Remember When [Fin] - PUBLISH...

Від YGDara

1.7M 49.2K 7.7K

Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay gin... Більше

Remember When
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Seventeen
Eighteen
Eighteen (Repost)
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue
RW: Special Chapter
Remember When: Soon to be published
MIBF - SEPT 16, 2018

Sixteen

31.6K 994 150
Від YGDara

Hindi alam ni Michelle kung saang lupalop na siya nakarating. Medyo malayo-layo na ata ito sa hotel nila, basta nakita nalang kasi niya ang sarili na naglalakad malapit sa dalampasigan. Kumukuha siya ng mga litrato tapos ay magmamasid lang ng mga nasa paligid. Maraming mga dayuhan na narito, karamihan ay mga grupo-grupo.

May nakita pa nga siyang international artists kanina na pinagkakaguluhan ng iba. May mga nadaanan siyang bar na meron ng nag-iinuman.

Ibang-iba ang Maldives sa Ibiza. Parang lahat ng tao na makikita mo rito ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Tamang-tama lang para sakanya. She needs this distraction. Baka kasi nanatili sila sa Maldives na tahimik, ay wala siyang ibang gawin kundi isipin si Adam which she doesn't need anymore.

Nang nakita ang oras sa phone niya ay napagpasyahan niya ng bumalik. It's almost five pm, she needs to go back, take a shower before Brent knocks on her door for them to eat.

Saktong six pm ay natapos na siya sa pag-aayos. She wore her white shirt the stops above her belly button. Her denim shorts and slippers. She tied her ash blonde hair into braids on both sides. Naglagay lang siya ng powder sa mukha, inayos ang kilay, added some cheek and lip tint. Sprayed a little perfume and she's finished.

Six thirty nang sunduin siya ni Brent para kumain na sila ng dinner. He's wearing his plain white shirt, black pedal shorts and his mandals. His hair is tied into a half bun. Dumiretso sila sa open air restaurant ng hotel. Kakain muna sila bago sila magshoot ng party na gaganapin mamaya.

"Lumabas ka ba or nagstay ka lang sa room mo?" tanong sakanya ni Brent nang makakuha na sila ng pagkain sa buffet table.

"Lumabas ako. I took some pictures." sagot niya. "Let's eat?"

Tumango si Brent at sabay silang umusal ng maikling dasal bago kumain at nagkwentuhan.

"First time mo ba na pumarty?" tanong niya habang nilalantakan ang pagkain nila.

"Here in Ibiza? Nope. It's actually my third time. Kasama ko sila Vaughn two years ago dito." sagot nito.

Tumango-tango siya. "So, mahilig ka magwalwal talaga?"

Natawa si Brent sa sinabi niya. "Walwal?"

"Walwal. Iyong party-party, ganon. It's a term for 'getting wasted'." sabi niya.

Tumango-tango si Brent. Uminom ito sa juice bago siya sinagot. "Hindi naman madalas. But I never get wasted. I was before, and it didn't turned out good."

"Bakit naman?" usisa niya.

"You don't want to know. Kumakain tayo." natatawang sabi nito.

She shrugged. "Hindi naman ako maselan." sabi niya.

Sandaling pinakatitigan siya ni Brent bago ito nagkibit-balikat at sinagot ang tanong niya. "I just woke up surrounded from my own puke with a naked woman beside me."

Nalukot ang mukha niya sa sinabi nito. "That's.. gross. You had sex and you puked on her."

Natawa si Brent. "No? I don't remember, actually. Tsaka matagal na iyon, college pa. Hindi ko pa kayang kontrolin ang pag-inom. You know, sabik ba. Pero I've learned my lesson, I still party and drink but I know my limits."

Nangalumbaba siya at tinignan ang malaking bonfire na natatanaw niya sa malayo. Doon sa malaking open area ng beach club gaganapin ang party. Naka-set na ang stage para sa mga tutugtog na DJ's.

"Gusto ko rin maranasan iyon minsan." sambit niya.

"Alin? To get drunk?" tanong nito habang hinihiwa ang T-bone steak nito.

Tumango siya at pinagpatuloy ang kinakain. "Umiinom naman ako pero isa hanggang dalawang bote lang."

"You can get wasted tonight. Babantayan nalang kita." natatawang sabi ni Brent sakanya.

Siya rin ay natawa. "Hindi na. Pabigat pa ako sa'yo."

Napangiti si Brent. Nagkibit-balikat ito. "Hindi ka naman mukhang mabigat. I think kaya naman kita buhatin kung sakaling malasing ka." biro nito sakanya.

Ngumiti siya rito at umiling. "Hindi na. Feeling ko rin kasi, hindi ko kaya. Para ba na automatic na hindi na ako iinom pagkatapos ng dalawang bote."

"Because you're thinking about not getting drunk." sabi nito. Uminom ito ng tubig at pinunasan ang bibig gamit ang tissue. Tapos ay tinukod nito ang mga braso sa lamesa at tinignan siya. "What did I said to you? Let go of your thoughts. Overthinking can ruin your happiness. Have fun. Let go of your inhibitions. Besides, nasa Ibiza tayo where party is life."

Natawa siya sa huling sinabi nito. Pero tumatak sa isip niya ang mga payo nito. Inaamin niya na madalas siyang mag-overthink. Pinapangunahan niya ang mga iniisip niya. Na bago niya gawin ang isang bagay, iniisip niya kung ano ang magiging resulta nun pagkatapos. Tulad nalang ng pag-inom, iniisip niya kaagad na malalasing siya at sasakit ang ulo pagkatapos ng hang-over kaya ang tendency ay hindi siya iinom ng marami.

Bakit ba lagi siyang natatamaan sa mga sinasabi ni Brent? As in lahat ng payo nito ay akmang-akma sakanya.

Ten pm ay dumiretso na silang dalawa sa paggaganapan ng party. Naglalakihang stereos ang naka-set up. May bonfire sa kalayuan pero tanaw sa pwesto nila. May mga LED lights na nakapalibot sa paligid, sa mga puno, poste at stage.

Colors of pink, red, violet and blue illuminated the whole area. Nagdadagsaan na rin ang mga tao, karamihan ay mga nakabikini ang mga babae tapos ay nakaboard shorts lang ang mga lalaki. Ang iba ay tulad niya na nakashorts lang at cropped shirts.

"I'll take right side, you take left. Then let's meet here after an hour. Okay?" sabi ni Brent sakanya.

Tumango siya at aalis na nang tawagin ulit siya nito. "Don't accept drinks from strangers." paalala nito.

Tumango siya ulit at tinandaan ang sinabi nito. Iyon din lagi ang paalala sakanya ng mga kuya niya sa tuwing lalabas sila nila Ailee para uminom. Hindi kasi alam na baka mamaya ay may drugs na hinalo sa inumin.

Inadjust niya na ang camera niya at kinuhanan ang mga taong nagsasaya sa gitna. Ten palang pero hype na ang mga tao. May DJ na kasing tumutugtog na sinasabayan ng MC para mas lalong iinvolve ang mga tao.

Drinks were overflowing. Halos lampas lima ata ang mobile bar na nakapalibot sa area. She was recording the scene, may mga willing pa nga na magpose sa camera niya at kumaway-kaway pa.

She went to the bar and sat on one of its high stools there. She checked the videos she took.

She watched the people dance and party really hard. Maraming mga umiinom at sumisigaw dahil sa saya. May mga nagpipicture. Ang iba naman ay nasa gilid at nakikipag-usap lang pero bakas sa mga mukha ng mga ito na nag-eenjoy sila.

Hinanap niya sa crowd si Brent pero hindi niya ito makita. She checked her watch and decided to head back to her room to leave her camera behind. She took her phone and some bills with her and went back to the party.

Saktong one hour ang lumipas bumalik siya sa sinabing lugar ni Brent para magkita sila. Nakita niya ito doon. Nakapamulsa ang isa nitong kamay sa shorts at may hawak itong bote ng beer sa isang kamay. She tapped his shoulder.

"Saan ang camera mo?" tanong niya.

"Ha?" he asked. Inilapit nito ang tenga sakanya dahil hindi sila magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog.

"Saan ang camera mo?"

Inilapit ni Brent ang bibig sa tenga niya. "Left it in the reception area of the hotel. Sa'yo?"

Inilapit naman niya ang bibig sa tenga nito. "Left it in my room!"

Tumango ito at hinila siya sa bar counter. He got her a bottle of the same beer he has and then he grabbed her hand and they went in the middle, to where the crowd is.

"Cheers?" he said and gestured his bottle.

