Lost Stars

By makabagongcinderella

17.1K 690 141

A love story about a cancer patient and suicidal girl who fell inlove with each other #78 in Chicklit (Septem... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Characters/Soundtracks/Questions etc.
The End in 2,017 words
Author's Note// Thank You Note

Chapter 33

248 14 0
By makabagongcinderella

Jayla

Huminga ako ng malalim at hinalikan ko sya.

Hindi ko alam kung anong naisip ko at ginawa ko yun. Namimiss ko lang sya. At alam ko namang wala syang maaalala pagkatapos nito.

Tumayo na ako at aalis na sana pero hinawakan nya ang kamay ko.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

Hindi ako makasalita. Para bang nalunok ko ang sarili kong dila.

Tumawa sya ng mahina. "Magpanggap nalang tayo na hindi nangyari yun. Promise, kakalimutan ko na yung ginawa mo. Samahan mo lang ako dito."

Napabuntong hinga ako bago umupo ulit at tinabihan sya.

Ilang minuto kaming tahimik. Wala ni isa sa amin ang balak magsalita. Siguro ay pareho kaming naiilang sa isa't-isa dahil sa nangyari kanina.

"Bat mo ginawa yun?"

"Sabi mo kakalimutan mo na?" Reklamo ko.

"Ah hehe. Curious lang."

"Ewan. Lasing na yata ako." Palusot ko.

"Ah. Haha" umiling-iling sya.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nagsalita. Kaya itunuon ko nalang ang atensyon ko sa hawak kong buti ng beer. Ganun din ang ginawa ni Reid. Uminom kami ng uminom.

Ilang minuto ang lumipas, sobrang init na ng katawan ko. Lumalabo na din ang paningin ko at ang sakit sakit ng ulo ko.

"Hoy weid *hik* bat ka ba *hik* nagthetherapy? Hahaha"

"Hahaha. May *hik* cansher kashi *hik* ako hahaha"

"Gago *hik* hahaha. Yung sheryoso *hik*"

"Hahaha. Ewan, *hik* di ko din alam *hik* eh"

"Eh ikaw? *hik* bat ka umiinom?"

"Hmp! Shikret! Ayowkong shabihin seyu!"

"Shige na. Di ko naman din maalala toh hahahaha."

"Eto kasing bote! Ang gago eh! Iiwan nalang ako bigla! Ang unfair! *hik* Ano bang nagawa ko? Wala naman ah. Tas sabi nya mahal nya ako? Eh kung mahal nya ako! Bat nya ako iiwan! Gago ba sya? Gago tong bote! Walang hiyaaaa!"

"Eh gago pala yang bote *hik* na yan eh!"

"Oo nga! *hik* inom nalang tayo!"

"Shige shige hahaha!"

"Cheers! Hahaha"

------->

Paggising ko ay umaga na. "Urgh!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo ko na parang sinusuntok suntok.

Pagtingin ko ay alas dose na. Sakto at wala kaming pasok ngayon. Balak ko lang humiga dito sa kama at kalimutan na nag-eexist pala ako.

Wala akong maalala sa nangyari kahapon. Ang naalala ko lang ay may kainuman ako. Yun lang. Ang absurd pakinggan. Para akong lasinggero na tambay dyan sa kalye na walang patutunguhan sa buhay. Pilit ko mang alalahanin pero wala talaga akong maalala.

Pagbaba ko ay nandun si Mama sa kusina. Halatang busy sya dahil sa rami ng papel at documents sa harapan nya.

"Oh, gising ka na pala?" Bati nya. "May pagkain dyan sa ref. Kumain ka na kung nagugutom ka."

"Paano ako nakauwi kahapon?" Tanong ko.

"Hinatid ka ni Reid." Matipid na sagot ni Mama.

"Ni Reid?" Sigaw ko.

Tumango sya.

"Bat wala akong maalala?" Tanong ko.

"Mas mabuti ng wala kang maalala, para di mo na malaman yang mga kahihiyang ginawa mo"

"Huh? Anong kahihiyan? Anong nangyari?"

Tiningnan naman ako ni Mama na may halong gulat at pagkairita.

Kaya umakyat nalang ako at  bumalik nalang ako sa kwarto.

"Hoy Jayla! Shigurado ka bang kaya mong umuwi mag-isha?"

"Owo! Kaya ko na! Sige na!" Sagot ko. Sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako. Nabasa pa tuloy ang damit ko ng tira-tirang beer sa bote.

Nakita kong umiling si Reid sabay lakad pabalik sa akin. Laking gulat ko ng umupo sya sa harapan ko habang nakatalikod.

"Sakay." Utos nya,

"Huh?"

"Sumampa ka sa likod ko. Hatid na kita sa inyo"

"Ha? Wag na."

Tumayo sya at humarap sakin. Tinulak nya ang noo ko gamit ang isang daliri nya.

"Ang tigas ng ulo mo!"

"Aray!" Hinimas ko ang noo ko at tiningnan sya ng masama. "Sige na nga"

Tumalikod sya ulit at umupo sa harapan ko. Sumakay naman ako kaagad sa likod nya.

"Weid?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"Oh?"

"Mabigat ba ako?"

"Sobra." Sagot nya.

"Ibaba mo nalang ako, kaya ko ng maglakad."

"De, okay lang. Matulog ka nalang dyan."

"Urghhh!" Sigaw ko sabay hampas ng mukha ko gamit ang unan. Ano ba kasing ginawa? Tumulo ba laway ko o ano? Anong kahihiyan ba kasi yun. Hays

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa eskwelahan.

Nagkasalubong kami ni Reid, pero tiningnan nya lang ako tapos umiwas na kaagad sya ng tingin. Kaya sigurado akong bumalik na ang dati nyang alalala at nakalimutan nya na yung temporary memories nya. Well, mas mabuti na din yun.

Pagpasok ko sa classroom ay sinalubong kaagad ako ng mga hindi naman masyadong chismosa kong classmate.

"Jayla, okay ka na? Anyare ba?"

"Jayla, san ka pumunta nun? Nag-alala kami sayo"

"Jayla, totoo bang nag-inuman kayo ni Reid? Sa rooftop? Omaygad."

"Jayla nakita ko kayo ni Reid, nagbalikan na ba kayo?"

"Hala, comeback is real na ba?"

"Ah.."

"Hindi totoo yun. Ako ang kasama ni Reid buong araw nun. Nag date kami" magsasalita na sana ako pero biglang sumingit si Eleanor at ngumiti sya sa akin ng pilit.

"Totoo ba Jayla?"

"So, hindi kayo nagkabalikan?"

"So walang comeback?"

Tumango lang ako. Hays, hindi naman ako nagpatawag ng presscon ah, bat may ganito.

"Wala talaga. Kasi sa tingin ko, nakamove on na si Reid kay Jayla. Kasi ako na nilalapitan nya eh. Ako na sinasamahan nya. So yeah. Sorry nalang kayo" pagyayabang nya ulit sabay flip hair.

"Ayy sayang naman."

"Haaay, my otp."

"Tsk, sayang."

Tiningnan ko lang sila at ngumiti ng pilit. What's with these people? Bat bigla yata silang naging interesado sa buhay ko? Luh.

"Good Morning class!" Biglang pumasok ang prof namin kaya nagsibalikan na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko. Nakita ko ding pumasok si Reid.

"Omg, Hi Reid" rinig kong bati Eleanor. Hindi ko na narinig ang response ni Reid kasi nagsimula nang magsalita ang prof namin.

Nagdiscuss si Prof about a certain book. Ang title ay 'Chrissa and Ralph'. Isa itong Romance novel. Medyo skeptic ako pagdating sa mga romance, love at kaclichèhan na yan kaya inantok talaga ako.

Habang nagsasalita si proof ay kung saan-saan lumilipad ang isip ko.

Totoo kaya ang alien?

"Ms. Mier"

Parang gusto ko yata makasakay sa unicorns.

"Ms.Mier!"

Nagcicrave ako ng ramen.

"Ms.Mier!" Bigla akong siniko ni Dwight.

"Oh?"

"Tawag ka ni Prof"

"Huh? Ako?" sabay turo sa sarili. Tumango naman sya.

Pagtingin ko kay Prof ay nakatingin na sya ng masama sakin.

"P-po?" Tanong ko sabay tayo.

"Tsk.Hindi ka nanaman nakikinig" Umiling sya. Nagpeace sign naman ako.

"Sa tingin mo ba, tama lang ang ginawa ni Ralph?" Tanong nya.

Huh? Sinong Ralph? Hay nako Jayla, lagot.

"Ah eh, ano po ba ginawa nya? Hehe" sabi ko sabay kamot sa ulo.

Napa facepalm naman si Prof.

"Iniwan ni Ralph si Chrissa kasi sa tingin nya yun ang makakabuti sakanya at sakanilang dalawa." Bulong ni Dwight.

"Ahh." Tumango ako.

"So ano na, Ms. Mier?" Tanong ulit ni Prof while nakacrossed arms.

"Ah.." huminga ako ng malalim. "Hindi po. Hindi tamang iwan nya lang ng walang dahilan ni Chrissa. Or if may dahilan man.. they can work it on together naman diba? Hindi yun iiwan nya lang basta basta dahil yun sa tingin nya ang tama." Sagot ko.

Tumango si Prof na parang namangha. "Any other opinions?"

Biglang tumayo si Reid.

"For me, tama lang po ang ginawa ni Ralph. Masyado nya lang pong mahal si Chrissa. Iniisip nya lang ang maaaring mangyari in the future pag nawala sya. Habang maaga, gusto nya lang na masanay si Chrissa na wala ang presence nya.."

"Ang unfair naman non!" Tumayo ako ulit. "Akala nya ba nakakatulong yung pag-iwan nya kay Chrissa? Hindi. Mas nasasaktan lang ito. Kung ano man yang rason ng pag-iwan nya, sana sabihin nya ng hindi naman mamatay sa kakaisip si Chrissa ng rason kung bakit sya naiwan sa ere ng walang dahilan!"

"Hindi mo kasi naiintindihan Jayla! Iniisip lang ni Ralph ang kapakanan ni Chrissa. Sa tingin mo ba, madali lang sakanya nya iwan ito? Hindi. Mahirap, napakahirap. Pero kaya nya tong tiisin para lang kay Chrissa, kasi mahal nya ito. Ayaw nya lang na madagdagan pa ang problema ni Chrissa. Alam nyang ang rami ng iniisip nito at ayaw nya ng dumadagdag pa. Kaya siya nalang ang lalayo."

"Ang one sided naman nun Reid! Ang unfair!"

"Jayla naman, sana matuto ka namang umintindi!"

"Pano ko maiiintindihan kung hindi mo pinapaintindi sakin?"

"Ummm guys?" Biglang tumayo si Eleanor. "Wala namang mga ganung pangyayari sa story. Hello? Nasa Earth pa ba kayo?" Sabi nya sabay wagayway ng lollipop nya sa ere.

Bigla akong natigilan. Nagkatinginan kami ni Reid pero agad akong umiwas ng tingin. Umupo nalang ako ulit at ganun din naman ang ginawa ni Reid.

"Wow!" ang laki ng ngiti sa mukha ni Prof. "That's debate! That's the real arguement! Keep it up the both of you" pumalakpak aoya. "Magaling, magaling" nagthumbs up sign pa sya sa aming dalawa.

-----

Sorry sa late update guys. School life is so so nevermind 😭😭

Thankyou sa reads at votes. Comments your thoughts below. Haha

Sana nagustuhan nyo ♥♥








Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...