Polar Opposites

Par JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... Plus

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Red Joker

11.8K 445 122
Par JellOfAllTrades


Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 20

Nilagay ko yung isa kong libro sa bag at napatingin sa mga librong hiniram ko sa library. Mukhang hindi sila kasya sa bag ko. Bibitbitin ko na lang siguro tutal isasauli ko na din naman na ang mga ito mamaya.

Kaya tinapos ko na ang pag aayos ko at nagtungo na sa school.

Hindi pa ako nakakalayo sa entrance ng school nang may bumunggo sa akin at nahulog ang mga librong hawak ko.

"Di kasi tumingin sa dinadaanan."

Lumayo na yung babaeng bumunggo sa akin at naiwan akong pinupulot yung mga libro ko. Hindi naman ako nasaktan pero nasasaktan ako kapag may nakikitang gusot sa pahina ng mga libro.

Matapos pulutin ang mga libro at tumayo na ako at tumingin sa paligid kung saan walang pumansin sa akin.

Simula ng maging mabait si Alec sa akin lumala naman yung mga pasimpleng pambubundol sa akin ng mga fanatics niya. Minsan nagagawa din nilang mag iwan ng kung anong basura sa bag ko kapag hindi ako nakatingin kaya natututunan ko nang maging maingat sa mga gamit ko.

Hindi ko alam kung may alam ba si Alec sa mga nangyayari sa akin pero pinipili ko na lang na manahimik. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng maging reaksyon niya.

Papunta na ako sa klase namin nang may umakbay sa akin at nang tingnan ko ay ang nakangiting si Leone ang bumungad sa akin.

"Mukhang nag aral ka na naman kagabi, Sophie?"

"Kailan ba ako hindi nag aral, Leone?"

Tumawa siya ng mahina,  "may point ka dun."

Umakyat kami ng hagdan kasi nasa itaas ang classroom ko.

"Sila Ron, asan?" Tanong ko.

"May make up class sila."

"Di mo ba sila kaklase?"

"Na-take ko na yung class na yun last sem. Sila kasi nag-drop nung nalamang terror yung prof namin."

Bago ako makapagsalita pa ulit ay natigilan kaming pareho nang sa itaas ng hagdan ay natanaw namin si Alec na mukhang galit na galit.

"Alec, may tanong ako tungkol dun sa assignment natin, baka kasi alam mo," panimula ko at agad na lumapit sa kanya, "yung dun sa number--"

"Shut up."

Tiningnan kong mabuti ang maganda niyang mukha at ang nagbabagang violet eyes niya na tila gusto akong patayin. Nagpalipat lipat ang mata ni Alec mula sa akin papunta kay Leone kung saan napansin kong mas matalim ang binibigay niyang tingin.

"Alec, can we talk?" Kalmadong tanong ni Leone.

"No,"

"You can't dodge me forever, Alec."

"I wouldn't need to dodge you if you're dead."

Walang nagsalita sa kanilang dalawa at doon ko lang din napansin na nanahimik na ang lahat ng estudyanteng nagagawa pang manuod. Sa sobrang tahimik parang wala nang humihinga sa aming lahat.

"You'd kill me?

"I will if you won't stop touching her."

Napatingin si Leone sa akin.

"That's not for you to say. Sophie can talk and be with anyone she wants to be with."

"Then let everyone know in this god damn school that she's mine and anyone who dares try to talk to her or touch her would face my wrath."

"Ha?!" Napanganga na lang ako sa deklarasyon ni Alec.

"Nasisiraan ka na ba?" Hamon ni Leone at akmang lalapit para hawakan ako nang sumigaw si Alec.

"DON'T. YOU. DARE. TOUCH. HER." Paisa-isa ang hakbang niya papalapit sa akin at hinatak ang braso ko papalayo kay Leone.

"And what if I do touch her?" Mabilis na hinablot ni Leone ang kanang braso ko at sa pangalawang pagkakataon ay natagpuan ko ang sarili kong napapagitnaan nila. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung bakit galit si Alec at bakit ang lakas ng loob ni Leone na kalabanin si Alec ngayon.

Humigpit ang kapit sa akin ni Alec at nararamdaman ko ang tensyon sa braso niya. Hinanda ko ang sarili ko sa paghatak niya.

