She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 9

10.5K 149 8
By ShuperShimmer

DARLA'S POV

Pagkatapos kong makausap si Lawrence sa labas, pumasok agad ako sa gate ng school at tumungo sa park. Nakita ko na nakaupo si Denise sa pwesto namin kanina, pero mas napabilis 'yong paglalakad ko nang makita ko si Brent.

"Brent," tawag ko at napatingin silang pareho sakin. Ngumiti naman siya pero slight lang; tipong walang ngipin na lumabas.

Pagdating ko sa kanila, nakakunot 'yong noo ni Brent sakin. "Bakit ka tumatakbo? Para namang nagpa-fun run ka?"

Naghabol pa ako ng hininga bago nakasagot sa kanya. "Ah, may kinausap lang ako sa labas," sabay turo ko sa may gate.

"Sino?" tanong niya.

Sasabihin ko ba? Ioopen ko na sana 'yong bibig ko pero nagdoubt ako. Syempre, lalaki si Lawrence, baka magalit naman 'tong si Brent.

"Ipapaliwanag ko na lang sayo mamaya." Sinubukan ko pang ngumiti.

Pagkatapos nun, hindi na siya umimik kaya umupo ako sa tabi niya. Habang busy sila sa pag-uusap ni Denise, nakikinig lang ako. Medyo di kasi ako relate. Minsan nagseselos ako sa kaibigan kong 'to. Ewan ko ba. Marami siyang alam kay Brent yet, may mga inside jokes sila. But I really doubt it na hahamakin ako ni Denise- kahit di ko alam ang meaning ng 'hahamakin'. She's a very very nice friend.

An hour later, naunang umuwi si Denise dahil may pupuntahan pa raw siya kaya kami na lang naiwan ni Brent tutal wala narin kaming klase pareho.

"Ihahatid pa ba kita?" Nagtaka ako sa pagkakatanong niya. May tono eh, hindi naman sya singer.

"Ayaw mo?" diretsong tanong ko habang nakataas 'yong kilay ko.

Napansin kong nagdadalawang isip siya bago sumagot at ramdam kong ayaw niya.

"Sorry," hinawakan niya 'yong kamay ko. "medyo hassle lang 'yong araw ko."

I asked him what had happened but he dared not to speak. It was the first time na parang tinatamad sya habang kasama ako pero dahil 'hassle' nga daw, di na ako nagtanong. Mahirap na at baka ako ang pagbuntungan ng inis nito.

"Brent," bulong ko sa kanya tapos lumingon siya. "May nag-ooffer sakin."

"Anong klaseng offer?"

Nagsimula syang magtype sa phone niya kaya di na siya nakatingin.

"Part-time eh, arts tutor daw."

"Really?" as usual, nagtetext parin siya. Walangya naman oh. Baka kausap ko sya, diba?

Tumango na lang ako. "Yep, tutor sa cousin ng frie- I mean, not my friend. Kakilala ko lang."

Matagal bago siya nakasagot hanggang sa binulsa nya uli 'yong istorbong phone niya. Buti naman.

"Ikaw bahala."

Napanganga talaga ako sa sinabi niya. Syet, nakakainspire ang sagot niya, huh. Ano bang problema nito?

Umismid na lang ako tapos binitbit 'yong bag at tumayo na.

"Uuwi na ko," sabi ko lang sabay lakad.

"Sandali," narinig ko 'yong mga hakbang niya. "Darls!"

"Darls your face," bulong ko hanggang sa makalabas na ko ng gate. Tapos, naramdaman ko na lang na may umakbay sakin. Si Brent, syempre.

"Pasaway ka rin e, no?" sabi niya sabay ngiti. Oh shit.

"Ikaw kasi, ang bantot mo kausap."

"Oy, nagtoothbrush ako," natatawang sabi niya. "Amuyin mo pa."

Sabay kiss niya sa cheek ko. Minsan, baliw rin 'to e. Hindi ko alam kung may nasinghot siyang pesticide. Minsan naman sobrang cold nang wala namang logical na dahilan. Parang babae.

With the sudden change of mood, siya na mismo ang nagsabing ihahatid ako pauwi; sobrang saya ng lola niyo.

Kung pwede lang, ibulsa ko na si Brent... sa puso ko. Naks.

LAWRENCE'S POV

Just this morning, bago ako umalis ng bahay, nagtanong sakin si auntie Via kung may kilala akong tutor na magtyatyagang turuan ang maarte niyang anak. Sus, nakailang palit na ba sya? Sa ilang taong nagpapatutor ang pinsan ko, wala man lang nagtagal kahit isang taon. Napakaarte kasi.

Syempre, napangiti ako. Just what I had planned. Humarap ako sa kanya at sinabing. "Yes, marami. They're Fine Arts students."

They. Kahit si Catacuts lang naman ang tinutukoy ko.

"From your school?" namamanghang tanong niya pero umiling ako.

"No." Nagtaka sya. "From the college-behind-our-university."

"What?" I expected this funny reaction from her. "Gusto mong ipagkatiwala 'yong anak ko sa ganon? E, walang-wala yon, diba?"

"Atleast, she-" napatingin ako sa tita ko. "-they are patient enough para pagtyagaan 'yong anak mo... po. Kung kukuha kayo ng galing sa private," I shrugged. "Baka bukas makalawa, suko na. Medyo maldita 'yong pinsan ko. Nakakairita pa."

