UNBEARABLE Desire

By Ijreid

474K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 71

3.9K 63 6
By Ijreid

ARMIE POV

"ano ba kasing ginagawa niyo dun?" tanong ko kay Janna "akala ko tulog si Paige"

hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina. buti na lang talaga at hindi namin naistorbo si Navi.

"nagising ate at hinahanap kayo. nagpumilit kasi na puntahan kayo kaya wala na akong nagawa" sagot niya

"paano niyo nalaman na andun kami sa 3rd floor?"

"kasi tumawag si Ate Diane at sinabi sa amin. naiwan mo kasi ang phone mo sa sasakyan tapos hindi naman sumasagot si Bryan sa tawag ko kaya dumiretso na kami dun. baka kasi andun na rin kayo"

Hay! Wala naman na akong magagawa. Nangyare na ang lahat. Alam na nila ang totoo. Sobrang hirap akong magsabi ng totoo sa kanila tapos sa mga hindi inaasahang pagkakataon pa nabubunyag ang mga sikreto ko.

Ngayon alam na nila ang totoo, paano na si Nav? Imbis na siya ang unang makakaalam ay mas nauna pa ang pamilya at mga kapatid niya. magagalit talaga sakin yun pag gising niya.

"Armie" isang sigaw mula kay Air ang nagpatigil samin sa tuluyang pag alis sa hospital.

Kahit ata anong gawin ko ay hindi ko na maiiwasan ang mga tanong nila. ito na nga ang pagkakataon para masabi ko ang totoo.

"Kumain muna kayo. Tatawag na lang ako kapag tapos na kaming mag-usap" sabi ko kina Bryan ng ayain ako ni Air para mag-usap.

Bumaling ako kay Paige. "Bebe girl kumain muna kayo. Balikan niyo nalang si mommy after. Saan mo ba gustong kumain? Gusto mo bang mag jollibee?" Tanong ko sa kanya.

Sumimangot naman siya "nag jollibee na kami ni dee kanina"

"Ayaw mo na bang mag jollibee? Diba favorite mo yun?" Binigyan ko ng lambing ang boses ko.

Ang batang ito kasi magiinarte na naman. Hindi naman niya ako sinagot sa tanong ko.

"Paige sama ka muna kina tito Bry. Mag-uusap lang kami nito Air" pangungumbinsi ko pa.

"Sama ako mee"

"Hindi pwede. Bawal ang bata doon."

"Gusto ko." Maktol naman niya.

"Paige pupunta kami ng mall ni tito Bryan mo. Maglalaro kami sa time zone tapos kakain sa jollibee. Ayaw mo bang sumama. Wala ka bang gusto sa mall?" Pag aaya naman sa kanya ni Janna.

"Ayoko! Gusto ko sumama kay mee" maktol niya. Pero sa itsura niya ay nagdadalawang isip na siya.

Ang batang ito talaga napaka tigas ng ulo. Kung sasama naman siya sa akin ay okay lang naman. Mas maganda lang sana kung kami lang ni Air ang mag-uspa, mahirap na at baka maging emotional pa ako habang nagkukwento at ano na namang isipin ng batang ito.

"Ayaw mo talaga sumama samin ni Tita Janna?" Tanong ni Bry. "We will ride carousel" nakangiting sabi niya.

Umiiling siya at nagmamatigas pa rin. Napairap na naman ako. Ang brat talaga ng batang ito.

"Okay fine" sabi ko kaya napatingin si Paige sakin. Bumaling ako sa dalawa "si baby Dan na lang ang isama niyo. Mag play kayo sa timezone, kumain sa jollibee at tsaka mag ride ng carousel. Matutuwa si Baby Dan doon. Si Paige hindi na sasama. Ayaw niyang mag mall, ayaw niyang mag paly sa timezone at magride ng carousel kumain na rin naman siya sa jollibee kaya ayaw na niya. Gusto niya lang bantayan si mommy habang kausap si Tito Air" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Hindi naman maiinip si bebe girl diba?" Nakangiting baling ko sa kanya. hindi naman siya sumasagot "Kung gusto mong sumama kay mommy dapat behave ka. Bawal ang bata doon dahil puro adults ang andun. Ikaw lang ang bata doon. You better sit and be quiet until matapos kaming magusap ni Tito Air mo. You are the one who want this so don't bother us when you want to go home Kung gaano kami matagal maguusap ni tito Air i cant say. You will stay there with us and just sit. No interrupting. Okay? Are we clear on that Paige?" tanong ko

Tumingin naman siya sakin. Tignan natin kung sinong mananalo.

Tumango siya kaya napabutong hininga. Such a stubborn child.

"Sige isasama ko na si Paige" sabi ko sa dalawa. wala naman na kong choice kesa mag iiyak siya dito sa hospital.

"Okay princess." Ngiting sabi ni Bry. " we will just buy you toys at the mall. You want a take out spaghetti from jollibee?"

Magsasalita na sana siya pero inunahan ko "no need for new toys. Kakabili lang ng daddy niya but you can take out spaghetti for her. Wala kasing spaghetti sa pupuntahan namin. Coffee lang at bread ang andun" sabi ko.

"Ito ate phone mo" abot sakin ni Janna ng phone na naiwan ko kanina "tawagan mo nalang kami"

"Sige" paalam ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Paige at inaya na maglakad. Nakasunod naman si Air sa amin. Habang naglalakad kami ay palingon lingon si Paige sa dalawa.

Tumingin ako kina Bryan na nakatingin lang samin. Sinenyasan ko silang umalis na. And as i expected, kumawa sa hawak ko si Paige at tumakbong humabol kina Bryan.

Hindi na ito tumingin pa sakin.

"Ang pride kasi" sabi ko. Nginitian ako nila Janna at tsaka umalis na.

"Ayaw patalo at matigas pala ang ulo ng anak mo" rinig kong sabi ni Air.

"Sinabi mo pa. Kailangan sa batang yun reverse psychology. Madalas gumagana pero may times na hindi talaga. Akala ko nga sasama talaga siya eh"natatawa kong sabi "okay lang din naman kahit kasama natin siya ang kaso lang mas marame pa yung itatanong kesa sayo"

"Gusto mo bang umalis?" Tanong niya

"Yes. Anywhere near here. ayoko dito sa hospital" sagot ko.

Naglakad lang kami at ilang mga staff doon ang nagtanong kung kumusta na si Navi.

Nakikinig lang ako sa mga sagot ni Air at nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinasabi niya. I feel assured na okay na si Nav.

Dinala naman niya ako sa isang resto/ coffee shop malapit lang sa hospital.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin pag upo. "Have you eaten?"

"Coffee lang" sagot ko. Wala din naman akong ganang kumain.

Tumango lang siya at nag-order na rin. Kape lang din ang inorder niya katulad ko.

"Alam ko marame kang gustong itanong"panimula ko. "Sisimulan ko sa umpisa. Ngayon ko nga sana balak aminin kay Navi ang lahat lahat. Hindi ko naman akalain na mangyayare to. Ang kinalabasan tuloy mas mauuna niyo pang malaman ang totoo kesa sa kanya. It might be the reason he will choose to stay away from me." malungkot na saad ko.

"Armie, Navi loves you. To the point na kaya niyang mamatay para sayo."

"Para sakin? O dahil sakin? Kaya nangyare ang mga to ay dahil sakin diba? I am not good for him. Tama si tita dapat layuan ko na siya"

"Nasabi niya lang yun dahil galit siya. After this ang mahalaga lang kay tita ay maging masaya si Navi. And you can take away his daughter. Paige is his right?"

Tumango naman ako.

" i thought nagpapanggap lang siyang daddy ni Paige. yun ang sabi niya sa amin. he pretended to be dee for Paige."

"pagod na akong magsinungaling Air. lagi na lang hindi maganda ang kinalalabasan. ayoko na."

"Hindi ito alam ni Nav?" tanong niya

"Hindi."

"All this time na kasama mo siya hindi mo nasabi?"

