She's My Sweetest Drug

Por ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 4

13.2K 182 6
Por ShuperShimmer

(c) Shupershimmer


"Shit!" bulalas ko habang pinagpipindot ang keyboard dito sa pinaglalaruan namin. Kanina pa kasi ako natatalo. Di ako maka-concentrate.

Natawa si Ully na katabi ko. "Haha! Poor guy, dude. You better hide your ass!"

"We're just giving your team a chance, Ully boy!" sabi ko.

In the end, natalo 'yong grupo ko. Nasayang 'yong pusta ko; Php300 din 'yong ambag ko ah. After ng game, umuwi na 'yong iba, tapos kaming tatlo nina Peter, sumabit pa sa fast food chain. Medyo nagutom din kasi kami. Ikaw ba naman ang four hours nakaupo sa harap ng computer. Ewan ko na lang.

Si Ully na lang ang inutusan naming umorder dahil sabi ko, di bagay sakin ang pumila. Wala lang. May masabi lang. Kanina pa kasi ako wala sa wisyo, actually. Di nga ako makausap nang matino eh. Pagdating naman ni Ully, kinuha agad namin 'yong plato tsaka inumin. Walang kaibi-kaibigan ngayon. Gutom kami.

Maya-maya, magsasalita sana si Ully pero di niya natuloy kasi nabulunan siya. Baliw.

"Uh, Affghk!"

"Shit, pare! Uso kayang uminom bago magsalita," sabi ni Peter.

Muntik na nga akong matawa kasi naman namumula si Ully dahil parang di siya makahinga. Katabi niya naman si Peter, kaya binatuk-batukan siya 'nun. Well, if that was the term.

Nung okay na siya, may tinuro siya sa likod ko. "Look, Lawrence,"

"Ano?" After asking, nilingon ko 'yong ulo ko sa likod. Katapat ko kasi si Ully eh. Nanlaki naman agad-agad 'yong mata ko. Of all the places! Jesus.

"Diba yan yon? 'yong babae kanina?"

Binalik ko na lang ulit 'yong atensyon ko sa pagkain habang nakasimangot. "Bilisan niyo nga kumain! Ayokong magtagal dito."

"Awsusss." Sinipa ko 'yong paa ni Ully sa ilalim ng mesa. "Argh. Chill!"

Maya-maya, nakita ko sa gilid ng mata ko na dumaan si Catacuts sa tabi ng table namin. I didn't bother kung nakita niya man kami pero whether I liked it or not, ramdam kong pumitik 'yong heartbeat ko. Nerbyos ba tawag do'n?

"Denise... wala nang vacant seat," rinig kong sabi ni Catacuts. Ah, may kasama pala siya.

"Ehem," Walanghiya ka Ully.

"Oh! Diba, siya 'yong—" di natuloy 'yong sinabi nung kasama niya pagkakita sakin. Ano? Don't tell me na-amaze din siya? Sus.

"Sabi sayo maghanap tayo ng ibang kainan eh," sarcastic na sabi ni Catacuts kaya binitawan ko 'yong kutsara ko at tinignan siya mata-sa-mata.

Pagtingin ko, ako rin 'yong umiwas. Di naman nagtagal 'yong tingin namin, pero parang nahiya akong tignan siya sa mata. Kinikilabutan ako sa mga nangyayari. Napaka-weird sa pakiramdam.

"Um, if you don't mind, you can share a table with us," sabat ni Peter nung napansin niyang nawawala na ako sa mood. "Tatlo lang naman kami at patapos na rin. Dalawa lang ba kayo?"

"No, thanks." Sarcastic na sagot ni Catacuts kaya napatahimik si Peter.

Nakita ko na hihilain na sana niya 'yong babaeng kasama niya pero napahinto sila nung may nagsalitang boses sa likuran ko.

"Wala pa kayong nahahanap na table, Darls?"

Gumusot agad 'yong kilay ko at dahil sa curiosity, I tilted my head a little. 'yong tipong gilid lang ng mata ko ang makakakita sa taong 'yon. Nakita ko 'yong isang lalaking may dalang tray ng pagkain, mukhang estudyante rin, taga-school ata ni Catacuts?

"Dito na lang tayo, Darla, naka-order na si Brent eh," tumingin 'yong kasama niya sa aming tatlo. "O-okay lang ba?"

"Sure," sagot naman ni Ully sabay inusog 'yong tray namin. Bakit pa kasi dalawang table ang nandito eh. Dapat 'yong single na lang kinuha namin para walang istorbo.

Kailangan ko pa tuloy magtiis sa atmosphere.

Habang kumakain kami, pakiramdam ko, nagpapatayan kami ni Catacuts kahit sobrang tahimik ng table. 'yong tipong kiskisan lang ng kutsara ang naririnig. Napaka-awkward lang. Ilang beses din nagtama 'yong tingin namin pero parang gusto niya na akong saksakin. Nahihiya naman akong ibalik 'yong pera dahil may kasama siya. Wag na 'no. May kahihiyan pa naman ako.

"Baby, ano'ng nangyari sayo?" unintentionally, napatingin ako sa lalaking kasama nila. Katabi ko siya at ang mas kinagulat ko eh nung si Catacuts ang tinanong niya.

What? Baby?

"Ha?" –Catacuts.

"Kanina ka pa di umimik, ayaw mo ba ng pagkain?"

"Ah." She smiled fakely. "Di, may iniisip lang ako."

Nakita ko pang kumuha ng tissue 'yong lalake sa tray tapos pinahid sa gilid ng labi ni Catacuts. Was this some kind of a joke? Gusto ko sanang masuka pero wag na. Baka masayang ang momentum nila.

Napatingin ako kay Ully nang sinipa ako sa paa,walanghiya 'to! "Ano?" sigaw ko.

Napalakas ata 'yong tanong ko kasi tumingin sakin 'yong boyfriend ni Catacuts tapos 'yong babaeng kasama niya. Huminga na lang ako nang malalim tapos tinignan ko si Ully habang nagma-mouth-talk.

"May boylet na pala. Ouch," sabi niya sakin mismo.

Nagpoker face lang ako sa sinabi niya at di ko mapigilang ma-distract sa magsyotang 'to. Akala yata nung lalake di ko naririnig 'yong mga kakornihan niya. Sus. Akalain mo may pumatol diyan sa babaeng yan? Mabigyan nga ng eyeglass 'tong boyfriend niya. Baka nangangailangan eh. Grabe, mura lang ang eyeglass ah. Regaluhan ko pa siya ng lifetime supply niyan.

Tsaka, ang korni ng tawag niya. Darls? Ha. Mas astig parin ang Catacuts ko. Walang mas aangas do'n.

"Tara na, gusto ko nang umuwi, nakakawala ng mood," sabi ko kina Peter sabay tayo at kuha ng bag.

"Buti pa."

Narinig ko 'yong bulong ni Catacuts kaya nagsalita ako. "Nawalan na kasi ako ng ganang kumain." This time, napatingin 'yong boyfriend niya sakin. Tapos, tumingin siya kay Darla.

Tumayo na rin sina Peter at si Ully, nagpaalam pa. "Bye, guys, una na kami."

Tinanguan lang siya nung lalake tapos nauna na ako. Di ko alam kung bakit pero hindi talaga ako kumportable sa set-up. This day was a mess. Masyadong lumiliit 'yong mundo namin dalawa. Ano ba naman 'yan.

"Lawrence, akala ko ba babalik mo 'yong pera? Ba't di mo inabot kanina?" tanong ni Peter na hindi ko sinagot agad.

"Nawalan yan ng gana, dude," singit na naman ni Ully. "Disappointed yan kasi may boyfriend 'yong chicks."

"Ully," saway ni Peter sa kanya.

"Joke."

Tinaas ko lang 'yong kamay ko bilang wave sa dalawang ungas bago sumakay ng taxi. Pagdating ko ng bahay, nag-shower ako para atleast, lumamig naman ang ulo ko. Habang nasa ilalim ako ng malakas na shower, napailing na lang ako nung nag-flashback 'yong tinginan namin ni Catacuts.

Kinilabutan na naman ako.

"Pasalamat ka, marunong akong makonsensya dahil nasira ko ang sasakyan mo. Di tulad ninyo." 

"Pasalamat ka, marunong akong makonsensya dahil nasira ko ang sasakyan mo. Di tulad ninyo."

I quickly grabbed the soap. Sinabon ko agad 'yong mukha ko. Ba't ba paulit-ulit-ulit-ulit yan sa isip ko. Kanina ko pa yan naiisip. Napakasama ko bang tao? Ang gwapo-gwapo ko eh. Well, kahit walang koneksyon.

Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng banyo nang nakasuot ang towel sa bewang tapos nakita ko 'yong 6,000 ni Catacuts sa bedside table ko.

"Pasalamat ka, marunong akong makonsensya dahil nasira ko ang sasakyan mo. Di tulad ninyo."

 

I fished my phone in my pant's pocket and dialed Peter's name.

"Oh? Napatawag ka?" tanong agad niya.

Nagkamot pa ko ng ulo bago magsalita. Dapat yata di na lang ako tumawag. Kung ibaba ko na lang kaya 'to?

"Hoy, Lawrence, may sasabihin ka ba? Malolowbat na 'ko."

"Ah," I hesitated. "Gusto mo bang mabawasan ng kasalanan?" sabi ko pero natawa siya.

"Loko ka. Ano bang pinagsasasabi mo? Sabog ka ba?"

"Gawin mo 'yong ginawa ko nung isang araw." I said, ignoring his blunt.

Napa-huh pa siya sa sinabe ko. "What?"

Napaikot nang kusa 'yong mga mata ko. Utang na loob, Peter. "Search if that Catacuts girl has a schedule on Wed."

Sinabi ko na nang diretso. Medyo slow maka-pick up 'tong kausap ko.

"What?" he snorted. "Are you insane? Ayoko nga. Ano ako, stalker?"

"Sinabi ko bang mag-stalk ka?" sagot ko. "Titignan mo lang eh. Ibabalik ko na 'yong pera sa Wednesday since wala tayong schedule sa Martes. Bugok ka talaga."

"You really are crazy."

"Akala ko ba gusto mong magbawas ng kasalanan? Kung ganon, tulungan mo ko."

He chuckled. "Baka nakakalimutan mo, Lawrence, ikaw nag-insist sakin! Ang sama tuloy ng tingin sakin nung tao."

"Kaya nga pinagagawa ko sayo, diba? Para okay na." Umupo ako sa kama. Na-realize ko kasi na nangangawit na ako katatayo.

"Eh ba't di ikaw?"

Di ako sumagot agad. "Gagawin mo ba o hindi?"

"Sabi ko nga eh. Wala akong choice. Ikaw naman kasi eh."

"Oo na, oo na," nakangiwing sagot ko. "Darla Catacutan, Fine Arts, 3-12, same website."

"'Kay, dude."

I breathed out. "Kailangan kong ibalik 'yong pera as much as possible. Baka di na 'ko makatulog kaka—"

"—isip sa kanya? Wahahahaha!" dinugtungan ni Peter 'yong sinabi ko.

"Ulul." Sabay end ko ng tawag.

Hinagis ko na lang 'yong phone sa ibabaw ng kama tsaka nagbihis.

Seguir leyendo

También te gustarán

887K 30.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
209K 4.4K 46
Sabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an...