The Powerful Princess

By AiKUMAx

4.1M 111K 4.4K

>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my... More

Prologue
Characters
TPP : 01
TPP : 02
TPP : 03
TPP : 04
TPP : 05
TPP : 06
TPP : 07
TPP : 08
TPP : 09
TPP : 10
TPP : 11
TPP : 12
TPP : 13
TPP : 14
TPP : 15
TPP : 16
pendants
TPP : 17
TPP : 18
TPP : 19
TPP : 20
TPP : 21
TPP : 22
TPP : 23
TPP : 24
TPP : 25
TPP : 26
TPP : 27
TPP : 28
TPP : 29
TPP : 30
TPP : 31
TPP : 32
TPP : 33
TPP : 34
TPP : 35
TPP : 36
TPP : 37
TPP : 38
TPP : 39
TPP : 40
TPP : 41
TPP : 42
TPP : 43
TPP : 44
TPP : 45
TPP : 46
TPP : 47
TPP : 48
TPP : 49
TPP : 50
TPP : 51
TPP : 52
TPP : 53
TPP : 54
TPP : 56
TPP : 57
TPP : 58
TPP : 59
TPP : 60
Last Chapter
Epilogue

TPP : 55

47.5K 1.3K 56
By AiKUMAx

The Powerful Princess
Chapter 55: All About Dragons
__________________________________

Anica POV

Namutawi ang katahimikan matapos ko sabihin ang Black Dragon.

"Teka yang bang amoy nyo, ang amoy ng Black Dragon?"

Tiningnan ko ang lalake at tumango sa kanya.

"Kaya pala ang sang sang at sa sobrang baho pwede kang mamatay!" sabi nya.

"Impossible!"

Napatingin kami kay HM

"Hindi pwedeng magkaroon ng ganun sa gubat na iyon!"

"Pwera nalang HM, na may traydor" sabi ni Jessica.

"Pwede nga yun pero sino naman?" tanong ni HM.

"Yan ang hindi namin alam. Kayo na ang bahala dyan HM" sabi ko at tumalikod na kami sa kanila saka nagteleport saaming dorm.

Naligo muna kami saka nagbihis pagkatapos nagstay muna kami sa sala.

Mukhang nalalapit na ang digmaan at patikim palang iyon para kay Dark King.

*Tok tok tok*

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Ako na ang nagbukas ng pinto.

Tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ng dorm namin.

"A-ah e-eh pinapatawag po kayong apat ni HM sa office" sabi nya at nagmamadaling umalis.

Nagkatinginan ang tatlo saka tumingin saakin. Bagot ko lang silang tiningnan at nagsimulang maglakad dahilan mapasunod sila saakin.

***

Nandito na kami sa office ni HM. Nakaupo kami sa sofa habang kaharap namin ang mga councils.

Okay? Anong meron? Tsk. Mukhang wala rito ang mga Royalties ah

"Nandito kayo upang pag-usapan natin ang tungkol kanina pero bago iyon, magpapakilala muna sainyo ang mga councilors na nagrerepresent sa bawat Kingdom" sabi ni HM.

"Ako si Mitch, ang representative ng Twitchy Kingdom" pakilala ng babaeng may kulay purple na buhok at isa isa kaming kinamayan.

"Ako naman si Kayden, ang representative ng Gardenous Kingdom" pakilala ng lalakeng may kulay luntian na buhok at tinanguan lamang kami.

"Zero, ang representative ng Aero Kingdom" pakilala naman ng lalakeng may kulay abong buhok at tiningnan lamang kami.

"Ako naman si Erin, ang representative ng Serines Kingdom" nakangiting pakilala ng babaeng may kulay asul na buhok.

"Keir, representative ng Fierdous Kingdom" pakilala ng lalakeng may kulay pulang buhok at tinanguan lamang kami.

"As you can see, wala dito ang representative ng Zardous Kingdom, Winces Kingdom at Elemental Kingdom and I don't know why because their lines are busy" sabi ni Miss Erin.

Tumango lamang kami.

"Ako po si Cassandra Scientele, nice to meet you po" pakilala ni Cassandra

"Jessica Celestine po" pakilala naman ni Jessica.

"My name is Ella Scientele and beside me is Anica Scientele, it's our pleasure to meet you all" pormal na pakilala ni Ella saaming dalawa.

Tinanguan lamang kami ng mga councilors.

"Let's start, Miss Jessica and Miss Cassandra. Base sa aming monitor, kayong dalawa ang pinaka maraming pinatay na nilalang" sabi Miss Erin.

"Samantalang kayong dalawa Miss Anica at Miss Ella..." sabi naman ni Sir Kayden at tumingin saaming dalawa ni Ella

"...ang kumalaban sa dalawang Black Dragons, which is hindi namin nakita sa monitor pero dahil sa nakita namin sa katawan nyo ay siguradong napatay nyo sila"

"Isa lang po ang aming napatay dahil po nakatakas ang isa" paglilinaw ni Ella na ikinatango nila.

