The Powerful Princess

By AiKUMAx

4.1M 112K 4.4K

>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my... More

Prologue
Characters
TPP : 01
TPP : 02
TPP : 03
TPP : 04
TPP : 05
TPP : 06
TPP : 07
TPP : 08
TPP : 09
TPP : 10
TPP : 11
TPP : 12
TPP : 13
TPP : 14
TPP : 15
TPP : 16
pendants
TPP : 17
TPP : 18
TPP : 19
TPP : 20
TPP : 21
TPP : 22
TPP : 23
TPP : 24
TPP : 25
TPP : 26
TPP : 27
TPP : 28
TPP : 29
TPP : 30
TPP : 31
TPP : 32
TPP : 33
TPP : 34
TPP : 35
TPP : 36
TPP : 37
TPP : 38
TPP : 39
TPP : 40
TPP : 41
TPP : 42
TPP : 43
TPP : 44
TPP : 45
TPP : 46
TPP : 47
TPP : 48
TPP : 49
TPP : 50
TPP : 51
TPP : 52
TPP : 53
TPP : 55
TPP : 56
TPP : 57
TPP : 58
TPP : 59
TPP : 60
Last Chapter
Epilogue

TPP : 54

46.5K 1.3K 23
By AiKUMAx

The Powerful Princess
Chapter 54: Black Dragon
____________________________________

Anica POV

Heto na ang araw ng paligsahan. So far, maganda naman ang kinalabasan ng pagsasanay namin. Sa loob lang ng dalawang araw, naging malakas na ang mga beginners. Nagawa nila akong daplisan isa isa at natutuwa ako dun.

Nandito ang lahat sa field dahil magsisimula na ang paligsahan. Lahat ay kasali dahil hindi pwedeng umayaw ka, iyon ang utos ni HM. Pinagsama ang bawat section at magkahiwalay sa pila ang babae at lalake. Si Cassandra ang nasa dulo ng pila ng babae dahil siya ang matangkad saamin. Ako man ang matanda pero siya talaga ang matangkad saamin. Ako naman ang pangalawang nasa dulo habang nasa harapan ni Jessica si Ella na nasa harapan ko. By height kasi ang pila at sadyang si Ella ang pinakamaliit saaming apat.

"Attention"

Napatingin kaming lahat sa harapan.

"Magsisimula na ang larong ito. Gaganapin ang Challenges sa loob ng gubat" sabi ni HM at tinuro nya ang nasa gilid namin kung nasaan ang gubat na napakadilim.

"Sa gubat na iyon, may makakalaban kayo. Kung sino ang may maraming pinatay sa loob ng 3 hours ay sila ang makakatanggap ng parangal. Kailangan nyong bumalik dito bago maubos ang oras dahil isasarado na ang barrier. NAIINTINDIHAN NYO BA?" sabi ni HM na ikinaisigaw ng mga estudyante dahil sa excitement.

Nagkatinginan kaming apat at saka nagsitanguan.

"Magsihanda na kayo. Bubuksan na ang barrier"

Agad na nagpalit ng mga armor ang mga estudyante maliban saaming apat. Naka pantalon lamang kaming apat na itim at naka damit din na itim. Sinadya talaga namin na itim ang aming suot para sa plano namin.

"At the count of three!
1
.
.
.
2
.
.
3
.
GO!" sigaw ni HM.

Nagsitakbuhan na kaming lahat papasok sa loob ng gubat.

Pagkapasok naming apat, napahawak na lamang kami sa aming katawan dahil sa lamig at idagdag mo pang napakadilim.

Derederetso lamang kami sa paglalakad kahit nakikita namin ang ibang mga estudyante na nakikipaglaban sa mga iba't ibang nilalang, mga nilalang na mababa lamang ang uri.

May nakakasalubong din kami ng kalaban pero sina Jessica at Cassandra lamang ang tumatapos nito.

Iyon ang balak naming apat. Hindi kami makikipaglaban ni Ella dahil silang dalawa lamang dapat.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makakita kami ng hindi kanaisnais.

Mukhang dito pa nagpakita ang nilalang na ito ah. Hindi kaya ng dalawa na patayin ang mga nilalang na ito.

Humarap ako sa dalawa.

"Kami na ni Ella ang bahala sa dalawang ito" sabi ko sa kanila na ikinatango nila.

Tiningnan ko ang dalawang nilalang na ito, ang Black Dragon.

Paniguradong nasa kamay na ito ni Dark King.

Ang Black Dragon ay ang dragon ng mga black magicians habang sa aming mga white magicians ay ang White Dragon. Hindi mo basta basta mapapalabas ang Black Dragon dahil may may-ari ito ganun din ang White Dragon. Kaya siguro nandito ang nilalang na ito dahil pinasugod siguro ni Dark King.

Pwede ring ipang tapat sa dragon na ito ang White Dragon kaso sa kasamaang palad, ang prinsesa ng Elemental Kingdom ang may hawak nito kaya may posibilidad na hindi ito maipapalabas kung wala pang nagmamay-ari nito na bago.

Inilabas ko ang aking paboritong sandata, ang Bysclader (Bis-clay-der) ko. Namiss ko rin itong gamitin dahil lagi kong ginagamit ang Slirewod. Inilabas din ni Ella ang paborito niyang sandata, ang SkyBlad.

Nagsitanguan kaming dalawa at humarap sa dalawang dragon. Sabay kaming sumugod sa Black Dragons.

Tumalon ako sa likod ng dragon at muntik na akong matamaan ng kanyang pakpak.

Malakas ang pandama nya!

Agad na tumalon ako sa gilid at ginawang Yslarch (Es-l-arch) o pana ang aking Bysclader.

Tumalon ako papunta sa likod ng Black Dragon at nang ito'y humarap saakin ay agad ko siyang pinana na mabilis naman niyang hinarangan ang kanyang ulo gamit ang kanyang pakpak dahilan doon tumama ang aking tira.

Napaatras ako ng makita kong nagalit siya. Nagbuga sya ng black magic na mabilis ko namang naiwasan ngunit hindi ko na iwasan ang isa pa nyang tira kaya natamaan ako.

Shet! Hindi ko pwedeng ilabas ang aking dragon.

Tumayo ako na hindi pinapansin ang sugat ko dahil alam kong maghihilom din ito. Alam kong mabagal ito gagaling dahil sa laki at lakas ng mahikang itinira ng dragon.

Ginawa kong Lacythers (Lay-si-ters) o shears ang kasalukuyang Yslarch ko. Agad akong tumakbo papunta sa dragon habang ibinabato sa kanya ang aking sandata.

Ginamit naman nya ang kanyang pakpak bilang panangga pero hindi ako tumitigil sa pagbato sa kanya ng shears ko na bumabalik din saakin.

Huminto ako sa pagtakbo at agad gumawa ng fivio ball at mabilis na ibinato sa dragon na hindi naman niya nagawang iwasan kaya natamaan din siya ng shears ko.

Ikinontrol ko ang aking shears na nakatusok sa kanya. Tinanggal ko ito sa kanyang katawan at parang hanging pinaghihiwa ko ang katawan niya dahilan mapahiyaw siya sa sakit.

Malakas kong itinusok sa gitnang katawan niya ang aking shears at diniinan ko dahilan mas lalong lumakas ang daing niya na paniguradong narinig ng lahat.

Mabilis kong hinugot ang aking shears at tumatakbong lumapit sa kanya kahit nagwawala na siya sa sakit. Nang nasa kamay ko na ang aking Lacythers, agad ko itong ginawang Worcyds at mataas na tumalon papunta sa likod niya.

Tiningnan ko ang Black Dragon na ngayong walang ulo dahil sa paghiwa ko ng espada ko noong ako'y tumalon.
Sumabog ang katawan niya dahilan matalsikan kami ng dugo nito at maglaho rin siya sa paningin namin.

Napatingin kami sa isa pang Black Dragon na lumalipad papalayo na kanina lamang ay kalaban ni Ella. Susundan pa sana ni Ella ng pigilan ko siya.

"Huwag mo na syang sundan. Sigurado akong papunta iyon kay Dark King upang ibalita sakanya ang pagkamatay ng kasamahan nya" sabi ko sa kanya na ikinatango niya.

Tinawag ko na sina Jessica at Cassandra na kakatapos lang din makipaglaban.

"Ilang oras nalang ang natitira?" tanong ko sa kanila.

Tiningnan ni Cassandra ang kanyang relo at nanlaki ang mata.

"5 mins nalang!" sabi niya.

Lumapit ako sa kanila at gumawa ng portal. Pagkatapos, agad din kaming pumasok at iniluwa malapit sa labasan ng gubat.

Agad kong sinarado ang portal at tumakbo kami papalabas. Saktong paglabas namin ay ang pag sarado ng barrier.

Napatingin kami sa harapan at halos lahat ay nakatingin saaming apat. May tumatakip ng ilong, nandidiri at lumalayo. Napatingin naman kami sa suot namin.

Tsk, mukhang umaalingasaw ang amoy ng dugo ng Black Dragon.

May lumapit saamin at binuhusan kami ng tubig dahilan magtawanan ang lahat. Tumingin ako sa kasama kong tatlo at nagsimula ako maglakad dahilan sumunod sila saakin.

Hindi naman kami nahirapan makapunta sa harapan dahil binibigyan nila kami ng daan. Tiningnan ko sila HM. Alam kong nandidiri rin sila pero hindi nila pinapahalata saamin.

"Bakit doon mo ginawa ang paligsahan HM?" seryosong tanong ko.

"Wala namang masamang nangyari, Miss Anica at isa pa, mga mahihinang nilalang lang ang nandoon kaya naman ng lahat iyon kalabanin" sabi ni HM.

"Dyan po kayo nagkakamali HM" sabi ni Cassandra.

"Diba po ba kilala nyo po si ate Anica na malakas?" tanong ni Jessica na ikinatango ni HM.

"Alam nyo po ba bakit kami natagalan kung kaya't malakas naman kami?" tanong ni Ella.

Hindi nakaimik at nakagalaw si HM

"Hindi nyo po alam diba? Tama po ba kami?" tanong ni Ella.

"Mali at doon nyo ginawa ang paligsahan dahil may malakas na nilalang kaming nakalaban" seryosong sabi ko.

Tumingin ako sa paligid at alam kong nakikinig ang lahat

"At iyon ay ang Black Dragon"

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 55
[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own version of Knight in Shining Armor. All Right...
18.5M 574K 87
Though tagged Fantasy, this story is 60% Romance, 20% Humor, 20% Fantasy. Enjoy! -------------- This is a story about Four Mysterious Nerds who e...
9.1M 214K 60
[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the...