UNBEARABLE Desire

By Ijreid

475K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 63

3.7K 60 5
By Ijreid

A/N:

I know marame sa inyo ang gusto ng matapos ang story na ito, pero ako ang author at ganito ang flow ng story na gusto ko. Hindi ko naman kayo pinipilit na basahin ang story na ito. You can stop if you think it's not worth the read.

But for those who's patiently waiting for my update, thank you guys. Busy lang din kasi ako sa work kaya hindi ko maharap ang magsulat. Besides, this is not my first priority. I am happy for the support you're giving to my stories. Please continue to vote and share my stories. Love you guy!!!!

Erina

-----------------------------------------------------//

ARMIE POV

Nakaalis na si Mareen pero ako ay tulala pa ring nakaupo sa driver seat ng sasakyan. Hindi ko mapaandar ang makina dahil masyado akong nahihirapan sa sitwasyon ko.

bakit kailangang maging kontrabida ni Mareen sa love story namin ni Navi?

Ang lahat ng maling desisyon namin ni Navi noon ay hinahabol kami ngayon. Hindi ko alam kung paano ako nakauwe sa bahay. Lutang na lutang ang isip ko sa mga  pangyayare.

bakit kailangan umikot 360 degree ng buhay ko? bakit ang bilis lang kunin sakin ang kasiyahan ko? bakit ba puro na lang ako problema?

"oh anak anong nangyare sayo? okay ka lang ba?" tanong ni Mama sakin.

"opo. si Paige po Ma?" tanong ko rin. hindi ko man lang napansin na nasa paligid pala siya.

"nasa taas. baka nanonood ng barbie" sagot niya.

tumango lang ako at naglakad na paakyat ng hagdan.

"anak" tawag sakin ni Mama kaya lumingon ako.

"Kung may problema ka pwede mong sabihin kay Mama" nag-aalalang sabi niya.

That moment gusto ko ng umiyak, tumakbong yumakap at magsumbong sa kanya. Pero big girl na ako. ayoko na rin mag-alala siya sa problema ko.

"wala Ma. okay lang po ako. pagod lang siguro. Pinuntahan ko pa kasi sila Cass" pagsisinungaling ko.

"okay. kumusta naman sila?"

"okay naman po"

"sabihin mo dumalaw dito ng maipagluto ko. hindi naman ba sila pihikan sa pagkain?"

ngumiti naman ako sa mga tanong ni Mama. parang anak na niya kasi ang mga kaibigan ko. si Diane nga ay spoiled din ni Mama sa mga pagkaing gusto. paano kaya kapag nalaman niyang ako rin ay buntis?

"wala naman po silang nasasabi. pero sige po Ma sabihan ko silang dumalaw dito" sagot ko.

"sige. o eh kayo ni Navi? kumusta?"

ngumiti ako sa kanya "okay naman po."

"anak hindi na tayo nakakapag-usap. ano na bang plano mo sa buhay mo?"

ito namang si Mama aakyat na nga ako sa taas ay ang dami pang tanong. gusto ko na lang makapagpahinga eh. matapos ng mga nangyare ay hindi na ko makapag-isip pa ng iba.

"Ma hindi ko pa po naiisip ngayon. Alam niyo naman po ang problema ko" sagot ko.

"hanggang ngayon ba ay hindi mo pa nasasabi kay Navi ang totoo. ayos naman na kayo. matutuwa si Paige kapag magiging buo ang pamilya niya"

"yun din naman po ang gusto ko Ma"

Lumapit ako sa kanya at bigla siyang niyakap. naramdaman ko ang pagtapik niya sa likod ko.

"sabihin mo na ang totoo sa kanya anak. habang pinapatagal mo ay pare-pareho kayong mahihirapan. Tama na ang pagpapahirap mo sa sarili mo anak"

"thank you po Ma" sabi ko at hinigpitan pa lalo ang yakap sa kanya bago ako kumalas.

aaminin ko kahit simpleng usap lang ito ay gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. I always have my family behind me.

"nakausap mo na ba ang Tita Carlie mo?" tanong niya.

napapikit naman ako. nakalimutan ko si Tita!

"tumawag siya kanina at kinukumusta ka. ano na daw bang plano mo? lampas ka na sa leave na sinabi mo"

Kahit kasi naka indefinite leave ako ay hindi naman pwede yung magtagal ako dito sa Pinas dahil may trabaho ako sa Texas.

"sige po Ma kakausapin ko po si Tita. Nakalimutan ko po kasi."

