Lost Stars

By makabagongcinderella

17.1K 690 141

A love story about a cancer patient and suicidal girl who fell inlove with each other #78 in Chicklit (Septem... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Characters/Soundtracks/Questions etc.
Author's Note// Thank You Note

The End in 2,017 words

312 9 9
By makabagongcinderella

"Beginnings are usually scary. Endings are often sad. But it's what in the middle that counts and make things worth living "

Sobrang bilis ng panahon. Ang raming nangyaring bagay na kahit sa panaginip ko ay hindi ko inakalang mangyayari.

Akala ko noon, naranasan ko na lahat ng sakit. Wala na yatang mas sasakit pa sa mga pinagdaanan ko. Akala ko noon, hindi na ako masasaktan pa kasi nasanay na ako sa sakit eh, nasanay na ako sa pakiramdam ng masaktan pero hindi pa pala.

Ilang buwan na ang nagdaan simula nung magkabangga kami ni Reid sa hospital. Naaalala ko pa nun kung pano ako nabighani sa mga mata nya.

Akala ko noon, isa lang sya sa mga tao na dadaan lang sa buhay mo tapos mawawala na. Yung aksidenteng makakabangga mo lang o di kaya makakatabi mo sa jeep.

Pero hindi. Dinala si Reid ng pagkakataon sa akin. Nagtataka nga ako eh, ano kaya ako ngayon kung hindi ako dinala sa ospital nung araw na yun? Paano kung hindi kami nagkabangga sa hallway ng ospital? Paano kung hindi sya pumunta sa kwarto ko at nakipagkaibigan sa akin? Masaya kaya ako? Malungkot?

Nakakatawa nga eh kung paano kami pinagtagpo ng tadhana. Parehos kaming nawawala. Parehos kaming may hinahanap sa buhay. Halos magkapareho kami pero magkaiba din. Gusto nyang mabuhay, kabaliktaran naman ang gusto ko. Pero pag magkasama kami.. wala kaming ibang kagustuhan o hiling kundi ang maging masaya ng magkasama.

"Jayla.." Sinalubong agad ako ni Tita ng yakap nang dumating ako kinaumagahan sa hospital.

Gusto ko sanang samahan si Reid sa hospital habang inooperahan sya pero sabi sakin ni Mama bigla daw akong nawalan ng malay dahil sa stress at pagod kaya napagdesisyunan nya na iuwi nalang muna ako sa bahay para makapagpahinga.

"Kamusta po ang operasyon ni Reid?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong iyon kay Tita. Hindi ako sigurado kung gusto ko ba talagang malaman ang sagot. Natatakot ako at kinakabahan.

Paano kung..

"Jayla..." Niyakap nya ako.

Nakaramdam ako ng matinding takot. Tinulak ko sya ng mahina. "Tita.. Tita.. Please." Hinawakan ko ang mga kamay nya.

Wala syang ibang sinabi. Hinawakan nya lang ang mukha ko at dumako ang tingin nya dun sa operating room.

Tumango ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa silid na iyon. Hindi ko alam kung naglalakad pa ba ako o lumulutang na lang. Halos hindi ko na kasi maramdaman ang paa ko na tumatama pa sa sahig.

Habang papalapit ako ng papalapit sa Operating Room ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin.

Pagdating ko dun ay walang ibang tao.

"Reid.." sambit ko ng makarating ako sa harap ng pintuan. "Nandito na ako.." sunod sunod ang pagpatak ng mga luha ko na tila ba hindi nauubos. "Okay ka lang ba?"

"Reid.. naaalala mo ba nung sinabi kong natatakot ako kasi sobrang saya ko? Nung nakita kitang bumagsak nung mga oras na yun, sobrang kinabahan ako. Takot na takot ako Reid. Akala ko binabawi na ng tadhana ang kasiyahang iyon. Yun ang naisip ko. Hindi ko alam ang gagawin.." pinunasan ko ang luha ko.

"Please wag kang bibitaw dahil promise.. Ako din." Hinawakan ko ang pintuan habang nanginginig ang kamay.

"Tanga." Laking gulat ko ng biglang may nagsalita sa likod ko. Lilingon sana ako pero bago ko pa man yun nagawa ay niyakap nya ako kaya hindi ako nakalingon.

"Bat mo kinakausap ang pintuan? Nababaliw ka na ba?" Tumawa sya ng mahina.

"Reid..."

"Shhh..At tsaka walang pwedeng kumuha nyang kasiyahan mo ng wala ang permisyon ko." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Kaya wag ka ng umiyak.. Hinding hindi ko bibitawan ang kamay na to."

Hindi ko alam pero kakaiba ang kasiyahan na naramdaman ko sa mga oras na yun. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at mas hinigpitan naman ni Reid ang yakap nya sa 'kin.

