Chapter 11: Living for good? Part 2
<Rain's POV>
"are you leaving again huh??!!!!"
Napatigil ako sa paglakad ko papalayo kanila cyril ng marinig ko nanaman ang tinig ng boses ng aking mahal na pinipigilan akong umalis.
Napangiti ako ng malapad, Wala lang yan rain imahinasyon mo lang yang narinig mo.
Ayokong umasa na pupunta siya rito para pigilan ako dahil masakit ang umasa. Sobra
Umiling iling ako at nagumpisa nang maglakad pero natigilan ulit ako sa sigaw ng parehang tinig ng boses ng mahal ko.
"sheshh, you're deaf! YAH!"
Napabalikwas ako at agad- agad na tumingin tumingin sa likuran ko kung talagang andito siya..
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya na nakasuot ng fitted black jeans at naka jacket siya ng black na above the knee niya na may kasama pang black doll shoes.
Kita ko rin sa mukha niya ang pagod dahil sa malalim na paghinga niya, isama mo pa ang medyo gulo niyang buhok (ng dahil siguro sa pagtakbo?) at pati na rin ang pawisan niyang mukha.
Takte.. ayan kase rain umasa ka pa ayan tuloy may binabalak kananamang hindi bumalik sa canada niyan ehh..
Duwag na kung duwag pero sa totoo lang ayoko talagang sumuko sa kanya. Siguro lang ng dahil sa pagkabigla ko kaya ko ginawa na bumalik sa canada pero feeling ko hindi nanaman matutuloy..
Ngumiti ako sa kanya at sumigaw..
"Paalam mika! mahal na mahal kita tandaan mo yan!"-Buti nalamang ay hindi masyadong matao ngayon ng dahil na rin sa madaling araw na.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay dali dali akong tumalikod ulit sa kanya..
Oo, ginawa ko na ito noon na iwan siya, at ngayon ginagawa ko nanaman.. Ang tanga ko lang..
Pinipigilan kong lumingon dahil alam kong tatakbo ako papunta sa kanya para yakapin siya ng sobrang higpit.
Napatigil ako sa paglalakad ng may yumakap sa akin mula sa likuran..
Wait, wag mong sabihing si mika ito?
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa mga kamay na nakapalupot sa aking baywang para tigilan akong maglakad.
"i- i c-can't l-lose y-you, because you're my best friend"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ok na sana sa may "i can't lose you" part kaso may katudlong na "best friend?"
Sh-t FRIENDZONED.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at humarap ako sa kanya at eto na nga ba ang sinasabi ko ehh..
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"of course you won't lose me because i'm you're freaking inlove best friend."-seryoso kong sabi sa kanya..
Sabi ko na at hindi ko maitutuloy ang pag alis ko ehh.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at tumingin siya ng mata sa mata.
May buong sinsero sa puso ang nakaukit sa mga mata niya na nakakabighani lalo ng puso.
Ngumiti siya at ngayon ay alam kong hindi pilit kundi ang ngiti ng isang tunay na mika.
"so, aalis ka pa ba?"-nakangiting sabi ni cyril..
Magsasalita na sana ako ng biglang sumabat si ralph.
"Nako, si black lang pala ang makakapigil sa iyo ehh, sinayang ko lang tuloy ang napaka precious kongmga luha ng dahil lang sa wala."-pagtatampo ni ralph.
Tumingin ako kay mika na nakatingin naman siya kay ralph..
Hindi pala tingin Nakakamatay na tingin pala ang ipinupukaw niya kay ralph..
"marami kang atraso sa akin, at sisimulan ko nang maningil."napakacold na sabi ni mika at pagkatapos ay nangisi pa siya ng todo.
Napalunok ng sobra si ralph at lumuhod sa harapan namin ni mika.
"s-sorry na miss black! ehh kasi naman ehh naunahan lang ako ng kaba nun ehh.. shori na talaga hindi na mauulit.. Pleasseeee!!"-pagkatapos ay nagbow pa siya sa may sahig na para bang may sinasamba.
Tumawa naman kaming dalawa ni cyril ng malakas..
Uto uto talaga ang lalaking ito kahit kailan..
"tsk."-pagkatapos ay tumingin sa akin si mika na para bang may gustong sabihin..
Pagkatapos ay tumingin siya kay cyril na para bang naguusap sila sa mata..
Tumango naman agad itong si cyril pagkatapos ay itinayo na niya si ralph na parang ewan.. hahaha
"tara na nga iyakin, exempted ka raw ngayong araw na ito at mauna na tayo, maguusap pa sila.."-diretsong sabi ni cyril at hinatak na niya bigla si ralph na nakaluhod ang ulo na parang bata.
Napatawa ako ng mahina pero natigil din agad ng bigla nalang ako nakarinig ng napakalamig na boses.
"we need to talk"-ma awtoridad at malalim na sabi i mika sa akin..
Kinilabutan pa nga ako sa sobrang lamig ng boses niya na nasa freezer.. buti nalang nga kanina ng niyakap ko siya ay hindi ako nagyelo sa sobrang lamig niya ehh.
Tumango ako at umalis kami sa may airport at buti nalang dito sa may bandang gilid ng airport ay may parang garden na pwedeng magbonding ang lahat.
Humarap siya agad sa akin at agad na nagsalita.
"it's not what you think."-cold nanaman niyang saad sa akin.
Nangunot ang noo ko at nangiti bigla..
Ok? so akala niya selos ako? kahit totoo naman. :D
Akala rin siguro niya ay Give up na ako sa kanya.. Hinding hindi ako susuko sa kanya.
"mika, never kitang ginive up ok? at nangako ako sa iyo na i will never let you go hindi ba kaya hinding hindi kita iiwan at lagi mong tatandaan na nandito ako lagi para sa iyo.. kahit hindi man ako ang makasama mo habang buhay ay para sa akin ikaw at ikaw parin ang laman ng puso ko."-pagkatapos ay tinuro ko pa ang dibdib ko.
Ngumiti siya ng kagaya ng kanina.
"at isa pa, kaya ako pupunta ng canada para makapag cool off muna.. :) para ma experience mo rin kung paano magkaroon ng relasyon kasama si rex. kaya kung sakali mang maghiwalay kayo andito ako para mahalin ka.."-pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo niya.
Nagbuntong hininga si mika.
"you really amaze me."-na lalo kong ikinangiti..
Tumingin siya sa akin at agad na sinabing...
"don't ever do that again.."-ma awtoridad nanaman niyang sinabi.
Tumawa ako ng mahina at pinat ang ulo niya..
"parang bumabalik na ata ang dating mika ha? yung mikang MAKULIT!"-sabay tawa ko pa..
Nag Death Glare siya sa akin na ikinatigil ko sa pagtawa at nanginig ang buong katawan ko..
Ok? lumibot ako sa paligid at parang and daming nakatingin sa akin dito sa napakadilim na garden na ito..
Mga poste lamang sa may gilid nito ang nagtatayong liwanag sa dilim dito sa may garden.
Nangisi si mika na para bang may pina planong hindi maganda.
"gusto mo bang ipakilala kita sa mga kaibigan ko dito? yung isa nakatingin sayo ohh nasa likod mo.."-agad naman akong napatingin sa likod ko.. at wala namang tao..
Tinatakot ba ako nitong si mika?
"don't worry may isa pa at binulungan niya ako na gusto ka raw niya at ibigay nalang daw kita sa kanya."-pagkasabi niya non ay agad akong nangingig at hinatak na siya paalis ng nakakapangilabot na garden na yaon.
"mika naman wag mo naman akong tinatakot ng ganyan, kinakabahan tuloy ako sa mga sinasabi mo.."-sabi ko sa kanya habang hawak hawako ko ang kamay niya.
Napatigil kami ng may isang Lamborghini Veneno na sasakyan ang tumigil sa tapat namin pagkatapos ay lumabas ang isang lalaking nakapajama pa pang tulog at spongebob pa na printed.
Natawa bigla ng mahina si mika at kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanya na ikinakirot ng puso ko.
"rex.."-mahina t cold na sabi ni mika.
"sheeessshhh mika! pinagalala mo ako alam mo ba iyon?! tumawag sa akin ang kakambal mo at sinabing naiwan daw kayo rito ni rain at walang magsusundo sa inyo.."-concern na sabi ni rex habang nakayakap siya kay mika ng mahigpit..
"yeah yeah, whhatever spongebob."-pagkatapos ay nakita kong nangisi si mika mula sa pagkakayakap nila at agad na tinanggal ni rex ang pakgkakayakap kay mika pagkatapos ay namula ito..
Napapangiti ako na kahit masakit sa puso ko..
Tumingin sa akin si rex ng seryoso..
"don't worry tol, best friend ko si mika at ikaw ang boyfriend.."-ok aaminin ko masakit!
Ngumiti siya ng tipid at lumapit sa akin para tapikin ang balikat ko..
"thanks tol."-nakangiting sabi ni rex..
"you're welcome spongebob.."-at nangisi rin ako ng malapad.
"SHUT UP!"-sigaw niya sa kin na ikinatuwa ko..
Pagkatapos noon ay sumakay na kami sa sasakyan ni rex at hinatid na ako pabalik sa bahay nila cyril at mika.
Doon muna raw kasi ako magpapalipas ng gabi ng dahil na rin sa nauna ng umalis sila mama at ung susi ng bahay ay dala ni mama..
So, it's a good night or bad night for me??
Ahh, nevermind at least masaya ako dahil pinigilan ako ng mahal kong si mika.
(to be continued...)