"anak alam mo namang hindi mo kailangan magtrabaho pa dun. kahit dito ay okay lang. wag ka ng lumayo samin"

"pag-iisipan ko Ma" ngiting sagot ko, ang kaso pinalo niya ako sa balikat "aray naman Ma" reklamo ko.

"anong pag-iisipan. sinabi ko na sa tita mo na hindi ka na babalik dahil magpapakasal kana dito. sabi ko nagkabalikan na kayo ng tatay ng anak mo."

"Ma!" inis na sabi ko.

"anong Ma? naku ikaw Armie ah. kilala na kita. umaalis ka lang kapag may tinatakasan ka. dahilan mo lagi ang pera pero alam naming hindi yun ang totoo. dati palang wala ka namang pakialam sa pera basta nakadikit ka samin ng Papa mo. yung pagpunta mo ng Dubai o paglipat mo ng Texas ay dahil lahat kay Navi hindi ba?"

"Ma hindi ganun yun"

"ganun yun. Naku Armie tigilan mo na anak ang pagpapahirap mo sa sarili mo at wag na wag ka ng magsisinungaling sa amin."

magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili ko ng magsalita ulit siya "isa pa doctor ang tatay ni Paige. kaya na kayong buhayin nun. at sinabi sakin ni Candy na kanila pala yung Delos Reyes Corp. akalain mo naman yung batang yun. mayaman pala ang pamilya-"

"Ma" awat ko. "kelan pa tayo naging mukhang pera?" tanong ko.

napabuntong hininga naman siya bago mahinahong nagsalita"anak ang gusto ko lang ipunto ay kaya naman kayong suportahang mag-ina ni Navi kaya bakit kapa aalis. kung ayaw ka naman niyang suportahan andito kami. pwede ka rin namang magtrabaho dito kung gusto mo"

"pag-iisipan ko po Ma. ikaw talaga mamaya iniimpake na ni Tita ang mga gamit ko at ipapadala na dito" maktol ko

"oo na. wag mong kalimutan kausapin ang tita mo. magpasalamat ka rin"

"Ma sinabi niyo talaga yun kay Tita?" tanong ko ng maalala ang sinabi niyang ikakasal na ko. "baka mausog" maktol ko.

"tsss! itong batang to. nagbibiro lang ako. sige na umakyat ka na. tatawagin ko kayo kapag kakain na" pagtataboy niya sakin

"sigurado ka ah. baka mamaya nagpapatahi na ng gown si tita para sa kasal ko" pagbibiro ko.

natawa naman siya at tumango.

nakangiting umakyat ako papunta sa kwarto namin ni Paige pero mawala rin kaagad ng makarating ako sa tapat ng pinto namin. ang dami na namang pumapasok sa isip ko at lahat ng iyon ay hindi maganda.

Sumilip ako at nakita ko si Paige na nakaupong nanonood ng Barbie. napangiti ako at isinara na lang ulit ang pinto.

dumiretso ulit ako sa kwarto ni Cands. Agad bumalik sa isip ko ang nangyare sa amin ni Nav dito kagabi.

Malamang maghihisterikal ang kapatid ko kapag nalaman niyang naghoneymoon kami dito ni Nav kagabi. dinumihan namin ang kwarto niya.

Humiga ako sa kama at tumingala. Ito na naman ako at iniisip ang problema ko.

"Mee"

Napabangon ako at napatingin sa anak kong nasa pintuan.

"Mee si Dee?" Tanong niya.

Kinuha ko ang phone ko na nasa gilid ng kama at iniabot sa kanya.

"I think nasa mall siya. Call him" sabi ko.

"Yay" masayang sabi niya at kinuha ang phone ko.

"Speed dial 1 bebe girl" nakangiting sabi ko.

Mukhang naintindihan naman niya iyon at ang sunod kong ginawa ay humiga ulit.

"Hello dee?" Sigaw niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Ang hyper talaga ng batang yan.

"Dee buy me barbie" rinig kong sabi niya.

Aawatin ko sana siya kaya lang pag upo ko ay nakalabas na siya ng kwarto.

Napabuntong hininga ako. Knowing Nav? ibibili niya ng barbie si Paige. Spoiled na spoiled ang anak namin sa kanya.

I know he can love Paige. Ngayon pa nga lang ay mahal na mahal na niya ito. Sana lang matanggap niya rin kami ng bagong baby ko. Yun ay kung aaminin ko pa ba ang totoo.

Nahihirapan ako sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon. Kung walang ibang madadamay hindi ako maguguluhan ng ganito.

Kanina desidido ako na kahit anong mangyare ay paninindigan ko ang desisyon kong mag stay kay Nav.