"LEONE!" 

Napatingin ang lahat sa bagong dating na si Louisse.

"Alec, Leone, bitawan niyo si Sophie!" Lumapit si Louisse sa amin at saka ako hinila papalayo sa dalawang naglalabang higante. "Kung mag aaway kayo wag niyong isasali si Sophie! Wala siyang alam sa kung ano mang dahilan kung bakit ang iinit ng ulo niyo sa isa't isa!"

"Hindi mainit ulo ko sa kanya!" Angal ni Leone, halata ang galit sa green eyes niya.

"EH BAKIT KAYO NAGAAWAY?"

"Alec is claiming Sophie for herself!" Angal muli ni Leone.

"And what do you care kung akin siya?" Hirit ni Alec.

"Kasi hindi siya sayo!"

"Leone, nagiging gahaman ka na," ngisi ni Alec," may girlfriend ka na tapos aagawin mo pa si Sophie sa akin?"

Nang-aasar ang boses ni Alec at alam niya kung anong gusto niyang mangyari.  True enough, nanlaki ang mga mata ni Leone at napatingin kay Louisse at saka siya napatingin sa mga taong nanunuod bago siya tumingin sa akin. Nakikiusap ang mga mata niya, natatakot sa maaring mangyari.

"Tell me Leone, harap harapan ka bang nangangaliwa sa girlfriend mo with Sophie?" Asar pa ni Alec.

Umiling ako. Wag kang sasagot, Leone. Pinag-tritripan ka lang ni Alec.

Pero hindi nakita ni Leone ang takot sa mukha ko o ang sakit sa mukha ni Louisse. Huminga siyang malalim at sa isang makamandag na tingin kay Alec ay sumagot siya.

"Matagal na kaming tapos ni Louisse. Si Sophie na ang nililigawan ko ngayon."

Nabitawan ako ni Louisse at tiningnan ako ng masama, mumunting butil ng luha'y tumutulo mula sa mga mata niya.

"Teka lang, Loui---" Sinubukan ko siyang kausapin pero isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Akala ko kaibigan kita!" At tumakbo na siya papalayo.

Hindi ko na nahabol si Louisse kasi bago pa ako makahakbang papalayo ay may dalawang kamay na kumapit sa mga braso ko.

"Bitawan mo siya!" Ani ni Leone.

"LET GO OF HER!" Sigaw naman ni Alec.

Humakbang ako papalayo at kumawala sa mga kapit nila.

"Hindi pa kayo tapos?!"

"Sophie,"

"Leone, tumahimik ka kung ayaw mong masapak kita."

Gusto ko siyang sapakin at sabunutan sa sinabi niya. Hindi pa ata sapat na pareho silang nahihirapan sa pagtatago ng relasyon nila at gusto niya akong idagdag sa komplikasyon nila.

Ngumisi si Alec pero sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw, wala ka na bang alam gawin kundi ang pagtripan ako?"

Hindi sila makasagot at hindi ko na din alam kung anong gagawin ko sa kanila kaya tumakbo na ako papalayo.

Sinubukan kong hanapin si Louisse pero hindi ko alam kung saan ang susunod niyang klase o kung umuwi na ba siya. Wala siya sa building at wala din siya sa mga dati na naming tinatambayan.

"Nasa elementary playground kaya siya?" Mahina kong tanong sa sarili ko habang naglalakad papunta sa playground.

Malapit na ako sa elementary building nang maramdaman kong may nanunuod sa akin. Paglingon ko ay wala namang ibang tao sa paligid. Maaga pa kaya nasa loob ang mga estudyante para sa kanilang mga klase. Pero malamang, pag-ring ng bell para sa recess or lunch ay dadagsa ang mga bata palabas ng mga classrooms nila. Kailangan kong mahanap agad si Louisse bago mangyari yun kasi makikita ako ng mga elementary teachers at technically, bawal kami sa area na ito.

Nakarating ako sa playground pero  walang tao doon. Napabuntong hininga ako sa pagkabigo kong Makita si Louisse.

Inilabas ko ang cellphone ko at nagtext kay Louisse na kung pwede ay mag-usap kami tungkol sa nangyari kanina.