-----

"Reid.. halika na kakain na." Sigaw ko. Napangiti naman ako nang lumingon si Reid sakin sa di kalayuan at ngumiti. Tumango sya at naglakad papalapit sa akin.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung operahan si Reid. Nasa Jeju Island kami ngayon sa Korea. Napagdesisyunan namin na magbakasyon muna kasama sina Mama at Tita.

"Oh bat ganyan ka makatingin?" Tanong ko ng mapansin kong tinititigan nya ako.

"Tsk." Umiling sya sabay hawak ng balikat ko at pinatalikod ako sakanya.

"Mas bagay sayo yung nakatali ang buhok." Sambit nya sabay suklay ng buhok ko at tinali ito.

Hindi ko namang mapigilan ang sarili kong ngumiti.

"Ang sweet mo naman." Humarap ako sakanya tsaka kinurot ang pisngi nya.

Napapikit sya dahil sa sakit pero tumawa lang ako at tinanggal ang kamay ko.

"Halika na." Hinawakan ko ang kamay nya at naglakad na kami pabalik sa cottage.

"Oh san ba kayo nanggaling. Kanina pa namin kayo hinahanap. Kakain na." Sabi ni Mama pagpasok na pagpasok namin dun.

"Mare naman, hayaan mo na. Alam mo naman yang mga anak natin. Namiss nila ang isa't-isa. Kailangan din nila ng private time together." Sabi naman ni Tita sabay ngiti sa amin ng nakakaloko.

"Diba Anak? Yiee." Dagdag pa ni Tita sabay kurot sa tagiliran ni Reid.

"Yah! Ano ba yang pinag-iisip mo Ma? Naglibot libot lang kami." sagot ni Reid sabay kamot sa batok nya.

"Weh? Talaga ba? Wala bang.." ngumuso si Tita sa harapan namin.

"Ma naman! Ano ka ba! Wala! Ugh" Napatakip ng mukha si Reid dahil sa hiya. Ako naman ay tawa lang ng tawa habang tinitingnan ang namumulang mukha ni Reid.

"Oo na. Oo na. Tsk defensive. Ayan, kain na kayo." Sabi ni Tita habang hindi parin nawawala sa mukha nya ang nanunuksong ekspresyon.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Reid na mag grocery.

"Huh? Bat tayo maggogrocery? Eh wala pa naman tayong kailangan na wala dito." Nagtataka kong tanong.

"Wala lang. Gusto ko lang" sagot nya sabay kindat at tawa ng mahina.

Sobrang layo ng Market kaya medyo natagalan kami. Pero pagdating namin dun ay narealize ko na worth it naman. Kahit market nila ay mukhang tourist spot. Ang ganda.

"Aray." Bigla kong natapakan yung sintas ng sapatos ko kaya natumba ako. Lumingon lingon pa ako sa paligid para siguraduhin na walang nakakita.

Tumayo ako at nagkunwaring walang nangyari pero paglingon ko ay laking gulat ko na nandun pala si Reid sa likod, pinagtatawanan ako.

"Ang saya mo ah." Sabi ko sabay irap.

Umiling lang sya at lumuhod sa harapan ko tsaka tinali ang sintas ng sapatos ko.

"Paglagi kang ganyan ka careless, nag-aalala ako baka.." bigla syang napatigil.

"Basta. Mag-ingat ka nga lagi" sabi nya sabay pitik ng noo ko.

"Aray!" Sigaw ko naman sabay himas nung parteng pinitik nya.

"Neo babo ee-eh-do, sarang hae." [You're stupid but i love you.] Sambit nya sabay kurot ng pisngi ko.

"Huh?" Napakunot ako ng noo. "Nakapunta ka lang ng Korea, feeling kdrama oppa ka na."

"Hoy." Pinitik nya ulit ang noo ko.

"Ugh ano ba!"

"Half korean kaya ako." Sabi nya sabay lakad papalayo.

"Edi wow." Bulong ko sa sarili at naglakad na din ako para sundan sya.

Laking gulat ko nung paglapit ko sakanya ay bigla nya akong binuhat at pinasakay sa cart.

"Hoy, ibaba mo nga ako dito!"

"Aish, dyan ka lang. Marami pa namang gwapong korean dito, baka maagaw ka pa sakin." Sagot nya.

Tumawa naman ako at hinayaan na lang sya.

"Gusto ko yan! Tsaka ito din! Tsaka ito!" Sabi nya sabay lagay ng limang pack ng ibat-ibang klase ng noodles.

"Hoy, may balak ka bang magpatayo ng restaurant? Sigurado ka bang mauubos mo toh lahat?" Tanong ko.

"Ye noona." [Yes, older sister] sagot nya.

Noona... Hmmm

"Hoy!" Kinurot ko sya sa tagiliran. "Anong noona? Mas matanda ka kaya sakin."

