She's My Sweetest Drug

By ShuperShimmer

497K 8.4K 913

Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang mak... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 (Part 1)
Chapter 24 (Part 2)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue
HINDI 'TO AUTHOR'S NOTE!

Chapter 3

13.8K 214 10
By ShuperShimmer

(c) Shupershimmer


Medyo nag-alangan pa akong umupo sa karinderia na 'to, napaka-crowded kasi tapos maingay pa. Paano kaya kami makakapag-usap nang matino?

"Pwede bang kumain muna?" sabi ni Catacuts. "3 hours 'yong klase ko at wala pa 'kong lunch, para na rin makausap ninyo ako nang matino."

"Buti pa," bulong ko. "Kanina ka pa nangtitrip eh."

"Gusto ninyo kumain na rin kayo," yaya naman niya nang nakangisi pa. "Masarap 'yong dinuguan tapos 'yong isaw," napakunot tuloy noo ko.

"Ge, ikaw na lang." siniko ako ni Peter dahil sa sinabe ko.

"Tch, mga mayayaman talaga. Walang alam sa pagkain, puro kasi damo mga kinakain ninyo."

"Damo?" sagot ko.

"Oo, kung ano-ano pang mga pangalan, eh puro damo lang naman. Pwe." Nilabas niya pa dila niya pero inawat na ko ni Peter. Umayos-ayos nga siya!

Nung tumayo si Catacuts para umorder ng exotic food, ako naman ang kinausap ni Peter.

"Walanghiya ka pare, ano na gagawin ko? Di ko alam 'tong mga ganito, gago ka kasi. Lawyer? Sana sinabi mo nang mas maaga para nakapagready ako," pagmamaktol niya.

"If I said it, sa tingin mo ba nandito ka ngayon? Syempre wala, kasi, di ka papayag."

"What do I know about rules? C'mon. Sana si Robert na lang kinuha mo, 'yon, matalino 'yon!"

"Ayoko, di kami friends."

Sinimangutan na lang ako ni Peter at napahinga siya nang malalim. Ako naman, di ko nagugustuhan ang atmosphere dito. Paano ba naman kasi, pinagtitinginan kami ng costumers sa school na 'to. First time ata nilang makakita ng taga university namin na pumasok rito. Grr.

"O, ano bang pag-uusapan?" tanong ni Catacuts pagka-upong pagka-upo hawak 'yong pagkain niya. Umuusok usok pa. Ininvite niya pa kaming kumain pero umiling kaming pareho ni Peter.

"Aish, ayoko pa namang tinitignan ako pag kumakaen." Ngumiwi pa siya.

"Tsk, Peter, ikaw na bahala," sabi ko.

Nakita ko namang napalunok si Catacuts na kaharap ko ngayon. Siguro kinakabahan siya sa pwedeng mangyari. If I knew, she's just pretending to be ignorant. Pero, deep inside, gusto niya nang tumakbo at magtago sa lola niyang panot.

Umubo pa si Peter at ako, nag-cross arms lang.

"Wednesday, 3:45 pm, sa tapat ng isang mall, naganap ang insidente. At ikaw, Miss..."

"Darla. Darla Catacutan," sagot ni Catacuts.

"At ikaw, miss Darla Catacutan ay nahuling nagbato ng isang malaki at mahabang screw driver sa bintana ng biktima na si Keith Lawrence Legazpi, kung kaya't pinagalitan siya ng kanyang tiyahi—"

"Will you please go straight to the point." Angal ko. Pati ba naman kasi 'yon, isasama pa. Ang arte.

"Uh, okay," umayos nang upo si Peter. "Dahil sa nasira mo ang sasakyan, kailangan mong magbayad ng ilang danyos."

"Pero di ko naman sinasadya," sabi ni Catacuts.

"Sinadya mo man o hindi, nakasira ka ng kotse ng may kotse," sagot ko.

"Order in the court!" hinampas ni Peter 'yong ibabaw ng table gamit 'yong lagayan ng paminta. Parang gago. Wala naman akong sinabing maggagaganyan siya.

Sumimangot si Catacuts. "M-magkano ba? Di ba ako makukulong?"

"Siyempre, hindi. Kailangan lang natin ng matinong usapan," sabi ni Peter. "You'll pay 2,000 for moral damages at 3,000 para sa physical damages, at isang-libo para sa reckless act."

What? 6,000 lang? Ano'ng mapapala ko do'n. Pero, pwede na rin. Tutal pinapagawa na sa talyer 'yong sasakyan. Hm.

Napainom agad si Catacuts ng tubig. "Ano? Adik ka ba?" sabi niya kay Peter. "Eh mukhang matagal  nang na-damage ang moral ng taong 'to eh." Tinuro niya pa ako. Muntik nang matawa si Peter pero dahil kakampi ko siya, pinigilan niya.

"Hoy, ikaw kaya ang magdrive ng kotseng barag-barag, tignan natin kung di ka mabawasan ng kahihiyan."

"Tsaka, ano? Physical damages? Sa'n mo nakuha 'yan mister... ano nga pangalan mong abogado ka? Peter? San mo nakuha 'yon? Di ko naman siya sinaktan o binugbog ah."

Di nakasagot si Peter.

"Pinagod mo 'ko sa kakahabol sayo," sabi ko na lang.

Napahampas si Catacuts sa mesa. "Oh, shit." Mahina 'yong sabi niya pero narinig ko. "Ako ba pinaglololoko ninyo? Ganyan ba kayo porket may mga pera kayo? Nagagawa ninyong manloko ng tao? Ha?"

Namutla si Peter bigla tapos ako naman nagulat sa pinagsasabi niya. "Oy, wag mo ngang palabasin na kami ang masamang tao rito. Sino ba ang nakasira? Pasalamat ka nga di kita pinahabol sa pulis eh, magbabayad ka na lang, ang dami pang sinasabi."

"Ah ganon? Utang na loob ko pa?"

"Oo!" I exclaimed. "Palibhasa, di mo alam ang pakiramdam nang masiraan ng sasakyan. Do you even know how much it costs? Kulang ang buhay mo para makabili ng model na 'yon. Utang na loob mo kasi nasa school ka ngayon at wala sa kulungan."

"Lawrence," sabi ni Peter.

Tumayo siya. "Wag kang mag-alala," Sabi niya na parang naiiyak 'yong boses niya pero galit 'yong mukha niya. "Di naman ako tumatakbo sa responsibilidad eh."

Pagtalikod niya, binuhat niya 'yong bag niya. Di ko alam kung umiyak ba siya pero siguro, kasi dumukot siya ng panyo sa bulsa. Napa-breathe out tuloy ako pati si Peter. Ano ba naman 'yan.

Iniwan niya kami pati 'yong pagkain niya. Hahabulin ko sana pero pinigilan ako ni Peter tapos sabi niya na huwag ko na raw pilitin 'yong babae. Baka raw nasobrahan ako. Baka raw karmahin ako. Gago ba siya? Eh kung siya kaya ang nasiraan ng bagong sasakyan? Ang tagal kong hinintay bago mabilhan nun, tapos ganun-ganun lang?

Pag-uwi ko nang bahay, syempre di na 'ko nag FX, pinasakay na lang ako ni Peter  at ako pa ba tatanggi? Mabuti na rin kesa magtiyaga sa dami ng tao sa loob ng FX. Besides, ang hirap humanap ng taxi sa lugar na 'yon.

"Alam mo Lawrence, naawa talaga ako kay... ano nga ulit?"

"Darla."

"Oo, kay Darla, naaawa ako sa kanya. Ba't naman kasi ginanun mo pa 'yong tao? Di naman siguro niya sinasadya at saka sinabi mo dati na namali siya ng asinta. Pagbigyan mo na, pare, mayaman naman yang lolo mo."

"Sino ba tropa mo? Ako o yang Darla?"

Natawa siya nang konte. "C'mon. it's not what I mean. Di ka ba naaawa sa ganda niyang 'yon?" ngumisi siya. "Kung wala lang akong girlfriend ngayon, aaminin kong nakaka-attract siya. Ba't parang walang epekto sayo? Samantalang ikaw ang mahilig sa babae."

Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. "Talaga lang, ah."

"Ask her out sometimes, malay mo."

"Drop it."

"Okay."

Pagkapasok ko sa loob ng sala, sumalubong 'yong pinsan kong nakakairita. "Hey, I thought di ka na makakauwi coz you have no car," sabi niya habang nakasubo ng lollipop.

"Thought mo lang 'yon." Sabay lapag ng bag sa upuan.

"How's the commute, kuya? Is it mainit?"

"Wag mo nga akong kausapin, naiirita ako."

"Kay, mukha kang na-busted, whareverrrr."

Sinunod ko naman 'yong sinabi ni Peter na wag ko na lang guluhin 'yong si Catacuts. Hiya naman ako eh. Baka ikamatay niya. Lumipas ang weekend nang wala akong sasakyan at may sama ng loob. Tapos, ito pang lolo ko, umuwi galing Indonesia trip at tinanong agad ako sa sasakyan.

Sinabi daw ng tita ko ang nangyari pero unlike her, di niya ako pinagalitan. Sinabi niya pa na buti daw at di ako nasaktan. Mabuti na raw 'yong nangyari kesa ma-carnap. Oo nga naman.

"Ako na bahala sa pagpapaayos," sabi niya. Hiyes!

Monday, pagkatapos na pagkatapos ng klase, niyaya naman ako ni Tricia na sumama sa birthday ng cousin niya pero tumanggi ako. Ayoko nga. Wala ako sa mood.

Kasabay ko si Ully at Peter pati 'yong ibang block mate na palabas ng gate kasi niyaya nila akong maglaro sa mineski. Kaya lang, sa di inaasahang pagkakataon, pagdating namin sa catwalk sa labas ng gate, nakita ko siya.

Mukhang galit na galit si Catacuts na naka-cross arms at naghihintay. Alam kong siya 'yon. Nangibabaw kasi 'yong kulay ng uniform ng school nila sa dami ng taong naglalakad do'n, e. Buti na lang di niya pa ako nakikita. I quickly turned my back.

"O, bakit?" tanong nung isa naming kasama.

"Wait, may nakalimutan ako." What a lame excuse.

Naglakad ako pabalik tapos narinig ko si Peter. "Lawrence! Diba si..." I closed my eyes. Shit.

"Hoy." Boses babae. Syempre, si Catacuts 'yon. Yari na tayo rito.

Lumingon naman ako. Sino siya para katakutan? Porket nakakatakot 'yong apleyido niya? Hah. Natahimik 'yong mga kasama namin including Ully tapos tinatapik niya si Peter kung siya ba 'yon. Oo, siya 'yon.

Napatingin siya kay Peter na napayuko agad. "Wow... ang galing ninyo manloko ng tao," sabi niya na may halong disappointment. "Lawyer, hah?"

"Ba't ka ba nandito?" tanong ko.

Natawa siya nang konte pero halatang inis na siya. "Iaabot ko na sana 'yong moral at physical damages kamo eh. Pero dahil niloko niyo ko, parang nagdadalawang isip ako."

Nagtitinginan na 'yong ibang estudyante tapos nagtataka 'yong mga kasama ko.

"Pero wag kang mag-alala, ibibigay ko sayo 'to," may dinukot siya pera sa bag niya tapos hinampas sa dibdib ko. Medyo malakas nga eh, halos napa-step back ako.

"Woah, woah," sabi ni Ully tapos nilayo niya ako, aamba na kasi sana ako.

"Pasalamat ka, marunong akong makonsensya dahil nasira ko ang sasakyan mo. Di tulad ninyo." Medyo nanggigil siya at namumula pa. Di na ako nakapagsalita kaya umalis na siya sa tapat ng school.

I brushed my hair exasperatedly.

Di na rin naka-react 'yong iba kong kasama tapos si Peter na lang ang pumulot ng pera since wala akong balak magpulot isa-isa.

"Sabi ko naman sayo, eh," sabi ni Peter habang inaabot 'yong pera sakin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at naglakad, medyo nabunggo ko pa siya at di ko kinuha 'yong pera. Narinig ko namang sumunod sila sakin tapos naghiyawan.

"Wooh! Astig 'yon ah," boses nung isa.

"Ayos, may pampusta tayo sa game natin mamaya, 6,000 din 'to," narinig kong sinabi ni Ully kaya humarap ako sa kanila at tumigil sila sa pagtawa.

Naglakad ako papunta kay Ully at kinuha 'yong pera.

"Hands-off," sabi ko. "Ibabalik ko 'to sa kanya."

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 90 20
In the dazzling world of business moguls and corporate powerhouses, Venus, harbors a secret. She is secretly married to Calvin Graye. Their marriage...
16.8M 293K 71
Dmitri Montreal ~ Eliza Lopez Highest Ranking: #2 in General Fiction Feb. 09, 2017 - #17 in General Fiction. Feb. 10, 2017 - #16 in General Fiction F...
892K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
2.7M 46.1K 50
#26 in ROMANCE (05-29-17) #4 in Doctor #9 in heartaches #4 in operation Ryanalene Finch is a very happy person. Pero may isang bagay na hindi nya kay...