"Then let everyone know in this god damn school that she's mine and anyone who dares try to talk to her or touch her would face my wrath."

Bakit nasabi ni Alec yun? Anong pinaplano niya? Akala ko ba okay na kami? At si Leone?

"Matagal na kaming tapos ni Louisse. Si Sophie na ang nililigawan ko ngayon."

Napaupo ako sa swing sa pagod ko at napahilamos sa kamay ko.

Nagpapakabait naman ako. Ginagawa ko ang lahat para makaiwas sa gulo pero bakit simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas at nakilala ko si Alec at Leone ay hindi na ako matahi-tahimik?

"HOY JARANILLA!"

Nasubsob ako sa lupa nang may tumulak sa akin. Agad kong hinarap ang umatake sa akin at nakita ang tatlo sa mga fanatics ni Alec. Nangunguna ang isang matangkad na babae na parang nabuhusan ng red paint sa ulo dahil sa pagkapula ng buhok niya.

"Ginayuma mo ba si Alec?" Lumapit siya at inapakan ang kamay ko, dahilan para mapasigaw ako sa sakit. "SUMAGOT KA!"

"Bakit ko naman siya gagayumahin?" Mahina kong sagot nang tanggalin niya ang paa niya sa kamay ko. Hinimas ko ang palad ko at ang likuran ng kamay kong namumula.

"Anong ginawa mo para makuha ang atensyon niya?!" Lumuhod siya sa tabi ko at pinilit akong tumingin sa mga mata niya. "Anong meron ka para makuha mo si Alec sa akin?"

"Sayo?"

"OO! AKIN SI ALEC!" Sumigaw siya sa mukha ko at naramdaman ko ang laway niyang tumalsik sa pisngi ko.

"Eh di sayo na!" Sagot ko at sa pangalawang beses ngayong araw ay nakatikim ako ng malutong na sampal sa pisngi ko.

"At talagang sumasagot ka pa ah?!" Sinabunutan niya ako at pinilit na tumingin muli sa mukha niya.

Di ko na napigilan ang sarili ko at itinulak ko papalayo ang mukha niya. Tatakbo na sana ako palayo nang hinampas ako ng handbag ng kasamahan niya at natumba ako. Bago ako makakilos ulit ay hinawakan na ako ng isa pa nilang kasamahan at pinaluhod sa tapat ng babaeng pula ang buhok.

"Tingnan natin kung magugustuhan ka pa ni Alec pagkatapos ng gagawin ko sayo."

May inabot yung babaeng humampas sa akin ng handbag kay red hair at lumapit siya sa akin na nakangisi.

"Why so serious?" Ngisi ni red hair at ipinakita sa akin ang isang cutter. "Alam mo yung next line?"

Umiling ako, alam ko yung scene na yun ni Joker sa The Dark Knight pero hindi ko alam kung anong susunod na sinabi niya.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Kunwaring concerned na tanong ni red hair sa akin at gamit yung kamay na may hawak ng cutter ay pinunasan niya ang luha ko. Napapikit na lang ako sa lapit ng blade sa mata ko.

"Wag mo akong sasaktan, please." Pagmamakaawa ko.

"Alam mo ba kung anong next line ni Joker?"

"Hindi."

"It's 'let's put a smile on that face'. So, Sophie, would you like me to put a smile on your face?" Inilagay niya ang matalim na blade sa pisngi ko at alam kong onting diin pa ay masusugatan na niya ako.

Napapikit na lang ako nang onti onting dumiin ang blade sa pisngi ko. "Silence means yes, Sophie Jaranilla."

"Tell me, Rose, what would you gain from carving Sophie's face?"

Napalingon sila sa bagong dating at nanatili akong nakapikit kasi hindi pa lumalayo ang blade sa pisngi ko.

"You. I would do everything to have you again."

"Let go of her." Madiin ang utos ni Alec.

"Would you come back to me if I do that?"

"LET. GO. OF. HER." Galit na ang tono ng boses ni Alec at wala na ngang nagawa si red hair at ang mga kaibigan niya kundi ang bitawan ako.

Tiningnan lang ako ni Alec kaya bago pa magbago ang isip ng tatlong babaeng nagtangkang manakit sa akin ay tumabi na ako kay Alec. Hindi naman siya nagulat sa paglapit ko at itinaas ang baba ko para Makita kung sinugatan ba ako ni red head.

