Kabanata 11

124 7 1
                                    

Maaga pa lang ay subsob na agad ako sa trabaho, ayoko ng magkaron pa ulit ng chance magkausap kami ni Davis dahil sa totoo lang ay natatakot na kong magkausap kaming muli, baka di ko kayanin at maramdaman ko nalang ang mga bagay na hindi ko naman dapat nararamdaman.

Balik sa dating routine, papasok lang ako sa opisina niya pag may kailangan akong ipasa. Hindi ko siya binibitawan ng isang tingin, kahit na alam kong lagi siyang nakatitig tuwing nakikita niya ako.

Tama nga sila, isang malaking kahibangan ang masyadong magpatansya sa mga bagay na malabo mong makuha.

Gusto niyang umalis ako ng L'Amore? Bakit? Ang trabaho ko sa kanyang kompanya ay isang sekretarya niya sa L'Amore naman ay isa akong manggagawa ng mga muwebles. Alam kong parehas lang na pagawaan ng mga muwebles ang dalawang kompanyang pinasok ko, pero magkaiba ng posisyon.

Unti-unti ko ng minamahal ang gawain ng isang sekretarya, ngunit di pa din maalis sakin ang pagmamahal ko sa paggawa ng muwebles dahil ito na ang kinalakihan ko.

Pumatak ang alas-singko, nagsimula na kong magligpit ng mga gamit ko dahil duty ko naman sa kabila. Sumilip ako sa opisina ni Davis at nakita kong nakatingin naman siya ng malalim, agad na nagtama ang paningin namin kaya agad din akong umiwas.

Pagdating ko sa L'Amore ay tahimik ko ding sinimulan ang trabaho ko. Tinannong ako ni Leanna kung bakit ang tamlay ko, ngunit isang malungkot na tingin lang ang naibigay ko, bakit ba ang lakas ng epekto sakin nito?

"Nasan na ang mala anghel na ngiti mo? Huy, Avi di ako sanay." pagrereklamo sakin ni Alec.

"You look so sad, may nangyari ba?" sabi ni Lucas.

"Alam ko na..." lahat kami ay napatingin sa nagsalitang si Ase, once in a blue moon lang ito kung magsalita at para bang first time lang namin siyang narinig.

"It's my birthday, Av. Invite kita bukas to ease your pain at makapagliwaliw ka."

Hindi na ko nakapagsalita dahil minsan lang naman kung mag-aya si Ase kaya pupunta nalang din siguro ako. Napahiyaw naman sila Alec ng narinig ito. Maging si Leanna ay natuwa at nagtatalon pa sa sobrang excite.

"Ase, wala pa kong sahod ah, nakakahiya naman at baka wala akong mabiling regalo. Happy Birthday in advance!" sambit ko.

Tumango lang siya at bumalik na sa trabaho niya.

"Promise, di ka ma-oop dun!" pagkukumbinsi sakin ni Leanna.

"Kasama mo kaya kami!" dagdag naman ni Lucas.

Ngumiti nalang ako at natawa sakanila, pwede naman daw akong magsama ng kaibigan kaya baka ayain ko na din si Cyreen at baka pupwede siya para naman kahit papano ay hindi ako makaramdam ng hiya.


~*~


"Girl, hindi ako pwede! Aalis kami ni mudra mamaya, sayang talaga!"

Ngayon ko lang nabanggit kay Cyreen yung nasabing party ni Ase at mamaya ng 6 iyon. Heto naman siya, nagpapaliwanag sakin ni hindi siya pwede dahil magtatampo sakanya si tita pag hindi  niya ito nasamahan. Alas-kwatro y media na, at di pa din ako nakakapag-ayos.

"Paano ako?"

"Wag kang mag-aalala, aayusan kita ng bongga!"

Hinatak niyako sa loob ng kanyang kwarto at mabilis siyang naghalungkat mga dress. Kiunuha niya ang isang puting dress, simple lang ito na sa tingin ko ay babagay naman sa hubog ng katawan ko. "Bihis ka na Av, dali!"

Sinuot ko na iyon, at aaminin kong bumagay nga iyon saakin. Pakiramdam ko ay para akong isang anghel na galing sa langit dahil sa suot ko. Kahit na medyo maikli ito ay nagustuhan ko pa din.

Buried AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon