Unforgiving LOVE

Por issangtaolang

3.2K 22 12

Ako si Jorjie Louisse Santos. Broken hearted. Hindi ako naniniwala sa happy endings. Nakakainis kasi.. Ang ta... Más

Panimula
Chapter 1 (Party must go on)
Chapter 2 (1 missed call)
Chapter 3 (Gift)
Chapter 4 (Ano raw?)
Chapter 5 (Inside my <3)
chapter 6 (It breaks me)
Chapter 7 (Frozen)
Chapter 8 (Concert)
Chapter 9 (Epic Valentine's day)
Chapter 10 (Akala lang)
Chapter 12 (Undefined feelings)
Chapter 13 (Who is he?)
Chapter 14 (Dad's back)
Chapter 15 (Beauty tips)
Chapter 16 (Epal lang)
Chapter 17 (ARGH!)
Chapter 18 (Taya!)
Chapter 19 (Come with me)
Chapter 20 (There it goes)
Chapter 21 (Stitch)
Chapter 22 (Joke)
Chapter 23 (Just happen)
Chapter 24 (Siya pala)
Chapter 25 (Clueless)
Chapter 26 (Inuman mode)
Chapter 27 (My Double Dead Heart)
Chapter 28 (Steve Saminal)
Chapter 29 (I can't fight what I feel)
Chapter 30 (Look at the other side)
Chapter 31 (His side)
Chapter 32 (A Heartbreak and another Chance)
Chapter 33 (Happiness)
Chapter 34 (The last Chapter Maybe)

Chapter 11 (Deadly stare)

120 1 1
Por issangtaolang

Umuwi na rin kami. Hindi ko na sya inayang kumaen pa, nawalan na ako ng gana. Hindi na rin ako nagpaturo sa kanya sa Math, kaya ko naman na siguro yun.

Pagkapasok ko ng gate napaupo ako sa may elevated na part bago yung pintuan namin. Nawala yung mga pilit na ngiti sa aking mukha at napalitan ng mga luhang hindi na tumigil sa pagtulo.

*sob*

“Bakit ang sakit sakit pa rin?? Akala ko okay na? Huhuhuhu.” May narinig akong tricycle na huminto sa tapat ng bahay namin pero hindi ko na pinansin. Nakapikit lang ako ngayon at dinadama ang kirot na aking nararamdaman.

Narinig kong bumukas yung gate pero hindi ko pa rin pinansin.

“Bestfri—BESTFRIEND?????? Bakit ka umiiyak?” Tumingin ako sa kanya at lalo pang umiyak.

Niyakap nya ako. “Tara nga sa loob, malamig na dito sa labas baka mahamugan ka pa at makaapekto sa baby mo.” Tinulungan nya akong tumayo at hinawakan nya yung tyan ko.

“Gaga! Baby ka dyan! Hahahahuhuhuhu..”

“Pinapatawa lang kita ‘to naman!” Nakapasok na kami sa loob ng bahay saka umupo na kami sa sofa. “Kumaen ka na ba bestfriend? May dala akong pagkaen oh. Pero sige kwentuhan mo muna ako ngayon.”

Tinitigan ko lang sya at nagsimula na naman yung mga luha kong tumulo.

“Eh kasi bestfriend...” Kinuwento ko ang lahat ng nangyari. Lahat talaga, pati yung pagkulo ng tyan ko. Pati na rin yung pag-utot ko ng mabaho at akala ni Steve ay yung basurahang nadaanan namin.

“Mahal mo pa ba?”

“Hindi *sob* ko alam *sob* eh.”

“Ano bang naramdaman mo nung una mong kita sa kanya kanina?”

“Nagulat ako syempre kasi *sob* kasi bigla na lang syang sumulpot. Pero nung nakasama ko na sya at nakakwentuhan, parang isang ordinaryong tao lang yung kaharap ko. Wala kasi talaga akong maramdaman.”

“Nakapagmove-on ka na di ba?”

“Iyun ang alam ko, kaso nung sinabi nyang ‘she’s the one’ may kirot eh.”

“Hindi kaya nasasaktan ka lang kasi ni minsan hindi mo sya nakitang ganun kain love sayo dati?”

