Rise of the Warriors

By rhiiicamae

275K 8.2K 249

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... More

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(16) Back-out
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(29) Letting Go
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(49) She Fell
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(63) Killer of her Lover - Part II
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(72) Revealed
(73) The First Goodbye
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(56) First Quarrel

1.8K 56 2
By rhiiicamae

Raxelle's P.O.V

After we finished all the Black Army who attacked us, napagdesisyonan na namin na pumunta na agad sa kweba para masiguro na hindi na mangyayari ang nangyari kanina. Kamuntik na yun.

"Guys..." Sabay sabay kami nung humarap kay Maddison at duon namin nakita na umiiyak siya. Naalarma kami kasi ito ang unang beses na nakita namin siyang umiyak sa pagkakatanda ko.
"Bakit ka umiiyak Maddison?"- Casie
"May nangyari ba?"- August
"Wala pa rin si Lei. Hinanap ko ulit siya pero wala talaga. Nag-aalala na ako sa kanya." Sabi niya habang umiiyak. Nilapitan ko siya atsaka pinakalma.
"Babalik si Lei. Sigurado ako na babalik sya. Alam ko rin na may dahilan kung bakit hindi siya nagpaalam sa atin nung umalis siya. Maniwala na lang tayo na babalik siya at ligtas siya."
"Pero..."
"Hihintayin natin siya pero kapag lumubog na ang araw at wala pa siya, wala tayong magagawa kundi ang umalis ng wala siya. Ipinapaalala ko din sayo Maddison, na ang pinaka mahalaga sa ngayon ay ang kaligtasan ng mga taong kasama natin. Malakas si Lei at kung nasan man siya, alam kong mapoprotektahan niya ang sarili niya at babalik siya sa atin."
"Raxelle..." Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

Hinahaplos ko ang kanyang buhok para pagaanin ang loob niya.

"Ganto ba ang pakiramdam ni Jed at Mackie nung nawala ka? Dahil kung oo. Sobrang sakit pala."
"Maddison..." May pagtatakang sabi ko sa kanya.
"Kayo at si Lei na lang ang meron ako. At hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala sa akin. Ayokong mawala sa akin ang Best Friend ko. Lalo pa't..."
"Lalo pa't?" Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko. Siguro ay nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba o hindi ang kanina niya pang gustong sabihin.
"Mahal ko si Lei."

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya atsaka siya hinawakan sa balikat upang malaman kung seryoso ba siya o hindi sa sinabi niya.

"T-totoo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Nilingon ko ang mga kasama namin at kagaya ko, mababakas din sa kanila ang gulat at saya sa parehong pagkakataon.
"Oo Raxelle. Simula nung nagpanggap kaming may relasyon sa harap ni John, nakaramdam ako ng kakaiba lalo na nung hinalikan niya ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nun. Ang akala ko, wala lang yun pero habang tumatagal, kada na lang mapapalapit ako sa kanya, bumibilis lagi ang tibok ng puso ko. Hindi ko agad inamin sa sarili ko. Kagaya ng sinabi mo, naging in denial ako pero...pero ngayon, inaamin ko na. Kaya ako natatakot na baka mawala siya sa akin yun ay dahil Mahal Ko siya at hindi ko kaya na iwan na lang nya akong bigla ng hindi ko man lang nasasabi yung nararamdaman ko para sa kanya."
"Maddison..." Kahit nakikita ko siyang umiiyak ngayon, masaya pa rin ako. Masaya ako dahil sa wakas, inamin na niya sa sarili niya.

Lumapit sa amin si Jed at kagaya ko, hinawakan din niya si Maddison sa balikat kaya naman, magkapatong ngayon ang mga kamay namin.

"Talagang mahirap kapag biglang nawala ang isang tao tapos hindi mo pa nasasabi sa kanya ang nararamdaman mo. Pero Maddison...huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil kung maghihintay ka sa pagbabalik niya, duon mo mararamdaman na lalong lumalim ang pagmamahal mo at duon mo rin makukuwa ang lakas ng loob para masabi mo sa kanya yan." Pagkatapos niyang sabihin yun, tumingin siya sa akin. Oo na Jed. Alam ko na. Naku naku naku.
"Based on experience ba yan Jed?" Tanong ni Maddison sa kanya.
"Hindi aa. Hugot lang yan." Atsaka siya bumalik sa pwesto niya kanina. Hugot daw. Pwede ba?! XD

Hinila ko si Maddison para yakapin ulit. At alam ko na ikinagulat niya ang ginawa ko.