She clinked hers to his. "Cheers!" She gulped her drink and she stucked her tongue out because of the bitersweet taste of the drink.

"Remember what the things I said to you?" Brent asked her.

Tumango siya rito. "No overthinking. Free myself and let myself enjoy without restrictions. Got it." nakangiti niyang sagot dito.

Brent smiled and raised his drink to her before gulping its content.

Nakisabay sila ni Brent sa mga tao sa sayawan, talunan at inuman. She was having the best time! Sobrang hyped up niya. And then when the DJ dropped a remix of Pitbull and Neyo's song 'Time of our lives', the crowd went wild even her! She jumped and shouted the lyrics while closing her eyes and raising her hands up high.

"Ooh, I want the time of my life! Oh, baby give me the time of my life!" sabay niyang kanta sa lahat.

Pawis na pawis na siya pero wala siyang pakealam. She was dancing her ass off. May mga lalaking lumalapit sakanya para makipagsayaw pero laging inilalayo ni Brent sakanya which she was thankful for. She wants to have fun but not to extent of hooking up or flirting with guys she barely knows. That's not her scene.

Nang mapagod siya ay umupo siya sa may bar stool at yumukyok sa may counter. Naramdaman niyang may humawak sa bewang niya kaya naman mabilis niyang inangat ang kamay niya pero napigilan iyon ni Brent na siya palang humawak sakanya.

"Whoa. You okay?" tanong nito sakanya habang hawak pa rin ang kamay niya.

Wala sa sariling tumango siya at yumukyok ulit sa counter. Narinig niyang tumawa si Brent sa likod niya.

"Is Michelle Ford drunk already? Nakakatatlong bote ka palang." sabi ni Brent sakanya.

"Napagod lang ako. Pero 'di pa ako lasing." sabi niya nang hindi inaangat ang ulo sa pagkakayukyok.

Hindi na nagsalita si Brent pero nararamdaman pa rin niya ang presensya nito sa tabi niya. Nag-angat na rin siya ng ulo dahil nangangawit na rin ang leeg niya. Gamit ang kamay ay pinunasan niya ang pawis sa leeg niya.

"Ang init!" reklamo niya.

Tumayo si Brent ng maayos mula sa pagkakasandal sa counter. Kumuha ito ng dalawang bote at hinawakan iyon gamit ang isang kamay tapos ay inalalayan siya nitong makababa sa stool.

"Tara." aya nito sakanya at hinila siya ng marahan palayo sa party.

Dinala siya ni Brent malapit sa bonfire at naupo sila sa buhanginan. Rinig pa rin nila ang tugtugan at hiyawan ng mga tao pero mahina na. May iilan din na narito malapit sa bonfire. Ang iba ay tahimik na umiinom, ang iba ay nag-uusap at ang iba ay naglalampungan.

She grimaced when she saw a couple kissing torridly almost eating each other's faces. Napaismid  siya at uminom nalang ng beer niya.

Pumalatak siya nang marinig niyang nag-I love you iyong magkasintahan matapos maghalikan.

"Magbe-break din naman kayo." bulong niya.

Liningon niya si Brent nang matawa ito.

"Hater." sabi nito sakanya, obviously narinig ang sinabi niya.

She drank her beer and looked at Brent. "Do you have a girlfriend?" she asked.

Brent looked back at her. "Wala."

Kumunot ang noo niya. "Eh ilan na ang naging girlfriend mo?"

"Zero." sagot nito tapos ay sumimsim sa beer nito.

"Why?" hindi makapaniwalang tanong niya. Aaminin niya na nakakapagtaka na wala pa itong naging girlfriend. Hindi naman maipagkakaila na gwapo, edukado, mabait, mayaman at may dating si Brent.

Brent shrugged his shoulders. "I haven't found the right one yet?"

Natawa siya rito. "Bullshit. You believe that crap?"

Again, he shrugged his shoulders. "My parents believe that crap. So, ano'ng masama kung paniwalaan ko rin, 'di ba?"

She stared at Brent and sighed before turning her attention to the pit of fire while playing with her bottle of beer. She hugged her knees and rested her chin on them. She can't help but to look at the sweet couple just a few meters away from them. She sighed heavily.

"Can they just cuddle somewhere private?" she said, irritation evident to her voice.

"Why are you so affected by them? What's the problem?" Brent asked.

Umiling siya rito, nakakunot pa rin ang noo. Bakit nga ba kasi siya naiirita sa paglalampungan ng magkasintahan?/

Sa sobrang inis niya ay inistraight niya iyong beer niya hanggang sa maubos niya.

"Gusto ko pa." sabi niya kay Brent.

"Wait here."

Pagkabalik nito ay may dala itong apat pang bote ng beer at isang cocktail drink na pinatikim nito sakanya. They silently drank their drinks. She was currently on her fifth bottle when she decided to speak.

Hugging her knees and resting her chin, she turned to Brent. "I was like that years ago." panimula niya. Pumikit siya ng mariin dahil medyo sumasakit na ang ulo niya. Medyo umikot kanina ang paningin niya kaya ipinikit niya ang mata. Lasing na ba siya?

"What?" baling sakanya ni Brent.

She sighed and turned her face to him. "You know, like them?" she gestured the sweet couple. "So in love that you don't give a damn about the people around you, even if you're in a public place."

"So?" Brent urged her more.

Huminga siya ng malalim. "I don't believe with what you said that you don't have a girlfriend just because you haven't found the right one. Bakit ako? I found the right one but he chose to leave me. Five fucking years, five..fucking..years, he just threw that all away."

Kinagat niya ang ibabang labi at tinungga ang bote ng beer. "Ang gago niya. Tangina niya. Ang bilis niyang makalimot. He broke up with me dahil he fell out of love. Aaminin ko na naging rocky ang relationship namin on our fourth year dahil sa trabaho. Hindi ko siya mabigyan ng time, I-I made him feel neglected. I was sorry to him, bumawi naman ako pero bakit.. bakit hindi pa rin namin nasalba iyong relasyon namin?" her voice broke so she stopped. Lumunok siya at tumungga ulit sa beer. She turned to Brent na tahimik lang na nakikinig habang nakatingin sa bonfire.

"Gusto ko nga sabihin iyong linya ni Liza Soberano eh. Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Pero naisip ko rin na kasalanan ko ba kaya nahantong kami sa hiwalayan? Two weeks after we broke up, umalis siya at pumunta sa ibang bansa. A year after that bumalik siya. Nag-iba siya. Nakakausap niya ako ng kaswal samantalang ako ay naiiyak at nagagalit sa tuwing nakikita ko siya. He had moved on and I was stuck. For two years ginawa ko ang ginawa niya. Namundok ako, nagout of town, I busied myself with work, and I even went on a European trip for a month. I thought I was doing okay. Nakakausap ko na siya ng kalmado eh. I can bear his presence. I was almost there until I saw him propose to his girlfriend."

Parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya alintana na may luhang lumandas sa pisngi niya. For one last time, iiyakan niya ang nararamdaman niya kay Adam. Matagal niyang kinimkim sa dibdib niya ito. Wala siyang mapagsabihan. Kapag kela Ailee niya ikekwento ay sasabihin lang nito na kalimutan niya na si Adam, ganoon rin kapag sa mga kuya niya. Ayaw naman niya magkwento sa parents niya dahil baka mag-alala pa lalo ang mga ito. She already told Connor about some parts but not this detailed like the one she's sharing with Brent.

Maybe it was the alcohol kaya nasasabi niya ito kay Brent na walang pagaalinlangan. Wala siyang iniwang detalye, lahat ng nararamdaman niya ay nilahad niya kay Brent.

"Bumalik lahat. Nangako siya sa'kin dati na balang araw, kapag parehas na kaming handa, magpapakasal kami. Tinupad niya iyon sa ibang babae. Naiinis lang ako. Can't he wait? I mean, oo nakausad na siya, paano naman ako? Wala ba siyang consideration sa mararamdaman ko? Nakakainis lang talaga. Shit siya! Tapos magmemessage siya sa'kin na kailangan niya akong makausap? Ano, ipagyayabang niya na ikakasal na siya samantalang ako, eto at kinakalimutan pa rin siya?! Huh!! Shit siya. Fuck him!"

Tinungga niya ang natitirang laman ng bote ng beer niya tapos nang hindi makuntento ay inagaw niya ang bote ng beer ni Brent at tinungga rin iyon.

Binalingan niya ulit si Brent na ngayo'y nakatingin sakanya. Hindi ito nakangiti pero may pagkamangha ang mga mata nito sa nakikitang akto niya. Shit, lasing na nga ata siya. Nagiging dalawa na si Brent sa paningin niya eh.