"Natatakot ako." Sagot ko "isipin ko palang ang magiging reaksyon niya natatakot ako. Akala ko nung una kasal na siya kay Mareen kaya wala ng rason para sabihin ko pa ang makakasira ng relasyon nila"

"Pero hindi sila kasal. Hindi niya itinuloy ang kasal nila 5years ago dahil inamin niya kay Mareen na ikaw pa rin ang mahal niya. Pero iniwan mo siya. He tried to move on. Nakipagbalikan siya kay Mareen not because he still love her but because he can't stand Mareen begging for him to take her back." nagulat ako sa mga sinabi niya. "he cares for her at sa mga panahong iyon sobrang nasasaktan si Mareen. Three years ago lang naging official talaga. That time si Mareen na ang nagparaya. He had an accident. Driving drunk because of you. That day Mareen realize that Navi needs a friend not a lover. Alam na kasi niyang wala ng papalit sayo sa puso niya. Since then Navi became workaholic. ngayon lang nga iyon ng leave eh."

Napapakagat labi ako. Nagsisimula ng mamuo ang luha sa mata ko. Those years masaya ako dahil kay Paige. She completes me. Hindi ako naging malungkot dahil andyan siya. pero si Nav? nasaktan ko talaga siya.

"Don't leave again Mie. Sa takot niya na mawala ka sa kanya ay na-akaidente siya. I am not giving the fault to you. Matigas din kasi ang ulo ni Nav. Sabi ni Ian kumalma at hayaan ka muna but he intended to find you anywhere you could have been."

"Im sorry" sabi ko. Kasalana ko pa din kahit na sabihin niyang hindi.

"Can you promise me not the leave?"

"As long as he wants me to stay i won't" sagot ko

"I think that is better. Pero sana kahit na anong mangyare hindi ka pa rin aalis. Please stop running away."

"I will try Air. I will not promise anything. Takot din akong masaktan. Ilang beses ko ng naranasan yun at hindi ko alam kung makakaya ko pa. Pero sabagay i need to be strong for my children"

"Children? May kapatid pa si Paige?"

Napakagat ako ng labi. Pati ba naman ito sasabihin ko na rin sa kanya.

"Yep. Magiging kapatid palang. I am pregnant Air" pag amin ko "Navi's not the father." I finished before he said anything.

The last words led him speechless.

"Yun din ang isang bagay na takot akong aminin sa kanya. I am his. He is mine too pero nakokonsensya ako sa bagay na to. I never expect this to happened. But i swear, si Navi lang ang lalaking minahal ko"

"Is your ex boyfriend the father?"

"No!" Iling ko kaagad " i never had a boyfriend before Nav. And you know recently lang naging kami" dugtong ko pa.

"But you said-"

"Yes i know. Sinabi ko lang yun para hindi niyoa ko asarin na until now si Navi pa rin. Akala ko nga kasi noon may asawa na siya."

"Alam ba to ni Nav?"

"Yep i told him"

"But the fact about his daughter you didn't"

"I am planning to" depensa ko "pero nangyare to"

"It will not happened kung hindi ka nakipaghiwalay. Bakit mo ba naisip na gawin yun?"

Gusto kong irapan si Air sa mga oras na to kaso nagtitimpi lang ako. Ang sabi niya hindi niya ako sinisisi pero sa takbo ng usapan ngayon ay naging kasalanan ko pa rin.

Tanggap ko naman na may kasalanan ako pero sana hindi na niya sinabing hindi ko kasalanan nung una tapos kasalanan ko din sa huli. Ay ang gulo niya!

Dahil sa sinabi niya ay wala na akong nagawa kundi sabihin ang totoo sa kanya. Ang mga sekreto ko mula ng umalis ako ng pilipinas hanggang sa pambablackmail sakin ni Mareen. Sinabi ko na ang lahat. At gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos.

Air is Navi's best friend. parang si Navi na rin ang sinasabihan ko nun.

"I can't believe Mareen would do that" sabi niya sa huli

"But she did. So don't expect me to get along with her after what happened to Nav."

"And i also can't believe you're married with Nav"

"Yes i know. Kahit ako hindi ko inaasahan yun." sagot ko.

