SWEET INTOXICATION: The Tale...

By YsadoraPHR

176K 4.7K 295

*SOON TO BE PUBLISHED under PRECIOUS HEARTS ROMANCES* Kapalit ang isang college scholarship ay napapayag si M... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Announcement About the Updates
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25 Final Chapter
PLEASE READ FOR IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Tanong Tungkol sa Story nina Rea at Mikael
Please READ: About the Series
Author's Notes

Chapter 14

5.7K 166 68
By YsadoraPHR

Isang iglap lang ay lumapat na ang labi ni JJ sa mga labi niya. Her eyes widened at the surprised and couldn't even move an inch. All she felt was JJ's lips locked with hers and his hands on both her cheeks. Her thoughts scatter and her mind is too shocked to think straight.

Hindi niya alam kung ilang segundo naghinang ang mga labi nila. Nagising na lang siyang nakatitig ito sa mga mata niya at ang dalawang kamay nito ay nakahawak pa rin sa pisngi niya.

"You made me fall in love with you."

She was hit by a comet right there and then. Ang ikinakatakot niya ay nangyari na. Nararamdaman niyang umiiba ang ikinikilos ni JJ pero ayaw niyang paniwalaan ang sarili.

"Pinakita mo sa akin na may silbi din ako. Na kaya ko pa lang ituwid ang mga pagkakamali ko. Na kahit gaano karami na ng kasalanan ko, may isang taong naniniwala na pwede akong magbago at mangarap muli."

He looked into her with pleading eyes. "Now tell me...pareho ba tayo ng nararamdaman, Maggie?"

Alam niyang mali. Alam niyang hindi naman dapat. Pero nakakuha na rin ng espasyo sa puso niya si JJ. Hindi niya kayang magsinungaling pa.

"JJ...I——"

"Stop. Huwag mo nang sagutin." Pigil nito sa kanya. Bagkus muli nitong inilapit ang mukha sa kanya at saka bumulong. "Hindi rin naman kita paniniwalaan kahit ano pang sabihin mo. Narinig kong nag-usap ang principal at si Papa. Alam ko na, Maggie. Ginamit mo lang ako para sa scholarship mo."

Nahigit niya ang hininga sa narinig. Paano nito nalaman ang totoo? Sino ang nagsabi? Pero bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang malakas na sigaw ang parehong pumukaw sa kanilang dalawa ni JJ.

"JJ, Ms. Madriaga! What are you doing?!"

The loud growling sound made her push JJ away from her. Her eyes roamed around and were shocked to see who are watching them.

"P-Papa." JJ barely uttered the word. It's when they saw countless people looking at them——boring holes on their faces. Karamihan doon ay ang mga board of trustees.

She looked at the principal's face and all she could see is disappointment.

Ibinaling niya ang mga mata kay JJ. He was looking at her with a hard expression. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang iklaro dito ang lahat. Pero paano niya sasabihin ang mga ito gayong nasa kanila ang mata ng maraming tao?

Her chest suddenly tightened. Alam na niya kung ano ang magiging ending ng gulong ito. At sigurado siyang hindi makabubuti iyon sa kanya.

Papa, Mama...Patawad po...


Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
12.5K 222 32
Musika ang naging daan kaya nagkakilala ang ikaw at ako. Sa musika rin ba magtatapos ito?
628K 3.8K 7
Upang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isan...
115K 3.8K 30
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR! Hindi inakala ni Rea na ang four year relationship niya sa boyfriend na si Mikael ay mauuwi lang pala sa isang hiwala...