"Masaya ako para sayo Maddison. Hindi ka natakot na aminin sa sarili mo ang totoo. Sinisiguro ko din sayo na mas magiging maganda ang mga bagay-bagay sa pagitan nyo ni Lei once na sinabi mo yan sa kanya."
"Sigurado ka Raxelle?"
"Aha. Kaya ang dapat mong gawin ay hinatayin ang pagbabalik niya. Kaya tumahan ka na dahil alam kong ayaw ni Lei na umiiyak ka."
"Raxelle..."

Lumapit sa amin ang mga kasamahan namin at kagaya ko, niyakap din nila si Maddison. Isang mainit na Group Hug ang pinaramdam namin sa kanya. Masayo ako para sayo Maddison at mas masaya ako para sayo, Lei.

---

Pagkarating namin sa labas ng kweba, ginawa ko ang synchronize knock na ginagawa nila Yaya at di pa man tumatagal, bumukas ito.

Masaya kaming sinalubong ng mga taong naninirahan dito sa kweba at ng hindi ko makita ang taong kanina pang hinahanap ng mata ko, kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa lugar kung saan ko siya siguradong matatagpuan.

Pinuksan ko ang pinto ng kwarto niya at tama ako, nandito nga siya.

"Yaya Felly." Unti-unti siyang humarap sa akin and when she saw me, a very sweet smile formed in her face.
"Raxelle." Patakbo siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap. "Ikaw nga."
"Namiss kita Yaya." Kumalas siya sa pagkakayakap atsaka hinawakan ang mukha ko.
"Namiss din kita Raxelle. Mabuti at napadalaw ka dito."
"Hindi lang po ako Yaya. Kasama ko po ang Warriors."
"Talaga?" Excited na tanong niya.

Agad ko siyang dinala papunta sa mga kasama ko at ipinakilala ko ito sa kanila.

"Di po ba kayo yung kasama ni Raxelle nung unang beses niya pong inilabas yung kapangyarihan niya?"- Renz
"Ako nga Hijo."- Yaya Felly
"Ang galing talaga ng memory ko." Sabay hawak niya sa chin niya.
"Tsssk. What a non-sense talk." Sabay irap sa kanya ni Maddison. Haay nako. Balik na naman silang dalawa.
"Yaya Felly..." Humarap nun si Yaya Felly sa kanya atsaka ito naglakad papalapit kay Jed at niyakap ito. "Masaya po akong makita ulit kayo."
"Ako rin Hijo." Kumalas na sa pagkakayakap si Yaya at hinawakan sa balikat si Jed. "Kamusta na Jed?"
"Ayos naman po Ya. Kayo po?"
"Mabuti rin Hijo. Hindi ka naman ba pinahihirapan ni Raxelle?" Pffft. Bat ako?
"Ya." Nasabi ko na lang. Tumawa sila nun kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala naman akong ginagawa ee. Lumapit sa akin si Jed atsaka ipinulupot ang kamay sa bewang ko
"Hindi naman po Ya. Mabait naman po siya."

Naalarma ako nun dahil nakatingin sa amin si Mackie kaya naman agad kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Jed.

"Aa...ee...Ya, okay pa rin po ba yung kwarto namin?" Tanong ko na lang kay Yaya.
"Oo naman. Hindi ko siya pinagamit sa iba dahil alam ko na babalik ka dito."
"Ganun po ba. Sige po. Dun po muna ako."
"Ayy siya sige."

Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko atsaka mabilis na tinungo ang kwarto ko.

Haaay. Ang hirap talaga. Ilang araw ko na ring ginagawa ang pag-iwas sa mga bagay na makakaapekto kay Mackie. Sana lang ay effective ito.

Humiga ako nun sa kama na matagal kong hindi nagamit at ipinikit ang mata. Gusto ko munang magpahinga.

Naramdaman ko na may nagbukas ng pinto at dahil alam ko na si Yaya Felly ang pumasok, hinayaan ko na lang.

