UNBEARABLE Desire

By Ijreid

474K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 58

4.3K 73 6
By Ijreid

NAVI POV

Kahit gustong gusto ko ng balikan si Mie ay hindi ko maiwan si Mareen.

"hey tama na" alo ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya para malaman niya na andito ako.

nakita kong pinunasan niya ang pisngi niya at tumingin na naman sa labas ng bintana.

ang sabi lang niya ay umalis na si Ian. iniwan siya at lalayuan na.

Hindi ko makuha sa kanya ang buong kwento dahil patuloy lang siya sa pag-iyak. Gusto kong tawagan si Ian para tanungin ang nangyare pero alam ko ayaw nun ng kausap kapag ganitong may problema sila ni Reen.

Kilala ko na ang kaibigan ko na yun. kapag may problema ayaw munang paistorbo. gusto nun mapag-isa muna ng ilang oras at tsaka babalik na naman sa dati na parang walang nangyare. na parang walang problema.

Si Ian ang pinaka jolly sa barkada. akala mo puro biro lang siya pero ang totoo ay seryosong tao yun. I've seen how he works. he's really good in his profession at marame kang matututunan sa kanya. kapag siya nagseryoso maninibago ka talaga.

parang ibang tao siya kapag nagtatrabaho na. malayong malayo sa Ian na kilala ko. Bipolar nga ata yung taong yun eh or may split personality. Sabagay ikaw ba naman magkaroon ng mga pasyenteng may tama ewan ko na lang kung magiging matino ka pa. Kidding side, sabi ko nga magaling si Ian sa trabaho niya at sa oras na to alam ko nakapag-isip na yun ng bagay para maayos ang problemang ito.

Kung ano man ang problema nila ni Mareen alam ko maayos din yun. Siya pa eh head over heels inlove din yun kay Mareen, parang ako lang kay Mie.

"Reen andito na tayo" sabi ko sa kanya ng tumapat na kami sa bahay nila.

"thank you" mahina niyang sabi at tsaka siya umalis ng sasakyan.

hindi ako sanay na ganito si Mareen kaya naman bumaba ako kaagad ng sasakyan at sinundan siya.

"hey" tawag ko sa kanya sabay hila sa kanya papalapit paharap sakin.

nakatingin lang siya sa baba at parang walang buhay.

"Mareen ano ba kasing nangyare?" tanong ko

umiling lang siya sakin.

"okay i understand kung ayaw mong magsalita pero wag naman ganito. hindi ako sanay na ganyan ka" sabi ko.

tumingin siya sakin at bakas pa rin ang mugto ng mata niya at ang pamumula ng ilong niya.

"i hate seeing you like this. sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong ko.

ngumiti siya sakin ng pilit.

"ano gusto mo bang bugbugin na namin siya nila Air?" seryosong tanong ko na kinatawa naman niya.

"baliw. hindi. okay lang ako" mahinang sagot niya

"alam nating hindi. kahit kaibigan ko yun kapag sinaktan ka niya lagot talaga siya samin"

nakita ko tumingin siya pataas at mukhang nagpipigil ng iyak. naikuyom ko ang palad ko. I know Ian won't intentionally hurt Mareen pero gusto ko siyang awayin ngayon dahil sa nakikita ko sa babaeng kaharap ko.

Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na masasaktan pa si Mareen na gaya ng ginawa ko noon. na talagang malalagot sakin ang lalaking magpapaiyak sa kanya ng ganito.

Alam ko matapang siya but she's still a girl at hindi dapat nasasaktan ng ganito.

"tama na" sabi ko sa kanya ng makitang namumuo na naman ang luha sa mga mata niya. hinahaplos ko siya sa braso niya para pakalmahin.

"ako ang may kasalanan" pag-amin niya.

"Reen" tawag ko sa pangalan niya. gusto kong akuin ang sakit na nararamdaman niya ngayon. ganun ka-importante si Mareen sakin. para ko na rin siyang kapatid.

"ako naman ang may kasalana neh. sabi ko sa kanya tigilan na niya ako. sabi ko mahal pa rin kita" sabi niya at tuluyan ng humagulgol

gusto ko siyang pagalitan dahil sa sinabi niya pero sa nakikita kong pag iyak niya ngayon ayoko ng gatungan pa ang problema niya.

obvious naman sa reaksyon ni Mareen ngayon na pinagsisihan niya ang mga sinabi niya.

Alam ko napikon na naman si Mareen kay Ian. ang tanong ay kung anong ginawa ni Ian para mapikon ng ganito si Mareen at makapagsalita ng mga bagay na hindi naman niya ginusto.

pero ang sabihing ako pa rin ang mahal niya kahit hindi ay isang bagay na mali, alam ko nasaktan nun si Ian.

Nasaan na kaya ang lalaking yun?

Ilang minuto lang din kaming nagtagal ni Mareen sa harap ng bahay nila bago siya kumalma at nagpasyang magpahinga.

Napatingin ako sa phone ko at nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko ng makitang mag-iisang oras na ang nakalipas matapos kong magpaalam kay Mie.

Binilisan ko ang pagmamaneho pero ng makarating ako sa birthday party ni Ian ay wala si Mie.

tinanong ko sila lahat pero pare-pareho ang sagot nila na umalis siya kasama ng mga kaibigan niya maliban kay Air na sinabing pinuntahan daw niya ako sa parking.

Lumabas ako sa bar at hinanap siya.

bumalik ako ng parking pero nalibot ko na ang buong lugar ay wala naman siya.

nakita niya kaya kami ni Mareen?

bigla akong kinabahan.

baka anong iniisip niya ngayon.

kinuha ko ang phone ko at agad siyang tinawagan.

ngunit naka-tatlong tawag na ako ay wala pa ring sumasagot.

bumalik ulit ako sa loob ng party pero wala na talaga siya.

"alis na ako pare. hanapin ko pa si Mie" paalam ko kina Lloyd

"ha? maaga pa. tawagan mo na lang"

"tinatawagan ko ang kaso hindi sumasagot" sagot ko.

"wag kang mag panic. okay naman siya kanina" sabi naman ni Air

umiiling lang ako. nang tangkain kong tawagan ulit si Mie ay siya namang tawag ni Diane sakin.

bakit nga ba hindi ko naisipang tawagan ang mga kaibigan niya.

"hello Diane. kasama mo si Mie?"  tanong ko kaagad pagkasagot sa tawag niya.

Nabalot ng pag-aalala ang sistema ko ng malamang hindi niya alam kung nasaan si Mie.

"wala siya dito. i've been calling her pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko"sabi ko pa.

Hindi na ako mapakali habang kausap siya. lalo na ng sabihin niyang isang oras na mula ng huli silang nagkita.

Nagpaalam siyang tatawagan ulit si Mie at ako ay nagpasyang puntahan siya sa bahay nila. Wala naman na akong maisip na lugar na pupuntahan niya.

"alis na ko" paalam ko ulit sa kanila

"nakontak mo na si ate Armie?" tanong ni Yuni

"hindi pa. pupuntahan ko sa kanila" sabi ko sabay alis. hindi ko na pinansin ang mga tanong at tawag nila sakin basta nagmadali na akong makalabas ng bar.

Nasaan ka na ba Armie?


ARMIE POV

Medyo gumaan ang loob ko ng makausap ko si Ian. Kung tutuusin ay halos walang sense ang pag-uusap namin dahil mas marame ang iyak ko kesa sa paliwanag.

Hindi naman siya nagtanong pa kaya naman mas nakahinga ako ng maluwang. kahit kasi naikwento na sa akin ni Diane ang nangyare ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang lahat.

Sinabi ko kay Ian na ipapaliwag ko rin bukas ang lahat. ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga.

Hindi ko alam kung makapagpapahinga nga ako sa dame ng nangyare. siguro ang gusto ko na lang gawin ay humilata sa kama, tumingin sa kisame, at mag-isip isip hanggang makatulog.

Nang marating ko ang kwarto namin ay nakita ko ang tulog na tulog na anak ko. unti-unti na naman akong nakakaramdam ng sakit.

I want Paige to have a complete family. Nagtataka siya kung bakit hindi kami magkasama sa iisang bahay ni Nav samantalang sila Papa at Mama ay magkasama. hindi ko masabing hindi kami kasal ng daddy niya at hindi pa kami pamilya. pero sa mga nalaman ko ngayon, ano na namang dahilan ang sasabihin ko sa mga magiging tanong ng anak ko?

sobrang komplikado ng buhay ko. kaya ko naisip ang kasal kasalan na yun noon ay para hindi maging komplikado ang buhay namin ni Paige. Malalayo ako sa Pinas, makakapagtrabaho pa ako. pero tignan mo nga naman ang tadhana, binalikan ako ng mga multo ng aking nakaraan.

i am being emotional today. kasama na rin siguro rito ang pag-bubuntis ko.

pinagpasya kong sa kwarto nalang ni Candy magpahinga. ayokong magising ko si Paige kapag biglang nag break down na naman ako ng hindi sinasadya. Ayokong marinig niya akong umiiyak.

Matapos magbihis ay dumiretso na ako sa kwarto ni Candy. Tahimik na ang bahay at hindi ko alam kung namalayan nila ang pagdating ko.

Sila Mama siguro ay nanonood ng TV sa kwarto nila. Wala na rin akong balak na magpakita pa. alam naman nilang late ang magiging uwe ko. Ang gusto ko lang ay mapag-isa ngayon.

wala sa sariling humilata ako sa kama ni Cands. nakatingin ako sa kisame. Madilim ang paligid gaya ng gusto ko. Ang kwartong ito ni Cands ang pinakamadilim na parte ng bahay na ito.

Hindi nagtagal ay naka-adjust na sa dilim ang mata ko. nakatunganga lang ako at nakatingin sa kawalan.

unti-unting kumalma ang damdamin ko. ngayon ko lang napagtanto na pwede palang makagaan kahit papaano ng loob ang simpleng gawaing ito.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ko ng ginagawa yun pero nabulabog ako ng ingay sa labas.

akala ko lahat ay nagpapahinga na.

Pumikit ako at sinubukang wag pansin ang ingay pero naririnig ko pa rin.

Kahit wala sa mood ay tumayo at lumabas ako ng kwarto.

Nakita ko si Danny na nahihirapang magbihis ng damit habang may kinakalkal sa bag niya. Gusto ko ngang matawa sa itsura niya dahil ang damit niya ay kalahati pa lang ang nasusuot. Yung belt ng pantalon niya ay hindi pa nakalagay sa lahat ng hooks. May kinakalkal siya sa isang kamay at nagmemedyas naman sa isa.

"Anong trip yan Danny? may lakad ka ba?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sakin at naestatwa sa ginagawa niya. dun ko lang din napansin na may nakaipit na cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya.

"Ate" sigaw niya.

Itinigil niya ang ginagawa at saka tumayo ng tuwid. akala ko nga mahuhulog na sa sahig ang phone niya pero nasalo naman niya.

"shhh. ang ingay mo. natutulog na ang mga tao." sabi ko sa kanya. inilagay ko pa ang hintuturo ko sa bibig ko para isenyas na tumahimik siya.

ang lakas ng buntong hininga niya at pagod na tinignan ako.

siguro ay tatakas ang lalaking to.

"night out?" tanong ko.

"saan ka ba nagpunta? pinag-alala mo kami"

hindi naman sigaw yun pero malakas pa rin. naguluhan tuloy ako sa tanong niya.

"nagpaalam naman ako kina Mama. bakit ka andito? tsaka saan ang lakad mo?" tanong ko.

"walang pasok bukas at hahanapin sana kita. kanina ka pa hinahanap ni ate Diane sakin"

"ha bakit?" tanong ko naman.

"may problema ka daw tapos hindi ka pa makontak" sagot niya. "anong problema ate?"

ngumiti naman ako sa kanya. "wala. ano namang problema ang sinabi ni Diane? okay naman kami bago kami naghiwalay sa bar."

"tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot. Ate naman wag ganun. pinag-aalala mo kami tapos sasabihin ni ate Diane na may problema ka daw" sabi niya at tinitigan ako.

Seryosong nag-aalala talaga si bunso. Naku naman oh! Ano bang pumasok sa isip ni Diane? feeling ba niya suicidal ako? yung babaeng yun talaga.

Well hindi ko naman siya masisisi, I'm messed years before. Si Navi ang dahilan nun at sa pagkakataong ito ay si Navi na naman ang dahilan.

I tend to say things i never meant to. Kanina ko lang din narealized na kahit mahal na mahal ko si Nav ay hindi magiging dahilan yun para magmukmok at isipin ang magiging pag-iwan niya sakin. may mga anak ako, sila ang dapat priority ko.

Kung mahal ako ni Navi ay kailangan niyang tanggapin ang maibibgay ko at kasama na dun ang magiging anak ko.

"may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Danny sakin.

umiling naman ako. hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa tyan ko. at malamang pinag-aaralan na niya ang kilos at reaksyon ko. akala niya siguro ay may masakit sakin.

kung tutuusin may masakit nga naman sakin. Ang puso ko. unti-unti na siyang nadudurog para kay Nav at sa mga anak ko.

"may problema ba? Armie? Danny?"

napalingon kami sa nagtanong. Si Mama.

"nakauwe na kayong dalawa?" tanong niya

"Ma gising ka pa?" tanong naman ni Dan

"ang ingay niyong dalawa" sabi niya "may problema ba?"

"wala po Ma" sagot ko kaagad "namiss lang ako nitong si baby Danny kaya medyo napalakas ang boses niya"

"wag na kayong maingay at baka magising si Paige. ang hirap pa naman patulungin yun kapag nagising ulit" saway samin ni Mama

"sige po Ma" sabi ko naman

"magtulog na kayo. ikaw Danny magbihis ka na. wala kang pasok bukas diba?kadarating mo lang ba?"

"opo Ma. magbibihis na po"

nang makaalis si Mama ay saka nagsalita si Dan "ate-"

RING

tumunog ang phone niya at umiiling na lumapit sakin. iniabot niya sakin ang phone niya

Tumatawag si Diane. Base na rin sa picture na lumilitaw sa phone ng kapatid ko.

Ate Diane Calling...

"sagutin mo na. ikaw lang din ang hahanapin niyan" sabi niya

wala naman na akong nagawa kundi sagutin ang tawag niya.

"hello couz" bungad ko

"Mie?" tanong niya

"oo"

"gaga ka. nasaan ka? kasama mo si Danny?"

"andito ako sa bahay. ano bang problema? bakit ba kayo nag-aalala. sabi ko naman sayo kanina na okay lang ako diba?"

"we both know you are not okay. after all the things that have been revealed?"

napatingin ako kay Danny na pinapanood lang ako.

"tapos hindi mo pa sinagot ang mga tawag ko." dugtong niya

"hindi ko naririnig." sagot ko naman. Hindi naman talaga.

Oh my! saan ko na ba nalagay ang phone ko?

"God Mie. alam mo ba ang kaba ko ha? tapos malalaman ko pang hindi ka rin inihatid ni Nav. ano ba?" sigaw niya

"calm down-"

"anong calm down. naku! alam mo bang bumalik ako sa bar para lang masiguro kung wala ka dun?" sabi niya na hindi man lang ako pinatapos.

"nasaan ka?" tanong ko.

"andito kami ni Paul sa bar?"

"akala ko umuwe na kayo?"

"oo umuwe na. ang kaso may isang tao dyan na pinag-alala kami na hindi man lang sumasagot ng tawag at wala kaming kaalam-alam kung nasaan siya. paanong hindi kami maghahanap?"

"andito lang ako sa bahay." sagot ko.

"sabi ni Danny wala ka dyan"

"ha? andito lang ako. umuwe ako kaagad tapos-"napatigil ako ng maalalang walang nakapansin ng pagdating ko at sa kwarto ako ni Cands nagpasyang matulog "sorry. nasa kwarto pala ako ni Cands. baka kasi magising ko si Paige eh"

"alam ko marame kang iniiisp but please see your phone. kanina pa ako tawag ng tawag at text ng text sayo. nag-aalala ako. paano ka nakauwe?"

"hinatid ako ni Ian"

"bakit si Ian? diba ang sabi mo si Nav ang maghahatid sayo? anong nangyare? kinorner ka ba ng lalaking yan para paaminin? anong mga sinabi niya sayo?"

"wait lang couz. ang dame mong tanong. hinatid lang niya ako okay? yun lang. hindi pa kami nag-uusap about sa mga nangyare kanina"

napatingin ako kay Danny na alam kong nakikinig lang sakin.

"couz bukas na lang tayo mag-usap. umuwe na kayo. i am fine. sabi ko naman sayo wag ka ng mag-alala. dinamay mo pa tong si Danny." sabi ko.

"nag-aalala lang kami sayo" sagot niya

"i know at pinangako ko naman ng hindi na mauulit yung dati diba?"

"alam mong andito lang ako. kami."

"i know. salamat. good night na couz" paalam ko.

"your phone. gusto ko may reply kapag nagtext ako"

natawa naman ako "oo na." sagot ko. "bye na ha. matutulog na ako."

"sige bye"

pagkababa ko ng phone ko ay hinarap ko si Danny para ibalik ito sa kanya.

"kayo na daw ni kuya Nav" tanong niya

ngumiti ako sabagay sagot ng "yes"

"are you happy?"

"hmmmp"

masaya naman talaga ako. wala na nga akong mahihiling pa eh. kaya nga lang biglang dumating ang problemang ito.

"okay ka lang ba talaga ate?" pagkukumpirma niya.

gusto ko tuloy tumingin sa salamanin para malaman kung anong itsura ko. namamaga kaya ang mata ko? o namumula kaya ang ilong ko?

"hindi" pag-amin ko na.

wala na rin naman akong maitatago sa pamilya ko eh. gaya ng pinangako ko kay Diane ay hindi na ako tatakbo pa. ayoko na ring malayo sa mga taong mahalaga sakin. kung masasaktan ako ulit at lalayo ay hindi masusulusyunan ang problema ko. paghihiwalayin ko pa ang mga anak ko.

"akala ko okay na ang lahat Dan. Akala ko sa wakas magiging masaya na ako pero hindi, may panibagong problema na naman" sumbong ko.

bumuntong hininga siya at lumapit sa akin.

"ano bang problema ate?" tanong niya

"i can't tell for now"

"Si kuya Nav ba?" tanong niya

hindi ako makapagsalita. siguro nahulan na niya dahil nagsalita ulit siya. "are you leaving again?"

napangiwi naman ako. ganun na talaga ang implikasyon nila kapag may problema ako kay Nav. iniisip nila ay aalis na naman ako.

"no. i just want to rest for now"

"okay. just so you know. I am here. your family is here for you" he said then and gave me  hug. "wag mo na ulit kami paglihiman. pamilya mo kami"

i hugged him back. " i know and i'm sorry. namiss kita" bulong ko "lagi ka kasing busy sa school"

"graduating eh" sagot niya at hinigpitan pa ang yakap sakin. "goodnight ate" sabi niya at hinalikan ako sa ulo.

napaksweet talaga nitong si baby Danny. Sayang lang walang babae ang nakakakita nito maliban saming pamilya niya.

"goodnight din" sabi ko at naglakad na patungo sa kwarto ni Cands

"dyan ka matutulog?" tanong niya

"i need to think" sabi ko

"akala ko ba magpapahinga ka?"

"i hope that's easy. pero susubukan ko." ngiting sagot ko.

"hindi ka ba hahanapin ni Paige?"

"maybe, but she's a big girl now. hindi yan iiyak kahit wala ako sa tabi niya pag nagising siya"

tumango naman siya at naglakad na rin pabalik sa kwarto niya. ganun rin ang ginawa ko. ngunit bago ako makapasok sa kwarto ni Cands ay naalala ko ang phone ko.

hinanap ko kaagd ito sa kwarto pero wala. Bumalik ako sa kwarto namin ni Paige pero wala rin dun.

napabuntong hininga ako.

isang problema na naman.

bumalik na lang ulit ako sa kwarto ni Cands. kakahiga ko lang sa kama ng may kumatok.

"pasok" sabi ko.

sumilip si Danny, niluwangan pa niya ang pagbukas ng mapagtantong madilim sa kwarto.

"ano yun Dan?" tanong ko.

"hindi ka daw sumasagot sa tawag ni ate Diane"

ano ba naman yang si Diane oh! kasasabi ko lang na matutulog na ako. Ang kulit talaga!

"hindi ko alam kung nasaan ang phone ko" sagot ko.

"tssss! sabi niya nasa baba daw si kuya Nav at tinatawagan ka din pero hindi ka sumasagot"

"sa baba?" gulat na tanong ko "andito siya"

"yata. i can't  see in the window."

BEEP

napatingin siya sa phone niya at tsaka tumingin ulit sakin.

"sabi sakin ate Diane nasa-"

RING

"hello" sagot niya sa tawag.

bumangon na ako at hindi na pinakinggan ang mga sinasbai ni Dan sa kausap niya.

Napatingin ako sa kanya at may sinisenyas siya sakin.

"Ano?" I mouthed

"Ah tulog na. Titignan ko kung magigising ko." Rinig kong sabi niya

Baliw lang. Kakausapin ako habang may kausap sa phone.

"Kuya Nav bukas na lang" sabi niya kaya napalingon ako.

si Nav ang kausap niya?

"Okay baba na ako" sabi pa niya na pinagtaka ko.

Ibinaba niya ang tawag at tinignan ako. Nakatingin lang din ako sa kanya at inaantay ang sasabihin niya.

"Gusto ka niyang makita" sabi niya

"Sana sinabi mo tulog na ako" sagot ko naman.

Ayoko pa siyang makita. Well that was an understatement of course.

Ayoko siyang makita dahil naalala ko pa rin na pinagpalit niya ako kay Mareen kanina. Isama mo pa yung tinatago kong sekreto sa kanya na kina giguilty ko.

Gusto ko rin siyang makita dahil nakakatawa mang sabihin ay miss ko na siya.

"I said that but he insist. Nasa kanya daw ang phone mo" sabi niya

"Ha? Paano?" Tanong ko.

gamit ko lang yun kanina at hindi naman kami nagkita.

"bababain ko lang" sabi niya

"ako na" pigil ko.

"sure ka?"

"oo. matulog ka na. ang laki na ng eyebags mo"

napahawak naman siya sa eyebags niya. "ilang araw na akong puyat" sabi niya

"just go to sleep. ako ng bahala dito"

"sigurado kang kaya mo?"

"Dan si Navi lang yun. okay lang" nakangiting sabi ko. 

OA naman na mag-alala. Hindi naman ako sasaktan physically ni Nav.

tumango naman siya at tsaka bumalik ulit sa kwarto niya. iniilaw ko ang kwarto ni Cands at tsaka tumingin sa salamin. pinakatitigan ko pa ang mukha ko at baka bakas pa ang iniyak ko kanina. Ayoko namang magtaka si Nav.

nang okay na ay saka ako bumaba. madilim na ang bahay ng nilibot ko ang paningin ko. patunay na lahat ay tulog na or natutulog na.

lumabas ako ng bahay at nang nasa gate na ako ay tanaw ko na si Nav na nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya.

"baby" tawag niya sakin ng makita ako. nagmadali siyang lumapit sa gate.

"Nie" nakangiting tawag ko sa kanya.

binuksan ko na ang gate para makapasok siya. pagkalapit sakin ay niyakap niya kaagad ako na kinatawa ko.

"ano bang problema?" tanong ko.

bigla niya akong nilayo sa kanya. ang diin ng pagkakahawak niya sa balikat ko. "bakit mo ako pinag-alala?" tanong niya. bakas na ang pagkairita sa boses niya "akala ko umalis ka na naman ng walang paalam. diba sabi ko sayo hintayin mo ako? kung sasabay ka pala kay Ian sana naman sinabihan mo ako o kami"

Bigla akong nairita sa asta niya. Ako pa ang may kasalanan?

"Di ba sabi ko gusto ko ng umuwe? Pero ano? Busy ka diba? Nahiya naman akong abalahin ka" sarkastik kong sabi na mukhang hindi naman niya nagets.

"Ang gusto ko lang naman hintayin mo ko. Mahirap bang gawin yun?" tanong niya.

Oo. Gusto ko sanang isagot lalo na at nakita kong mas pinili niya ang ex niya kesa sakin.

"Ano sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan Navi? I said i want to go home. Hindi naman kita inuobliga na ihatid mo ko"

"pero boyfriend mo ko. that's my responsibility."

"edi sana naisip mo yun bago mo ako pinagpalit sa ex mo" inis kong sagot sa kanya.

kunot noong tinignan niya ako. "nakita mo kami ni Mareen?" tanong niya

"bakit dapat bang hindi? edi sana sa tagong lugar kayo nagyayakapan diba?" bakas na ang inis ko.

nakita ko siyang ngumiti na mas kinaiinis ko. natutuwa pa ba siya?

"akin na yung phone ko" sabi ko at inilahad ang kamay ko 

"are you jealous?" tanong niya

"duh?" sagot at inirapan siya "akin na ang phone ko. gusto ko ng matulog"

"it's been long since the last time i saw you jealous" sabi niya

"what if i am? pwede ba? naalibadbaran ako sayo Navi. akin na ang phone ko at magpapahinga na ako. gabi na. umuwe ka na. tulog na lahat ng tao dito." sabi ko. 

baka mamaya sasabihin pa niyang makikikain siya or magkakape or iinom. ayoko! gusto ko ng magpahinga ng malayo sa kanya.

"kanina lang masaya kang sinalubong ako dito tapos ngayon tinatarayan mo na ako"

umiling nalang ako at tinalikuran siya. aalis na lang ako. mukhang wala naman siyang balak ibalik ang phone ko

edi sa kanya na. lamunin niya ang phone ko! saksak niya sa baga niya.

nagulat na lang ako ng hilain niya ako masubsob sa matigas niyang dibdib.

hayup! ang sakit sa ilong.

handa na akong sigawan siya ng bigla niyang sinalubong ng halik ang mga labi ko. nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

naramdaman ako ang pag-galaw ng labi niya sa labi ko. bumilis ang tibok ng puso ko at biglang nanghina ang tuhod ko.

inilapit pa niya ako sa kanya at napasinghap ako ng kinagat niya ang labi ko. 

nang maramdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig ko ay wala na akong nagawa. unti- unti ng pumikit ang mga mata ko.

Sinasabayan ko ang galaw ng labi niya sa labi ko at ng maubusan na kami ng hininga ay saka naman bumaba ang halik niya sa panga ko.

"Nav" awat ko sa kanya.

Nasa gate kami for pete's sake!

pilit akong umaalis sa pagkakahawak niya habang kaya ko pa. sinusubukan ko kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko pero mahirap gawin. mukhang determinado siyang gumawa ng kababalaghan dito mismo sa gate namin.

"hmmp" ang tanging sagot niya at hinalikan na naman  ko sa labi para mapatahimik.

OMG! bakit heaven ang feeling?

it's been years since the last time i kissed him. I miss this. I miss him. I miss feeling him.

napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa balat ko at taas baba ito sa bewang ko. ibang sensasyon ang naidudulot nito sakin.

Horny ALERT!

"Nav" tawag ko ulit sa kanya ng lubayan niya ang bibig ko.

"invite me to your room" bulong niya sakin na nagpatayo ng mga balahibo ko.

umiling ako. 

hindi pwede to. masyado pang magulo ang sitwasyon. pero-

"ooohhh" nadadala na ako. napaungol ako ng maramdaman ko ang dila niya sa tenga ko.

shit! that's one of the sensitive parts of my body.

bibigay na ako ano mang oras kapag hindi pa siya tumigil.

"Nav Stop!" i said but he keeps on kissing me.

sa mga oras na to ay nasa leeg ko na ang labi niya.

"say yes" sabi niya

yes saan? nabablangko na ang utak ko.

"Nav nasa gate tayo at tsaka-" naputol ang sasabihin ko ng dampian ng labi niya ang pulso sa gitna ng leeg ko, na halos lumabas na sa bilis ng tibok nito.

"stop it this instant" sabi ko ngunit halos sabunutan ko na siya para idiin pa lalo sa leeg ko.

hingal na hingal ako ng tumigil siya. ang bilis ng tibok ng puso ko. nakangiting tumingin siya sakin.

"bati na tayo? yes?" tanong niya 

"ha?" wala sa sariling tanong ko.

hindi pa ako nakakamove on sa halik niya.

"so it's a yes. i love you" sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi bago ako inakay papasok ng bahay.

wala sa sariling sumunod ako sa kanya. 

nang i-lock niya ang pinto at pinatay ang mga ilaw ay saka lang ako natauhan.

"hindi ka ba uuwe?" tanong ko.

"nope" sagot niya at halos hilain na akong paakyat ng second floor.

"Nav" saway ko sa kanya ng mahulaan ko ang gagawin niya. "natutulog na si Paige" sabi ko ng makalapit na kami sa room namin.

"alam ko" sagot niya sabay ngiti. 

nilampasan namin ang kwarto namin ni Paige at dumiretso sa room ni Cands.

"Navi" nanggigigil na sabi ko pero natatawa lang siyang hinila ako papasok ng kwarto.

dahan-dahan niya itong isinara ng makapasok kami at nagulat na lang ako ng bigla niya ang isandal sa may pinto at sunggaban ng isang mapusok na halik.

nadala naman ako sa tamis ng halik niya at hindi ko napigilang ipulupot ang mga binti ko sa bewang ni Nav.

what a second! i didn't invite him in.

Continue Reading

You'll Also Like

83K 1.3K 22
Pinili kong IWAN siya.. Pinili kong SAKTAN siya.. Pinili kong PROTEKTAHAN siya... Pero sa pagproprotekta ko sa kanya.. NAWALA siya sa akin.. ** 4 yea...
716K 12.9K 43
It's a marriage for convenience between 19 years old ramp/commercial model Silk Benitez and 22 years old scion and Olympian Jota Jimenez. Everyone wa...
300K 5.8K 66
(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga...
94.2K 1.4K 38
Highest rank: #7 in NONFICTION What if tumira ka kasama ang babaeng matagal mo ng pinapangarap? And better malalaman mong you are engaged to her? Thi...