Her Greatest Battle (Editing)

By writerfreak13

278K 7.8K 602

(Formerly The Bookworm) Saka na ang description XD Kung curious kayo basahin niyo nalang. More

Prologue
Round 1
Round 2
Round 3
Round 4
Round 5
Round 6
Round 7
Round 8
Round 9
Round 10
Round 11
Round 12
Round 13
Round 14
Round 15
Round 16
Round 17
Round 18
Round 19
Round 20
Round 21
Round 22
Round 23
Round 24
Round 25
Round 26
Round 27
Round 28
Round 29
Round 30
Round 31
Round 33
Round 34
Round 35
Round 36
Round 37
Round 38
Round 39
Last Round

Round 32

5.1K 187 21
By writerfreak13


It's a not so good day.

Mag-isa ako ngayon at gutom na. Ma'am Gatdula's too busy about her teaching stuff. Andami niyang inaayos kanina sa office. Hindi ko tuloy makulit.

Naisipan ko na puntahan nalang yung tindahan ni Manang sa kabilang kanto. Doon nalang ako kakain at least hindi ako mag-isa.

Ngunit nagulat ako sa nakita.

May tatlong lalaki ang andoon at binabaklas ang tindahan. Hinanap ng mata ko si Manang.

Nakita ko siya sa hindi kalayuan kasama si Lala.

Tumakbo ako sa kanila "Manang! Ano pong nangyari?"

"Pinatanggal ng munisipyo ang tindahan ko dahil wala ako sa tamang lugar." - Manang

"Eh pano ho kayo?"

"Hindi ko pa alam. Ang totoo niyan wala akong sapat na pera para magtayo muli ng bagong tindahan. Siguro ay uuwi nalang muna ako sa probinsya." nangingilid na ang luha ni Manang.

"Kelan ho kaya ang balik niyo ni Lala?"

"Hindi ko pa rin alam. Hindi ko rin maisasama si Lala sa akin. Masyadong mahirap ang buhay doon at baka hindi ko kayanin ang buhayin kaming dalawa."

Nakarinig ako ng mumunting iyak mula sa batang na ngayon ay nakayakap ng mahigpit kay Manang.

"So iiwan niyo po siya dito?"

"Kelangan ineng."

"Ayaw!" palahaw ng bata.

Naawa naman ako kay Lala. Alam ko pakiramdam ng maiwan.

"Okay lang po kaya na sa akin siya tumir pansamantala?"

Nagulat si Manang "Sigurado ka ba diyan ineng?"

"Opo kesa naman bumalik siya sa pagiging palaboy."

Bumaba ako sa lebel ng bata "Lala, gusto mo ba sa bahay ko muna tumira?"

Tumingin ito sa akin tapos kay Manang.

"Babalikan ka ni Manang. Medyo matatagalan nga lang kaya sakin ka muna. Maraming pagkain sa bahay ko tapos ipagluluto pa kita."

Nakuha ko ang atensyon ng bata "Marunong kang magluto?"

Natawa ako "Oo, hindi ko ba nabanggit sayo na yung ibang binibigay ko sayo ay ako mismo ang nagluluto?"

Umiling ito.

Ang cute ng batang 'to. Mana sakin hahahahahaha

"Ipagluluto rin kaya ako ni Ate Sunny? Masarap kasi luto niya." inosente nitong tanong.

"H-ha? Ah . . . . O-oo naman hehehe." napakamot ako sa ulo.

"Babalikan niyo po ako diba?" tanong niya kay Manang.

"Oo naman." sagot ng matanda

"Tara?"

Tumango ito.

Nagpaalam sila sa isa't-isa.

Gusto ko pa sana ihatid si Manang sa paliparan pero tumanggi ito.

Umuwi nalang muna kami ni Lala. Hindi na ako papasok tutal tinatamad na ako.

"Welcome sa bahay ko!" ngiting saad ko.

"Ang laki ng bahay niyo." - Lala

"Hindi naman. Sakto lang."

Pinaupo ko siya sa sofa.

"Simula ngayon dito ka na titira. May kasama ako dito, yung pinsan ko. Mabait yun at school ko lang din siya nag-aaral. Nagugutom ka ba?"

Umiling ito.

"Osige. Nood nalang muna tayo ng tv ha?"

"Hindi ka po ba babalik sa school?"

"Hindi na. Bukas nalang."

Kumuha ako ng makukutkot habang nanunuod kami ng tv.

Nakikita ko naman na nag-eenjoy siya habang nanunuod. I never had a little sister and I've always want one kaso wala eh ayaw na ng parents namin ni Kuya.

Nang makaramdam ng gutom ay inaya ko siya sa kusina para kumain. Pareho kaming walang tanghalian. Hapon na rin kasi.

Pinaupo ko siya sa bar stool.

"Dyan ka lang ha? Magluluto lang ako."

Dingdong!

Hindi pa man ako nakakapagsimula ay may istorbo na. Gutom na ako eh.

Dali-dali akong pinagbuksan ng pinto ang kung sino man 'tong istorbo.

"What are you doing here?"

There standing outside is none other than Sunny.

"Naabutan ko si Manang doon sa kanto at nakwento niya sakin ang nangyari." - Sunny

"Okay?"

"And Lala is here with you. I want to see her."

"Who's with you?"

"No one."

"What?!" I panicked. Paano kung may mangyari masama sa kanya? Ano bang ginagawa ng bodyguard nito?

She sighed "Look, hindi ako papayagan kung magpapaalam at magpapasama. I just wanted to check if Lala's fine."

"She's fine."

"Can I atleast see her?" kitang kita ko ang kagustuhan niya na makita ang bata.

"Okay, come in." pinapasok ko
siya "Nasa kusina siya."

"Ate!" tinalon ni Lala ang upuan pagkakita nito sa dalaga. Sinalubong niya ito ng yakap.

Ay close sila?

"Kamusta ka?" - Sunny

"Okay naman po. Kakain na po sana kami ni Ate Sky eh." - Lala

She looked up to me "Can I cook for her?"

"Err bahala ka." I shrugged.

Pinaupo niya ang bata sa pwesto nito at sinimulan ang pagluluto. Nakinood nalang ako sa bawat galaw niya sa kusina.

Matagal-tagal na rin pala nung huling natikman ko ang luto niya.

Nang tingin ko ay patapos na siya, naghanda ako ng plato para sa amin.

Inilapag niya ang kanyang niluto.

Hmm beef caldereta.

"Let's eat!" excited kong pahayag.

Pinagmasdan ko siya habang inaasikaso niya si Lala. Pinaglagay niya ito ng ulam sa plato tapos tinanong kung gusto pa ba niya o hindi na.

Nakakatuwa silang panuorin.

Sunny would be a great mother someday.

"What a lovely scene." biglang sulpot ni Dom mula sa pinto ng dining "Parang happy family lang." naglakad siya hanggang makarating ito sa pwesto namin.

I glared at her but she ignored me.

"So who's the cute little girl?" she added.

"Dominique, this is Lala and Lala, this is Dom. Pinsan siya ng Ate Sky mo." - Sunny

"Hi!" kumaway si Dom at nahihiyang gumanti ng kaway ang bata.

"She'll be staying here with us for a while."

"Really?!" excited na sabi ni Dom at pumunta sa tabi ng bata "I'm gonna be your big sister!" niyakap niya pa ito.

Mahilig sa bata 'tong Dom talaga. While me, hindi masyado. Exception nga tong si Lala eh kasi natutuwa ako sa kanya.

"Sunny, dito ka na rin tumira para one big happy family tayo. Then Lala, sila ang mommy at mama mo!" banat nitong babaeng 'to.

"Gag*!" bulalas ko

"Hey words!" sita sakin ni Sunny.

Bumelat sakin si Dom habang ako ay unti unti siyang pinapatay sa isip ko.

Lakas trip na naman ang isang 'to.

Sumabay na samin si Dom sa pagkain. Mabuti ang desisyon niya na sa dalawa tumabi dahil hindi lang pambabatok ang matitikman niya sakin.

Matapos kumain ay pumunta sina Sunny at Lala sa living room para manuod.

Ako ang nagligpit ng kinainan namin at si Dom ang maghuhugas.

Pagkalapag ko ng mga plato sa sink ay agad kong hinampas sa balikat ang babae.

"Ouc----hmmm."

Tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Para yan sa mga kaepalan mo ngayong araw!" binitawan ko siya.

"Masakit yun ha! Tsaka kung gusto mo pala masolo ang mag-ina mo sana sinabi mo agad!" hinimas himas niya ang braso.

Aambahan ko na siya ng suntok nang bigla siyang sumigaw.

"Sunny!!!!"

Agad namang sumulpot ang babae kasama pa ang bata.

"O bakit ka sumisigaw?!"

Bago pa siya makapagsumbong ay tinakpan ko muli ang bibig niya.

"Wala! hehehe wag mo intindihin 'to. Ayaw niya kasi maghugas." nagpupumiglas siya

Pinaningkitan niya kami ng mata "Tapusin niyo na nga gawain niyo dito tsk."

Umalis ang dalawa.

Tuluyan din siyang nakawala sakin.

"Ano ba?! Kainis!" - Dom

"Maghugas ka nalang kasi dyan! Ang dami dami mo pang sinasabi!"

Sinunod niya naman ako pero may mga pagbulong na nangyayari.

Matapos sa kusina ay dumiretso ako sa kwarto para maligo.

Patapos na ako ng mapansin ko na hindi ko pala nadala ang towel.

Ang tanga Sky!

Wala akong saplot na lumabas ako ng cr.

Ngunit nagulantang ako sa isang sigaw.

"Aaaaah bastos!"

Shit! Agad akong kumuha ng maitatakip sa katawan ko.

Ang kawawang lampshade.

Humarap ako sa ngayo'y nakatalikod na si Sunny.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!"

"Pwede bang magbihis ka muna bago kita sagutin sa tanong mo?!" - Sunny.

Dali dali akong nagbihis. Bahala na sa nadampot ko.

"Okay na."

Humarap siya sakin ng nakapikit. Unti unti siyang dumilat para masiguro na nakabihis na nga ako.

"Bakit naka bra ka lang?!"

"FYI sports bra to atsaka nakashorts naman ako ah?" sa eto yung nakuha ko eh "Why are you here?"

"Magpapaalam sana ako na aalis na." ang likot ng mata niya kung saan saan tumitingin.

"Okay, ingat."

*Dingdong

May nagdoorbell.

Hindi na ako nag-abalang magbihis pa at tinungo ang pinto.

"T-teka lalabas ka ng ganyan?! Aish!" hinila niya bigla pabalik sa closet ko at kumuha ng t-shirt dun.

Siya mismo ang nagsuot sa akin ng damit.

At hindi ko maiwasan ang mapatitig sa mukha niya. Ang lapit kasi.

"W-wag mo nga akong titigan!" unti unting namula ang pisngi niya  tapos biglang nag-walk out.

Walk out queen talaga yun tsk.

Tinungo ko na ang ang ngayo'y bukas ng pinto. Nasa labas nun si Dom at Lala.

"Anong ginagawa niyo dito sa labas?" tanong ko.

Imbes na sumagot ay tinaasan niya ako ng kilay "Anong ginawa NIYO? Ako dapat ang magtanong. Bakit ang pula nun?" tukoy niya ata kay Sunny.

"Aba malay ko! Bigla nga akong nilayasan eh!"

Ngumisi ito "Ah talaga ba?"

"Oo kaya!"

"Ge kwento mo diyan sa baligtad mong shirt. Tara Lala." hinila niya ang bata sa loob ng bahay.

Baligtad?

Napatingin ako sa shirt na suot ko.

Napaface palm ako. Baligtad nga! Aiiiiiiiiish!

Isang napakaboring na araw sa school ngayon. Busy si Ma'am kaya wala akong makulit.

Iniwan ko sa bahay si Lala. Kaya naman niya kahit papaano ang mag-isa. Binilinan ko na lang siya ng mga hindi niya dapat gawin.

Lumabas ako ng school para doon kumain ng lunch.

Sa di kalayuan ay nakakita ako ng van na puti.

Ewan ko peri hindi ko magawang maalis ang paningin ko doon.

Maya maya pa ay agad din itong umalis. Ang bilis ng andar nito. Sinundan ko pa ng tingin.

Aalis na sana ako ng may mahagip ang mga mata ko.

Sa lugar kung saan mismo nanggaling ang van ay may taong nakahiga. Pinipilit nitong tumayo pero hindi magawa.

Pinuntahan ko siya.

At ganun na lang kaba ko ng makilala kung sino iyon.

Yung bodyguard ni Sunny.

"What happened? Where is she?!" agad kong tanong sa lalaking iniinda ang sakit ng katawan.