Napapikit at hindi ko mapigilang sumipa sipa sa kama pati na rin ang gumulong gulong dahil sa inis ko.

Bakit ba kasi kailangan nitong mangyare sakin? Sobrang makasalanan siguro ako noong past life ko kaya ganito.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga ng biglang pumasok si Paige sa kwarto.

"mee tita Diane is on the phone"sabi niya at ibinigay sakin ang phone.

umupo naman ako at kinuha sa kanya ang phone.

"Diane" tawag ko sa kanya

"couz kumusta?" tanong niya

"Diane" nanlulumong tawag ko sa kanya.

nag-angat ako ng tingin at nakita kong nasa tapat ko lang pala ang anak ko at nakatingin sakin.

"what happened? tinawagan ka ba ni Cass? sabi niya umalis ka daw? anong nangyare?" nag-aalalang tanong niya.

"Bebe girl" tawag ko kay Paige. "help Mama on the kitchen. nagpre-prepare siya ng dinner. call me when dinner's ready"

"okay" masayang sagot niya at umalis na.

"Diane, nag-usap kami ni Mareen" umpisa ko.

"ano?" gulat na tanong niya "anong ginawa niya sayo? sinaktan ka ba? tinakot? ano?" sunod-sunod na tanong niya.

wala na akong nagawa kundi ikwento ang mga nangyare kanina.

"nakakaimbyerna ang babaeng yan!" inis na sabi niya matapos kong magkwento.

"Diane sorry ah"

mukhang naintindihan naman niya kung ano ang ibig kong sabihin dahil narinig ko ang lakas ng buntong hininga niya.

"ano bang apelyido ni Mareen?"

"Montemayor" sagot ko.

"parang narinig ko na ang apelyido nila"

"may law firm sila."

"ah that's why. couz i know it's too much to ask but- ay hindi wag na. kakausapin ko si Paul about this"

kahit na hindi niya itinuloy ang sasabihin niya ay alam ko na kung ano ang gusto niyang iparating. Ang sundin ko ang gusto ni Mareen. Ang iwan si Nav para tigilan na niya ang pagbabanta niya samin. but knowing Diane alam kong hindi niya hahayaang maargabyado ako at manalo so Mareen sa lahat ng ito.

Iba kasi ang magiging bunga ng mga pangyayre lalo na kay Paul. He's a lawyer and he broke the law for me. Pwede siyang mawalan ng lisensya dahil dun. Lalo na at hindi siya sing impluwensya ng mga Montemayor kahit pa dating judge ang tatay niya.

"Diane naguguluhan ako" sabi ko "ayaw kong iwan si Nav. alam mo kung gaano ko siya kamahal"

"then don't. malulusutan din natin to. wag kang mag alala."

"kahit ayokong alalahanin ay hindi ko magawa. Diane paano ka? Paano si Paul? Kung ako lang to tatanggapin ko eh ang kaso dinadamay niya kayo"

"Hay! Nakakainis talaga siya! Napakakontrabida niya tapos sasabihin ni Ian mabait siya? Grabe! Tatawagan ko nga si Ian"

"Wait lang Diane" awat ko

"Sa kwento ko sayo alam nating pareho na sekreto lang ito. Na ayaw niyang may makaalam ng pinagusapan namin maski isa sa mga kaibigan niya. so don't call Ian. baka mas lalong lumala ang problema."

"ipaalam natin. Akala niya natatakot tayo? Perez ata tayo at ang mga Perez ay mga palaban" buong kompyansa niyang sabi.

Gusto ko sanang matawa ang kaso baka magalit siya.

"Diane kapag ginawa natin yun pwede niyang sabihin ang totoo kay Nav at the same time pwedeng magsumbong siya sa mga magulang niya"

"Eh hindi naman siya ang involved dito!" Inis na sabi niya "kung meron ka man atraso ay kay Navi yun at hindi sa kanya"

"Oo nga pero kapag naungkat ang fraud at kung ano pang illegal na ginawa ni Paul ay iba na yun. Batas pa rin yun Diane."

"Baka fine lang ang hatol natin. magbabayad lang tayo tapos okay na. tsaka  magiging void ang kasal niyo"

"Eh si Paul? Paano kapag nawalan siya ng lisensya? O kung hindi man ay paano ang kredibilidad niya bilang abogado?"

"Oh my couz!" Histerikal na sabi niya. " si Dad pa naman ang sinasabing nagkasal sa inyo dun. Hindi pwede"

"I know kaya nahihirapan ako" sagot ko

Known as a just and fair si Judge Samonte hanggang sa magretire siya at kapag nadawit silang mag ama sa kasong naiisip ni Mareen ay hindi maganda ito. Lalo na sa sitwasyon ng matanda na may sakit pa ngayon. hindi kami pwedeng magbigay ng problema sa matanda.

"Ang laki nga ng problema natin" sabi niya

"Oo nga eh"

"Bakit kasi kailangan maging evil witch siya?"

"Siguro Diane napakasama ko sa past life ko kaya ganito ang parusa sakin"

"Ano ka ba wag mo ngang sabihin yan"

Hindi ko na kasi alam kung kanino ko isisisi ang problema kong ito. Ayoko namang mag self pity pero hindi ko mapigilan.



IAN POV

Nahihrapan na ako sa sitwasyon namin ni Mareen ngayon. Hindi siya mawala sa isip ko. Tatanda ata ako ng maaga ng dahil sa kanya.

Ano kayang problema niya?

Hindi ko siya matawagan dahil na rin sa space na hinihingi niya. Sobrang hirap nun sa akin pero wala naman akong magawa.

Hindi siya nag clinic ngayong araw. Tinanong ko ang nurse niyang si Tammy pero ang sabi ay masama raw ang pakiramdam ng doctor niya.

Nakasalubong lang namin siya ni Diane kanina. Mukha naman siyang okay. Ano kayang nangyare?

agad ko ngang pinuntahan sa suite niya pero wala naman na siya doon. Inutusan ko pa si Tammy na tawagan si Reen para malaman kung nasaan siya. Umuwe daw ito ng bahay para makapagpahinga.

Buong shift ko sa work ay iniisip ko siya. Gusto ko siyang dalawin pero pakiramdam ko ay wala akong karapatan.

Pauwe na ako at naisipan bumili muna ng kape sa starbucks.

Napansin ko ang pamilyar na sasakyan na naka park sa tapat ng starbucks.

Kunot noo ko itong tinanaw at ng makita ko ang plate number ay tama nga ang hinala ko.

"Akala ko umuwe na siya"

Nagtingin ako ng parking para sa sasakyan ko at nakahanap ako sa katabing resto pa.

Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko si Mareen at kung bakit andito ang sasakyan niya.

Tumitingin ako sa paligid at nagbabakasakaling makikita ko siya.

Nahagip siya ng mata ko at hindi rin nakaligtas sakin  ang babaeng kausap niya. Si Armie.

Balak ko sanang lumapit ang kaso ay nagtatalo sila.

Mukhang hindi maganda ito.

Alam ko hindi gawain ng lalaki ang makinig sa usapan nila pero gusto kong malaman iyon at maawat sila kung sakali mang bigla silang mag-away dito.

I know both of them are professionals but who knows. They are girls. Catfights are one of their thing when everything is out of control.

Kahit huli na ako sa kung ano mang pinagtatalunan nila ay narinig ko naman ang mga huling pag-uusap nila.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa mga narinig ko kay Mareen. Hindi ko inexpect na aabot siya hanggang sa ganito.

Pinanood ko lang sila hanggang iwan ni Mareen si Armie.

Naaawa ako sa kalagayan ni Mie. Alam ko namang hindi niya sinasadya ang lahat. Nakausap ko na si Diane about dito at pumayag akong bigyan siya ng panahon. At dahil kilala ko ang kaibigan kong si Nav alam ko masasaktan siya sa katotohanang may anak sa iba si Mie pero dahil alam ko din kung gaano siya baliw na baliw kay Mie ay alam kong wala siyang pakialam dun.

Ang kasal naman ay isang bagay na ikatutuwa niya pero alam kong gagawin pa rin niya sa mas legal na paraan ang lahat.

Kahit na malaman niya ang totoo na kasal na sila ay alam kong matutuloy pa rin ang proposal na binabalak niya.

Sumandal ako sa sasakyan ni Mareen kaya naman nakita niya kaagad ako.

"Ian" gulat na tawag niya sakin " anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Sabi ni Tammy umuwe ka na raw. Hindi ka nagclinic today?"

"Ano kasi masama ang pakiramdam ko" sagot niya. Pati facial expression na ay nagbago rin.

Kung hindi ko lang alam ang talagang pakay niya dito ay baka tumatakbo na ako ngayon papunta sa kanya dahil sa pag-aalala.

"pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.

ngumiti naman siya sakin at tumango. inaya ko siyang pumasok ng starbucks.

nang makaupo kami ay tinanong ko ang gusto niya. umiling lang naman siya.

Inorder ko ang usual na binibili namin kahit pa ayaw niya. kilala ko na rin siya. ayaw niya kuno pero ang totoo ay oo.

"Ian" tawag niya sakin ng makabalik ako sa pwesto namin. "Hindi ka na dapat bumili" sabi niya

"Just eat" ngiting sabi ko.

Uminom siya ng kape pero kaunti lang iyun. Inayos niya ang pag-upo at tinawag ulit ang atensyon ko.

napatingin naman ako sa kanya at inantay ang kanyang sasabihin.

"yung tungkol kagabi-" bitin niya sa sasabihin niya.

tinitignan ko lang siya at nakatingin lang siya sa akin. bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita. "yung kagabi-"

hindi niya matapos tapos ang sasabihin niya kaya naman ako na ang nagsalita

"gusto ko rin pag-usapan ang mga nangyare kagabi" sabi ko.

inatay ko siyang magsalita pero mukhang ako lang din ang inaantay niyang magpatuloy.

"tungkol kay Armie at-"

"kay Armie?" gulat na tanong niya.

"oo. bakit may problema ba?" tanong ko

"bakit siya ang pag-uusapan natin?" naguguluhang tanong niya

"diba pag-uusapan natin ang nangyare kagabi?"

"oo nga pero hindi naman yun ang tinutukoy ko" sabi niya

"eh ano?" tanong ko.

alam ko naman na ang gusto niyang sabihin pero wala akong balak ipakita na apektado ako. sobrang apektado sa sitwasyon namin. Kailangang kong panindigan ang desisyon ko. kahit ilang araw lang.

nakita at narinig ko siyang may binubulong-bulong.

"ano?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.

"wala" sigaw niya.

wooh! still the hot tempered Mareen that i love!

"eh bakit ka nakasigaw?" mahinahon kong tanong.

"ano yung sasabihin mo tungkol kay Armie?" inis na tanong niya

"nag-usap kami ni Diane" panimula ko. Nakita ko nagtaas siya ng kilay.

"at pumayag ka sa gusto nila?" tanong niya

"tama naman sila-"

"tama? kelan pa naging tama ang pagsisinungaling nila?"

"Mareen intindihin mo rin ang problema nila. kung tutuusin ay sila ang dapat lumutas nito at ang desisyon ay naka Navi at wala sakin o sayo."

"pagtatalunan na naman ba natin to?" pagod ng tanong niya sakin "gusto ko ng magpahinga Ian. masama ang pakiramdam ko" sabi niya.

"umiiwas ka na naman." sabi ko.

"hindi ako umiiwas. ayoko lang pag-usapan" sabi niya at tumayo na.

"Mareen" tawag ko sa kanya.

lumingon naman siya sa akin. "let them be. don't meddle with their problems" sabi ko.

"when it involves Nav it will be my problem too" sagot niya

"don't do something you will regret"

"isang bagay lang naman ang pinagsisisihan ko" sabi niya at tuluyan na akong iniwan.

isang bagay lang? ano naman yun?

napabuntong hininga naman ako. Hindi ko man lang siya nakausap ng maayos ngayon. I'll try again tomorrow. I don't want her to do something stupid.

Meddling with those two is not her business. baka imbes na makatulong siya ay mapalala lang niya ang sitwasyon.

Sana lang din hindi kakagatin ni Mie ang mga banta ni Mareen.

should i talk to her? natatakot ako na baka bigla na naman siyang umalis at iwan na lang basta si Navi. but Diane assured me na hindi na daw tatakbo pa si Armie. Hindi na raw sila papayag.

maybe i'll leave it all to destiny.


ARMIE POV

Magulo pa ang isip ko pero andito ako ngayon sa harap ng mga kaibigan ko na mas lalong nagpapalala ng sitwasyon.

Nagkaroon kami ng emergency meeting dahil sabi ni Diane kailangan ng pag-usapan ang problemang kinakaharap naming magpinsan.

Hindi pa rin mawala sa utak ko ang usapan namin ni Mareen kahapon kaya ito pag-uusapan naming apat ang dapat gawin. mas marameng utak ang nag-iisip mas madali kaming makakaisip ng tamang paraan.

Kung dati sanay na akong sinasarili ang problema ngayon ay iba na.

Sabi din ni Diane ay naghahanap na rin ng tulong si Paul kung sakali mang matuloy ang demanda na banta ni Mareen. pero kahit ganun alam namin ni Diane na may kapalit ang kasalanang ginawa namin.

"nanggigigil talaga ako sa Mareen na yun" inis na sabi ni Kate.

Naikwento ko na kasi sa kanila ang napag-usapan namin kagabi.

"ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Cass.

"naresearch ko na ang mga Montemayor" sabi ni Kate habang hawak ang kanyang phone.

malamang google chrome ang batayan niya.

"akalain mo kilala pala sila. hindi ako inform. niresearch ko rin ang tungkol dyan sa Mareen Montemayor na yan. Akalain mong sa kanila pala ang East West General Hospital" umiiling na sabi niya.

"East west general hospital? diba dun na confine si Paige? sa mga Montemayor yun?" di makapaniwalang tanong ni Cass

"oo nga no. sa kanila yun?" tanong din ni Diane.

Kahit ako ay nagulat sa nalaman ko. kaya pala akala mo kung sinong VIP si Navi noon. sa ex girlfriend palang niya ang hospital kung saan siya nagtatrabaho.

"yes" sagot ni Kate "nakasulat yun dito sa article na nabasa ko. sabi din dito na kasosyo niya sa hospital sina Air, Ian, Lloyd and ang asawa mo" sabi ni Kate na nakatingin sakin.

"OMG! talaga?" di makapaniwalang tanong ni Cass

kahit ako ay nagugulat sa sinasabi ni Kate. napapailing ako! so sa kanila pala  yun. Kaya pala sinagot ni Ian ang hospital bills ni Paige dahil kanila yun. Kaya pala VIP ang treatment sa kanila doon dahil pag mamay-ari nila. Kaya pala okay lang hindi pumasok si Navi or malate siya dahil kanila naman yun. nagtayo ng negosyo ang magkakaibigan at kasama pa si Mareen. Nakakagulat talaga!

"patingin nga" sabi ko at nagtangkang agawin ang phone niya pero inilayo niya.

"anong klaseng girlfriend ka at wala kang alam sa jowa mo?" tanong niya sakin

"hindi ba pwedeng ilang araw palang kami?"

"tsss! tapos pati sa karibal hindi ka man lang nagreseach?"

"bakit pa diba? ayoko namang saktan ang sarili ko."

"tsss! ayan tayo eh. edi sana kung updated ka sa karibal mo ay nalaman na sana natin na sila pala talaga ni Ian?"

"WHAT?!" sigaw naming tatlo sa kanya.

"aray naman" sabi niya at tinakpan ang dalawang tenga.

"anong sila ni Ian?" tanong ni Diane.

"sabi dito sa article na nabasa ko, last year sinabi nila sa media na nagdedate sila. well si Ian ang nagsabi nung initerview siya."

"pero paano?" tanong ko. "totoo ba yang article na yan?"

kasi naman kakabreak lang nila 2 weeks ago. so paano?

"oo nga baka naman hindi legit yan Kate." sabi ni Diane

"maybe. sabi din dito na nag-break sila ni Nav 3 years ago at friends na lang ngayon."

"ex lovers can't be friend" sagot naman ni Diane

"3 years ago?" tanong ko naman.

"yun ang sabi dito" kibit balikat niyang sagot.

napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito. information overload na ito. kaya pala ganun na lang ang asta sakin ni Mareen kahapon ng sabihin kong hiniwalayan siya ni Nav two weeks ago. nagmukha akong katawa-tawa sa harap niya kahapon dahil sa maling information na sinasabi ko.

Hindi ko naman magawang magsaya or matahimik man lang dahil sa nalaman ko. oo nga wala akong inagaw. hiwalay na sila bago pa maging kami pero kahit ganun ay hindi pa rin maitatanggi na may problema pa rin kaming malaki ngayon.

"kung may Ian na pala siya eh bakit ganun na lang siya makareact sa sitwasyon niyo ni Nav?" tanong sakin ni Cass

"baka naman she's still into Nav at rebound or panakip butas lang niya si Ian" sagot ni Diane "i mean ano pa bang reason? kawawa naman si Ian."

"uyyy naaawa kay Ian." pang-aasar ni Kate sa kanya "diba mortal enemy mo yun?"

"tssss! ewan ko sayo Kate"

"ano  ka ba Kate. pinaglilihian lang siya ni Diane kaya ganyan kamoody" saway ni Cass

"ah!" sigaw ni Diane kaya napatingin kami sakanya

"ano?" tanong ni Kate

"kahapon kasi parang may mali sa dalawang yun. kay Mareen at kay Ian." sabi niya

"anong mali?" tanong ko.

"alam mo yung parang nag-iiwasan. Ganun sila kahapon. tapos natutulala pa minsan si Ian. tapos itong si Mareen nginitian pa ako ng makasalubong kami. diba ang creepy? tapos bigla babantaan ka."

"sus! baka naman iba ang problema." sabi ni Kate

"hay ewan pero tingin ko may something na sa dalawang yun. diba hinabol ni Ian si Mareen nung nagwalk out siya nung birthday niya?"

"hmmmp" tumatangong sabi nila Cass at Kate.

may point nga naman si Diane dun.

"baka nga sila" sabi ni Cass "ano pa bang andyan sa article?" tanong niya kay Kate

"sinabi lang dito kung saan siya nag-aaral tapos kung sino ang parents nila at mga kapatid. sabi rin-"

"yung details na makakatulong naman satin" komento ni Diane

"sandali lang. yun palang ang nababasa ko."

Nag-usap usap kaming apat. wala na ring naitulong ang iba pang nabasa ni Kate.

"wait nasaan na pala si loverboy?" tanong ni Kate sakin.

"si Nav? sabi niya masama daw pakiramdaman niya." sagto ko.

nagtinginan naman sila na pinagtaka ko.

"bakit?"

"wala naman" sagot ni Cass "kumusta ang planning sa birthday ni Paige. sa susunod na araw na yun ah"

"Sila Cands na ang umaayos." sagot ko.

sa dami ng inisip ko ngayon ay hinayaan ko ng sila Mama at mga kapatid ko ang mag-ayos. pati nga si Janna ay masaya ring tumutulong. mostly sila ni Cands ang nag-uusap. si Mama naman ay tumutulong din. Si Nav na kasi ang bahala sa lugar at tumutulong din ang mga kaibigan niya.

"grabe anong ginawa ng nanay?" tanong ni Kate

"hindi ko na maharap sa dami ng problema ko."

"sus! pero ang pakikipagjugjugan may time pa siya"

"Kate" saway ko na kinatawa niya.

Nakakainis!

"ang pula mo Mie" natatawang sabi ni Cass

sige ipoint out mo pa!

"tumigil na nga kayo" saway ko. tinignan ko ng masama si Diane dahil alam ko siya na naman ang nagtsismis nun sa dalawa.

"gaya pa rin ba ng dati?" pang-aasar ni Kate. "dapat binigay mo na ang best performance mo para hinding hindi niya makalimutan"

"tssss!" singhal ko. ayokong pag-usapan ang mga ganyan bagay

"naka ilang rounds kayo?"

"Kate!" saway ko nagtawanan lang naman sila.

mga baliw!

"ito naman. pinapagaan lang namin ang atmosphere. but let's back to the problem at hand" sabi niya "anong desisyon mo sa sinabi ni Mareen sayo?"

"ayoko na kasing isipin" sagot ko pero ang mata ko ay nakatingin kay Diane "ang kaso hindi pwede dahil may mga taong maaapektuhan"

"Paul is sorting it out" sagot naman ng pinsan ko.

"oo nga naman Mie. wag kang papaapi sa Mareen na yun no. makakagawa tayo ng paraan"

Sana nga!

"may isa pa akong tanong" sabi ni Cass

"ano?"

"how come you're pregnant? "

"ano ka ba naman Cass. malamang nakipagsex. alangang sariling sikap?"

napairap naman si Cass sa sinabi ni Kate.

"what I mean ay paano niya nagawa ang bagay na hindi naman niya ginagawa. i mean with a stranger?"

"there's always a room for change and first time my dear"

"but not our Armie. I mean she's inlove with Navi since forever"

pagkasabi nun ni Cass ay tumingin silang tatlo sakin.

"Hindi ko rin alam" sagot ko.

"OMG! are you drugged that time?" tanong ni Cass

"or drunk?" tanong naman ni Kate.

"Hindi ko alam. basta nagising na lang ako nasa condo na niya ako."

"OMG! sino siya?"

"gwapo ba?"

"anong pangalan?"

sabay-sabay nilang tanong

"hindi ko alam" yun na naman ang sagot ko. Totoo naman kasi. Wala akong matandaan. Well akala ko panaginip lang yun. Naenjoy ko ata dahil sa panaginip ko si Navi ang kasama ko.

Kainis talaga! Bakit ba kasi ako nalasing at nagpatake home?

"nakipag one night stand ka sa hindi mo kilala? hindi mo man lang nakita kung papabols ba. paano kapag may sakit pala yun at nahawa ka?" sabi ni Kate

"OMG!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

ako mahahawa sa sakit tapos buntis pa? OMG! Anong gulo ang napasok ko?

"paano kapag may AIDS yun?" Sabi pa niya na mas kinaputla ko.

"shut up Kate" awat ni Diane "hindi ka nakakatulong. pinag-aalala mo lang si Mie"

"i'm just saying the possibilities"

"nagpacheck up ka na ba sa doctor?" tanong ni Diane sakin. umiling lang ako.

