The Powerful Princess

By AiKUMAx

4.1M 111K 4.4K

>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my... More

Prologue
Characters
TPP : 01
TPP : 02
TPP : 03
TPP : 04
TPP : 05
TPP : 06
TPP : 07
TPP : 08
TPP : 09
TPP : 10
TPP : 11
TPP : 12
TPP : 13
TPP : 14
TPP : 15
TPP : 16
pendants
TPP : 17
TPP : 18
TPP : 19
TPP : 20
TPP : 21
TPP : 22
TPP : 23
TPP : 24
TPP : 25
TPP : 26
TPP : 27
TPP : 28
TPP : 29
TPP : 30
TPP : 31
TPP : 32
TPP : 33
TPP : 34
TPP : 35
TPP : 36
TPP : 37
TPP : 38
TPP : 39
TPP : 41
TPP : 42
TPP : 43
TPP : 44
TPP : 45
TPP : 46
TPP : 47
TPP : 48
TPP : 49
TPP : 50
TPP : 51
TPP : 52
TPP : 53
TPP : 54
TPP : 55
TPP : 56
TPP : 57
TPP : 58
TPP : 59
TPP : 60
Last Chapter
Epilogue

TPP : 40

56.4K 1.6K 279
By AiKUMAx

The Powerful Princess
Chapter 40: Grand Ball
__________________________________

Anica POV

Heto na, nakahanda na kaming apat. Hindi na kami nagbongga pa ng ayos, simpleng make-up lang ang ginawa namin. May isang oras pa kaming natitira bago magsimula ang Grand Ball.

"Tara na? Baka wala na tayong upuan doon" pag-aya ni Jessica dahilan tumango kami at lumabas na kami sa aming dorm.

Sa aming paglalakad, wala kaming nakasalubong na estudyante.

Mukhang excited talaga sila sa Grand Ball.

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi naman nagtagal at nakarating na din kami. Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng mga maiingay na bibig, idagdag mo pang may musika na hindi naman gaano malakas.

Naghanap na kami ng aming table at hindi naman kami nahirapan dahil nakahanap kami agad dahilan doon kami tumungo. Agad akong umupo at pinagmasdan ang paligid.

Haist! I really hate this!

Tumingin ako kila Ella.

"Ano nga pala ang dahilan bakit may ganito?" tanong ko habang nilalaro ko sa kamay ang basong may lamang tubig na kakabigay lang ng waiter.

"19th Anniversary ng Magica Academia, yun ang sabi eh" sabi ni Cassandra.

Tumango lamang ako sa kanya at ininom ang tubig. Napatigil kaming lahat ng may nagsalita na sa tingin ko galing sa stage.

"Good evening magicians! Maraming salamat sainyong pagpunta. Mahalaga ang Grand Ball ngayon dahil 19th Anniversary ng ating school ang ating pinagdidiriwang.
Sana maging masaya ang araw nyo ngayon. Hindi na natin patatagalin pa, lets start!" masayang sabi ng mc.

Napatingin ako sa mga magicians ng biglang magpatugtog sila ng slow dance. Marami ang pumunta sa gitna para sumayaw kasama ang kanilang mga partner.

Pinapanood ko lamang sila hanggang sa mapansin ko, pati ang mga Royalties ay sumasayaw na rin maliban kay Delixean. Napakunot noo ako ng makita tumayo siya at pumunta sa gawin namin. To be specific, kay Ella.

"May I dance you?" tanong niya kay Ella dahilan tumingin siya saakin.

Ngumiti lang ako dahilan makatanggap ng yes si Delixean mula sa kanya.

"Grabe nakakakilig! Buti pa si ate Ella may love life na!" kinikilig na sabi ni Cassandra.

Napatingin naman ako sa kanya at ang bruha, nagpiece sign saakin. Napailing nalang ako.

***

Ako nalang mag-isa ang narito sa table namin. May nag-aya kasi kay Cassandra at Jessica kanina at pumayag naman ako dahil kaklase naman namin yun kaya ending, mag-isa na lamang ako. Ayus lang naman saakin dahil natutuwa naman akong panoorin sila.

"Hmm Miss, may I dance you?"

Napatingin ako sa likod ko ng may magsalita. Si Dean lang pala.

"Sure" pagpayag ko at ngumiti.

Ngayon lang to kahit ayoko sumayaw.

Nakita kong nagulat sya sa reaksyon ko dahil maski ako, nagulat din.

Inaya na nya akong pumunta sa gitna. Humawak ako sa balikat nya habang sya ay nakahawak sa aking beywang. Wala kaming imikan kundi magtitigan lang habang sumasayaw.

Hindi man ako sigurado pero nakikita kong maraming sinasabi ang kanyang mga mata at hindi ko maintindihan iyon kaya napaiwas na lamang ako na ikinataka ko.

May magician rin palang tulad niya ang kayang paiwasin ako.

Napahinto kami sa pagsasayaw ng matapos na ang kanta kaya bumalik na kami sa aming upuan.

"Ate sino yun?" tanong ni Cassandra ng makalapit ako sa table namin.

"Ah si Dean yung kaklase natin" sagot ko sa kanya at umupo.

Tumango lang sya. Kumuha nalang ako ng pagkain namin ng makita kong may magpeperform.

Akala ko walang ganito ngayon.

***

Katatapos lang ng performance at pangdisco naman ang kanilang pinatugtog. Marami ang pumunta sa gitna para sumayaw na parang baliw.

"Hays mga ate ginalingan nyo ba ang pagsayaw nyo kanina?" tanong ni Cassandra dahilan mapatingin kami sa kanya.

"Bakit? Ano ba ang meron?" nagtatakang tanong ni Jessica.

"May tuturingan na queen at king mamaya" sabi niya habang may hawak na juice sa kamay nya.

Oh right! I forgot! May ganun nga pala pagganitong event! Haist!

"Naku sana hindi ako masali dyan" pailing-iling na sabi ni Ella

"Me too" walang emosyong sabi ko.

Nag-usap-usap na lang kami ng ibang bagay. Hanggang sa magsalita na uli ang MC.

"Nag-enjoy ba kayong lahat!!!?" sigaw niya.

Nagsigawan naman ng YES ang mga estudyante.

"Ngayon ay iaanounce namin kung sino ang ituturing queen at king at syempre ang mga 3rd runner up, 2nd runner up at 1st runner up din! Are you ready?!" sabi ng MC na kinaingay ng mga magicians.

"Simulan natin sa 3rd runner up! Sino sa palagay nyo?" tanong ng mc

Nagsigawan naman ang lahat at iba ibang pangalan ang pinagsisigawan nila.

"The 3rd runner up goes to...Princess Lyra at Prince Steven"

Nagpalakpakan ang lahat

"Our 2nd runner up goes to... Princess Sabelle at Prince Arron!"

Nagpalakpakan naman ang lahat.

"Our 1st runner up goes to...Ms. Ella at Prince Delixean"

Napatingin kami kay Ella na ngayong hindi makapaniwala. Nagpalakpakan naman kami.

"And last! Our queen and king! goes to...Ms. Anica at Mr. Dean"

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko.

Nagpalakpakan naman ang mga estudyante. Binigyan naman ako ng tatlo ng ngiti.

The heck!

''Maaari bang sumayaw dito sa gitna ang mga tinawag ko?" tanong ng mc.

Napabuga na lamang ako ng hangin at walang nagawa kundi ang tumayo.

Lumapit saakin si Dean at sabay kaming pumunta sa gitna at nagsimulang sumayaw kasama ang tatlong pares.

Tiningnan ko ang mukha ni Dean at ngayon ko lang nagawang suriin. Hindi maitatanggi may hitsura rin si Dean dahil wala siyang salaming suot.

Di ko rin maiwasang mapansin na parang pamilyar saakin ang kanyang mukha.

***

Pagkatapos namin sumayaw, nagsibalikan na kami sa aming mga table.

Kumain lamang kami ulit at pagkatapos nag-aya na akong umuwi.

Mabilis naman kami nakarating sa dorm at agad nagbihis. Pagkatapos, napag-usapan naming manood muna kami bago matulog.

Mabilis naman natapos ang movie kaya nagkanya kanya na kami ng pasok sa aming kwarto.

Umupo ako sa aking kama at tinanaw ang labas.

Kanina pa siguro tulog ang tatlong yun. Panigurado napagod yung mga yun.

Nakakapagtaka lang dahil hindi sya nanggugulo.

Hihiga na sana ako ng bigla akong mapatingin sa may bandang gubat. May nakita akong aninong pumasok sa gubat at hindi ako nagkakamali, si Dean iyon.

Ano ginagawa nya doon?

Kumuha ako ng jacket at nagteleport sa harap ng gubat. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko na nakita pa si Dean. Tatalikod na sana ako ng mahagip ng mata ko ang isang sulat.

Luminga linga muna ako bago ko ito kinuha. Nagteleport agad ako sa aking kwarto at hinubad muna ang aking jacket bago humiga sa kama habang hawak hawak ko ang sulat.

Binuksan ko ito at binasa ang laman.

"For you Anica,

Patawarin mo ako kung nawala ako ng ilang taon.
Sana mapatawad mo ako sa lahat ng gagawin ko at sa mga pagkakamali at sana maging masaya ka kahit wala man ako sa tabi mo. Masaya ako at muli kitang nakita at ligtas.
Sana hindi mo pa ako nakakalimutan.

                                     Ang iyong mahal,
                                     Sean "

Bigla akong napabangon sa paghiga at napatakip na lamang ng bibig.

Hindi to totoo!

Hindi ko mapigilang umiyak habang hawak hawak ko ang sulat.

Buhay ka papala!

Akala ko wala ka na...

Bakit hindi ka magpakita saakin?!

Huminga ako ng malalim para maitigil ko ang pag-iyak.

Siya nga pala, ano ginagawa ni Dean dun?

Hindi kaya...

Mas lalo akong napahagulgol dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip ko.

Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala iyon?!

Kaya pala pamilyar ka saakin! Nakakainis ka!

"Kung nalaman ko lamang ng maaga, hindi na sana kita hinayaang makaalis pa"

Continue Reading

You'll Also Like

937K 36.3K 54
Here is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? ...
432K 2.7K 6
Matagal ng hinahanap ni Ianah ang kanyang mga magulang. Wala siyang ideya kung saan sila hahanapin dahil hindi nito sila kilala. Ngunit, kahit ganon...
335K 12.6K 52
This story is about a girl who knows how to predict EVERYONE'S future... except him... "Why are you so hard to predict?" - Jhaixe "She's open to ever...
473K 14.1K 73
Completed 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira...