Kabanata 8

105 6 1
                                    

Lutang akong naglalakad papasok ng building namin ngayon. At malinaw na malinaw pa din sakin yung mga nangyari. Bakit siya naiinis? At talagang bakas sa mukha ni Davis ang mga nangyari. Hindi matanggal ang kaba ko sa dibdib habang papasok ng building. At ayaw ko pang makita ang mga titig ni Davis.

"Goodmorning, ma'am!" bati sakin ng guard.

Nginitian ko lang ito dahil hindi ko talaga alam ang magiging tugon ko sakanya. Masyadong magulo ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Huy, Avina!" tawag sakin ni Cyreen ng maaubutan niya kong parang tangang tulala habang inuumpog ang ulo ko sa gilid ng elevator.

"Ano ayos ba yung mga pinadala kong damit sa'yo?" galing ang mama niya sa ibang bansa, at dahil madalas na nakwekwento sako ni Cyreen sakanyang ina ay nagustuhan na din ako nito.

Napatango na lang ako sakanya at saktong pagtunog ng elevator ay pumasok na ako. Sumunod naman sakin si Cyreen.

"Siya nga pala, Avmay kilala si mommy na pwede mo pasukan ng trabaho. Kahit sideline lang after ng office hours dun ka na didiretso. Diba magaling ka gumawa ng mga muwebles? Pwedeng-pwede ka don bes!"

Napatingin naman ako kay Cyreen dahil sa maganda binalita niya.

"Paano? 5pm pa ang labas natin."

Mukhang kailangan ko kase dumoble ng kayod, kagabi ay tumwag sakin si Auntie at malungkot na ibinalita sakin ang pag atake na naman ng sakit ng tatay.

"Oh eh ano naman? Hanggang 8 lang ang shop, kinausap na ni mommy ang manager. Kaibigan niya kaya yon kaya napaki-usapan niya. Start mo na bukas bestie, sasamahan kita!" sabi niya ng kitang kita mo ang saya sakanyang mga mukha.

"Ano bang mga dapat kong dalhin? May mga requirements ba?" tanong ko.

"Napasa ko na Av, alam kong busy ka kaya ginawa ko na!" pagmamalaki niya.

Napangiti nalang ako ng bahagya sa ginawa ni Cyreen.

"At siya nga pala, diba nagrerent ka din ng bahay? Gusto mo bang sa apart--"

Agad kong pinutol ang sasabihin dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Masyadong ng maraming bagay ang nabigay sakin ni Cyreen, at kailanman ay hindi siya humihingi sakin ng anumang kapalit. Mag-isa siyang anak kaya naman ng nakilala ako ng bruha ay tinuring niya kong parang kapatid niya na, ganun din si tito at tita.

"Sige na Av, ang lungkot lungkot ng apartment ko, ako lang mag isa doon. Meron naman akong spare room doon at siguradong kasya tayo doon. Nakausap ko na din si mommy tungkol dito at payag na payag siya. Sige na Av, please!" pagmamakaawa niya.

Lumabas ako ng elevator at hindi siya pinansin dumiretso ako sa office ko at nagsimula na ng mga dapat kong ayusin.

Sa likod ko ay dumaan si Davis heto na naman ang milyong kaba na nararamdaman ko kagaya ng kanina. Hindi niya ko pinansin at dire diretso sa kanyang opisina. Kita mo na ang lalaking yon? Pagkatapos niyang hindi patulugin ang buong sistema ko ay dadan-daanan niya nalang ako?

Hindi ko nalang din siya papansinin, wala lang naman sakanya iyon.

Tumunog ang cellphone ko at nagflash ang panagalan ni Cyreen.

Cyreen:

Pretty please? Alam kong di mo matitiis ang magandang katulad ko. Av sige na kase :(

May magagawa pa ba ako?

Ako:

Usap tayo maya, wag kang' ano jan. Di ka maganda :P


Ilolock ko na sana ang cellphone ko ng may nakita akong isa pang text.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon