Buried Alive

Por lil0rbitz

18.1K 603 78

Isang kahig, isang tuka yan si Avina Louwen Casinto, isang babaeng gagawin ang lahat para sakanyang pamilya... Más

Notes
Buried Alive
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 8

105 6 1
Por lil0rbitz

Lutang akong naglalakad papasok ng building namin ngayon. At malinaw na malinaw pa din sakin yung mga nangyari. Bakit siya naiinis? At talagang bakas sa mukha ni Davis ang mga nangyari. Hindi matanggal ang kaba ko sa dibdib habang papasok ng building. At ayaw ko pang makita ang mga titig ni Davis.

"Goodmorning, ma'am!" bati sakin ng guard.

Nginitian ko lang ito dahil hindi ko talaga alam ang magiging tugon ko sakanya. Masyadong magulo ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Huy, Avina!" tawag sakin ni Cyreen ng maaubutan niya kong parang tangang tulala habang inuumpog ang ulo ko sa gilid ng elevator.

"Ano ayos ba yung mga pinadala kong damit sa'yo?" galing ang mama niya sa ibang bansa, at dahil madalas na nakwekwento sako ni Cyreen sakanyang ina ay nagustuhan na din ako nito.

Napatango na lang ako sakanya at saktong pagtunog ng elevator ay pumasok na ako. Sumunod naman sakin si Cyreen.

"Siya nga pala, Avmay kilala si mommy na pwede mo pasukan ng trabaho. Kahit sideline lang after ng office hours dun ka na didiretso. Diba magaling ka gumawa ng mga muwebles? Pwedeng-pwede ka don bes!"

Napatingin naman ako kay Cyreen dahil sa maganda binalita niya.

"Paano? 5pm pa ang labas natin."

Mukhang kailangan ko kase dumoble ng kayod, kagabi ay tumwag sakin si Auntie at malungkot na ibinalita sakin ang pag atake na naman ng sakit ng tatay.

"Oh eh ano naman? Hanggang 8 lang ang shop, kinausap na ni mommy ang manager. Kaibigan niya kaya yon kaya napaki-usapan niya. Start mo na bukas bestie, sasamahan kita!" sabi niya ng kitang kita mo ang saya sakanyang mga mukha.

"Ano bang mga dapat kong dalhin? May mga requirements ba?" tanong ko.

"Napasa ko na Av, alam kong busy ka kaya ginawa ko na!" pagmamalaki niya.

Napangiti nalang ako ng bahagya sa ginawa ni Cyreen.

"At siya nga pala, diba nagrerent ka din ng bahay? Gusto mo bang sa apart--"

Agad kong pinutol ang sasabihin dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Masyadong ng maraming bagay ang nabigay sakin ni Cyreen, at kailanman ay hindi siya humihingi sakin ng anumang kapalit. Mag-isa siyang anak kaya naman ng nakilala ako ng bruha ay tinuring niya kong parang kapatid niya na, ganun din si tito at tita.

"Sige na Av, ang lungkot lungkot ng apartment ko, ako lang mag isa doon. Meron naman akong spare room doon at siguradong kasya tayo doon. Nakausap ko na din si mommy tungkol dito at payag na payag siya. Sige na Av, please!" pagmamakaawa niya.

Lumabas ako ng elevator at hindi siya pinansin dumiretso ako sa office ko at nagsimula na ng mga dapat kong ayusin.

Sa likod ko ay dumaan si Davis heto na naman ang milyong kaba na nararamdaman ko kagaya ng kanina. Hindi niya ko pinansin at dire diretso sa kanyang opisina. Kita mo na ang lalaking yon? Pagkatapos niyang hindi patulugin ang buong sistema ko ay dadan-daanan niya nalang ako?

Hindi ko nalang din siya papansinin, wala lang naman sakanya iyon.

Tumunog ang cellphone ko at nagflash ang panagalan ni Cyreen.

Cyreen:

Pretty please? Alam kong di mo matitiis ang magandang katulad ko. Av sige na kase :(

May magagawa pa ba ako?

Ako:

Usap tayo maya, wag kang' ano jan. Di ka maganda :P


Ilolock ko na sana ang cellphone ko ng may nakita akong isa pang text.

Si Cyreen talaga ay napaka--

Si Davis ang nagtext.

Bigla akong napatigil at nagdadalawang isip pa kung bubuksan ko ba ang mensaheng pinadala niya. At tumunog uli ito, pangalan niya uli ang nagflash sa screen.

Unang text ay ganito.

Sir. Davis:

Focus, Avina.

Ang pangalawa ay nabigay ng matinding kaba sa dibdib ko.

Sir. Davis:

Stop and don't fucking entertain those guys.

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko at mabuti nalang ay mahigpit kong nahawakan ito. Agad ko itong tinabi at sinimulan nalang ang trabahong dapat kong ayusin. Baka matuliro lang ako at mabaliw sa kina uupuan ko kung patuloy kong' iisipin yon.

"Ano, av? Payag ka na ba? Tsaka ready ka na?"

Palabas na kami ng building ni Cyreen, ala singko na ng hapon at naisipan naming bumisita muna sa trabahong iniaalok sakin. Mamaya rin pagkatapos namin doon, ay dadaan na kami ng apartment ko at kukunin ang iba kong gamit.

"Av, medyo ingat ka don ha? Karamihan ng mga nagtratrabaho doon ay kaedad lang din natin. Pero halos puro lalaki, bibihira lang ang babae. Ang alam ko din ay dalawa lang kayo."

"Ano?" malaking O ang bibig ko ngayon habang nakatitig kay Cyreen.

"Hay nako, wag kang mag-alala! Mababait yung mga yon!" aniya niya. Umaliwalas ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Tumayo at akmang lalapitan siya para humingi ng pasasalamat ng unahan niya na agad ako.

"Hay nako, bestie! Welcome na agad!" sabi niya at agad akong niyakap.

Nasa building na kami ng pagtratrabuhan ko. Sumunod lang ako kay Cyreen hanggang sa narating namin ang main entrance ng building, ang laki nito.

L' Amore.

Basa ko sa isang karatula na nakaukit sa kahoy na nakasabit sa taas ng main door. Pupuntahan namin ang manager ngayon para makilala ko na din ito.

Pagpasok ko palang sa loob ay manghang-mangha na agad ako sa mga muwebles na nagkalat sa silid. Solidong-solido ang pagkakagawa animo'y may kasama itong pagmahahal kaya naman mas lalo itong gumanda.

Sa tabi ng isang upuan, nakuha agad ng tingin ko ang isang cabinet na gawa sa bamboo. Ang ganda ng pagkakagawa, hinaplos ko ito at talagang napapangiti ako sa sobrang gaan sa pakiramdam.

"So, hija? You must be Avina?" sabi sakin ng isang matandang kaedad lang ng tiyahin ko.

Teka? Parang kilala ko ito ah?

"Mr. mills? Ay, goodafternoon po! Bakit po kayo nandito? Bibili po ba kayo ng mga muwebles?" tanong ko.

Natawa siya ng bahagya, "I'm the manager of this company. Welcome to L'Amore hija!"

Bakas sa mukha ko ang pagkagulat? Si Mr. Mills ang may-ari?

"N-nako po! M-maraming salamat po!"

Nilingon ko si Cyreen at nag thumbs ito saakin.

Inexplain' sakin ni Mr. mills ang mga gagawin at kung ano ba dapat iaayos. 8 thousand ang sahod kaya ayos na din yon. Dagdag pang sweldo ko kay Davis at makakaipon na talaga ako. Bukas na ang simula ko at tinuro na rin sakin ni Mr. Mills ang mga magiging working place ko. Dapat nga ay alas-otso ng umaga ay nasa trabaho na ko ngunit naintidihan naman ni Mr. Mills ang sitwasyon kaya pumayag siya na alas-singko na hanggang sa magsara na ito ang pasok ko.

Mabilis lang ako gumawa ng mga muwebles dahil gamay ko ang mga ito.

A plain white shirt and simpleng working clothes lang ang pwedeng suotin, pati na din ang steele-toed boots ay kailangan, hard hat at protective glasses.

May mga nakilala na din akong ibang makakasama ko bukas.

Sila Cj, Ase, Lucas at Alec ang sa lalaki sa babae naman ay si Leanna lang. Mababit sila at excited na silang makatrabaho ako bukas. Tuwang-tuwa din naman si Leanna dahil sa wakas ay makasama na siyang babae sa trabaho.

"Maraming salamat po talaga, Mr. Mills! Asahan niyo po ang magandang serbisyo na ibibigay ko!" sabi ko habang nakikipagkamayan sakanya.

Natawa naman siya sa inasal ko, "Osige hija, madilim na rin. Napahaba masyado ang usapan natin. Ingat kayo ng kasama mo sa pag-uwi at mauuna na din ako dahil madami pa kong aasikasuhin."

Nagwave siya ng kamay at ngumiti bago tumalikod sa amin.

Palabas na kami ng building ng kasabay ding naming lumabas sila Cj, Ase, Lucas, Alec tsaka Leanna. Mukhang tapos na sila sa trabaho at uuwi na din.

Natanaw ko ang isang Mercedes-Maybach na black matte sa may gate. Palabas na din kami ni Cyreen kaya naman malapit na din kami dito.

"Avina, see you tomorrow!" sabi saken ni Cj.

Nginitian ko siya, "See you, cj!"

Magandang imahe ang meron si cj. Ang kanyang mga mata ay sobrang lalim na para bang titigan ka ay malulusaw ka na. Moreno siya at bumagay naman sakanya ang kanyang gupit. Sa paningin ko ay matangkad ang isang to, nakdagdag pa ang kanyang dimples na malalim.

"Hi, Avi! Hi Cyreen!" bati naman samin ni Lucas.

Nginitian ko din ito at nagwave sakanya, ganun din ang ginawa ni Cyreen.

Si Lucas naman ay isang chinito na may pagka Koreano ang dating. Matangkad ito at may salamin. Sing puti na ata ng singkamas ang balat niya.

Sa kabilang banda naman ay si Ase na tumango lang sa akin at diretsong nakatingin sa labas. Tahimik lang ito at gaya ni Lucas ay pagkamaputi din ang kanyang balat at kitang kita mong magandang hubog ng pangangatawan niya.

Si Alec naman ay masayahin. Siya ang may pagka playboy na looks at malakas ang appeal sa mga babae. Masaya siyang kausap at hindi ka talaga mabobored pag kasama mo siya o kaya maoout of place dahil di niya ipaparamdam sayo yon.

Si Leanna naman ay parang katulad ko, mahaba ang kanyang buhok na kulot ang dulo samantalang ang akin naman ay straight. Maputi siya at ako naman ay pagkamorena, matangos ang kanyang ilong at parehas kaming maliit lang ang labi. Ang nagpatingkad sakanyang mukha ay ang kanyang nunal malapit sakanyang baba na siya namang bumagay sakanya.

"Davis, bro you're here!" sigaw ni Alec.

Napalingon ako sa tinawag ni Alec at tama nga hinala ko, ang Boss ko ay nandito. Anong ginagawa niya dito? Tinanguan niya naman sila Ase, Lucas, at Cj pati na din si Leanna. Bakit niya kilala ang mga bagong kaibigan ko?

Nagulat naman si Cyreen at di maka react sa nangyayari.

"Bro, tara Colors na! Hinahantay na ko ng mga babae ko!" sabi ni Alec sakanya at agad naman nitong binatukan ni Cj.

"Pag ikaw nakahanap ng katapat mo Alec, nako yari ka na! Wasak na ang motto mong, "Collecting girls is my passion and lasingin sila is my mission!" kaya tigil tigilan mo yang pang bababae mo ha!" sigaw sakanya ni Leanna.

Napakamot nalang ng ulo si Alec habang pinatikim naman siya ni Leanna ng matinding kurot.

Inakbayan ako ni Cj at ipapakilala kuno ako kay Davis.

"Bro, this is Avina. Ganda niya no?"

Napatingin ako kay Davis na malalim na nakatingin sa nakaakbay na si Cj at nilipat ang tingin sa mga mata ko.

"I know, her." umigting ang panga niya.

Mabilis kong inilayo ang mata ko sakanya at napatango naman si Alec ng patago at nakita ko iyon. Tinapunan niya muli ako ng tingin at kumalabog ang puso ko sa titig niya. Pakiramdam ko ay alam niyang kabang-kaba ang sa mga tingin na binibitawan niya.

Tiningnan ko siyang muli at ganun pa din ang ginagawa niya. Napa ubo si Alec at Cj pati na din si Cyreen sa tahimik ng ambiance ngayon.

Ang kanyang magandang kilay ay nakakunot.

Nag-iwas agad ako ng tingin at mariing pumikit. Ano ba naman yan Avina? Ano ba tong ginagawa ko? Dahan-dahan ako tumitig sakanya at nakita kong di pa din siya bumibitaw sa mga titig niya.

Hanggang sa nagsalita siya.

"She's my employee, she works for me, she's mine."

Seguir leyendo

También te gustarán

110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.7M 68.7K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 30.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...