"I see, at dahil dun hindi namin alam kung paano namin ito tatapusin" sabi ni HM.

"Ang alin po HM?" tanong ni Jessica.

"Hindi namin alam kung sino sa inyong apat ang magiging The Heroes. As I said, there's only two that's why it's hard for us to decide who will be it. Kaya pinapunta kayo dito para sabihin kung sino talaga ang pinakamalakas sainyo" sabi ni Sir Zero.

"Anyway, ang dalawang taong bibigyan namin ng parangal ay tinatawag naming The Heroes" sabi ni HM.

Nagkatinginan kami ni Ella.

Just liked what we thought. Konektado nga ito sa propesiya.

Tumingin saamin ang dalawa at tumango lamang kami ni Ella.

"It's them" sabi ko sabay turo sa dalawa.

"Miss Cassandra and Miss Jessica?" di siguradong tanong ni HM.

Tumango lang ako.

"Pero batay sa aming nakita ,si Miss Ella at Miss Anica ang malakas at yun ang sabisabi nila" sabi ni Miss Mitch.

"Yun po ay sinadya namin para walang makaalam tungkol sa kanilang dalawa. Meron pa po kasi silang tinatago kaya kaming dalawa ni Ella ang napagkakamalang malakas imbes na sila at kapag nalaman ho kasi nila, malalaman din ito ng kalaban kaya nag-iingat lamang ho kami" sabi ko.

Naniniwala naman sila sa sinasabi ko kaya tumango sila.

"Kung ganun, silang dalawa ang ituturing na The Heroes" sabi ni HM.

"Pero HM, wag na wag nyo pong sasabihin kung sino ang The Heroes dahil maaari itong patayin agad ng mga kalaban at yun ang ayaw namin baka...." sabi ko at tumayo kaming apat

"...baka mapatay namin kayo" seryosong sabi namin ni Ella

Nakita kong natakot sila pero tumango pa rin sila saamin.

"Makakaasa kayo at iyon talaga ang balak namin" sabi ni HM na ikinatango ko lang.

"Mauna napo kami" paalam ni Cassandra saka kami tumalikod maglalakad na sana ng pigilan kami ni HM.

"May itatanong pa kami sa inyong apat" sabi ni HM

Tiningnan ko siya saka umupo ulit dahilan umupo rin ang tatlo.

"Ano po yun HM?" tanong ni Cassandra

"Hindi ba't kayo ang nakakita ng Black Dragon kanina?" tanong ni Sir Keir na ikinatingin namin sakanya.

Ngayon lang siya nagsalita

"Kami nga ho" seryosong sagot ko.

"Paano nyo nalaman na Black Dragon iyon? Kasi may kulay itim na dragon at hindi siya nabibilang sa mga Black Dragons, kundi sa mga White Dragons" tanong niya.

Sumandal ako sa sofa.

"Dyan ho kayo nagkakamali. Wala na hong mga itim na dragons na nabibilang sa White Dragons dahil ang mga itim na dragons ay kinamumuhian na ng mga White Dragons dahil tingin nila dito ay pareparehas lang sila which is totoo dahil ang mga itim na dragon ay magaling manlinlang. Kaya nilang maging maamo na dragon sa mga White Dragons at magpanggap na kaaway nya ang mga itim na dragons" pagtatama ko.

"Kaya kung makakita po kayo ng Black Dragons ay kaaway po sila except nalang po kung makita nyo po ang Rydclaks (Rid-claks) Dragon" sabi ni Cassandra na ikinalingon ko sakanya.

Nagulat naman siya ng tumingin ako sa kanya.

'What did you say?' seryosong tanong ko sa kanya gamit ng pagtelepathy.

'Ate, I didn't mean to say it. I thought, it's okay to know them about all the dragons?'

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa sagot niya.

Hindi niya ba alam na may magtataka dahil alam namin to? Tsk tsk. Cassandra talaga...

Tiningnan ko sila na may pagtataka ang mga hitsura.

"Rydclaks Dragon? Wala akong narinig tungkol dyan" takang tanong ni HM.

"Can you explain to us, what kind of dragon it is?" seryosong tanong ni Sir Keir.

Tumingin muna saakin si Cassandra bago magsalita.

"Isa po itong dragon na ang kulay ay puti at itim. Base po sa aking nalaman, isa po itong makapangyarihang dragon" sabi ni Cassandra

"How come that you all know about this? Kumpara saamin na matagal ng nabubuhay, mas maalam pa kayo kasya sa saamin" sabi ni Miss Erin.

"It was written in the book that our mother gave to us" paliwang ko.

Tiningnan ko si Cassandra na nakayuko.

Haist! This kid!

"What book it is?" tanong ni Sir Keir.

"Kailangan pa ho bang malaman niyo?" tanong ko.

