Zenna: The Temptress

By currentlyinlove

149K 3.1K 538

Serina Liamzon had two versions: the "good-girl" Serina who is desperate to earn her mother's affection, and... More

story & character aesthetics
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
36
37
38
39

34

1.3K 45 19
By currentlyinlove

"You said yes!?" gulat na tanong sa akin ni Lewis.

Tumango ako sa kanya.

Matapos ang nangyari kagabi, hinatid ako ni Azen sa bahay nila Lewis. Gulong-gulo ako noong gabing iyon kaya hindi ko na naikwento ang mga nangyari. Pero ngayong nakatulog na ako, nagawa ko nang sabihin lahat kay Lewis. Even the fact that I agreed to be Azen's girlfriend.

"So, anong nararamdaman mo? Kinikilig ka ba? Masaya ka ba? Ano?"

Napakagat ako ng labi dahil sa sunod-sunod na tanong niya, "I think I'm kinda happy."

"You think?" She repeated with a skeptical look, "Wait... Don't tell me na ginagawa mo lang panakip-butas si Azen?"

Para akong sinaksak ng mga salitang iyon ni Lewis. Oo, aaminin ko na hindi pa ganoon kabuo ang desisyon ko. Napa-oo ako kay Azen nang biglaan kahit na magulo pa ang isip ko. Pero kahit na hindi ko naman talaga intensyon na gawin siyang panakip-butas, nakakaramdam ako ng guilt.

"Masaya naman ako kay Azen, Lew. Nagkakasundo kami. Kung hindi ko lang nakita si Cloud, malamang masaya ako sa desisyon ko. Pero hindi, eh... Nakita ko siya, tapos ginulo niya na naman ang utak ko."

"Kung gano'n, bakit ka pumayag?"

Napaiwas ako ng tingin kay Lewis, "I don't know... It's just that, I feel safe with him. He comforts me and he takes all the pain away... I just think that I'm better off with him."

Sandali kaming pinalibutan ng katahimikan. Hindi sumagot si Lewis sa sinabi ko at hindi na rin naman ako nagsalita. Maging siya ay naguguluhan sa akin. Pero makalipas lamang ang ilang sandali ay binasag niya na ang katahimikang iyon.

"Then I think that you're not doing something wrong."

Mabilis akong napalingon sa kanya nang sabihin niya iyon. Hindi kasi iyon ang inaasahan kong sasabihin sa akin ni Lewis. Kilala ko siya bilang isang prangka na tao. Kapag sa tingin niya ay mali, sasabihin niya kahit na masaktan pa ang pinagsasabihan niya. Kaya akala ko ay pagsasabihan niya ako, pero hindi...

"Kung sa tingin mo na mas makakabuti siya sayo, edi panindigan mo. Kung nawawala ang lahat ng sakit kapag kasama mo siya, edi h'wag mo siyang iwan. Nakikita ko naman na masaya ka sa kanya, Z. Noong nawala si Cloud, siya lang ang nakapagpabago sa'yo kaya naniniwala akong wala kang ginagawang masama."

Hanggang sa pumasok kaming dalawa ni Lewis sa trabaho, nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. I guess she's right. Ako nalang ang hindi pa nakakamove-on sa mga nangyari. Sila Cloud at Alexis ay parehas nang masaya, kaya bakit hindi pwedeng ako rin?

Pagkarating namin sa agency ay hindi mapakali ang mga staff pati na rin si Star. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero malakas ang kutob kong may problema. Kaya naman nang makalapit kami ay tinanong agad namin siya.

"Star, anong nangyayari? May problema ba?"

Nang lumingon si Star sa amin ay halatang stress na stress siya. Kunot ang mga kilay niya at nakasimangot pa. Kahit na hindi niya pa kami sinasagot ay parang nakumpirma na agad naming may problema nga.

"Oo, malaki ang problema natin! Iyong ibang models na naka-assign sa photoshoot sa Batimor, hindi raw makakapunta!"

"Batimor?" Lewis asked, ignoring the real problem.

"Isang isla malapit lang din sa Boracay, but that's not the problem! 'Yong mga models!"

Nilingon ko si Lewis. May naiisip akong solusyon, hindi ko nga lang alam kung pupwede.

"Sino-sino ba ang hindi makakapunta?"

Nilingon ako ni Star, "Iyong mga bago lang naman."

"How about the boys?" singit naman ni Lewis.

"Isang collaboration ang shoot kaya ang mga lalaki ay galing doon sa agency na kausap namin."

"Kung ganoon, edi isali mo kami ni Lewis."

Nanlaki ang mata ni Star sa sinabi ko, gulat na gulat sa hindi ko malamang dahilan. Habang si Lewis naman ay mukhang inasahan na iyon kaya hindi na nagsalita at tumango na lamang.

"Talaga!? Papayag kayo!?"

"Yeah, sure. Why not?"

"Well, maliit lang kasi ang bayad. Tsaka kailangang mag stay doon for 3 days kaya nga iyong ibang models ay hindi pwede kasi may pasok."

Lewis snorted that made Star turn to her, "Pasok lang yan, Star! Makakapasa naman kami ni Z kahit mawala kami ng tatlong araw!"