I grinned. I knew I would win. Yeah. Minsan, wala ring utak 'yong tita ko, e.

"'Kay, kailangan ko ng applicant this week," sabi niya at naghidden smile agad ako.

"I won't, unless you'll give my car key."

"At bakit?"

"You need a tutor, I need the car." Nag-hand gesture pa ko tapos inirapan ako ng tita ko. "Tsaka, ayokong maglakad lang sa college nila, no."

Nakakapagod kaya.

***

"Wow, balik auto na, ah?" sabi ni Peter pagdating namin sa parking lot; nagkasabay kasi kami sa entrance.

I blissfully smiled habang palabas ng pinto. "Syempre, nautakan ko tiyahin ko."

At 'yon ang dahilan kung bakit sa tinagal na di kami nagkita ni Catacuts- mga ilang araw din- e nagmeet na naman kami. La, eh, kailangan.

To be honest with you, guys, I was a bit excited to see Catacuts. Hindi dahil nakaka-excite 'yong mukha niya, kundi dahil alam kong magtatalo uli kami. Okay, I know, that's weird.

Pagkaalis ko sa school nila, nagdrive ako pabalik ng university. Malapit lang naman to e, magkatalikuran ang school namin kaya umikot lang ako.

Naisip ko nga na sana naglakad na lang ako. Tipid pa sa gas.

Kinuha ko lang 'yong mga gamit ko sa music room na tinambayan ko kanina at dumaan saglit sa canteen dahil nando'n ang mga kumag.

"Yo, saan ka galing?" tanong ni Ully habang nagtu-tune siya ng gitara.

Umupo muna ako, syempre. 5th floor kaya 'yong pinanggalingan ko. Tsk, makapagpagawa nga ng private elevator do'n minsan.

"Do'n."

"Saan do'n?"

Nagkamot na ako ng ulo. "Basta."

"Pumayag ba sya?" tanong ni Peter dahil sinabi ko sa kanya kung ano ang kapalit ng kotse ko. Ewan ko lang kung bakit sya nakangiti. Baliw.

"Hindi pa, pero wala naman siyang choice kundi tanggapin 'yon." I grinned at the thought.

"Sinong pumayag?" singit ni Ully.

"Ano bang sinabi mo?" tanong ni Peter habang ngumunguya ng vanilla cake.

"Sinong sinabihan?" -Ully ulit.

Nagsalita naman ako. "Sabi ko sakanya, malaki-"

"Anong malaki?" umepal na naman si Ully "Ha? Ano 'yon?" inalog-alog niya pa balikat ko pero kumalas ako at tinignan ko sya nang masama. Masamang-masama. Nanggagago ba to o gago talaga sya?

"Ano ba?" sabi ko.

Tinabi niya 'yong gitara nya. "Eh baliw kasi kayo, e. Kanina pa ko tanong ng tanong, di niyo sinasagot. Nagmumukha akong utot, e; di niyo ko pinapansin."

Natawa lang si Peter at di na ako umimik.

***

Kasalukuyan na akong nagddrive pauwi nang makita ko sa side mirror si Catacuts with her idiot boyfriend.

Naexcite na naman ako kaya, nilapit ko 'yong kotse sa sidewalk at binagalan ang maneho. Bumusina ako nang maraming beses hanggang sa makuha ko ang atensyon nila. Huminto sila pareho at ini-slide ko pababa 'yong salamin sa driver's seat.

"Akalain mo nga naman, magkikita ulit tayo Darla." Nginitian ko siya.

Umismid si Catacuts, like what she always did. Nagstiff naman bigla si Brentot at parang naji-jingle nang makita ako.

"Uy, Brent." Tinanguan ko ang loko. "Parang nung isang araw lang nagkita tayo sa mall ah?"

Napaiwas ng tingin si Brentot at kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ni Catacuts. Ha! I knew it.

"Nagkita kayo?" tanong ni Catacuts.

Ano ba naman yan. Kasasabi ko lang, diba? Paulit-ulit ba? I nodded. Napansin kong iba na aura ni Brentot kaya umisip ako ng ibang usapan.

"So, nakapag-decide ka na ba sa offer na sinasabi ko?"

Nagkatinginan silang dalawa. Kailangang may tinginan epek? Pag-untugin ko silang dalawa e.

"Sya ba 'yong binabanggit mo kanina?" tanong ni Brentot sa girlfriend niya.

"Oo."

Pagkatapos nun, tumingin sakin si Brentot with lisik-mata. Akala niya naman, titindigan ako ng balahibo dahil do'n. Pwe.

"No," sabi ni Brentot. "No offer is to be accepted."

Just that. Hinila niya na si Catacuts palayo tapos ako, ngumiti lang. Well, bagay naman pala 'yong term ko sa kanya na 'idiot'. It suits him.

Continue Reading

You'll Also Like

386K 7.7K 58
Every sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo High...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
6.5K 1K 37
"A war between remembering and forgetting." Completed, 8.18.2020.
2.7M 46.1K 50
#26 in ROMANCE (05-29-17) #4 in Doctor #9 in heartaches #4 in operation Ryanalene Finch is a very happy person. Pero may isang bagay na hindi nya kay...