"Let me talk to Mareen"

"Sa tingin mo may magagawa ka? Si Ian nga wala eh"

"Ian knows about it?"

"Yes"

"Why didnt they tell me?" puno ng inis na sabi niya.

"Sorry" sabi ko " ako na rin kasi ang nakiusap sa kanya na wag ipaalam khit kanino lalong lalo na kay Navi. Gusto ko ako ang magsabi"

"Pero nagpadala ka sa blackmail ni Mareen. you should have told Navi everything."

"Oo alam ko. pero halos bawiin ko rin pagkatapos. Hindi naman ako nakikipaghiwalay kay Navi. Ang gusto ko mag cool off lang kami. Aayusin ko lang sana ang problema ko tapos babalikan siya kapag okay na. pero hindi ko rin pala kaya , mahirap pala sakin kahit cool off yun. so i plan to talk to the father of my unborn child to settle everything before i tell Nav. Inexpect ko na nga ang worst. Na pwede niya akong iwan pagkatapos. Na pwede na niya akong idemanda sa kasal na wala siyang alam. Tanggap ko ng pwedeng mangyare ang mga iyon. Ang hindi ko lang jnasahan ay ang aksidenteng ito"

Namayani ang ilang minutong katahimikan sa amin. Ang mga kape namin ay lumamig na. Hindi na namin nainom dahil sa haba ng pag-uusap namin.

"Inaantay nila ako dun" sabi niya. "They also want the truth"

"Air can i asked you a favor?" Puno ng pakiusap ko.

"Enough with the lies Mie"

"I will not lie"

"But you're planning to suppress the truth"

paano naman niya nalaman na ganun? Sabagay ano ba bang pabor ang hihingin ko maliban dun?

"Just until i am ready?" pakiusap ko.

"Aantayin mo na naman bang may mangyareng masama bago mo sasabihin ang totoo?"

"The thing about Paige i can't lie. Narinig niyo naman lahat kanina. And asking favor from
His parent won't do. Kita mo naman ang ginawa sakin ni tita kanina. hindi mo maitatago ang katotohanang anak namin si Paige. But only you, Ian and Mareen knows about my marriage and my baby"

"Ayaw mong sabihin namin na kasal kayo at buntis ka?"

"Please" pagmamakaawa ko.

"Armie hindi! Hindi ako magsisinungaling kay Navi"

"Hindi ka naman magsisinungaling. Hindi mo lang sasabihin"

"But something important like that should be known"

Nanlumo ako sa sinabi niya. Napapakagat labi ako.

"Please until maging okay lang siya" pakiusap ko.

He looks frustrated too but i gave him a force smile.

"Kapag nagtanong siya hindi ako nagsisinungaling. I can't promise you anything. Not in this situation Armie. I hope you understand. Hindi na simpleng bagay ang nangyayare sa inyo"

Wala naman na akong nagawa kundi tumango. Pakiramdam ko wala na akong kakampi, wala na akong takas. Lahat sila ay kinukwestion ang mga desisyon ko.

Ito yung mga oras na gusto nasa Texas lang ako. Busy sa mga patient at nakikipagbiruan kina Eros.

Marame pa kaming napag-usapan tungkol sa mga nangyare years ago. Nag umpisa sa pagalis ko nung nasa med school palang sila. Mga nangyare sakin sa dubai at sa pagbalik ko 5 years ago. Ang secret affair namin ni Nav habang engage pa siya kay Mareen, ang muntik ng pagkawala ni Paige sakin noon. Halos lahat natanong na niya. Paulit ulit lang naman ang kwento ko. Tinitignan niya siguro kung may kulang pa sa sinabi ko or gumagawa lang ako ng kwento.

Ang sa baby ko lang ang wala akong masagot sa tanong niya.

"How many weeks now?"

"Almost 8 weeks" sagot ko

"And you don't know the father?"

"Air kanina ko pa sinasabi. Nalasing ako sa bar. Nagising ako nasa condo na niya and i cant remember anything."

"Are you sure he's the father?"

"I don't sleep around Air. Its only Nav" sagot ko na napapairap pa " and i cant remember anything when i'm drunk"

"Yeah" mapaklang sagot niya "Nav told us"

Napakunot naman ang noo ko. alam niya yun? sinasabi ni Navi?