"Raxelle." Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko si Jed na papalapit sa akin. The way he called my name...iba. Iba ang pakiramdam ko.
"B-Bakit?" Nauutal kong sabi. Ayan na. Kinakabahan ako. Parang iba kasi yung aura ni Jed ngayon. Hindi ko alam kung anong meron.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin atsaka siya umupo sa tabi ko.
"Ha? Wala naman." Pagtataka kong sabi.
"Ganun ba?" Tumungo siya at pinaglaruan ang mga daliri niya. "Raxelle..." Sheeez. Bakit ba ang seryoso niya ngayon?
"Bakit?"
"Mahal mo ba talaga ako?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit pero lalo akong kinabahan dahil sa tanong niyang yun.
"Ha? Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang." Sinungaling. Alam kong meron. "Naniniguro lang."
"Jed, may problema ba?" Seryoso kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko, hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusap namin na to.
"Bakit ganun Raxelle? Para hindi siya masaktan, ako naman ang dapat masaktan."
"Ha?" Hindi ko siya maintindihan.
"Mahal mo naman ako di ba? Pero bakit ganun?"
"Jed...hindi kita maintindihan. Ano ba kasi yang sinasabi mo?"
"Raxelle, bakit kailangan kong masaktan? Bakit kailangan ako ang mahirapan?"
"Ano ba Jed? Hindi talaga kita maintindihan."
"Hindi mo talaga ako maiintindihan dahil ayaw mong aminin sa sarili mo na iyon talaga ang tinutukoy ko." Ano daw?
"Okay. I'm out on it. Magpahinga ka na Jed." Balak ko sanang lumabas ng kwarto ng bigla niya akong hilahin. "Ano ba- Jed?" Umiiyak siya. "B-Bakit ka umiiyak?"
"Raxelle, nasasaktan ako. Bakit? Bakit mo inilalayo ang sarili mo sa akin? Sa tuwing gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko, lumalayo ka at iniiwasan mo ako. Bakit? Dahil ba ayaw mong makita niya?"
"Jed..." Ibig sabihin...nararamdaman niya yun, matagal na?
"Nililimitahan mo ang bawat kilos na magpapakita ng affection natin sa isa't isa dahil nakatingin sa atin si Mackie. Ayaw mong masaktan siya kaya kapag hawak ko ang kamay mo, bumibitaw ka. Kapag gusto kitang yakapin, lumalayo ka. Raxelle...mahal mo ba talaga ako? Kasi kung oo, sana naman aware ka na sa bawat paglayo mo at pag-iwas mo, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi okay lang sayo, na masaktan ako huwag lang si Mackie. Raxelle...pilit kong inunawa. Kasi kung ako man ang nasa sitwasyon mo, gagawin ko din yun. Pero Raxelle, sobra na ee. Daig pa natin ang magkaaway dahil sa ginagawa mo. Boyfriend mo ako Raxelle kaya normal lang na maglambing ako sayo. Normal lang na hawakan ko ang kamay mo o yakapin ka. Kahit nga halikan kita sa harap nila, okay lang. Pero bakit ganun? Bakit parang bawal? Ayokong maging selfish pero dahil sa ginagawa mo, gusto kitang ipagdamot."
"Jed..."
"Handa akong unawain ka Raxelle. Alam kong mahalaga sayo si Mackie. Alam kong ayaw mo siyang nakikitang nasasaktan. Hindi ako galit o ano. Nasasaktan lang ako. At kung yan ang gusto mo, ang iwasan ako. Sige, hindi na kita pahihirapan dahil ako mismo ang lalayo sayo." Hindi. Jed...

Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto at pagkalabas niya, duon nag-uunahang pumatak ang mga luha ko. Mali ba ako? Mali ba ang ginagawa ko?

"Jed..." Ngayon, iiyak-iyak ako. Ee samantalang kasalanan ko naman kung bakit siya lalayo sa akin. Kasalanan ko dahil mas inuna ko pang intindihin ang mararamdaman ng iba kesa sa mararamdaman niya. Napaka ignorant ko. Hindi ko man lang naramdaman na naaapektuhan na siya sa bawat pag-iwas ko. Hindi ko man lang naramdaman na alam niya kung bakit ko ginagawa yun at ang mas masakit pa, hindi ko man lang naramdaman na nasasaktan na pala siya pero tiniis niya at ipinakita na wala lang ito sa kanya. "Sorry."

Ngayon, anong gagawin mo Raxelle? Hindi mo masisisi si Jed sa naging desisyon niya dahil una pa lang naman, ikaw ang dahilan kung bakit siya nasasaktan at kung bakit siya lalayo sayo. Ang tanga mo Raxelle. Ang tanga-tanga mo. Mas mahalaga sayo na hindi masaktan ang Best Friend kahit na masaktan mo ang Boyfriend mo. Grabe. Ang tanga mo.

Kung sana, inexplain mo sa kanya sa simula palang, maiintindihan ka niya agad at siya mismo ang maglilimita sa bawat kilos niya dahil mabait siya at napakaunderstanding niya. Pero ano? Sinarili mo dahil akala mo, okay lang sa kanya. Napakainsensitive mo Raxelle. Anong akala mo sa kanya, bato? Bato na walang nararamdaman. Grabeng katangahan yun Raxelle. Grabe.

"Jed." Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko kaya kung lalayo sa akin si Jed. Hindi ko kaya kung mawawala siya sa akin. Mahal na Mahal ko siya.

Dahil na rin siguro sa kakaiyak, nakatulog ako.

---

Kinabukasan...

