Rise of the Warriors

By rhiiicamae

275K 8.2K 249

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... More

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(16) Back-out
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(29) Letting Go
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(56) First Quarrel
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(63) Killer of her Lover - Part II
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(72) Revealed
(73) The First Goodbye
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(49) She Fell

2.7K 94 4
By rhiiicamae

Raxelle's P.O.V

Naalimpungatan ako ng makaramdam ng lamig na dumampi sa aking balat. Pakiramdam ko, nagtaasan lahat ng balahibo ko. Isa ito sa pagsubok na kinahaharap ko dito sa kweba. Kulang sila sa gamit kaya pati kumot wala sila. Hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito kundi pati na rin ang mga taong nandito.

Kapag dumadating ang madaling-araw, sobrang lamig ang tinitiis nila, iba sa kinalakihan nila na may makapal na balabal o kumot ang yumayapos sa kanila.

"Ang lamig." Half awake na sabi ko. Nakaramdam ako ng isang bagay na dumantay sa braso ko. Isang malaking bagay na bumalot sa katawan ko. Dahil dito, hindi ko na gaanong maramdaman ang lamig.

---

"Raxelle...Raxelle..."
"Hmmmm?" Ang ingay.
"Gising na."
"Hmmmm?" Sa halip na makarinig ako ng tugon mula sa kanya, nakaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa aking noo. Eroplano ba yun? XD (Nagjoke ako. Tumawa kayo. -____-)

Dahil medyo nacurious ako kung eroplano ba yun... (Nagjoke ulit ako, tumawa na kayo -___-#...I slowly opened my eyes. Hindi ko siya ganung maaninag dahil bahagya lamang nakabukas ang aking mata.

"Good Morning Raxelle. I Love You!" Si Jed...inaantok pa ako.
"I Love You Too!"
"A-ANO?" Tanong niya sa akin habang kinukusot ko aking mata atsaka siya deretsong tiningnan.

O/////O Ganyan itsura niya. Bakit? Anong meron?

"Anyare sayo?"
"U-ulitin mo nga yung s-sinabi mo."
"May sinabi ba ako?" Inaantok pa talaga ako. Lutang pa rin ako ee
"Oo yung ano..."
"Yung?" Pero bago pa siya nakasagot. para akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. Waaaaa. Naalala ko na. Sinabi ko ba yun? Waaaa. Akala ko nananaginip lang ako. Waaaa. "W-wala naman akong s-sinabi aa."
"Meron. Yung ano..."
"H-hala siya. Wala akong sinabi. Nananaginip ka lang ata."
"Hindi. Dinig na dinig ko sabi mo I Lov-" Bigla kong tinakpan ang bibig niya at saka siya sinimangutan.
"Wala akong sinabing ganyan. Bumangon ka na at lumabas. Bilis." Sabay tulak sa kanya.
"Wala nga ba?" Nagtatakang sabi niya sa akin. Waaaa. Leche to.
"Oo. Wala. Kung ano ano kasing pumapasok jan sa isip mo. Atsaka, haler. Feeling mo ha."
"Pero parang sinabi mo talaga yun. Dinig na dinig ko ee." Isa pa... tatamaan na to sa akin.
"WALA NGA SABI AKONG SINABI. UMALIS KA NA NGA DITO." Sabay tulak ko sa kanya palabas ng kwarto at malakas na isinara ang pinto.

Tatae-tae kasi. Bakit ko ba sinabi yun? Baka kung anong isipin ng mokong na yun. Waaaa. Ang puso ko. Ang bilis ng tibok. Pero... bakit ko nga ba sinabi yun? Hindi kaya....

---

"Kain ka lang ng marami ha. Ampayat mo na kasi."
"Wow ha. Ang taba mo. Magkasing laki lang tayo oh."
"Sinasabi ko lang na kumain ka ng madami. Hindi ko naman ipinagmamalaki yung katawan kong maraming ABS."
"Abs? Ni isa nga wala akong makita."
"In denial ka lang"
"Kahit maghubad ka pa ngayon, ituturo ko sayo yang tiyan mong flat."
"Galit ka na niyan?"
"Nah. Just stating the mere fact."
"bakit ang sungit mo?"
"bakit ang yabang mo?"
"Kaya ka siguro ganyan dahil sa sinabi mo kanina." Napalaki ang mata ko at saka tinusok ng sobrang diin ang ulam namin ngayon. "Oh! Patay na nga yung manok, idodouble dead mo pa."
"Anu bang pake mo?"
"Marami akong pake sayo."
"Pwes ako ang wala."
"Sus. Halikan kita jan ee."
"The F. Ewan ko sayo." Kumain na lang ako kesa makipag-usap pa sa close-minded na lalaking ito. Kakainis. Kanina pa nya inuulit-ulit sakin yung sinabi ko daw kanina. Ewan.

"MGA KASAMAAAAAA."

O_____O siguro kung may mas lalaki pa sa matang ganyan, ganun ang mata namin ngayon dahil sa isang kasamahan ni Yaya na duguan at puno ng sugat. Anong nangyari?

"Brando anong nanyari sayo?" Mangiyak-ngiyak na sabi ng isa sa kasamahan ni Yaya habang nakaalalay dito. Base sa kilos niya, siya siguro ang asawa ng mamang nagngangalang Brando.
"Julia, malapit dito ang isang Grupo ng Black Army. Natunton nila ako malapit sa lawa habang nangingisda. Kinuwa nila ang mga isdang nahuli ko at nung ayaw kong ibigay sa kanila, sinaktan nila ako. Julia, maaaring, nasundan nila ako dito."

Sari-sari ang mga naging reaksyon ng mga kasamahan ni Yaya.

"Ano daw?"
"Pano na tayo ngayon?"
"Natunton na tayo ng Black Army. Anong gagawin natin?"
"Wala na tayong takas ngayon."
"Hanggang dito na lang ba tayo?"

Nag-akapan. Umiyak. Nagalit. Nataranta.

Ilan lang yan sa mga naging tugon nila sa masamang balita. Yung kaninang masayang salo-salo tila biglang naging isang bangungot.

"Yaya..."
"Huwag kayong mag-alala Raxelle. Ligtas tayo dito. Alam kong hindi matutunton ng Black Army ang kwebang ito."
"Ya..." Halata kay Yaya na miski siya ay natatakot sa maaaring kalabasan nito. Kahit anong gawin niya subok na papanatagin ang kanyang loob, mababakas mo pa rin ang kaba at takot sa kanya.

Lumayo ako sa kanila at hinila si Jed sa isang tabi.

"Anong gagawin natin?" Tanong niya sa akin.
"Hindi natin sila pwedeng hayaan na matunton ng Black Army. Ito na lang ang lugar na pwede nilang tirahan. Pati ba naman ito mawawala din sa kanila? Hindi ako makakapayag Jed kaya..."
"Kaya..."
"Susubukan ko silang pigilan. Lalabas ako at kakalabanin sila. Anu pat naging Warrior ako kung sa pagkakataong ito, hindi ko ito mapapakinabangan."
"Sasama ako Raxelle." Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Alam kong sasabihin mo yan. Isa ka ngang matapang na nilalang Jed."
"Hindi lang naman iyon ang dahilan."
"Ano pa?"
"Hahayaan ko ba namang mapahamak ang buhay ko?"
"Jed..."
"Hindi ko hahayaan na masaktan ka Raxelle kaya poprotektahan kita kahit ikamatay ko pa." Mapataman akong tumingin sa kanya at mababakas mo sa kanya na seryoso siya sa mga sinabi niya.

Napagdesisyunan namin na lumabas pareho ng kweba at subukang pigilan na makalapit dito ang Black Army. Pero kagaya ng inaasahan ko, hindi pumayag si Yaya Felly.

"Ya, huwag kayong mag-alala sa akin. Kaya ko na ito. Kung anu-ano na ring pagsubok ang pinagdaanan ko kaya sanay na ako sa gantong sitwasyon."
"Pero Raxelle..."
"Hindi kami mapapahamak Yaya. Sinisigurado ko yan. Babalik kami ditong may dalang magandang balita."

Ibinahagi sa amin ng ilan sa mga kasamahan ni Yaya ang mga sandatang itinatago nila. Ito raw muna ang gamitin namin para hindi agad maubos ang aming enerhiya.

"Babalik ako Ya. Imortal ako. Kaya kahit anong gawin nila sa akin, hindi ako mamamatay. At sisiguraduhin kong ganun din ang mangyayari kay Jed. Magiging ligtas kami pareho."
"Mag-iingat kayong dalawa."
"Sige po. Hintayin nyo na lang po ang pagbabalik namin."

Tahimik kaming lumabas mula sa kweba at bago pa man kami tuluyang umalis.

"No deje que el enemigo encontrar este lugar. Hechizo de protección."(Don't let the enemy find this place. Protection Spell.)

Bahagyang nagkaroon ng liwanag at duon lumabas ang transparent aura na bumalot sa kabuuan ng kweba. Makakatulong ito. Hindi maaaring makita ng Black Army ang buong kweba dahil sa Invisibility Spell na inilagay ko dito. At kahit makita pa nila ito, hindi silang maaaring makapasok kahit na subukan pa nila itong gibain dahil sa Protection Spell na nandito.

"Tara na Jed."
"Sige."

Nagsimula na kaming hanapin kung nasang lupalop na ang Black Army at kapag natagpuan na namin sila, dun namin sila susubukang ubusin lahat. Yun naman talaga dapat ang nangyayari sa mga kagaya nila. Walang puwang sa mundo para sa mga demonyong kagaya nila.

Lampas 30 minuto na kaming naglalakad ni Jed ng makirinig kami ng nga kaluskos malapit sa amin.

"Nandito na sila." Pabulong na sabi niya.

Automatic kaming nagtago sa itaas ng puno at tama nga siya. Nandito na ang Black Army.

Sampong miyembro ng Black Army ang nakatayo malapit sa punong pinagtataguan namin at halata sa kanila na may hinahanap sila.

Ito ang Pangalawang Beses na makita ko sila. Ang unang beses ay nung inatake nila kami sa aming bahay.

Upang simulan ang pag-atake sa kanila, ginamit ko sa unang pagkakataon ang kakayahan kong kontrolin ang pagkilos nila.

Nagkatinginan muna kami ni Jed at duon ako sumenyas na simulan na ang pag-atake sa kanila.

Tahimik akong bumaba sa puno at mabilis na tumakbo papalapit sa kanila.

Napansin ako ng iba sa kanila at kaagad silang naghanda sa pag-atake ko. Worst. Hindi nila magagamit ito laban sa akin. Distant Attack ang gagawin ko kaya kahit maghanda sila, walang itong magagawa.

Bigla akong tumigil sa pagtakbo at bumuga ng kulay itim na hangin patungo sa posisyon nila. Langhapin nyo lahat yan. Sinisiguro ko, magugustuhan nyo yan.

Kagaya ng inaasahan, isa-isang nagbagsakan ang mga kalaban. Paralyzation. The ability to make (a person or animal) unable to move or feel all or part of the body.

Naglakad ako papalapit sa kanila sa pag-aakala na lahat sila'y hindi nakakagalaw kaya laking gulat ko ng isa sa kanila ang nakagalaw at nagawa akong atakihin gamit ang sandata niya.

"AAAAA." Sheeez. Natamaan ako.
"RAXELLE"
"Walanghiya ka." Inilabas ko agad ang sandata na ipinahiram sa akin at agad na itinarak sa puso ng Black Army na nasa harapan ko. Bigla itong naging abo at kasabay nito ang pagluhod ko sa lupa.
"Raxelle." Tumakbo palapit sa akin si Jed at agad akong inalalayan. "May sugat ka."
"Maliit lang to Jed."
"Maliit? Mabilis ang pagkalat ng dugo sa damit mo kaya ibig sabihin nun, malalim at malaki ang sugat na yan."
"Malayo to sa bituka Jed. Hihilom rin ito."
"Malayo sa bituka? Kung naiba ang pwesto mo baka hindi ka lang niya diyan natamaan. Baka sa mas maselang parte pa ng katawan mo. Pano kung nangyari yun? Anong mangyayari sayo?"
"Jed imortal ako. Kaya kung sino man ang kailangang maingat dito, hindi ako yun Jed, ikaw. Kaya huwag mo akong alalahanin, kaya ko na ang sarili ko."
"Tama ka Raxelle. Pero sana, ingatan mo ang sarili mo. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mawawala ka." Bahagya akong ngumiti sa kanya at hinawakan sya sa balikat.
"Huwag kang mag-alala Jed, hindi kita iiwan."
"Arrrrrrrr." Natigil kami ni Jed sa pag-uusap ng marinig namin ang pangit na pag-ungol ng Black Army.
"Nawala na ang epekto ng kapangyarihan ko sa kanila Jed. Kailangan na nating kumilos."
"Tapusin na natin to."

Naghanda kami ni Jed at sabay na umatake sa kababangon lamang na miyembro ng Black Army.

Should take the opportunity habang hindi pa nakakarecover ang ibang bahagi ng kanilang katawan sa pagiging paralyze.

"Jed sa likod mo." Agad na nakailag si Jed at sinaksak ang Black Army na sumugod sa kanya.

Atake dito. Atake duon. Minsan gumagamit din kami ng kapangyarihan sa sitwasyon na hindi sila kaya ng sandata.

"Raxelle tabi." Bahagya niya akong itinulak at duon biglang lumabas ang naglalagablab na apoy mula sa kamay niya. Sinunog nito ang ilan sa mga Black Army at sa pagkakataong ito, ako naman ang kailangang kumilos.

Telekinesis. Immitation of Power. Paralyzation. At kung anu ano pang kakayahan ko ang nagamit sa kanila.

Hindi sila madaling tapusin pero dahil sa team work na nabuo sa pagitan namin ni Jed, natalo din namin sila.

"Tapos na rin sa wakas."
"Makukunat ang Black Army. Mahirap silang kalabanin."
"Kasing kunat ng pinuno nila. Ganyan ata talaga kapag mga demonyo, kung hindi pipiliting mawala, hindi maaalis dito sa mundo." Tumayo na ako nun at naghanda na para bumalik sa kweba ng biglang kumirot ang sugat ko. "Aaa." Sheeez.
"Raxelle yung sugat mo dumudugo na naman."
"May benda ka ba jan Jed?" Sinubukan niyang maghanap sa gamit na dala niya pero wala siyang nakita. Nagulat ako nung bigla niyang tinanggal ang manggas ng suot nyang damit at itinali ang bawat dulo nito.
"Eto na lamang Raxelle. Wala kasi akong bendang dala."
"Bakit mo sinira ang damit mo? Ayos lang naman kung wala kang maibigay sa akin ee. Pano kung lamigin ka? Nagsisimula ng mag-iba ang temperatura dito dahil maggagabi na. Sana inisip mo muna ang sarili mo bago mo yun ginawa."
"Okay lang yun Raxelle. Basta para sayo."
"Jed naman kasi ee. Puro na lang ako ang iniisip mo. Isipin mo naman ang sarili mo. Hay nako. Akin na nga yan." Sinubukan kong itali ang ginawa niyang benda paikot sa sugat ko upang mapigilan nito ang pagdurugo pero nung nakita niyang medyo nahihirapan ako, nagvolunteer na siyang gumawa nito.
"Iyan kasi. Huwag ng pilitin ang hindi kaya, nahirapan ka pa tuloy."
"Nakakainis ka kasi ee."
"Oh? Bakit naman?"
"Alagaan mo naman ang sarili mo. Palagi na lang ibang tao ang inuuna mo ee."
"Aysus, nag-aalala ka lang sa akin ee."
"Syempre naman no. Mahalaga ka rin sa akin ee."
"Mahalaga?"
"Oo. Kayong Exceptional Learners, lahat kayo mahalaga sa akin." Bigla syang tumawa nun at ginusot ang buhok ko.
"Pinaasa mo naman ako Raxelle ee."
"ha?" Ano daw? Anong ginawa ko?
"Wala haha"
"Tsssk. Tawa ka pa diyan. Basta. Dapat sa susunod, unahin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Isipin mo muna kung maganda ba ang maidudulot ng gagawin mo sayo o hindi bago mo gawin."
"Kung para lang din naman sayo ang gagawin ko, hindi na ako mag-iisip pa." Pinalo ko siya nun sa balikat kaya medyo napwersa ang sugat ko.
"Awww. Yung sugat ko."
"Ayan kasi. May pagpalo pa."
"Nakakainis ka kasi ee. Puro na lang ako, ako. Alagaan mo ang sarili mo at pahalagahan mo ang buhay mo. Tsssk."
"Yun na nga ang ginagawa ko. Pinangangalagaan ko ang buhay ko."
"Pinangangalagaan?! Hindi no. Pinapabayaan kamo."
"Kaya nga kita pinoprotektahan at inaalagaan dahil ayokong mawala ang buhay ko dahil ikaw yun Raxelle. Ikaw ang buhay ko."

Biglang nag-init nun ang mukha ko habang mabilis na tumitibok ang puso ko. Si Jed kasi ee.

"Uy nagbablush ka oh." Sabay pisil niya sa pisngi ko.
"Wag ka nga. Banat ka kasi ng banat. Hinay hinay naman."
"Ayiiieee. Bakit? Kinikilig ka?"
"Kinikilig?! Mukha mo."
"Gwapo."

Aist. Dumali na naman si Yabang. -___-

Bahagya kaming natahimik nun kaya iniikot ko muna ang tingin ko sa paligid namin. Ang tataas ng mga puno dito. Kung tutuusin, napakaaliwalas ng lugar na ito pero dahil sa Black Army at kay Guido nagiging magulo. Dapat na talaga silang mawala para tahimik na ang lahat.

Nakaramdam ako ng bagay na dumantay sa marka ko sa may bandang leeg at duon ko nakita ang seryosong mukha ni Jed habang mataman na nakatingin sa Marka sa akin ng halimaw na nakalaban ko sa Chasing Midnight.

"Raxelle patawad kung hindi kita nagawang protektahan laban sa halimaw na yun. Sobrang hirap ng dinanas mo mula sa mga nakalaban mo sa Chasing Midnight. Patawad kung inakala kong wala ka na ganung nandun ka pala, lumalaban na mag-isa. Sana ako na lang ang kinuwa ng Chasing Midnight para hindi mo nakuwa ang markang ito." Nakokonsensiya si Jed at naaawa sa akin. Bakas din ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nya. Kinuwa ko ang kamay niyang nakadantay sa marka ko at mahigpit itong hinawakan.
"Huwag ka ng malungkot Jed. Tapos na yun. Kalimutan na natin lahat ng nangyari at maging masaya na lamang. Huwag mo ring sisihin ang sarili mo at huwag kang humingi ng tawad dahil hindi mo kasalanan ang lahat. Pare-pareho nating hindi ginusto ang mga nangyari."
"Pero Raxelle ipinapangako ko, hindi na mauulit ang mga nangyari nuon dahil hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Kung kukunin ka man ulit ng Chasing Midnight, sisiguraduhin kong kasama mo ako. Pangako ko sayo na hinding hindi kita hahayaang masaktan."
"At ipangako mo rin sa akin na hindi mo rin hahayaang masaktan ang sarili mo dahil pagnangyari yun Jed, para na rin akong nasaktan."
"Raxelle..." Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko pagdating sa kanya. In denial pa ako ng una dahil akala ko wala lang to pero nagkamali ako. Tama nga siya. Hindi madaling pigilin at alisin ito. Hindi nga naman natuturuan ang puso dahil parang may sarili buhay ito.
"Gawin mo ang lahat Jed upang protektahan ang sarili ko dahil kung may mangyari man sayong masama..." Magiging cheesy na rin ba ako kagaya niya? Well, no choice. Ginusto kong mahulog sa kanya. "Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa akin." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang kamay ko.
"Aysus. Siguro dahil mahalaga ako sayo."
"Hindi."
"Ha?" Para siyang biglang nabuhusan ng tubig na malamig dahil sa biglaang pag-iiba ng reaksyon niya. Bumitaw ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang mukha.
"Dahil Mahal Kita."

Nanatili kami sa tayo namin na yun ng higit sa dalawang minuto ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at duon nagtama ang aming mga labi.

Nagulat ako sa naging tugon niya pero dahil alam ko na kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa kanya, ipinikit ko na lang ang mata ko at dinamdam ang masayang pangyayaring ito.

Sa paghihiwalay ng aming mga labi, duon bumungad ang magandang ngiti na nagmumula sa kanya.

"Totoo?"
"Aha."
"Hindi na ba ako nananaginip kagaya ng kaninang umaga? Totoong sinabi mo sa akin na mahal mo ako?"
"Oo nga." Nakakatawa siya.
"Mahal mo talaga ako?"
"Oo Jed. Mahal Kita. At hindi ka nanaginip kanina, dahil totoong sinabi ko na I Love You Too, nahihiya lamang akong umamin kaya itinanggi ko yun."
"Sobrang saya ko Raxelle. Akala ko hindi mo ako magagawang mahalin. Akala ko one sided love lang ang meron tayo. Akala ko hindi mo magagwang suklian ang pagmamahal ko sayo. Akala ko..." Upang matigil siya sa pag-iisa-isa ng mga akala nya, hinalikan ko siya at niyakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero agad din siyang nakabawi at niyakap na niya rin ako.
"I Love You Jed."
"Mahal din kita Raxelle. Mahal na Mahal."

Sa dami na ng nagawa niya para sa akin, sigurado na ako na hindi ko pagsisisihan na hinayaan ko ang sarili kong mahalin siya. Napatunayan na niya ang sarili niya sa akin kaya panatag na ang loob ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 799 40
(BOOK 1) Isa si Heirani Ortiz sa naniniwala ng reincarnation. May mga bagay siyang napapanaginipan na hindi niya kayang ipaliwanag ngunit naniniwala...
4.3K 503 71
Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang makita ang hinaharap. Hindi man niya gus...
299K 6.5K 59
Isang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paa...
5K 217 43
Gond. Zaroth. When you enter these places, everything will turn upside down. And your world will be opposite to the world you used to be. It's for yo...