"ilang months na ba yan? 2 na?" tanong niya

ilang bwan na ba? wala pang dalawang buwan ng umuwe ako.

"baka 6 weeks" sagot ko at hinawakan pa ang tyan

"6 weeks? paanong 6 weeks? eh diba andito ka na sa PIlipinas nun?" tanong ni Diane

"yeah" sagot ko

"meaning dito? dito ka nakipagjugjugan?" di makapaniwalang tanong ni Kate "akala ko made in the USA yan"

ako naman ang nagtaka sa kanila. paano nila  naisip yun? on the seocnd thought. sila nga pala ang mga kasama ko ng gabing na take home ako. Nasaan sila noong nawawala ako? Nung una ayaw kong itanong sa kanila dahil nahihiya akong sabihing nakipag one night stand ako pero ngayon alam na nila ay dapat malaman ko din kung bakit hindi ko sila kasamang umuwe at sa ibang kwarto ako nagising.

"wait guys may tanong ako" sabi ko sa kanila.

"ano? wait-" sabi ni Diane at itinaas pa ang kamay. dinampot niya ang phone niya at tsaka singaot ito.

"hello honey?"

tumayo siya at umalis sa harapan namin. nagtinginan naman kaming tatlo.

"akalain niyo yun tayong apat ay mga buntis" di makapaniwalang sabi ni Kate

"yun nga eh. sa tingin ko magiging sakit ng ulo tayo ng mga asawa natin" natatawa namang sabi ni Cass

"kayo lang no" sabi ko "dahil first baby niyo. 2nd ko na to at hindi naman ako masyadong naglilihi. Kaya nga hindi ko rin napansin eh"

"Hindi pa rin ako makapaniwala. so made in the Philippines pala ang batang yan" nguso ni Cass sa tyan ko. "kelan? paano? at sino?tsaka wait pala. diba sabi mo naiuwe ka sa condo?"

tumango naman ako. ang dami na naman niyang tanong. kahapon pa siya ganyan sa telepono. nagiging madaldal pala si Cass kapag buntis.

"saan condo ba yan? alamin natin kung sino ang lalaking nakadisgrasya sayo"

"para saan pa?" tanong ko. andyan naman na si Nav at wala akong balak ipaako sa lalaking yun ang anak ko. duh? kay Nav nga na mahal na mahal ko hindi ko nagawang ipaako ang anak namin, dun pa kaya sa estrangherong malandi na yun?

"ano kaba dapat alam mo? tulad ng mga napapanood natin sa pelikula or sa mga teleserye. paano nga kapag may sakit pala?" sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya "or what if in the future kakailanganin siya ng anak mo? you never know" sabi niya

"well may point si Cass" sabi ni Kate "hindi naman sa sinasabi naming mapapahamak ang future inaanak namin. pero paano nga kapag may sakit nga yun. hindi sa nakakahawang sakit ah. yun know what i mean. Family history and all" sabi niya "tapos kailangan mo ng tulong nung lalaki. hindi mo siya kilala. clueless ka. mangangapa ka sa dilim. dapat alamin mo na ngayon habang maaga pa. basta malaman mo lang kung sino siya. hindi mo naman kailangan pakasalan, ang sinasabi lang namin malay mo mabuti din naman siya"

"may mabuti bang lalaki nangangaladkad ng babae sa bar?" Tanong ko. May point sila pero naiinis ako sa taong yun. Binuntis ako eh. Hanep talaga! Pinagsamantalahan na nga ako Hindi man lang gumamit ng proteksyon.

"eh baka naman kasi gusto din ng kinaladkad kaya nangyare yun" pang-aasar ni Cass

"ewan ko sa inyo!"

"girls"

napukaw ni Diane ang pang-aasar nila sakin.

"why?" tanong ko. halata ang problema sa mukha niya.

"anong nangyare?" tanong ni Cass. nakatayo na ito at naglakad papalapit kay Diane.

"si Paul" sabi niya.

bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

anong nangyare kay Paul?

"yung kinakatakutan natin sinisimulan na niya" naiiyak na sabi niya.

Hindi na ako magtatanong kung ano ang ibig sabihin niya dun. alam na naming tatlo ang gusto niyang iparating.

Mareen is making her move!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 61.7K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
1.5M 32.9K 65
Aileen Ramirez ay isang probinsyanang babae na napadpad sa siyudad ng ka-maynilaan dahil sa nangyaring hindi niya maipaliwanag. Nagtungo siya sa Mayn...
1M 33K 57
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Cyr...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...