"Oh Raxelle, bakit parang lalong naningkit yang mata ko? Anong nangyari jan?" Nag-aalalang tanong ni Yaya.
"Wala to Ya. Dahil lang po to sa puyat."
"Hindi ka ba nakatulog agad kagabi?"
"Hindi nga po ee."
"Ganun ba?" Pinaupo niya ako sa tabi niya at binigyan ng mainit na Pandan Berry Tea. Sana gumaan ang pakiramdam ko dahil dito.

Kami pa lang ang gising ni Yaya. Siguro ay ninanamnam pa ng mga kasamahan ko ang mga kama nila dahil ilang araw rin kaming natulog sa matigas na lupa o hindi kaya ee sa mabatong kweba.

"Good Morning." Sabay hikab ni Maddison habang nasa likod niya si Casie at Ro. Magkakasama kasi sila sa iisang kwarto kaya hindi na ako magtataka kung bakit sila magkakasabay na gumising.
"Magandang umaga. Haaay. Ang sarap talagang matulog sa kama. Ang komportable. Hindi masakit sa likod at ul- hmmmm."- Renz
"Edi iyan, nanahimik ka din." Bigla kasi siyang pinalsakan ni Maddison ng tinapay sa bibig. "Agang-aga ang daldal tsssk." Napatawa na lang kami dahil sa inasal nila. Haay. Kelan kaya sila magbabagong dalawa?

Kasabay ni Renz na pumunta sa pwesto namin si August. Sila naman ang magkasama sa kwarto. At dalawa na lang ang kulang...

"Magandang umaga." Bati ng humihikab pa na si Mackie. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi kaya nalungkot na naman ako. "Anong mukha yan Raxelle? Agang-aga ee." Sinimangutan ko na lang siya.

Nandito na si Mackie, ibig sabihin...isa na lang ang kulang.

"Oh ayan na pala si Jed ee. Naku. Tulog mantika. Huli ng gumising ee."- August

Pagkalapit niya sa amin, agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o ano. Natatakot ako na baka hindi niya ako pansinin.

"Anyare sa mata mo Jed? Bakit parang paga?" Rinig kong sabi ni Renz. Gusto kong siyang tingnan pero inuunahan ako ng takot at kaba.
"Wala." Tipid niyang sagot.
"Anong wala?"- Renz
"Wala ka ng pakelam dun."- Jed

Nagtawanan sila nun atsaka, pinagtulungang bully-hin si Renz.

"Waaa. Yaya Felly, inaaway nila ako oh." Pagsusumbong ni Renz kay Yaya.
"Hoy Renz kadiri ha. Ampangit mong bata."- Maddison
"Waaaa. Yaya oh." Nagtawanan ulit sila pero ako...hindi ko magawang tumawa.
"Balik na naman sa pagiging cold at snob itong si Jed aa. Anyare?"- August
"Wala."- Jed
"Nag-away ba kayo ni Raxelle? Ang layo nyo sa isa't isa aa. Samantalang dati ee parang magkakapalit na ang mukha nyo sa sobrang dikit nyo."- Maddison

Nagulat kami nun ng bigla siyang tumayo atsaka umalis sa pwesto namin.

"Anyare dun?" Natanong na lang ni Maddison. Ayoko talaga nito.

Hindi ko namalayan na pinaglalaruan ko na pala ang tasang hawak ko at dahil sa lutang ang isip ko, natapunan ako ng mainit na Pandan Berry Tea.

"Awww."
"Oh? Anak, ano ba kasing iniisip mo at hindi ko namamalayan na natatapon na ang tea mo?" Tanong sakin ni Yaya habang hinihipan ang napasok kong kamay.
"W-wala po Ya." Pagsisinungaling ko. Sana naman, maging maayos na kami ni Jed. Hindi ko alam kung makakapag-isip ba ako ng matino nito ganitong hindi kami nagkikibuan.

Ang hirap pala kapag nag-aaway o nagkakatampuhan ang magkarelasyon. Ang sakit sa utak at sa puso. Parang pinipiga yung puso mo dahil sa nararamdaman mo na unexplainable.

This is definitely our First Quarrel as a couple and I don't think if we can work things out. Sana lang maging maayos na. Sana lang.

I Love You Jed and I can't live without you. :(

***

A/N: Guys...since 2 years ko na atang ginagawa ang story na to, I am excited to announce na hanggang 60th or 65th chapter na lang siya. :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 550 104
Dalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanh...
4K 502 42
(Under reconstruction) Alena is supposed to be the next queen of the summoners kingdom as planned but a sudden war againts the human kingdom fired up...
17K 1.5K 48
Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mund...
6.8K 2.8K 46
McKeila is believing she's a human even she have super powers not until she met Airesh. Ecroville Planet is the rightful world for McKeila thats why...