Tumango naman sila.

"Pasensya na po ngunit ito'y nawawala" sabi ni Cassandra

Kahit hindi sila naniniwala sa sinabi ni Cassandra, tumango pa rin sila.

"Kung ganun, saan natin makikita ang dragon na ito?" tanong ni Sir Kayden

"Hindi po namin alam" sagot ni Cassandra.

"May nagmamay-ari ba nito?" tanong ni Sir Zero

"Meron ho"

"Sino?" sabay nilang tanong saakin.

"Hindi ko ho kilala pero meron ho itong nagmamay ari dahil hindi ho pwedeng walang mag mamay-ari sa isang Powerful Dragon" sabi ko.

Nakita kong nagkatinginan sila.

"Kung ganun, pwedeng ang prinsesa ng Elemental Kingdom ang nag-mamay-ari nito? Pero, patay na sya" sabi ni HM.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Hindi ko ho alam ang sagot dyan HM, kung may mag mamay ari ho ng isang dragon na patay na ho ang may ari ay kusang ho itong lalabas maliban na lamang ho kung may bago na ho itong may-ari" sabi ko.

Nagsitangunan naman sila.

"Hmm yung tatlong dragon lang ba ang klase ng dragon?" tanong ni Miss Mitch

"Actually, lima po" sabi ni Cassandra

"Ano ang mga ito?" tanong nila.

"Black, White, Red, ReckBlad at Rydclaks" sabi ko. 

"Huh? May Red at ReckBlad pa? Ano na namang klaseng dragon ito?" tanong ni HM

"Ang Red po ay isang kulay pulang dragon at pangatlo sa malalakas na dragons habang ang ReckBlad naman po ay may pinaghalong kulay na itim at pula at ito po ay pangalawa sa malalakas na dragons"

"Kung ganun ang Rydclaks ang pinakamalakas na dragon?" tanong ni Miss Erin.

"Like what I said, it is a powerful dragon" sabi ko.

"In my perspective, the Red Dragon is like the Black and White Dragons? Then, the ReckBlad is like the Rydclaks?" tanong ni Sir Zero.

"No sir. Red Dragon is like the ReckBlad Dragon. Why? Because, ReckBlad Dragon is the boss of Black Dragons while the Red Dragon is the boss of White Dragons then, obviously the Rydclaks Dragon is the king of all dragons" sabi ko na ikinagulat nila.

"Bakit ang dami nyong alam?" di makapaniwalang tanong nila.

"Sadyang nabasa lang po namin ito sa libro na binigay ng aming magulang kaya alam po namin ang tungkol sa mga iba't ibang dragons" sabi ni Cassandra.

Nakita kong hindi pa rin sila makapaniwala kaya tumayo na ako.

"Aalis na po kami HM" paalam ko na ikinatango naman nila.

Nagteleport na ako sa aming dorm at ganun din ang tatlo dahil bigla silang lumitaw sa harapan ko.

"Paano nyo nalaman ang tungkol doon?" tanong agad ni Jessica ng ako'y makaupo sa sofa.

Heto na nga ba sinasabi ko eh...

"Gaya nga po ng sabi namin ate Jessica, nabasa lang po namin ang mga iyon sa libro na binigay ng nanay namin" sabi ni Cassandra

"Pero, tanging mga Celestine lang ang nakakaalam tungkol doon" sabi ni Jessica.

"Teka alam mo rin yun Jessica?" tanong ni Ella

Tumango si Jessica sa kanya.

"Hindi mo po alam? Hindi po ba't magkakapatid kayo?" tanong ni Jessica sa kanya.

Tumingin saakin si Ella.

"Ah, ang totoo...hindi ko sila tunay na mga kapatid. Nagpapanggap lang ako bilang kapatid nila" sabi niya kay Jessica.

Nakita kong nagulat si Jessica pero tumango pa rin siya ng maintindihan niya.

Tumingin siya saamin.

"Paanong alam niyo ang tungkol doon? Sino ba ang mga magulang niyo? Sino ba talaga kayo?" tanong niya saamin.

Tumingin saakin si Cassandra.

"Masyado pang komplikado ang sitwasyon, Jessica. Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman iyon o kung sino ang mga magulang namin" sabi ko at tumayo.

"Magpahinga na tayo"

Pumasok na ako sa aking kwarto at nahiga sa kama.

I miss you mom and dad...

Continue Reading

You'll Also Like

35.5K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...
101K 2.3K 43
Isa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng...
7.6M 182K 36
[MAKE DUOLOGY #1] "Look at me, get over her and fall for me." Xylia has only 50 days to make Brendt move on and fall for her as a deal with her frien...
925K 2.5K 6
Sya ay si Nathalia Yezillia Xyrien o mas kilala bilang Nyx, isang babaeng payapang namumuhay sa mortal world, na hindi alam kung ano at sino sya, at...