“Hindi ko talaga alam bestfriend. :(”

“Bes, alam mo ang feeling ko hindi mo na talaga sya mahal. Tingin ko lang ah.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Minsan kasi akala mo meron pa, iyon pala ay pinanghihinayangan mo na lang talaga kung anong naging meron sa inyo. At ang minamahal mo na lang pala talaga ay yung memories nyo.”

“Ganun?” Tumigil sa pagpatak ang mga luha ko at pinunasan ko ang natirang tubig sa aking mukha. “Siguro nga ganun. Tara na ngang kumaen! Ginutom lang ako sa kaartihan ko eh.” Saka ko kinuha yung pagkaeng dala nya.

“Hahahaha! Yan ang bestfriend ko, walang makakaabala sa pagkagutom.” Nginitian ko na lang sya kasi nagugutom na talaga ako.

“Nga pala bes, kayo ni Jed kumusta na? Ang tagal na nating di nagkakakwentuhan. Pasensya na kasi ang dami kong ginagawa eh.”

“Okay lang yun ano ka ba! Ako rin naman busy eh. Buti na nga rin dito ako pinatulog ni tita. Ahm, kame ni Jed? As usual, magkaaway na naman. Ayaw na ayaw kasi akong palabasin ng bahay. Sinabing dito ako pupunta pinagdudahan pa ako baka raw sa lalaki ko ako pupunta.”

“Hindi na talaga kayo napagod sa away. Pero alam mo bes, minsan ang isang taong pinagdududahan ka sa isang bagay ay sya pala yung gumagawa ng ganun.”

“Ganun ba yun?”

“Psychological fact yun.”

“Wow ha! Ayan yung sinasabi ko sa best friend kong psychotic eh. Este Psychologist pala. Hahahaha!”

“Excuse me, Psycologist in training pa lang noh.”

“Edi ikaw na! Hahaha!”

“Pero bes, okay ka na ba sa ganyang status nyo?”

“Hindi ko nga alam eh. Basta ang alam ko lang masaya ako sa kanya.”

“Okay. Sabi mo eh.”

“Jorj, swimming naman tayo next week or sa weekend.”

“Oh sure! Tamang-tama medyo maluwag na sched ko nun.”

Nagkwentuhan to the max lang kami ni Anna. Naggitara at nagkantahan lang din kami. Hindi na rin ako nagreview, tinamad na ako eh. Bahala na lang bukas. Ngayon na lang kasi ulit kami nagkakwentuhan ng best friend ko. Tas natulog kaming magkatabi.

"GOOD MORNING BESTFRIEND!!! GISING NA DALI! DI BA NGAYON YUNG CONTEST MO????"

Pagkasabi na pagkasabi ni Anna nun bumangon ako agad at dumeretso agad sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo si Anna naman ang sumunod. Bumaba na ako sa kusina para magluto ng napakasarap na hotdog. Hohoho. Nag-ahin na rin ako sa mesa para pagbaba ng bes ko eh kakaen na lang sya.

"Bestfriend tara na, kaen na tayo." Narinig ko kasing bumukas na yung pinto sa CR, malamang tapos na yun.

"Sige, pababa na ako." Bumaba na nga sya at nagsimula na kaming kumaen. "Bes, ang sarap naman nitong luto mo."

"Oo naman, specialty ko kaya ang pagprito ng hotdog. HAHAHAHA"

Nang matapos kami kumaen, pumunta na kami ng school. Nakasakay naman kami agad dahil dalawa kami. Yung ibang tricycle driver kasi pag isa lang yung sasakay ay hindi sila magsasakay. Tss. Mga gahaman. Lagi kasi nilang sasabihin na, "dalawa na po?" ang sagot ko naman, "kuya isa lang ako dito oh, ganun na ba ako kataba para sabihin nyong dalawa na?" Tapos nun hindi na ako isasakay at maghahanap na ng ibang pasahero, yung iba naman nakokonsensya kaya mapipilitan silang isakay ako. Alam ko namang mahirap ang buhay ngayon kaya naghahangad sila ng mas mataas na boundary pero sana maisip din nila na hindi lang sila ang nahihirapan sa mundo. Tss.

Ayan, pati tuloy yung pagsakay sa tricycle pinoproblema ko na. Buti na lang talaga minsan hatid sundo ako ni Glen.

Pagdating namin sa school naghiwalay na kami ni Anna kasi magkalayo yung building naming dalawa. Kaya eto, naglalakad akong mag-isa. Iniisip ang contest mamayang 1:00 pm. Ano nga kayang mangyayari mamaya? Hindi ko naman hinahangad na manalo dun. Pero manuod kaya mga kablock ko? Balita ko kasi hindi naman sila pinayagan ng prof namin na natapat sa oras na yun na manuod sa laban kasi hindi nya naman daw field yun. Wala tuloy akong inspiration mamaya. Di ko makikita si Gilbert. Tss. 

Feel na feel ko na sana yung pag-akyat ko sa hagdan kaya lang bigla akong naout of balance.

"AAAAHHHH!!!!" Napapikit ako kasi nararamdaman ko na mahuhulog na ako sa hagdan. Pero teka, bakit parang ang lambot ng binagsakan ko? Hindi masyadong masakit. Dinilat ko yung mata ko para makita kung saan ako nahulog.

"Miss, okay ka lang ba?" Napatayo ako bigla kasi may isang lalaking nasa ilalim ko. Oo, nasa ibabaw nya ako. Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero iyun yung nangyari. 

Teka, parang pamilyar sa akin 'tong lalaking 'to. "Paul?"

"Jorj! Ikaw pala yan! Haha. Akala ko kung sino. Kanina pa ako nasa likod mo nung paakyat ng hagdan, kaso bigla kang nahulog at buti na lang nasapo kita."

"Naku! Salamat ng madami Paul! Niligtas mo na naman ako. Salamat talaga ha? Babawi talaga ako sayo. Promise!" Naku 7:20 na pala, baka malate na ako. 7th floor pa din naman ako. Naghahagdan ako kasi sira na naman yung elevator. Nakakainis na nga eh. Tss.

"Wala yun Jorj! Malakas ka naman sa akin eh. Hatid na kita sa room mo? Saan ba room mo?"

"Wag na naku! Mauna na ako ha? Malelate na kasi ako eh. Bye! Salamat ulit Paul. :)" Nginitian ko lang sya at binilisan ang bawat paghakbang sa hagdan.

"Oy dahan-dahan lang baka mahulog ka ulit!" May pahabol pa syang sinabi. Pero teka, imposibleng sya yun kasi malayo na ako sa kanya at imposibleng marinig ko pa yun kung sakaling sinabi nya nga yun. Naku, minumulto na ata ako. Haha.

"Oy Miss Santos. Bakit di mo ako pinapansin?" AYANAKNG! Tumingin ako sa likod ko, si Mr. Sison pala.

"Uy ikaw pala yan Sison. Paano mo naman nalaman na nahulog ako sa hagdan kanina?" Nasa 5th floor na kami. Malapit na! Konti na lang.

"Siguro kasi nakita kita?" Tapos nagpipigil sya ng tawa.

"Oy Gilbert ha! Tama bang pagtawana ako. Hmp! You're so mean!"

"Oy hindi ah! Sasapuhin nga sana kita kanina kaso nauna sa akin yung Paul." Sasapuhin nya ako?? Sana pala wala na lang dun si Paul para si Gilbert na yung sumapo sa akin. Joke. Haha. Ang bait na tao kaya ni Paul.

"Kilala mo si Paul?"

"Narinig ko lang na tinawag mo syang Paul kanina."

"Ah ganun ba. Teka nga, bakit mo ba ako sinasabayan? Baka magalit yung girlfriend mo sa akin pag nakita nya tayong sabay pumasok ng room."

"Parehas lang naman tayo ng pupuntahan kaya siguro nagkakasabay tayo ngayon. Hahaha!" Aba. Pagtawanan ba naman ako. Salbahe! HMP! Nagkagirlfriend lang ganyan na sya.

"Eh baka nga magalit sa akin si Cheska."

"Hindi naman kami eh. Nagulat din ako sa tsismis na yun. Ni dulo nga ng kuko nya hindi ko type eh." Tama ba yung narinig ko??? Ang bait talaga ni Papa Lord. Pwede pang mapasaakin si Gilbert Sison. Bwahahahaha!

"Eto na pala tayo sa room. Nga pala, Goodluck sa laban mo mamaya. Galingan mo ah? :)" Ayun, pumasok na sya ng room.

At naiwan ako sa labas ng pintuan na nakatulala. Hindi ko alam, natulala talaga ako sa sinabi nya. Di ko inaasahan na sya pa yung una sa mga kaklase ko na magsasabi sa akin ng goodluck. Ayan, inspired na ako. :)

Napatingin ako sa relo ko, 7:29 na pala. Pumasok na rin ako sa room baka madatnan pa ako ng prof namin dito sa labas.

Paupo na sana ako sa upuan ko ng sumigaw yung kaklase ko ng, "JOOORJ! GOODLUCK MAMAYA AH?" Kelangan talagang sumigaw? Buti na lang wala pa yung prof. Pagkasigaw nya nun nagtinginan sa akin yung mga kaklase ko para sa kanya-kanyang pagsasabi ng goodluck. Kahit lalo akong napepressure, thankful pa rin ako kasi may mga taong napakasupportive.

(Cheska's POV)

Ayan na naman, sya na naman ang bida. Tss. Parang lamang lang sya sa akin ng 1 point sa quiz sya na agad yung pinili pang laban sa Math quiz bee. Tss. Naku! Nakakainis talaga yang babaita na yan! Sa lahat ng subject sya yung bida, tas ako pumapangalawa lang.Eh kung patayin ko na kaya sya para ako na yung bida? Nako. There's stilll 1% of me of being mabait. Pasalamat na lang sya. Ang wish ko na lang ay sana matalo sya sa quiz bee. 

Di ko na lang sya tinignan, baka kung ano pa magawa ko sa kanya! ARG! Kay Babe na lang ako titingin baka sakaling gumanda pa yung araw ko. Pero teka, bakit parang may iba syang tinitignan. Tumingin ako sa direksyon kung saan sya nakatingin, kay Jorj! What the hell lang! Don't tell me sya yung sinasabi nyang gusto nya???

Grabe lang! Eh I'm beatiful than her! So kadiri lang yung taste ni baby Gilbert. Eiw!!!!

Humanda ka sa akin Jorj! Makakatikim ka rin sa akin. *evil laugh*

(Tiffany's POV)

Malapit na yung laban ni Jorj, 12:30 na rin. Maaga syang inexcuse nung prof namin sa Math para raw makapagrelax relax daw si Jorj bago lumaban. Sana manalo ang friend namin, alam kong kayang-kaya nya yun. Yun pa!

Kumaen muna kami bago pumunta sa hall kung saan gaganapin yung Math quiz bee. Hindi alam ni Jorj na manunuod kami, nagCut lang talaga kaming apat para naman masuportahan si Jorj.

"Anong kakainin mo Tiffany?" Kanina pa kumakaen 'tong si Mika eh, mukhang nagbabalak na naman bumili.

"Busog na ako. Kanina pa tayo kumakaen ay Mika, baka naman mapano ka na nyan? Hahaha!"

"Eh bakit ba?" Tawanan naman kaming apat, mukha kasing maskabado pa si Mika kaysa kay Jorj eh..

"Guys, 12:55 na. Punta na tayo sa hall."

Malapit na palang magsimula yung quiz bee. Good luck Jorj.

(Jorj's POV)

"Hooo!" Kinakabahan na ako. Ang lamig pa dito, pano ba naman kasi nakatapat sa akin yung aircon. Tumingin ako sa likod para makita kung madami bang manunuod. Tapos nakita ko yung apat na pumasok sa pinto. Teka, anong ginagawa nila dito? Ang alam ko di sila pinayagan manuod. Tinignan ko kung may kasunod pa sila na mga kablock namin kaso mukhang ala na. Mamaya ko na nga lang sila tatanungin kung bakit nandito sila.

"Are you ready?" Start na pala yung contest. Good luck sa akin.

"Question # 1" Ayan na. Simula na. Bago pa man sabihin yung tanong, tumingin muna ako sa audience, nagbabakasakaling pati sya manunuod. Kaso nga lang wala pa rin eh. Mabuti na nga lang at nasabihan nya ako ng good luck kanina kundi baka wala akong gana ngayon.

Ilang tanong na yung nasasagot ko, so far wala pa akong mali. Napatingin ako sa pintuan, bigla kasing bumukas. Pagkakita ko may pumasok na isang gwapong lalaki. Sh*t! Si Gilbert nakatingin sa akin at nakangiti. :)))))

Okay, focus and win this game Jorj. :)

Natapos ang laban.