"Really!? Then it's settled! Sasama kayo, wala nang bawian!"

At ganoon nga ang nangyari. Kinabukasan ay sinama kami ni Star sa shoot maging ang ilan pang mga babaeng models. Sakay kami ng isang van papunta sa airport pagtapos ay eroplano naman papunta ng Aklan.

"Ang alam ko puro babaeng models lang, eh. Bakit nga ba kasama ka, Red?" tanong ni Lewis nang makarating na kami ng Kalibo International Airport.

Syempre hindi pwedeng hindi ako magpaalam kay Azen kaya naman nikwento ko sa kanya ang lahat. Noong una ay nag-aalangan pa siya pero bandang huli ay pumayag din.

"Hindi naman pwedeng hayaan kong mag-isa rito ang girlfriend ko, 'di ba?" sagot niya naman pagkatapos ay inakbayan ako.

"Ano bang tingin mo kay Z? Bata?"

"Mabuti nang sigurado. Baka pormahan pa 'to ng mga models sa kabilang agency, eh."

Napailing na lang ako sa kanila. Though it's unnecessary for Azen to come with me, hindi ko rin naman maipagkakaila na masaya akong nandito siya. Siguro, pwede rin naming ituring na bakasyon itong shoot para mas mapalapit pa kami sa isa't isa.

Nang makuha na ng lahat ng mga gamit namin, naglakad kami palabas ng airport kung saan may naghihintay na malaking van. Doon naman kami pinasakay hanggang sa makarating kami sa isang bayan, kung saan naman sasakay kami ng bangka para makarating sa Batimor.

At kagaya ng Boracay, napakaganda rin ng Batimor. Not only because of it's white sand and clear waters, but also because of it's gorgeous hotels. Kahit na hindi pa kami nakakapasok, nararamdaman ko na agad na napakaganda ng loob noon.

"Ok, hintayin na lang muna natin dito ang iba pa nating kasama. Ang sabi ng kabilang agency ay malapit na sila." ani Star kaya naman tumigil kaming lahat sa tapat ng hotel.

Kanya-kanya nang bulungan ang mga kasama namin. Ang iba ay curious sa mga makakasama naming models na galing sa ibang agency, pero halos lahat ay kinikilig dahil may makakasalamuha silang iba bukod sa mga models ng agency namin.

"Ano, Red? Kinakabahan ka na ba? Parating na raw 'yong ibang models." pang-aasar na naman ni Lewis kay Azen.

"Don't be stupid, Lewis. Alam ko naman na mahal ako ni Z. Hindi ba?"

Gusto kong magjoke at sabihin kay Azen na ang kapal ng mukha niya, pero iyong tingin niya sa akin ngayon ay sobrang nakakapanlambot na hindi ko man lang nagawang sumagot. Imbis isang tango ang ginawa ko bago mahinang natawa.

"See?" He bragged.

Halos wala kaming ginawa doon kung hindi ang mag-asaran hanggang sa may dumating na na panibagong bangkay. Puno iyon ng mga lalaki kaya naman doon palang ay nalaman na namin na iyon na ang ibang models.

Pinasadaanan ko ng tingin ang lahat ng nandoon at naningkit ang mata ko nang may mamukhaan ako.

"Z! Si Ethan, oh!" naunang sinabi ni Lewis.

I knew it! Si Ethan nga iyon!

"Ethan?" tanong naman sa akin ni Azen.

"He's a friend of ours."

Tumango si Azen. Lumapit naman sa amin si Ethan pagtapos ay binati kaming tatlo. Sandali pa siyang nakipagkwentuhan sa amin kaya naman hindi na namin namalayan ang isa pang bangka na dumating sakay ay ilan pang models galing sa kanila.

"Hindi pa pala kayo kompleto?" tanong ko nang mapansin ang panibagong batch ng mga lalaking palapit sa amin.

"Oo, marami kasi talaga kami."

Nagpuntahan na rin ang mga bagong dating sa kung nasaan kami. Karamihan na doon ay mga photographer at staff. Hindi ko na dapat sila pagtutuunan ng pansin, pero hindi ko na nagawang lumingon sa iba nang may mapansin akong pamilyar na tindig.

Kagaya ng huli kong pagkakakita sa kanya, ganoon pa rin ang kanyang katawan. Nakasuot siya ng white v-neck shirt na tinernohan naman ng khaki shorts. Sa tabi niya naman ay isang babae na nakasuot ng bohemian dress. Masaya silang nag-uusap habang naglalakad, pero nang magtagpo ang tingin naming tatlo ay nahawa sila sa reaksyon ko ngayon.

"Z-Zenna?" hindi makapaniwalang sinabi ni Alexis.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Azen sa kamay ko. Dahil doon ay natauhan ako at unti-onting narealize ang sitwasyon.

"Z..."

I smiled at Cloud when he called me.

Who would've thought, na kasama pala siya sa shoot na to...

~ ~ ~

Feeling ko walang kwenta yung update na to hahaha. Bawi ako sa next chap! ;)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
284K 8K 33
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.3M 30.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...