Nanlaki ang mga mata nya sabay tawa ng malakas.

"Bumaba ka na dyan." Utos nya.

"Huh bakit? Ayaw mo na mag grocery?" Tanong ko.

Umiling sya. "Nagbago na yung isip ko. Ice cream nalang tayo."

Agad naman akong pumayag. Para kaming mga bata na nag unahan papunta sa isang ice cream parlor.

"Anong flavor nyang sayo?" Tanong nya.

"Vanilla." Sagot ko.

"Patikim nga."

"Aish, ayoko---ugh!" Bago pa man ako makatanggi ay hinila nya ang kamay ko papunta sakanya sabay kain ng ice cream ko.

"Sarap hahaha."

Gusto ko namang makaganti kaya hinila ko din ang kamay nya at kinain din yung ice cream nya.

"Masarap nga. Haha"

Ngumuso naman sya sabay irap. Ang unfair nya talaga, gusto nya ako nalang lagi nagshishare.

Bigla kaming natahimik ng may dumaang couple sa harapan namin na nagbabike.

"Biking tayo, Jayla Gei." Pakiusap ni Reid.

"Rei----"

"Sige na!" Nagpout sya habang nagpapuppy eyes.

Agad kaming nagrenta ng bike at nagbiking. Nilibot namin ang mga magagandang tanawin sa Jeju.

Nakipag racing pa si Reid sakin pero syempre ako nanalo. Ewan ko sakanya pero ang bagal nya talaga. Oh baka sinadya nya yun. Ah basta, ako yung nanalo.

Napagpasyahan naming tumigil muna sa isang puno.

Dinukot ni Reid ang cellphone nya sa bulsa. Napakunot naman ako ng noo ng nagpatugtog sya.

Laking gulat ko ng bigla akong hinila ni Reid. Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ito sa balikat nya. Nilagay naman nya ang kamay nya sa bewang ko. Nagsimula kaming gumalaw. Pinikit ko ang mga mata ko at inenjoy lang ang moment.

🎵When I close my eyes
I see me and you at the prom
We've both been waiting so long
For this day to come
Now that it's here
Let's make it special (I'm here tonight)

So many thoughts in my mind
The DJ is playing my favorite song (favorite song)
Ain't no chaperons (chaperons)
This could be the night of your dreams

Only if you give, give your first dance to me
Girl, I promise I'll be gentle
I know we gotta do it slowly
If you give (give it), give the first dance to me (give it)
I'm gon' cherish every moment
'cause it only happens once, once in a lifetime🎵

Sobrang tahimik ng paligid. Wala kaming ibang ginawa kundi sumayaw. Hindi ko kailanman naranasan ang ganito. Hindi kasi ako umattend nung prom namin dati.

🎵I couldn't ask for more
We're rocking back and forth
Under the disco ball
We're the only ones on the floor (I'm here tonight)

So many thoughts in my mind
The DJ's playing my favorite song (favorite song)
Now we're all alone (all alone)
Here's the opportunity

Only if you give, give your first dance to me
Girl, I promise I'll be gentle
I know we gotta do it slowly
If you give (give it), give the first dance to me (give it)
I'm gon' cherish every moment
'cause it only happens once, once in a lifetime🎵

Hinalikan ni Reid ang noo ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

Humiga kami sa damuhan at ginawa kung unan ang braso ni Reid.

"Ang saya saya ko ngayong araw." Sabi nya.

Tumango ako. "Ako din Reid."

Natahimik kami ng ilang minuto. Pinagmasdan lang naming dalawa ang mga stars sa langit.

"Jayla Gei..." hinawakan nya ang kamay ko. "Mahal na mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan yan ha?"

Tumango ako.

"Wag mong pigilan ang sarili mo na maging masaya. Gawin mo ang lahat ng gusto mo na makakapagpasaya sayo. Makita lang kitang masaya, masaya na din ako."

Tumango ako ulit. Pinunasan naman ni Reid ang luha sa pisngi ko.

"Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sayo.. Ha?"


"Mahal na mahal din kita Reid." Sabi ko.

"Bwiset?" Sambit nya.

"Bwiset." Sagot ko naman.

"Jayla.." nakita kong tumulo ang luha ni Reid. "Inaantok na ako." Pinikit nya ang mga mata nya.

Tumango ako habang tinititigan sya. Tinakpan ko ang bibig ko para di marinig ni Reid ang hagulhol ko. Gusto ko syang pigilan pero alam kong wala akong magagawa. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero kahit ganun, hinding hindi ko pinagsisihan na nakilala ko sya. He will always be worth the pain. Kahit sa konting panahon na nagkasama kami, alam kong minahal namin ang isa't isa at parehos kaming naging masaya. Alam kong hinding hindi sya mawawala sa puso't isipan ko.



"Sige. Pahinga ka na Reid. Mamimiss kita. Sleep well."







Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...