Ngumisi naman siya "marameng bagay ka pa ring hindi alam kay Navi. Mga bagay na samin lang niya nasasabi at napapakita. He talks about you a lot. Kahit noong nasa med school pa. How he hated you and all"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"That guy is madly in love with you for years. Huli na ng marealize niya. You were gone. Alam mo bang nagpareserve siya ng isang hall sa Manila hotel para lang magtapat sayo?" Natatawa niyang sabi na kinagulat ko.

"Kung ano pang mga gimik ang mga sinuggest ni Ian na kinainis niya pero wala siyang choice dahil yun daw ang kinikikiligan ng mga babae? Na kahit may upcoming ng prelim exam ay kinukulit niya kami for decorations and all. Kahit nga sabihin namin na wag na siyang mageffort dahil siguradong sasagutin mo rin naman siya agad ay nagpumilit pa rin siya? Of course you dont know that. You didn't see how beautiful the concepts is kasi umalis ka. Without a word you left him. You who promise who never leave and will continue to love him until the end."

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang mga ito.

"But he never showed-"

"I told you there are things only us can see. As his bestfriend kilala ko siya. Sabi ko sayo dati wag kang susuko diba? Kasi alam ko sa huli marerealize din ni Navi how precious you are. You made him shows emotion we never saw before. I am sure about the two of you before. You just hurt his ego dahil ikaw ang unang nanligaw. If he doesn't like you he will not make time for you. Kahit gaano ka pa ka-persistent if he doesn't what. He doesn't. Suplado, antipatiko yun. And if he sees you like a random girl he can take advantage and drop anytime, sana noon palang pinatulan ka na niya at nilehera sa mga babaeng dumaan sa buhay niya"

"Kasi magkaibigan na kami before ko pa siya nagustuhan" depensa ko. Alam ko noon he's only being nice. But i fell for him.

"Hindi yun ganun. Trust me i know him"

Pero kilalang kilala ko din siya noon. I'm his suitor. Everything about him i know.

But i guess i dont know anything about what he really feels.

Nagsimula siyang magkwento about kay Navi simula ng iwan ko siya 8 years ago. Hindi ko kinaya ang mga narinig ko kaya pinatigil ko na siya.

"So you can't blame Mareen for feeling this way" he said " Nav is destructive when he's hurt. But one thing is for sure. Ikaw ang mahal ni Navi. He never loved Mareen as much as he loves you"

"But still nagawa pa rin niya akong ipagpalit"

"But can you blame him?"

Napakagat labi ako. Hindi ko naman alam na ganun ang naidulot ko kay Navi nung iniwan ko siya. Akala ko yun ang gusto niya. Akla ko hadlang lang ako sa babaeng gusto niya. Sobrang sakit na kasi noon kaya umalis ako.

Can i blame him?

Noong panahon na yun walang wala akong makakapitan. Samantalang siya may sumalo sa kanya sa depresyon.

Can i blame him?

Noong panahong umalis ako daladala ang anak namin. Akala ko masaya na siya so i chose to be happy with our daughter. I never thought he'll cancelled his wedding, became a drunkard and aworkaholic doctor. He tried to be happy samatalang ako masaya na sa buhay na meron ako, sa buhay na meron kami ni Paige.

Can i really blame him after this revelations? Can i?

--------

Hanggang sa sunduin at makarating ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang mga nalaman ko from Tita Scarlet to Air.

Why does it have to be this difficult? Akala ko ako ang mas nasaktan at ang mas nasasaktan pero sa mga nalaman ko alam ko na mas nasaktan at mas nasasaktan ko siya.

Akala ko malakas at matatag siya. He's been through a lot and i am happy they didn't give up on him. Na hindi nila pinabayaan si Navi, na hindi sila sumuko sa kanya.

Tama si tita, i am driving him to destruction. But i can't stay away lalo na ngayon na kailangan niya ako.i am not doing it because of guilt. I am doing this because i love him.

