Seven and Nine (FIN)

נכתב על ידי chinitaishi

206K 3.9K 412

Seven and Nine. These are both lucky numbers. But names cannot be an assurance that life will work effortless... עוד

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
The Last Number
Epilogue
Author's Note

Eighteen

3K 48 2
נכתב על ידי chinitaishi

Number Eighteen

 

Sixth Day as Acting Director...

 

Shan's

 

Last day ko na bukas as Acting Director dahil darating na si papa bukas ng gabi. Dapat masaya ako dahil finally, matatapos na ang kalbaryo ko dito. It should be that way pero ewan ko ba. A part of me suddenly doesn't want to end this Acting Director thing. Hindi dahil sa nagbago na ang pananaw ko at gusto ko ng magtrabaho dito. Ayoko parin. It's just that...

 

I don't want him to leave just yet.

 

"What is it, Shanine?"

 

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa katabi kong si John. Halos bulong lang yun dahil we are in the middle of the daily conference with the professors. Ang conference na ni minsan hindi ko pinagkaabalahang pakinggan.

 

"Nothing" I then look away. Ayokong mabasa nya sa mga mata ko ang iniisip ko.

 

"That's all for today everyone" nang marinig ko yun, mabilis na kong tumayo at naglakad papunta sa pinto ng conference room. I didn't even bother to wait for him na sumabay sakin palabas.

 

"Miss Torres" napahinto ako when that same familiar voice echoed the room.

 

"What is it, Professor Marquez?" hindi agad sya nagsalita at tumingin muna kay John na nakatingin at naglalakad na palapit samin. "I'll be waiting in my office. I want to talk to you in private" yun lang at tuluyan na syang lumabas ng conference room just in time na makalapit sa pwesto ko si John.

 

"What was that about, Nine?"

 

"Nothing, John. Go ahead. I'll just talk to him" hindi ko na sya pinasagot at tumalikod pero mabilis nya kong nahatak sa kamay. Kami na lang pala ang naiwan dito sa loob.

 

"Are you avoiding me, Nine?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hinawakan nya ang baba ko para muli akong mapaharap sa kanya. I saw tenderness in his eyes as I look back.

 

"Do I have a reason to?"

 

"Do you?" hindi na ko nakaimik at kasabay nun ang pagbuntong hininga nya. "What I said yesterday was true, Nine. I miss your smiles...and I missed you too"

 

Namiss nya lang ako. He never said he likes me again. He never said he feels the same way like I do. Malaking pagkakaiba yun.

 

 

"What do you want me to say then, John?"

 

"You don't need to say anything. I just want to tell you what I just said. If only I just made you a priority back then. If only I can take you back" ramdam ko ang pagsisisi sa boses nya pero natatakot na kong maniwala.

 

"I need to go. Professor Marquez is waiting for me" yun na lang ang nasagot ko. Nakita ko pa ang pagguhit ng pait sa mga mata nya bago ako tumalikod at lumabas ng conference room. Iniisip ko parin ang mga sinabi nya habang papunta sa office ni Professor Marquez. Pagpasok ko ng pinakaopisina nya, nakita ko syang nakatayo malapit sa bintana at nakatingin sa labas habang nasa likod ang dalawang kamay.

 

"Tungkol saan ho ba to?" lumingon na sya sakin this time. Alam ko naman na tutuyain nya na naman ako like the last time pero pinili kong pumunta rito para na rin makaiwas kay John. Siguro nga mas mabuti pang iiwas ko na ng mas maaga ang sarili ko sa kanya para masanay na ko na wala sya. Ayoko kasi tong nararamdaman ko.

 

"Wag ka ng pumasok bukas. Tutal hanggang bukas ka na lang naman magpapanggap na Director hindi ba? Kaya na namin pamahalaan to kahit wala ka"

 

Just as I thought. Hanggang sa huli hindi nya pa rin talaga ko lulubayan.

 

"Ang alam ko ho, si papa ang nagbigay sakin ng authority para sa posisyon nya. Hinding hindi ko to iiwan sa iba"

 

"Sige nga. Ano bang nagawa mo rito sa loob ng isang linggo? Ni wala kang naicocontribute sa araw araw na conference. Kahit yang si Mr. Smith wala man lang ginawa para dito!"

 

"Sa pagkakaalam ko kasi Professor, hindi sya pinadala dito para dagdagan ang kaalaman nyo. Nandito sya as my guide. Not for any monkey business"

 

"Wala kang galang! Yan ba ang tinuro sayo ng ama mo?!"

 

"Lalong wala kayong karapatang bastusin ang papa ko sa likod nya!" hindi na ko nakapagtimpi at nasigawan ko na sya. Alam kong sobrang laki ng tanda nya sakin. Kaedad na sya ni papa at hindi ko ginustong bastusin ang nakakatanda sakin pero sinasagad nya ang pasensya ko. Sino ba sya para pagsalitaan ako at ang papa ko ng masama??

 

"Hindi ako makakapayag na ikaw ang pumalit sa papa mo, Shanine. Isa ka paring bata at walang karanasan! Hindi ako makakapayag"

 

"Itong sinasabi nyong bata at walang karanasan, mas marami pang alam kung tutuusin kesa sa inyo...PROFESSOR"

 

(PAK!)

 

Ni hindi ko ininda ang pagsampal nya sakin bagkus, isang nakakalokong ngiti lang ang lumabas sa bibig ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya dahil sa ngiting hindi nya inaasahan. Dahil ang Shanine na nasa harap nya ay hindi na ang mahina at duwag dahil sa nakaraan.

 

"Gusto nyo ba talagang makilala ang taong nasa harap nyo ngayon?"

 

"A-ano bang sinasabi mo jan?" wala na ang mabangis na itsura nya kani kanina lang. Napalitan na ito ng takot at pagkalito. Ngumisi lang ako sa kanya. Wala syang karapatang insultuhin ang papa ko...at kahit ako.

 

"Ipapakilala ko sa inyo ang taong sinasabi nyong palpak at walang karanasan. Hindi ako si Shanine Torres na kilala nyong lahat. Kala nyo ba hindi ko alam na pinagtatawanan nyo ko behind ny back eveyday during the conference? I'm observing, Professor. Ako nga pala si Shanine Carter also known as..."

 

"--Nine"

 

"H-hindi maari...imposible"

 

"At wag nyo ng tangkaing ipagsabi ang tungkol sa nalaman nyo. Dahil tandang tanda ko pa ang nangyari two years ago"

 

Hinang hina syang napasandal sa malaking table sa likod nya habang gulat na gulat na nakatingin sakin. Isang ngiti ang pinakawalan ko bago lumabas ng opisina nya. Isang mapait na ngiti.

 

----------

 

Seven's (Tagalog is in Hangul)

 

Palau Ubin, Singapore...

 

Hindi parin sumasagot sa email ko si Lex hanggang ngayon. Hindi ako lumalabas ng kwarto ng isang maliit na isla dito sa Singapore. Sa halip na sa isang mamahaling condo sa syudad ako nanatili, mas pinili ko ang tahimik na islang to para hindi ako masyadong mapansin ng mga tao lalo pa at napakaliit lang ng bansang ito. It's a huge risk pag sa syudad ako naghintay kay Lex lalo pa at pagdating ko pa lang dito ay narinig ko na ang balita tungkol sa pagkawala ko. Nakareceive ako ng sunod sunod na email galing kay Sujin pero kahit mahirap, mas pinili kong iignore ang mga emails nya sakin kung nasaan ako at bakit ko sya iniwan. Ramdam ko ang sakit sa bawat email na nabasa ko galing sa kanya. Email na lang ang pwede nyang magawa dahil inactive na ang phone ko.

 

Hindi gagawin ni Lex na abandunahin ako ng ganun ganun lang. Alam kong darating sya hindi lang dahil pinakamatalik ko syang kaibigan kundi dahil...kailangan ko sya. Out of reach na rin ang phone nya kaya wala akong choice kung hindi maghintay. Nagpasya kong mahiga na lang muna dahil sa sakit ng ulo. Nakakainis na wala naman akong magawa kaya nakinig na lang din ako ng music. Sobra ko ng namimiss ang stage, ang mga hiyawan ng mga fans, ang pagpeperform. Ibang iba ang tahimik na buhay tulad nito at hindi ko alam kung makakaya ko ba ang simpleng pamumuhay malayo sa ingay ng syudad at mga tao. Sa sobrang tagal ko ng pagiging singer, halos nakalimutan ko na ang simpleng pagtingin sa langit, ang pamamasyal ng walang nakakakilala, ang pagngiti ng may kahulugan. Napakaraming bagay ang kinuha sakin ng kasikatan. Hindi sa nagsisisi ako sa pinili kong propesyon. May mga pagkakataon lang na tulad ngayon na napapaisip ako kung ano na nga ba ang pakiramdam mabuhay ng simple.

 

(beep!)

 

Napatayo ako sa kama ng marinig ang mahinang tunog ng phone ko.

 

You have one new email.

 

Binuksan ko yun at kulang na lang maglulundag ako sa tuwa ng mabasang galing yun sa bestfriend kong si Lex.

 

Subject: Re: Where are you, Lex??
Message: I'm sorry for leaving you, Seven. It took so long for me to reply due to some important matters. I read the news about your disappearance in Seoul already. I'm coming so expect me in the next few days. I'm so worried, Seven. At least you still stick to the plan. What about...Sujin? -Lex

 

What about Sujin? Hanggang ngayon, hindi ko parin mapatawad ang sarili ko na iwan sya ng walang paalam. Masakit pero wala naman akong choice. Ano naman kayang importanteng ginawa nya at mas inuna nya pa yun kesa sakin? Mas kailangan ko sya ngayon pero nasaang lupalop ba sya ng mundo?? Tumayo ako para kumuha ng tubig sa maliit na ref sa kwarto ko. Bigla kasi akong nauhaw. Pabalik na ko sa kama para magreply kay Lex ng mabitawan ko ang baso ko dahilan para mabasag ito sa paanan ko at pagkatapos...wala na kong matandaan pa ng bumagsak ang katawan ko sa sahig.

המשך קריאה

You'll Also Like

84.6K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
4.6K 262 32
Hi, Wattpad writers! This is to promote stories from undiscovered writers on Wattpad. This is also to help our Wattpad readers to easily browse for s...
393K 3.4K 7
A dimension with different and many undiscovered things. A world where people with magic lives. A world where a certain academy lies. New heroes to m...
30.3K 831 6
Siya si Fancy Jewel, an ordinary girl with an ordinary life. Isang babae na nangangarap na magkaroon ng kapangyarihan, Nangangarap na magkaroon ng ma...