"Okay ka lang?" Mahina niyang tanong sa akin.

Tumango ako, takot na gamitin ang boses ko dahil sa pangambang mag-crack ito at maipakita kay Alec na hindi ako kasing lakas ng inaakala niya.

Pinunasan niya ang mga luha ko. "Go home, Sophie. Don't look back."

Galit na galit ang violet eyes niyang pinaalis ako. Pero hindi ko magawang kumilos.

"LEAVE!"

Tinulak niya ako kaya tumakbo na lang ako. Kasi ayokong Makita ang gagawin niya. Tumakbo ako kasi ayokong makitang galit ang violet eyes niya.


---------------------------------------------------


Kinagabihan ay dinalaw ako ni Leone sa apartment ko. Matapos ang nangyari sa elementary playground ay dumiretso na ako dito kasi hindi ko na kayang pumasok sa mga klase ko.

"I brought food."

"Salamat pero wala akong gana." Naupo ako sa couch at pinanuod na ilagay ni Leone ang plastic ng pagkain sa lamesa.

"Kumain ka na ba?"

Umiling ako.

Naupo si Leone sa tabi ko. "Are you mad at what I did?"

"Kanina, oo."

"Ngayon?"

"Hindi ko alam."

Natahimik kami, hindi alam ang gagawin.

"Do you want to talk to me?"

"Did you talk to Louisse yet?"

Umiling si Leone. "She won't take my calls and the guards at her place won't let me in. Kahit sila Jecko ayaw nilang papasukin."

"Ayaw niya din akong kausapin."

"Galit siya, I know. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ka niya sinampal."

Tiningnan ko si Leone at nakitang malungkot pero hindi naiiyak ang mga mata niya.

"Kaibigan niya ako, Leone." Paliwanag ko. "Nung sinabi mong nililigawan mo ako akala niya pinagtaksilan ko--natin-- siya. "

"Nagsinungaling lang naman ako kanina."

"Eh bakit mo yun ginawa? Hindi ka ba nagiisip?"

Hindi makasagot si Leone.

"Alam mong pinagtritripan ka ni Alec. Alam mong inipit ka niya kanina. Bakit mo sinabing nililigawan mo ako?"

"KASI GUSTO KO!"

Napailing ako sa sinabi niya. "Gusto mo? Gusto mong pahirapan pa si Louisse? Gusto mong lalong maging kumplikado yung relasyon niyo?"

"Hindi!"

"Eh ano?"

"Gusto kong patigilin si Alec sa pagpapahirap niya sayo."

"Leone, kaya ko naman ang sarili ko eh. Hindi mo naman ako kailangang tulungan."

"Eh gusto ko din namang tulungan ka, Sophie."

Napailing na lang ako at pumunta sa maliit kong ref para kumuha ng tubig.

"Sophie, I'm sorry."

"For?"

"Everything."

Tumayo na si Leone at lumapit sa pintuan. "I'll see you again tomorrow. I'll try to talk to Louisse again."

"Mag-iingat ka."

"Good night, Sophie."

"Good night, Leone."

Pagkaalis ni Leone ay naupo lang ako sa kama ko. Naaalala ko yung nagbabagang violet eyes ni Alec noong pinigilan niya si red hair sa paghiwa sa pisngi ko.  Hindi ko alam kung ano nang itsura ko ngayon kung hindi siya dumating.

Kakayanin ko pa kayang pumasok bukas matapos yung eksena namin nila Alec, Leone at Louisse sa hagdan? Baka naman ituloy ni red head ang banta niya sa akin pag nakakita siya ng pagkakataon?

Dahil wala na akong ibang maisip na gawin ay lumuhod na lang ako at nagdasal. Kasi alam ko, hindi Niya ako pababayaan.



Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Garnet Academy: The Game Par Cai

Roman pour Adolescents

33.2K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
2.9M 58.4K 50
Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt...
Rebel Hearts Par HN🥀

Roman pour Adolescents

1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
69.1K 3.5K 24
Elliott is an introvert-not a shy person, but a quiet one. She prefers to be alone and finds peace in solitude. Her stern demeanor and chilly gaze ar...