I received a call from Air nung nasa daan na kami pauwe. Gising na daw si Nav. Gustong gusto kong pumunta pero alam ko magkakagulo dahil andun pa rin sila tita. Paige also needs to rest kaya hindi na rin ako tumuloy. Bukas na lang namin siya dadalawin ni Paige kasabay ng last physiotherapy niya. I am relieved he's fine. Thank God for that.

Nakaabang na samin ang pamilya pagdating.

Isang round na naman ng explanation.

"Linda bihisan mo muna si Paige bago matulog" utos ko kay Linda.

Hindi naman na nagreklamo pa si Paige dahil halatang inaantok na rin. Napagod sa kakalibot sa mall. Nakapagpabili din siya ng laruan at damet.

Nang mawala na sa paningin ko ang dalawa ay napabuntong hininga ako bago hinarap ang pamilya ko. Nakatutok lang ang mata ko kina mama at papa.

Mabuti naman ay wala na dito sina Cass at Kate. Malamang pati sila ay magigisa ng pamilya ko, or baka tapos na at ako naman ang susunod.

"Mauna na po ako tito,tita,ate Mie, ate Cands, Dan" paalam ni Janna.

"Hatid ko lang siya" sabi naman ni Bryan.

"Wag na kaya ko na" tanggi niya

"Hindi halika na"

"Wag na ano ba?" Pinandilatan pa siya ni Janna. May binulong pa ito at biglang napabuntong hininga nalang si Bry.

"Tatlong bahay lang ang pagitan natin. Aalis na ko" paalam niya kay Bry at tsaka hinalikan sa pisngi.

"Sige mag-iingat ka" sabi naman ni Mama.

Nang makaalis si Janna ay napagpasyahan naming pagusapan ang nangyare ngayon dito sa sala.

"Ano pa ba ang kailangan naming malaman?" Simula ni Mama ng makaupo kami lahat.

Napatingin ako sa kanila at ikinuwento ang mga bagay na sinabi ko rin kay Air. Lahat sinabi ko. Walang labis walang kulang. Hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako.

"Kasalanan ko po. Hindi mangyayare yun kundi dahil sakin. Sakin nagsimula lahatng problema" sabi ko

"Ikaw talagang bata ka" sabi ni mama at naramdaman ko ang paghapas niya sa braso ko " ano bang pinagggawa mo? Gumagawa ka ng mga biglaang desisyon. Fake marriage? Tapos buntis ka naman at wala ka na namang balak sabihin samin. Ano ba Armie" umiiyak na sabi ni Mama habang hinahampas ako sa braso.

Tinatanggap ko lang naman ang mga iyon habang umiiyak din.

"Ate bakit ka naman kasi nagpagkalasing ng mag-isa?" Halatang may pagkainis na sabi ni Cands pero halatang nagpipigil na ng paghikbi.

Naisip ko na naman ang pag abanduna ng mga kaibigan ko sakin or ako ang nag abanduna sa kanila ng gabing yun?

Hanggang ngayon ay malabo pa rin ang lahat ng nangayre sakin noon. Sa sobrang protective sakin ni Diane ay hindi man lang niya ako hinanap. Well hinanap naman niya ako at napagalitan kaya lang ako nga pala ang hindi nagsabi ng detalye dahil na rin naiinis ako sa pangyayareng yun.

Hindi ko na gustong maalala yun dahil katangahan ang nangyare ng gabing yun. Na-rape ako! Sinong matutuwa dun. Isa pa dumating ulit si Navi sa buhay ko at nagulo na naman ako. Hindi ko na nga dapat siya aalalahanin kundi lang nagbunga ang kahayupan ng lalaking yun. He took advantage of a drunk woman!

Paano nga ba ako nag end up sa condo ng lalaking yun?

Kailangan ko na nga sigurong harapin ang taong yun. Kailangan magusap kami. Kaya lang sasabihin ko bang buntis ako? Paano kapag akuin niya ang bata?

"Armie! Okay ka lang ba?" Naramdaman ko ang hawak ni mama sa braso ko.

"Po Ma?" Tanong ko

"Ate lumilipad ang isip mo" sabi ni Danny

"Sorry"

"Sige na magpahinga ka na. Magusap na lang tayo bukas. Wag mong kalimutang bukas ang last session ng PT ni Paige" paalala ni Papa.

"Opo" sagot ko at tsaka umakyat na.

Nakakapagod din ang nga nangyare ngayong araw na ito. I never expect it would be like this.

In a span of a day nagulo na ang lahat.

Pag-akyat ko sa kwarto ay nakita ko ng tulog ang anak ko at yakap yakap ang bago niyang stuff toy.

Mag-sisimula na ang bagay na kinatatakutan ko anak. Sana tulungan mo si mommy. As long as andyan ka hindi susuko si mommy. I love you anak.

IAN POV

Kaya pala hindi masabi ni Diane ang totoo sa akin ay dahil mauungkat si Paige. Si Paige na anak nila na dahilan kung bakit kinakailangan niyang makasal 5 years ago.

Wala akong masyadong alam sa batas. mapa Pilipinas man yan o ibang lugar kaya hindi ko naisip na yun ang posibleng dahilan niya. Ngayon ko lang narealize ang mga bagay bagay. Yun ang missing piece sa marame kong tanong.

Kung bakit kailangan kasal siya kung magbuntis ay obvious naman. Dahil bawal ito sa bansang iyon. Narinig ko na ito sa kwentuhan ng mga nurses noon na kapag nabuntis ka na hindi kasal ay kailangan mong bumalik ng Pinas pero ang bansang tinutukoy nila ay Saudi Arabia.

Ang akala ko ay doon lamang ito applicable pero mukhang hindi pala. Marame pa sigurong bansa ang tulad ng Saudi Arbia na bawal ang mabuntis kung hindi kasal.

Pero paanong nakalusot ito? Pineke nila ang kasal at 3 years ago lang narehistro dahil na rin mali ang naibigay sa munisipyo. Talaga palang malaking gulo ang ginawa ng magpinsan na iyon.

Sana rin pala hindi ko na pinaubaya sa tadhana ang lahat. Sana sinabi ko na lang kay Navi ang alam ko. Hindi na sana aabot pa sa ganito.

Hindi lang yun, Sana din napigilan ko si Mareen. I am too late to make things right. Dapat kinontrol ko si Mareen. Sa nangyare ngayon mas sinisisi niya ang sarili niya. Lalo na at parang may nag-iba kay Navi pagkagising kanina.

Lahat kami ay nagulat at natakot ng makitang gising siya matapos ibalita ni Air ang totoo. Akala naman magwawala siya pero Ang tahimik lang niya. Ni hindi man lang niya hinanap si Armie. Wala siyang tanong. Kami ang tanong ng tanong sa kanya lalo na sa nararamdaman niya. Akala namin nagka amnesia na siya pero hindi naman. Talagang tahimik lang siya. Pinaalis pa nga kami sa kwarto para makapagpahinga. Kahit parents niya ayaw niyang magstay doon. Okay naman na daw siya.

Hay! Bakit ba kasi napakakomplikado ng buhay namin. Kahit kelan ay hindi sumagi sa isip namin na magiging ganito ang buhay pag ibig namin. Si Lloyd lang ata ang maswerte sa bagay na iyon.

Maging sila tito't tita ay sobra ang gulat. kanina ko lang din nakitang ganun magalit si Tita. ang bait bait kaya ni Tita Scarlet pero nagawa niyang maging ganun dahil na rin sa sinapit ni Nav.

paano na kaya ngayong nalaman nilang may apo na sila? she made a point that she doesn't want Mie for her son. paano kapag may involved ng bata? paano na lang din kapag nalaman nilang may pinagbubuntis pa si Mie ngayon na hindi naman anak ni Navi.

ano bang kasalanan ni Mie at Navi sa past life nila at ganito kagulo ang buhay nila?

Sana maging okay din ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
745K 9.5K 50
Serene, A girl who got pregnant at a very young age. Iniwan siya ng nakabuntis sa kanya at mag-isa niyang pinapalaki ang kanyang anak. Sa panahon ng...
440K 6.2K 24
Dice and Madisson