"K-kinuha siya ng  mga l-lalaki." tinulungan ko siya tumayo at isinandal sa isang kotse.

Binigay ko ang phone ko "Call the cops. Susundan ko sila."

Tinakbo ko na ang kotse ko at pinaandar iyon.

Humigpit ang kapit ko sa manibela.

I won't let anyone hurt her.

I won't let anyone take her away from me.

I stepped on the accelerator and sped off.

Mabilis kong nakita ang puting van.

Itinodo ko ang bilis ng kotse para malagpasan sila. Sakto at walang masiyadong ibang sasakyan.

Iniharang ko ang kotse sa daan.

Nagulat siguro sila at agad na huminto.

Wala na akong ibang iniisip kundi ang kaligtasan niya.

Tahasan akong bumaba ng kotse at tinungo ang puting van.

Lumabas sa passenger seat ang isang lalaki.

Naglakad ito patungo sakin "Hoy! kung gusto mo pa-----"

Sinipa ko siya sa tiyan na nagpatalsik sa kanya.

Lumabas ang isa pa mula sa driver seat.

Isang high knee kick sa dibdib ang binigay ko sa isang 'to.

"Tumigil ka kung ayaw mong mamatay 'to!" nakatutok ang baril sa ulo ni Sunny.

Tinitigan ko ang lalaki. Pinag-aralan ang bawat galaw niya. Nakikita ko ang takot sa mata nito.

"A-ano?!" itinutok niya sakin ang baril.

Wiw
Wiw
Wiw

Mas nataranta ang lalaki ng marinig ang sirena ng pulis at eto ang naging pagkakataon ko para kunin ang baril sa kanya.

I hit him somewhere in his neck that made him unconscious.

Biglang lumabas ang isa pang lalaki mula sa likod van.

Hinapit ko si Sunny palapit sakin at tinakpan ang tenga niya habang pinaputukan ko ang lalaki.

Bang!
Bang!

Thank god at may background ako sa shooting.

Tinapon ko ang baril.

Hinarap ko si Sunny.

Nakita ko ang takot sa mga mata niya.

Nagagalit ako.

Nagagalit ako dahil nangyayari ang ganito sa kanya.

Pero mas nangingibabaw ang takot.

Ang takot na mawala siya.

I don't think I can live without her anymore.

She made a big change in my life.

Pinahid ko ang mga luha niya "Sssh you're safe now." at inakap siya.

Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.

Wiw
Wiw
Wiw

Nagsidatingan ang mga pulis kasama ang isang pamilyar na kotse.

Lumabas doon ang tatay ng babae sa bisig ko kasama ang dalawang bodyguard nito.

"Sunny!" tawag nito.

"D-Dad." umiiyak itong tumakbo sa kanyang ama.

Inalo siya nito at pinahatid sa dalawang kasama pabalik sa kotse ng ama.

Matalim na tumitig sakin ang tatay niya habang naglalakad palapit.

"I told you not to go near her. Look what happened!"

"Sir, pasensya na pero hindi ko na susundin ang kagustuhan niyo."

"And why is that?!"

"I'm afraid of losing her." tinitigan ko ama sa mata nito. "Sir with all due respect but . . . . . . . " I took a deep breath "I love your daughter and I will protect her in any way possible. Kung ako nga ang dahilan ng lahat ng ito. Handa akong ipagtanggol siya buhay ko man ang maging kapalit." puno ng determinasyon kong pahayag.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hey guys! Been a long time no? Hahahaha pasensya na naghahabol ako ng oras sa OJT.

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

265K 1.1K 8
First of all. Don't expect something from this story. Warnings: Ang ilan sa mga mababasa nyo ay wag nyong gagayahin. Please lang ayokong maging bad i...
8.2K 421 43
-UNEDITED- Olivia Valencia is a famous actress and singer.she is 24 years old and also a heir of Valencia prime holdings.olivia has a big name in sho...
1.1K 55 17
" Lahat ng bagay makukuha ko at walang sino man ang makakadikta ng dapat at hindi dapat kong gawin naiintindihan mo" paalala ko sa kanya Tango na lan...
268K 4.6K 50
Mahirap mag-invest sa isang bagay na alam mo in the end lugi ka na. Mahirap ang umasa kung alam mong papaasahin ka lang. Mahirap magbigay ng trust k...