"We have a tie. So we need another question, a tie breaker. Ms. Jorj Santos and Mr. Paul Gomez please listen carefully to this question." Nagtanong na yung Host. Oo nga pala, tama, kasali si Paul. Good luck sa akin talaga. Napakagaling nitong lalaking 'to.

Malapit na mag-announce ng winners. Sino kaya yung 1st place? Si Paul kaya o ako? Crossed fingers.

"3rd placer, Hannah Villanueva. Second placer, Jorj Santos and 1st placer is Paul Gomez. Congratulations!" Nagpalakpakan na ang lahat ng tao, pati ako syempre. Proud ako na umabot pa ako hanggang dito, di man ako naging 1st place greatful na ako. :) Thanks God.

Nilapitan ako ni Paul, "Congrats Jorj! Ang galing mo pala sa Math. Muntik mo na akong matalo ah."

"Haha. Adik ka. Ikaw nga dyan yung mamaw eh, 1st place. Manlibre ka naman! Joke. :))"

"Naku! Parang sign lang yung naging mali mo eh."

Maya maya pa lumapit na rin sa akin sina Tiffany, Lee-an, Mika, Shane at Gilbert. "Jooorj!!! Congrats! Ang galing mo talaga! Idol. ^.^"

"Eh kasi nainspired ako lalo nung dumating kayo."

"Nako Jorj, kunwari pa. If I know iba talaga ang rason nyang pagkainspired mo. Ayieh! :))" Tumingin ako kay Gilbert, nakatingin pala sya sa akin at nakangiti.

"Oy Shane, ano ka? Kayo kaya!" Naalala ko bigla si Paul. "Nga pala Paul, friends ko si Shane, Lee-an, Mika, Tiffany at Gilbert. Naaalala nyo pa ba siya?" Pinakilala ko sya sa kanila.

"Hello." Bati naman ni Paul sa kanila.

"Ah syempre! Sya ata ang tumulong sayo. Naks! Mukhang napagtatagpo na kayo ng landas ah?" - Tiffany

"I smell something fishy. :))"- Lee-an

"Ano ba? Tumigil nga kayo dyan. Magaling lang talaga si Paul tumayming pag nadidisgrasya ako. Hahaha. Diba Paul?" Sabay tingin ko kay Paul na nakikitawa lang.

"Oh my! Don't tell me..." Pinandilatan ko ng mata si Mika, isa pa 'to eh. Gagawa na naman ang mga yan ng issue. Iniba ko na lang yung topic..

"Oo nga pala, bakit nandito kayo? Diba hindi kayo pinayagang manuod?"

"NagCut kami." - Gilbert

"Ha??? Naku! Ang sweet nyo talaga! NagCut pa talaga kayo para panuorin yung laban ko, dahil dyan manlilibre ako. :))"

"Hindi, tinatamad lang talaga ako sa subject na yun kaya ako nagCut tapos napadpad ako dito so don't expect more than that." Teka, ba't parang ang taray ata nya ngayon? PMS?

"Ah ganon ba. Sorry feelingera ako eh." Nakakainis naman kasi si Gilbert! HMP!  Tumingin na lang ako kay Paul para kausapin sya kaso may kausap syang isang grupo, siguro friends nya. Tinignan ko yung friends ko, ayun nakatingin silang lahat kay Gilbert. 

Tumingin din ako kay Gilbert, teka bakit ata parang....

OH MY!!

O.O

Ang sama ng tingin nya kay Paul..

Seguir leyendo

También te gustarán

123K 4K 25
"Paghihiganti" yan nga ba ang solusyon para maging masaya ulit? Ang iparanas sa iba ang naranasan mong paghihirap? ...
Sapilitan Por SeEyBaby

Ficción General

1.1M 19.6K 66
Fairytales? Happy endings? Sa imagination na lang nangyayari yun—sa movies, sa books, sa mga teleserye—hindi sila nangyayari sa totoong buhay. Kasi k...
1.9K 23 23
paG-ibig na kaya kung ang lahat ay nag simula sa di inaasahang pag kikita?? paano mo ba masasabi kung pag-ibig na kaya yung nararamdaman mo ?? ka...
94.8K 1K 44
Naranasan mo na ba ang ma-inlove? Sa isang taong kinaiinisan mo....pero nalaman mo na lang na kaya pala siya laging nang-iinis sayo e dahil gusto ka...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas