? Ipagdarasal ko nalang siya, na sana mapagtanto lahat ng nagyayari sakanya. Na sana masaya desisyon niya na sumama sa ibang lalaki.

Sa huling sandali ay sumulyap ako sa bahay namin. Pinunasan ko ang mga lumuha na tumulo sa mata ko.

Ito na isang hakbang pasakay ng bus, isang hakbang na pwedeng magpabago ng buhay namin. Andrama diba? Aakyat nalang ng bus may hugot pa. Keribells to! There's no turning back, ika nga.

Sa pag-akyat ko ay natanaw ko na wala ng ma-uupuan. Pero may isang matipunong lalaki na halos sakupin ang buong space ng upuan. Eh gamit lang naman nakaupo.

Ayoko sanang umupo dahil baka matapobre ang isang to. Mukha pa namang masungit, mayaman at hambog.

Nakita ko na nag-sisiakyat na ang mga pasahero. Wala ng hiya-hiya agad akong umupo sa tabi nito. Siniksik ko ang aking sarili sa mga gamit niya.

Pero hindi niya ata ito pinapansin, "May bayad ba tong gamit niya?" bulong ko.

Narinig ko ang tawa niyang nakakaloko. Kinuha niya ang kanyang bag na mas mahal pa siguro sa lahat ng gamit sa loob bag ko.

Ginamit niya ito upang patungan ng kanyang paa, na parang pagtapak niya sa pagkatao ko. Oo na, ikaw na mayaman. Mura lang to bag ko pero nagamit ko ito sa lahat ng pagsubok na nangyari sa buhay ko.

Matibay pa to sa ibang tao eh.

Pilit niyang sinasarado ang kurtina ng bus at pasimple kong hinahawi pag sinasara niya ito. Ganito lang kami for 2 minutes, hanggang sa sumuko nalang ako.

Umupo nalang ako at hinintay ang paglapit ng konduktor. Ayan na siya, palapit na! Palapit na ng palapit.

"Ne, may id ka?"

"Ay oo naman po! Ayan kita niyo naman po diba, graduate ng Agban College. Kita mo na yan? Nene days diba po. Nakikita mo ba kuya? Tingnan mo oh!" tinapat ko ito sa mata niya at winagayway ko ito. Si kuya kase naka shades sa loob ng bus, kinain na ng sistema.

"Tingnan mo po tong likod kuya. Ayan pangalan ng nanay at tatay ko yan. Louisa at Wendell? Ano kuya? Hulaan mo! Di mo alam no? Casinto! Eto kuya, pangalan ng principal namin yan. Matandang dalaga yan! Bagay kayo! Reto kita sakanya!"

Narinig ko nalang ang alingaw-ngaw ng sarili kong boses sa loob ng bus na sinaksakyan ko. At halos lahat ng tao ay nakatingin sa aming direksyon.

Tiningnan ko nalang sila at dahan-dahang itinaas ang dalawang daliri ko na nagpapahiwatig ng peace sign at nginitian sila.

Napatawa nalang at napakamot sa ulo niya ang kundoktor.

"Ne, san ka nga pala bababa?"

"Ahm, kase kuya...ganito yan...." napanganga nalang ko dahil hindi ko talaga alam kung saan ako bababa.

"Kasama ko yan kuya, dalawang manila. Terminal." nagpipigil siya ng tawa at nag-abot ng isang libo sa konduktor.

Napatingin nalang ako ng masama sakanya, aba may pagnanaasa tong lalaking to ah. "Anong kasama? Di nga kita kilala eh!" puna ko.

At agad akong tumingin sa aking wallet na nagpalaki ng mata ko. Bakit nawala ang laman neto? Tiningnan ko siya at nakatingin din siya saakin.

"Ne, may ibabayad ka ba? Dami mong sinabi ah, bumaba ka nalang kung wala kang pamasahe."

"Kuya naman di mabiro! Kasama ko to!" sabi ko konduktor at hinampas ng pabiro, "Diba...pedro? Oo tama, kasama kita diba? Diba?" siniko ko naman ang lalaking katabi ko ng palihim at binigyan ng matalim na tingin.

"Ah?...oo, kasama niya ko." sambit niya. "Keep the change."

Nagpatuloy na sa paninigil ang konduktor na halatang naguguluhan pa din sa nangyari. Agad kong hinila ang tainga ng katabi ko.

"Hoy lalake! Kinuha mo yung pera ko no! Gusto mo atang makapoints sakin!"

"Aray! Aray! Ano ba? Tama na, masakit!" napangiwi ako at binatawan ko na siya.

"Unang-una sa lahat hindi ako magnanakaw, pangalawa pwedeng type kita pero wag kang assuming. Pangatlo, hindi Pedro pangalan ko." paliwang niya.

"Sorry naman! Pero thankyou ah! Thankyou talaga! Di bale, bawi ako pag nagkita ulit tayo. Kung magkikita pa tayo." nagkibit balikat nalang ako at ngumiti sakanya.

"Wag na barya lang yun."

Di ko na siya kinibo at itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga tanawing nadadaanan ko. At nakaramdam ako ng pagka-antok.

~*~

"Manila! Manila!" nagising ako sa ingay ng mga bus at ng konduktor na sinisigaw ang lugar na bababaan ko.

Nilinga ko ang paligid ko, ang ganda pala talaga sa Maynila. Nagtataasang building na magsisilbi kong insperasyon para sa pagtaas ng pangarap ko. Ang daming mga ilaw, ang liwanag. Ilaw na parang magiging gabay ko sa pagsubok na mararanasan ko. Mga kotse at kung ano-ano pang klase ng sasakyan, na tumatakbo ng mabilis.

Napalingon ako sa gilid ko at napansin kong wala na si Pedro ay este yung lalaki. Nag-iwan siya ng sobre? Ano namang laman nito?

"Jusko, limang libo." bulong ko. Anong gagawin ko dito? Nakakahiya naman kung gagamitin ko. Pero wala akong pera, kaya gagamitin ko nalang. Keribells lang to!

Bumaba na ako at nagsimulang maglakad para maghanap ng matutuluyan.

Napatigil ako ng makita ko ang malaking karatula ng isang pamilyar na mukha. At binasa ang sulat na nakalagay sa ibaba ng mukha nito.

"Avilã Enterprises."

Agad kong kinuha ang papel na dumapo sa mukha ko, na siyang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa lugar na inaapakan ko.

Binasa ko ang nakasulat at dun kulang napagtanto.

"Avilã Enterprises? Ito nga, keribells lang!"

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon