Kabanata 22

79 2 1
                                    

Lumipas ang ilang araw at linggo na walang Cyreen ang nangungulit sakin. Hindi din siya umuuwi ng apartment, nag-aalala na ko. Maging pagpasok sa trabaho ay hindi niya na rin magawa. Gulo ang isip ko ngayon.

Maaga akong uuwi ngayon, gusto ko sana na mag-abot man lang kami ni Cyreen sa bahay. Sabi ng mga kapit bahay, umuuwi daw ng 5pm si Cyreen. Sasaglit lang at aalis na din ito. Kaya naman pinagpaalam ko kay Davis na bago mag alas singko ay uuwi na ako.

Pagkarating ko ng apartment, gulat na tumambad sakin ni Cyreen na para bang ayaw niya ko makita. Ayaw niyang makita ako. Bakit? Anong problema? Nagsimula nang lumakas ang tambol ng dibdib ko. Bigla akong kinabahan ng magkaharap kami.

"Anong ginagawa mo dito?" halos manlamig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang malamig na boses ni Cyreen. Humakbang ako papalapit kay Cyreen ngunit nagsalita ulit ito.

"Don't touch me." pahayag niya. "Cy, ang tagal kitang di nakita. Ilang linggo akong nag-aalala. Bigla kang nawala pagkabalik namin ng Agban. Tapos iyan ang ibubungad mo sakin?" halos magtayuan ang balahibo ko ng nakita ko ang pag ngiti niyang nakakaloko at ang titig ng mga matang nasasaktan.

"Aalis na ko." sambit niya.

"Cyreen, I miss you. Ano bang problema?" halos ikuyom ko ang kamao ko dahil konti nalang ay papatak na ang luha ko. Tiningnan niya lang ako at kinunot ang kanyang noo.

"Ha? Mang-aagaw." narinig ko ang pag ngisi niya at ang pag irap ng mga mata niya.

"Ano bang sinasabe mo, Cy?" naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong mang aagaw ang sinasabi niya.

"Ikaw, mang-aagaw ka! Ako ang nauna sakanya! Ako yung nandiyan noong mga panahong nasasaktan siya! Ako nag-alaga sakanya Av! Wala ka nung mga panahong ang baba ng tingin niya sa sarili niya! Ako ang nandoon, Av! Hindi ikaw!" bumuhos ang luha ko ng marinig ko ang sinabi niya. Ano? Sunod sunod ang paglunok ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi kita maintindihan..." napailing kong ginawa.

"Stop, Reen." napalingon ako sa pagdating ni Davis. Ano to?

Napakurap kurap si Cyreen at halos mamuo ang luha sa dalawang mata niya, umiling siya. "Stop? Why Davis? Ayaw mo ba malaman ni Avina lahat?" sigaw nito kay Davis at hinampas hampas nito ang dibdib niya.

"Davis, alam ko...Alam kong magugustuhan mo siya. Nakita ko palang noong pagpasok niya sa opisina mo. Kinaibigan ko siya, kase akala ko malalayo ko siya sayo. Tangina, talo pa din ako."

Unti-unting bumagsak ang luha sa mata ko. Anong sabi niya? Nagkakamali lang ba ako ng rinig? Bumaling ulit ako sakanilang dalawa. Parang pinipiga ang puso ko, naguguluhan ako.

"Stop, alam mong magkaibigan na lang tayo Cyreen."

"You're kidding! Mahal mo pa din ako Davis! Noon pa lamang mga bata pa lang tayo, alam kong may lugar ako diyan!" turo niya sa dibdib nito. "You love me!" sigaw nito.

"I said sto--"

"Davis, ramdam ko. Ramdam ko lahat yon. Bakit mo ko pupuntahan noong gabing yon? Bakit mo ginawa yon kung wala kang nararamdaman sakin?"

"Why did you that? Why did you hug me that time?"

"You look so happy that time Davis. Wh---"

Hindi ko alam pero parang mas tumindi ang kirot sa dibdib ko. Noon palang sila magkakilala? Magkababata sila? Ano? Hindi ko maisip na magiging ganito. Kaya ba? Kaya ba parang alam niya lahat ng tungkol kay Davis?

Hinawakan ni Davis ang magkabilang balikat ni Cyreen at itinulak ito palayo sakanya. "Stop it, Cyreen! Ginawa ko kung anong gusto mo diba? Lumayo ako! Tangina, leave us alone!"

May namagitan sakanila? P-paano?

"No...no...no..." iling na ginagawa ni Cyreen habang nagsasalita. "Andre is a jerk! Alam kong wala na kong karapatan magsalita pa dahil ayos na kayo. Pero gago siya Davis, niloko niya ako."

"Gago? Parehas lang kayo." pagdidiin ni Davis at halos magwala ang puso ko ng lumipat ang tingin sakin ni Davis. Kita sa mukha niya ang pag-aalala.

"Get lost, Cyreen." sabi niya at hinigit ako papalayo sakaniya. Nasasaktan ako sa nangyayari lay Cyreen, pero mas mabigat ang nararamdaman ko. Mas masakit ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay niloko ako ng sampung beses.

Hindi pa man ako nakakalayo ay isang malakas na sampal na ang nakuha ko kay Cyreen.

"Putangina!" sigaw ni Davis at saka hinila sa braso si Cyreen at itinulak ito halos mapamura si Cyreen sa lakas ng pagkabagsak niya.

"Davis please, i'm begging. Ako nalang ulit, be mine again."

Ramdam ko ang pagmamakaawa ni Cyreen kasabay din nito ang sakit ng nararamdaman ko.

Unti-unti akong tumalikod at lumabas ng apartment. Bumagsak lahat ng luhang gustong kumawala. Nagmukha akong tanga, i feel betrayed. Bakit walang sinabi si Davis sakin? Parang pinupunit ng paulit ulit yung puso ko. Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan handa na kong ibigay sakanya.

Naramdaman ko ang mainit na yakap sa likod ko. Naamoy ko kaagad ang pabango niyang halos bumabaliw sakin. Naramdaman ko na naman ang mga paborito kong bisig. At ramdam na ramdam ko din ang pagbagsak ng maiinit na luha sa mata ko.

"I'm sorry baby..." garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon.

Tahimik lang ang paligid at animo'y hikbi ko lang ang maririnig.

"I'm sorry..." Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko, naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa sarili ko.

"I'm sorry Avina...."

Hindi ko na kaya, gusto ko ng sumabog. Gusto kong kumawala, gusto kong mapag-isa.

"Bakit..." ang mga salitang tanging lumabas sa bibig ko. Napaupo ako at tinakpan ang magkabilang pisngi ko. Wala na kong gustong gawin kung hindi umiyak nalang. Nalunod na ko sa kakaisip.

"I will tell you everything....Avina please just listen to me..."

Tumayo ako at naglakad papalayo sakaniya, patuloy ang pagluha ng mga mata ko. Hindi ko alam kung paano aahon yung damdamin ko sa pagtigil ng tadhana. Nagsisimula palang kami, pero ganito.

"Nak ng putcha, Avina please naman..." garalgal na sabi nito.

Patuloy ako sa paglalakad at hindi siya nilingon dahil alam kong pag lumingon ako ay baka hindi ko kayanin at yakapin ko nalang siya bigla. Hindi kaya ng puso ko ngayon. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang ang mga sinabi niyang halos baliwin ako sa sakit.

"Sige Avina lumayo ka....lumayo ka hangga't kaya mo...."

"Kase ako? Hahanapin pa din kita kahit sang dako ka pa ng mundo pumunta..."

"Wala ka ng kawala, pag mamay ari ka na ng gagong katulad ko."

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon