Rise of the Warriors

Por rhiiicamae

275K 8.2K 249

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... Más

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(16) Back-out
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(29) Letting Go
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(49) She Fell
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(56) First Quarrel
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(72) Revealed
(73) The First Goodbye
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(63) Killer of her Lover - Part II

1.5K 58 0
Por rhiiicamae

Casie's P.O.V

"K-Kiel..." Tuloy pa rin sa pagpatak ang luha ko habang nananatili akong nakatingin sa kanya.
"Casie?" Humarap ako sa kanila at alam kong nagulat sila dahil umiiyak na ako.
"B-Bakit ka umiiyak?"- Maddison
"Anong nangyari sayo?"- Ro
"It's him. Si Kiel." I can't stop my tears not to fall. Naghahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions kumbaga.
"Ha?"- Ro
"That guy. Si Kiel yun." Sabi ko atsaka ko itinuro ang lalaking nakatayo malapit sa amin.
"Yung leader ng Black Army?"- Maddison
"Yes."
"Siya yung kababata mo?"- Ro
"Oo Ro. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit maraming taon na ang lumipas, tandang-tanda ko pa rin ang itsura niya. Kaya alam kong siya yan."

Kagaya ko, tinitigan din nila si Kiel at parang bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. Based on their reaction may sasabihin sila sa aking masamang balita. No...I knew it...

"Casie..." Her voice. Sobrang seryoso. Wag sana. Please...not now. "He maybe Kiel but..."
"But?"
"He's our enemy." Madiin niyang sabi sa akin.
"Ro..."
"Look Casie. Alam kong maiintindihan mo ang sitwasyon natin ngayon. Oo. Siya yung kababata mo. Siya yung childhood lover mo noon pero Casie...iba na ang sitwasyon natin ngayon. Sa dami ng taon na lumipas, naniniwala ako na nabrainwash na siya ni Guido."
"Pero Ro..."
"Casie, natatandaan mo ba yung sinabi ni Ma'am nung nasa Training Ground tayo na kahit na mahalaga pa sa atin ang isang tao, as long as makakalaban natin siya o under siya ng Black Magic...we all need to end the battle."- Ro
"Baka naman may iba pang paraan. Baka naman hindi nating kailangang labanan si Kiel. Ro please tulungan mo ako. Hindi ko siya kayang saktan."
"Casie responsibilidad nating lumaban. Tandaan mo...it's not for us...it's not for you...it's for them." Sabay turo niya sa mga taong nasa likod namin ngayon. Hindi ko na alam. Anong gagawin ko? Ayokong saktan si Kiel pero pano naman ang mga taong muntik ng mapahamak dahil sa kanila...dahil sa kanya? Ano bang dapat kong gawin? "Pero kung magagawa mo namang kumbinsihin si Kiel to turn his back from Guido...we don't need to fight him but if does not work, wala tayong magagawa kundi labanan siya."

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya pero nandun pa rin yung konting kirot ng sinabi niya ang huling anim na salita.

Agad na naming inihatid sa kweba ang mga normal para masiguro ang kaligtasan nila.

At habang nasa daan kami pabalik sa ilog, nakarinig kami ng malakas na pagsabog.

"Si Renz."- Ro
"Sa kanya ba nanggaling yung pagsabog?"
"Siguro siya lang naman ang may kakayahang magpasabog, hindi ba?"- Ro
"Ano kayang nangyayari dun?"- Maddison
"Kailangan na nating magmadali. Tara na."- Ro

Mabilis kaming tumakbo papunta sa mga kasamahan namin at hindi namin inaasahan ang madadatnan naming eksena sa pagitan ng Warriors at ng Black Army. Kung kanina 10 vs 1, ngayon dumoble pa ang bilang nila. 20:1 na.

"Dehado tayo. Ang dami nila."- Maddison
"Bakit ba hindi maubos-ubos ang mga yan? Nakakainis na."- Ro

Agad na hinanap ng mata ko si Kiel at natagpuan ko siyang nakikipaglaban kay Jed.

Kung ordinaryong tao ka lang, hindi mo masusundan ang labanan sa pagitan nilang dalawa. Sobrang bilis ng mga kilos nila. Nakakamangha yet nakakakilabot.

Hindi ako makapaniwalang si Kiel ang nakikita ko. Sobrang iba na siya ngayon. Totoo ngang, iba na ang sitwasyon namin ngayon. Hindi na kami ang dating Casie at Kiel.

Hindi na ako nakapag-isip pa at bigla na lang akong tumakbo papunta sa kanila. Narinig ko pa ang pagtawag ni Maddison pero hindi na nila ako napigilan dahil hinarangan sila ng Black Army na kalalabas lang mula sa isang portal.

I immediately used my ability to control thorns at ipinalibot ko ito sa akin. These thorns aren't ordinary. Para silang may sariling buhay. Para silang bala na kapag may kalaban, kusang gagalaw at tatama sa kahit anong parte ng katawan nila. At isa pa...punong-puno ito ng lason na mabilis na eepekto sa loob ng limang segundo.

Nang makarating ako malapit sa kanila. Mabilis kong hinarangan ng magkakakapit na ugat ang harapan ni Jed dahil tatama dito ang isang bagay na maaaring magpahamak sa kanya.

"Salamat." Sabi niya sa akin at saka lumapit.
"Ako ng bahala sa kanya Jed." Sabi ko kahit na sa totoo lang...hindi ako sigurado kung kaya ko ba talagang labanan si Kiel.
"Sigurado ka?"
"Oo. Kailangan naming magharap ni Kiel. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito."
"Kiel? Yung kababata mo?"
"Oo Jed. Siya yun."
"Casie..."
"Hmmm?"
"Laban."

Sa isang salita niyang yun, lalong gumulo ang isipan ko. Tama si Ro at Jed. Kailangan kong lumaban pero pano? Nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Si Kiel yun ee. Ayoko siyang saktan pero pano naman ang responsibilidad ko bilang Warrior. Casie, mag-isip ka.

"CASIE." Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa bewang ni Jed at tumalon siya ng mataas upang makalayo sa malaking batong kamuntik ng tumama sa aming dalawa. "Ayos ka lang ba?"
"O-Oo. Pasensiya na." Casie ano ba? Lutang ka na naman.
"Umaatake na siya."

Humarap ako kay Kiel at dahan-dahang lumakad papalapit sa kanya.

"Kiel." Tawag ko pero hindi siya nagrespond. "Anong nangyari sayo?"
"Sino ka?"

Pakiramdam ko...sinaksak ang puso ko matapos kong marinig ang dalawang salitang iyun. Ang sakit. Kahit na alam kong may posibilidad na nakalimutan niya ako...umasa ako na kagaya ko, matatandaan niya ang nakaraan.

"Hindi mo ako kilala?" Alam kong kabaliwan ang pagtatanong ko pero gusto kong magmula sa kanya ang kasagutan.
"Tatanungin ko ba kung sino ka kung kilala kita. Ganyan na ba kamang-mang ang mga Warrior." Medyo naapektuhan ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan sa pang-iinsulto niya sa akin...sa amin. Hindi ugali ni Kiel na mang-insulto ng iba kaya nagagalit ako sa pagbabago ng ugali niya.
"Anong nangyari sayo Kiel? Anong ginawa sayo ni Guido?" Nagngangalit kong tanong sa kanya.
"Ano bang pakelam mo? Sino ka ba para alamin ang mga nangyari sa buhay ko?" Hindi niya talaga ako makilala o mas tamang sabihin na...hindi niya na ako kilala.
"Kiel ako to, si Casie."
"Casie?" Sa paraan ng pagkakasabi niya sa pangalan ko, umasa ako na maaalala niya pero... "Hindi kita kilala. Wala akong kilalang Casie."
"Kiel..." Naiiyak ako dahil ni minsan, hindi ko naisip na makakalimutan niya ako.
"Oh? Anong drama yan? Anong iniiyak-iyak mo jan? Wala ka bang ibang gagawin kundi tumunganga at mag-inarte diyan?" Ang sakit. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya parang pinipiraso ang puso ko. Kahit kailan, hindi kayang sabihin sa akin ni Kiel to. Tama sila. Hindi na talaga siya ang Kiel na kilala ko. "Kung hindi ka aatake. Ako na ang magsisimula."

Naalarma ako sa sinabi niya kaya kahit nag-aalangan, napahanda ako.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at nung malapit na siya bigla siyang tumalon ng sobrang taas. Hindi ko masundan ang gagawin niya dahil nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa araw. Para bang sinadya niya na tumapat duon para hindi ko maperceive ang gagawin niya.

Mabuti na lang at agad akong nakailag sa malakas na atake nya ng maramdaman ko ang pagbigat ng Aura na unti-unting lumalapit sa akin.

"Tsss. Akala ko matatamaan na kita pero mukhang magaling kang makiramdam." Agad siyang tumayo at humanda ulit para sa panibago niyang atake sa akin. Nagulat ako ng makita kong nabiyak yung lupang kinatatayuan niya. Ibig sabihin...napakalakas ng atakeng binitawan niya. Kamuntik na ako dun. Kung hindi ako nakailag baka...baka natuluyan na ako.

Sa bawat atakeng binibitawan niya mababakas ang kapasidad ng kakayahan niya. Sobrang lakas niya. His body isn't ordinary. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman siya ganun nung mga bata kami. Sa aming dalawa, ako lang ang may kakaibang kakayahan. Sigurado ako na may ginawa sa kanya si Guido. Black Magic? Malaking posibilidad.

Wala akong ginawa kundi ang umilag sa bawat atake niya. Hindi gaya niya...hindi ko siya kayang saktan.

"ANO BA? WALA KA BANG IBANG GAGAWIN KUNDI ANG UMILAG?" Inis niyang sabi sa akin.
"Hindi kita kayang saktan Kiel."
"ANO? HIBANG KA NA BA? MAGKALABAN TAYO KAYA NATURAL LANG NA SAKTAN MO AKO."
"Hindi tayo magkalaban Kiel. Hindi dapat."
"TSSSK. WALA KA PALANG KWENTANG KALABAN. WALA KANG IBANG GINAWA KUNDI ANG DUMADA. KUNG GANUN...SIYA NA LANG ANG KAKALABANIN KO." Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papunta kay Maddison at bigla itong inatake.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala kaming nagawa para mapigilan siya. Hindi rin ito nailagan ni Maddison dahil nasa Black Army na kalaban niya ang atensyon niya.

"Argh."

Agad kaming tumakbo papalapit sa kanila at nagulat ng makitang sakal-sakal na ni Kiel si Maddison.

"MADD." Sigaw ni Lei at akmang susugudin si Kiel.
"Sige, lumapit ka. Kung ayaw mong balian ko ng leeg itong babaeng to."- Kiel
"Bitawan mo siya."- Lei
"Ano ako, hilo? Akala ko ba malalakas kayo? Bakit parang ako lang di nyo pa matalo? Isama nyo pa yung kasamahan nyo na ayaw akong labanan. Ganyan ba talaga kayong mga Warrior? Mga walang kwenta? Mga mahihina?"- Kiel
"WALANG HIYA KA." Susugod na sana si Jed pero bigla na lang sumigaw si Maddison kaya automatic na napatigil siya.
"Subukan nyong sumugod. Tutuluyan ko tong kasama nyo."- Kiel
"L-Lei..." Sa paraan ng pagkakasabi ni Maddison sa pangalan ni Lei, mahahalata mong nahihirapan siya. Anong gagawin ko? Naiinis na ako sa sarili ko. Casie...ano ba? Mag-isip ka ng ayos.
"Madd..." Napansin kong napa-close fist si Lei at may namumuo ng luha sa gilid ng mata niya. Maski si Lei walang magawa para tulungan si Maddison.
"H-Hindi ako m-makahinga."

Naalarma na talaga ako ng makitang kong namumutla na  si Maddison. Gustuhin man nilang tulungan siya...Wala silang magawa dahil kung aatake sila, baka tuluyan pang mapahamak si Maddison.

"Alam nyo bang sobrang sarap sa pakiramdam na tapusin ang buhay ng isang walang kwentang Warrior. kaya heto, manuod kayo." At dun humigpit ang pagkakasakal niya kay Maddison na nagdulot upang mapasigaw ito ng malakas.

Pinigilan ko ang sarili kong magalit kay Kiel pero sobra na. Alam kong hindi niya gusto ang ginagawa niya. Alam kong kontrolado lang siya ng kapangyarihan ni Guido. Pero hindi ko mapapalampas na may mapahamak man ni isa sa mga kaibigan ko. Patawarin mo ako Kiel pero kailangan kong iligtas ang kaibigan ko. Patawarin mo ako...

Agad kong naramdaman ang pagliwanag ng mata ko at ang paggalaw ng mga ugat mula sa kinatatayuan ni Kiel na agad kong kinontrol upang hilahin siya palayo kay Maddison. kasabay nito ang pagtakbo ko papunta sa pwesto niya at nagpakawala ng isang suntok na tumama sa sikmura niya na naging dahilan ng tuluyan niyang pagbitaw kay Maddison.

"Madd..." Mabilis na tumakbo si Lei upang saluhin si Maddison na nawalan ng malay dahil sa nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan na sisihin ang sarili ko. Kung bakit ba naman ang tagal bago ako kumilos? Hinintay ko pa na may masaktan bago ako natauhan. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.
"Lei sorry. Sorry kung hindi ko agad natulungan si Maddison. Sorry." Nakayuko kong sabi. Nahihiya ako dahil humantong pa sa ganito bago ko tuluyang narealize na wala ng pag-asang bumalik sa dati si Kiel. Tama nga si Ma'am. Kahit na importante pa sa amin ang isang tao...as long as under Black Magic ito, wala kaming ibang dapat gawin kundi ang talunin ito. And I'll make it sure na maibabalik ko sa dati si Kiel...tutulungan ko siya at the same time, gagawin ko ang responsibilidad ko bilang Warrior. Pero...kamatayan lang ang maaaring magpabalik sa kanya.
"Casie wala kang kasalanan. Pero isa lang ang hihilingin ko sayo."
"Ano yun Lei?"
"Tulungan mo kami."

Alam ko na ang ibig niyang sabihin at handa ko yung gawin. I'll never let Kiel harm my colleagues. I'll protect them. Kahit na kamatayan man ng isa sa amin ni Kiel ang kapalit nito.

Dahil na rin sa nangyari, agad na dumating ang sandamakmak na Black Army upang tulungan si Kiel. Mukhang naintindihan niya na hindi lang kami basta-basta.

Agad naman na sinugod ng Black Army ang mga kasamahan ko at kagaya kanina, kami ni Kiel ang maghaharap. At sa pagkakataong ito, handa na ako.

"Kiel..." Tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumisi.
"Oh? Lalaban ka na ba ngayon?"
"Sinubukan kong pigilan ang sarili ko dahil akala ko kaya kitang kumbinsihin na talikudan ang responsibilidad mo kay Guido pero mukhang hindi ko talaga magagawa yun dahil ang makilala mo palang ako ay hindi mo magawa."
"Nagsimula ka na namang dumada diyan? Bakit ba ang daldal mo?"
"Simula pa lamang dapat alam mong hindi ako ganito."
"Tsssk. Pwede ba? Tama na. Ayoko ng drama at kung ano pang monolohiya. Lalaban ka ba o hindi?"
"Para sa mga kaibigan ko, Oo. Lalaban ako...para rin sayo."

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at ng mahigit sa isang metro na lang ang layo ko sa kanya bigla akong tumalon at isinaboy ang binhi papunta sa direksyon niya.

"Anong pinaggagagawa mo?" Inis niyang sabi dahil maski siya ay tinamaan ng mga binhing isinaboy ko.
"Watch and Learn." Just like before, lumiwanag ulit ang mga mata ko at kasabay nito ang paggalaw ng lupa. "STAY AWAY FROM US." Sigaw ko sa mga kasamahan ko at agad kong pinalibutan ng matitinik na halaman ang paligid namin ni Kiel.
"Pano ka?" Alam kong nag-aalala sila dahil alam nila na hindi lang kung sino-sino ang makakalaban ko. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko siyang talunin ng mag-isa.
"Kaya ko na to. Huwag kayong mag-alala."

Kahit hindi kumbinsido ay wala silang nagawa kundi ang manatili sa gilid at panuorin ang maaaring mangyari sa aming dalawa ni Kiel. Pero dahil sa gagawin ko, alam kong hindi nila magagawang tunghayan ang laban sa pagitan naming dalawa.

Sa pagtaas ng kamay ko, duon lumabas mula sa nabiyak na lupa ang mga higanteng halaman na siyang pumalibot sa amin ni Kiel. ENCASED PLANT EMBRYO MANIPULATION.

"Ano to?" Alam kong naguluhan siya sa naging itsura ng paligid namin pero wala akong panahon para i-explain pa sa kanya ang mga nangyayari.
"Kiel habang may oras pa. Please, sumama ka sa amin at talikuran mo si Guido. Napakasama niya. Hindi mo dapat siya tinutulungan. Hindi ba't siya ang pumatay sa pamilya mo. Siya ang dahilan kung bakit lahat ng taong mahalaga sa ating dalawa ay nawala."
"Anong pinagsasasabi mo? Si Guido ang Master ko. Kung wala siya, wala rin ako sa mundo. Siya ang bumuhay sa akin. Siya ang nagbigay sa akin ng kapangyarihan. Siya lang ang tangi kong pinahahalagahan."
"Kiel...alam kong nakalimot ang isip mo, pero subukan mong buksan ang puso mo at halungkatin ang nakaraan. Alam kong magagawa mong alalahanin ang pinagsamahan natin Kiel. Please..."
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Tama nga si Guido. Mapanlinlang kayong mga Warriors. Mabuti na lamang at napaalalahanan niya kaagad ako. Makinig ka Warrior. Hindi ko tatalikudan ang Master ko. Handa kong ialay ang buhay ko para sa kanya. Kaya humanda ka...hindi kita kakaawaan." Wala na. Wala na akong magagawa. Nilamon na ng kasinungalingan ang pagkatao ni Kiel. Wala na siyang maalala kahit na anong mag-uugnay sa aming dalawa. Wala na akong magagawa kundi ipagpatuloy ang nasimulan naming paglalaban. "Humanda ka Warrior. MAMAMATAY KA NA."

Mabilis na tumakbo papalapit sa akin si Kiel at inihanda ang Ax na sandata niya. Ramdam ko ang lakas ng pwersa at aura niya habang papalapit siya sa akin. Totoo ngang gagawin niya ang sinabi niya kanina. Kaya agad akong pumasok sa Stem ng higanteng halaman na katabi ko at nagpalipat-lipat sa bawat stem ng mga halamang nakapaligid sa amin. This is my ability to teleport via plants. FLORAPORTATION.

Kailangan ko munang lumayo sa kanya. Masyadong siyang mainit. Wala siyang ibang iniisip kundi ang saktan at mas malala, ang patayin ako.

"NASAN KA? HUWAG KANG MAGTAGO. LUMABAS KA DIYAN. HUWAG KANG DUWAG." Galit na sigaw ni Kiel.

Mula sa posisyon ko, kitang-kita ko ang pagputol niya sa mga higanteng halaman gamit ng sandata niya habang paulit-ulit na sumisigaw. Determinado siya na gawin ang balak niya. Wala na ba talagang pag-asa na maayos ito na hindi gumagamit ng dahas?

Casie...tama na. Wala ng pag-asa. Hindi ba dapat ay kanina mo pang ginawa ang nararapat para sa lahat. Gawin mo ang sa tingin mo'y tama kahit na ikasakit mo pa ito. Hindi na siya si Kiel. Sa simula pa lang ay hindi na siya yan. Dapat mo ng wakasan ang paghihirap ni Kiel. Tulungan mo siya Casie. Tulungan mo siya.

***

Seguir leyendo

También te gustarán

250K 3.6K 51
who's the time holder? The one who can control the time, the one who can control all things related to time. Everyone need that person to be vanished...
132K 7.6K 88
(On-Going)
6.5K 722 95
There are things that will not make you believe. In the land where there are enchantments and fantasies. The land that would define your imagination...
2.3K 146 13
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...