"Kaya.. kaya iyong right one, right one na iyan? Tss, hindi totoo iyan! Tignan mo nalang ako? Saan napunta iyong right one ko? Ayun, engaged na sa ibang babae!"

"Then he's not your right one." sabi ni Brent sakanya.

Tinignan niya ito sa mapungay niyang mata. Medyo bumabagsak na ang talukap ng kanyang mga mata. "Ano?"

"Your ex is not your right one. Don't you think it's destiny's way for the both of you? Five years kayo pero naghiwalay din. Ibig sabihin, hindi kayo para sa isa't isa. Do you still love him?"

She was caught of guard by his question. Mahal pa nga ba niya si Adam? Oo naman, masasaktan ba siya ng ganito kung hindi? Maybe? Gusto niyang sabihing hindi na pero hindi na nga ba? Shet. Ang gulo.

Nakita niyang umangat ang sulok ng labi ni Brent. "You're not sure?"

Still she can't give him an answer. Ano ba, Michelle?!

"Then I think you don't love him anymore. Kasi if you do, you'll answer it in just a blink. I think you're just hanging to your memories. Five years nga naman kasi iyon. Sayang naman. Pero think about it, isn't it better that you were slapped by the truth than kissed by a lie? Do you want to be in a relationship dahil lang sa sayang ang taon na magkasama kayo kesa sa dahil mahal niyo ang isa't isa? What do you think?"

Ibinuka niya ang kanyang bibig para magsalita pero walang lumabas mula roon. Wala siyang masabi. Hindi niya alam ang sasabihin. Para bang nag-hang ang utak niya.

Ngumiti sakanya si Brent at tinapik ang balikat niya. "Look on the bright side. Maybe what's best for you does not include him."

She blinked at what he said. Why does he knows the right words to say? Ito ba ang wala pang naging girlfriend? Bakit daig pa ni Brent ang isang love guru sa ganda ng mga sinasabi nito sakanya.

"But, that's just my opinion, Michelle. It's still you who can solve your problem. Don't stress yourself too much. A guy like him doesn't deserve to be in your mind right now. You're here to have fun and enjoy for yourself, not because you want to forget him. Always put in your mind that whatever you do, you're doing it for yourself, not for him, not for me, not for work, not for other people, but for yourself. Got it?"

Tumango-tango siya na para bang nahipnotismo siya ni Brent. She smiled back when he smiled at her.

"Tara na, ihatid na kita sa kwarto mo at bumabagsak na mata mo. Medyo hilo na rin ako at baka hindi kita mabuhat kapag bumagsak ka."

Brent stood up and offered his hand to her. She took it. He pulled her to stand up but she almost lost her balance, good thing Brent's was fast to hold her by her waist.

"You okay?" he asked.

She gave him a thumbs up dahil sa totoo lang nahihilo na talaga siya. She stumbled a lot on their way back and she was thankful to Brent dahil nakaalalay talaga ito sakanya.

"So this is what it feels to get drunk?" she said out of the blue.

Narinig niyang tumawa si Brent. Nang makarating sila sa kwarto niya ay inalalayan siya ni Brent na mahiga sa kama niya.

"Do you need anything before I leave you hear?" rinig niyang sabi nito.

Umiling siya at tinalukbong ang kumot sakanya. She waved her hand dismissively, gesturing Brent that she can leave her now.

"I'll see you tomorrow. Goodnight, Michelle."

"G'night." she mumbled.

She heard her door closed and clicked. Mas nilubog niya ang sarili sa malambot na kama, unan at kumot niya. Umiikot ang paningin niya pero hindi niya iyon iniinda dahil sobrang gaan naman na ng pakiramdam niya. It's like the weight has finally lifted off of her chest nang mailabas niya lahat ng kinikimkim niya.

She sighed in relief and had her peaceful sleep.

----

Продовжити читання

Вам також сподобається

6.8M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Mío Від Yiling Laozu

Сучасна проза

103K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
The Scorned Lover Від Jean

Жіночі романи

2.8M 70.7K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
Curious Від Dcmuch

Підліткова література

29.2K 1.2K 35
It was just a normal day of summer when Angelika discovered an interesting quote from Facebook. Shared, liked, and commended by a lot of people, a st...