UNBEARABLE Desire

By Ijreid

474K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 57

3.8K 55 9
By Ijreid

IAN POV

I hate seeing her cry. Isa yun sa bagay na ayaw na ayaw kong makita sa kanya. gusto ko siyang yakapin pero hindi ko siya malapitan.

Nasaktan din ako sa pag-uusap namin. ayoko namang lumayo o iwan siya, pero siguro nga kakailanganin namin yun. kakailanganin niya yun. kailangan kong lumayo para naman marealize niya ang nararamdaman niya.

Gusto ko ako ang kasama niya sa mga oras na to. gusto ko ako ang umaalo sa kanya habang umiiyak siya ngayon. gusto ko sa mga bisig ko siya kumukuha ng lakas. gusto ko lahat sa akin at hindi kay Nav. Hindi sa taong nakikita ko ngayon na kayakap niya.

I love Mareen. sobra-sobra. wala pa akong babaeng minahal ng higit pa sa kanya. Siya lang ang nag-iisa.

Siya na siguro ang karma ko sa dami ng babaeng pinaasa at pinaiyak ko. Ngayon ay nararamdaman ko na ang sakit ng taong pinaasa lang. Kapag siguro nagsimula akong umiyak ngayon ay hindi ko na mapipigilan pa.

Ayoko naman ng ganun. magmumukha akong bakla.

Mula sa malayo ay pinapanood ko sila at hindi nakaligtas sa akin ang lahat ng nangyare. Hindi ko naman siya totally iniwan kanina. lumayo lang ako pero hindi ko siya kayang iwan. Nag-aalala pa rin ako sa kanya. Nakamasid lang ako sa pag-iyak niya hanggang sa dumating si Nav para patahanin siya.

Nakaramdam ako ng selos. hindi na ata mawawala yun lalo kapag mahal mo ang isang tao.

Sabi nila ex lovers can't be friends. pero sa sitwasyon nila Navi at Mareen ay hindi applicable yun. Sobra kung mag-alala si Mareen kay Nav at alam ko ganun din si Nav sa kanya.

Kung hindi lang talaga patay na patay si Nav kay Mie ay tuluyan na sigurong masisira ang pagkakaibigan namin ni Nav kung hanggang ngayon ay kaagaw ko pa rin siya sa puso ng babaeng mahal ko.

Lahat ay kaya kong gawin at ibigay kay Mareen. Ganun ko siya kamahal. alam kong kailangan niya ng space ngayon kaya naman ibibigay ko.

Kailangan na rin niyang harapin ang nararamdaman niya para samin ni Nav. she's confused on her feeling she can't even distinguish love from care. She care for Nav but she loves me. kailangan lang talaga niyang marealize yun on her own.

Ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang pagdating ni Mie. halata ang gulat sa mga mata niya ng makita ang dalawa.

dahan dahan ko siyang nilapitan at hindi nakaligtas sa mata ko ang selos sa mukha niya. Halatang halata ito sa pagtitig niya sa dalawa.

napapangiti ako ng di mawari. may mga bagay talaga na hindi pa rin nagbabago kahit lumipas man ang panahon. I remembered that look on her face. Ganyan din ang itsura niya noong nasa medschool kami kung saan may mga babaeng umaaligid kay Nav na pinagseselosan niya.

Ewan ko ba bakit lapitin ng babae yang si Navi noon pa. di hamak na mas magandang lalaki naman ako sa kanya. Halos lahat noon ng babae may gusto sa kanya. gwapo, matalino, at may pagka misteryoso. pero kapag nahuli mo ang kiliti niya malalaman mo na may pagka tuso rin pala.

High school kami ay ganun na siya pero hindi mo masasabing wala siyang mga babae noon dahil meron rin naman. play boy pa nga yan eh medyo nagseryoso lang siya nung college at natutong manligaw.

nagtaka nga ako nung nasa medschool na kami na may babaeng nanliligaw na sa kanya. which is Mie. deny deny pa siya ng feelings niya yun pala mahal na niya noon pa.

lumipas ang marameg taon at natuloy na rin ang love story nilang dalawa. kaya nga lang may panibagong problema na naman.

Sana kayanin nila. Sana this time hindi na nila pakawalan ang isa't isa.

hindi niya napansin ang paglapit ko. Narinig kong kausap niya sa phone si Nav at pinipilit nitong umuwe na. nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak habang nakatingin sa dalawa.

sinundan ko ng tingin ang dalawa at nakita kong inalalayan ni Nav si Mareen. Alam ko ihahatid niya pauwe si Mareen.

"siya pa rin ba?" rinig kong tanong ni Mie.

napalingon ako sa gawi niya pero sa papalayong dalawa siya nakatingin.

napangiwi ako. yan din ang tanong ko kay Mareen kanina.

Kung si Nav pa rin ba?

"paasa ka" sabi pa niya.

gusto kong matawa dahil mukhang pareho lang kami ng nararamdam ni Mie ngayon. mas kumalma na nga lang ako ngayon. Alam ko kasi hindi naman intensyon ni Mareen ang mga sinabi niya kanina gaya ng hindi intensyon ni Nav na iwan ngayon si Mie para ihatid si Mareen.

Sabi ko nga iba ang care sa love. What Nav and Mareen feels for each other is care and nothing more than that.

"antayin! antayin mo ang mukha mo. uuwe ako mag-isa" sigaw niya sa kawalan. mukhang nagselos nga ito ng pinili ni Nav na ihatid muna si Mareen kesa sa kanya.

nang umikot siya sa gawi ko ay nagulat siya ng makita ako.

"Ian" tawag niya sakin ng makabawi siya.

ngumiti naman ako sa kanya. "uuwe ka na?" tanong ko.

tumango naman siya. nagsimula na siyang maglakad at ng lampasan niya ako ay tinawag ko siya.

"Mie"

lumingon naman siya sakin. "hatid na kita" alok ko.

Kung hinatid ni Nav ang mahal ko pauwe. ganun na rin ang gagawin ko para sa babaeng mahal niya. it's the least i could do for him. pasasalamat ko na rin sa ginawa niya kay Mareen.

"okay lang. kaya ko na" sagot niya.

"i insist. gabi na" sabi ko naman.

puno ng pag-aalinglangan ang mukha niya.

"sige na. hindi na muna ako magtatanong sa mga narinig ko kanina. just please let me drive you home" sabi ko.

pilit na ngumiti naman siya sakin bago tumango.

itinuro ko ang daan sa kaya papunta sa sasakyan ko. Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makasay rito.

"ituro mo na lang sa akin kung saan ang inyo" sabi ko sa kanya bago pina-andar ang sasakyan.

"Sa subdivision kung saan mo muntik masagasaan si Paige" sagot niya.

right! sa lahat ba naman ng sasabihin niya yun pa. pwedeng yung pangalan na lang ng subdivision ang sabihin niya pero yun pa talaga ang ginamit niyang description.

Buong byahe ay tahimik lang kami. may mga pagkakataon na napapalingon ay sa kanya pero nakikita ko siyang nakatingin lang sa may bintana.

gusto kong magtanong para malaman ang iniisip niya pero alam ko hindi pa siya handa. Hindi pa nagsisink in sa kanya ang mga nangayre.

Ang dame kong gustong malaman pero alam ko hindi pa malinaw sa kanya ang lahat. halata naman sa itsura niya ngayon na marame siyang iniisip.

sinabi ko rin na hindi ako magtatanong sa mga nangyare ngayong gabi kaya pinipilit kong tumahimik na lang din.

Nang makarating kami sa subdivison nila ay itinuro niya ang bahay nila.

"dyan na lang sa itim na gate Ian" mahina niyang sabi sakin.

nang huminto ako ay sinilip ko siya. nakatulala lang siyang nakatingin sa kamay niya na nakapatong sa hita niya.

Pinagmamasadan ko lang siya. baka kasi may sabihin siya.

huminga siya ng malalim at tsaka ngumiting tumingin sakin. "salamat ha" sabi niya pagkatapos ay tinanggal na niya ang seat belt niya.

pero bago siya bumaba ay nagsalita na naman siya "alam ko marame kang tanong Ian. ako rin eh. kung naguguluhan ka, ganun din ako. pero sana-" sabi niya at tumingin sakin "hayaan mo muna ako. sasabihin ko rin naman kay Navi ang totoo. pwedeng mamaya, pwedeng bukas, pwedeng sa susunod na araw. Hindi ko alam kung kelan ako magkakalakas ng loob. Ang dame ko kasing gustong sabihin sa kanya na alam kong ikasasakit ng damdamin niya. ayoko sanang mangyare yun pero wala naman na akong magagawa. nangyare na ang lahat at kailangan naming harapin to. Ang sakit na nga sakin eh. paano pa sa kanya?" nagsisimula ng maging basag ang boses niya. "alam ko masasaktan siya. kahit ayaw kong mangyare masasaktan siya. kahit sabihin niyang okay lang, alam ko masasaktan siya."

"Armie" tawag ko sa kanya "ayokong manghimasok sa problema niyong dalawa pero gusto ko lang sabihin sayo na sana kapag nasabi mo na ang lahat wag mong iiwan ang kaibigan ko. mahal na mahal ka nun"

"mahal na mahal ko rin naman siya. sobra-sobra Ian. kung alam mo lang" sabi niya at tuluyan ng umiyak.

"wala namang magiging problema kung mahal niyo ang isa't isa" nakangiting sagot ko.

"natatakot akong iwan niya" bulong niya habang umiiyak. nakayuko siya na pilit pinipigilan ang paghagulgol.

lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Mas lalo siyang umiyak ng gawin ko yun.

"ssssh! everything will be alright." sabi ko pero patuloy lang siya sa pag-iyak.

napahigpit ang yakap ko sa kanya ng maalala ko si Mareen kanina. ganito rin ang iyak niya kanina habang pinagmamasdan ko siya, SILA.

Sana ibig sabihin nun ay ayaw rin niya akong mawala sa buhay niya gaya ng ayaw mawala ni Mie si Nav sa kanya. Sana takot din siyang iwan ko siya.

Ang tanging bagay lang naman na makapagpapalayo sakin sa kanya ay kapag nagmahal na ako ng iba, na hindi ko alam kung mangyayare pa.


DIANE POV

Maging ako ay hindi mapakali dahil sa mga nangyare kanina. Nag-aalala ako para sa pinsan ko. Nagkapatong-patong na ang problema niya.

"are you okay hon?" tanong sakin ni Paul.

"kinakabahan ako para kay Mie" sabi ko sa kanya.

hinawakan niya ang isa kong kamay to reassure me. tinignan ko siya pero sa daan pa rin siya nakatingin.

"sana tayo na lang ang naghatid sa kanya." sabi ko pa

"andun naman si Nav. alam mong hindi niya pababayaan ang pinsan mo"

"iba na ngayon honey." katwiran ko

"if he really loves Mie or even respected her ihahatid pa rin naman niya yun pauwe kahit awkward or magkaaway sila"

"sana nga" sagot ko.

"don't think too much. magiging okay rin ang lahat"

napatingin ako sa kanya at tipid siyang ngumiti sakin. mukha siyang kalmado pero alam ko na marame na ring iniisip ang asawa kong ito.

Kahit isang taon na ang nakakaraan at napaghandaan na niya ito ay alam ko kinakabahan pa rin siya. nakasalalay kay Navi ang lahat ng ito. dahil sa una pa lang ay hindi naman niya alam ang nangyayare. pwede kaming makulong dahil sa mga ito. falsification of documents, fraud at kung anu-ano pa.

Ang nakakatakot ay alam rin nila Ian at Mareen ang tungkol dito.

"tawagan ko kaya si Mie?" tanong ko

"let them be. sabi mo naman sa pinsan mo na tumawag kapag kailangan niya ng tulong diba?"

"pero kasi minsan hindi mo magets si Mie. puro oo at okay daw siya pero ang totoo ay hindi."

"give her time. she's old enough at alam nating natuto na siya all these years. she won't repeat the same mistake again"

"she might be. may pagkatanga pa naman ang pinsan kong yun" sagot ko.

bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.

"seryoso ako hon" inis na sabi ko. "padalos-dalos magdesisyon yun. baka mamaya may iniisip na naman siyang ikapapahamak niya eh"

"i'm sorry" sabi niya at tumigil sa pagtawa "masyado kang paranoid. call her after an hour. by that time nakauwe naman na siguro siya. then check her if she's doing okay. calm down hon. buntis ka" paalala niya

"buntis din siya" sabi ko naman. humigpit na lang din ang hawak niya sa kamay ko.

kanina kasi nung sinundo niya ako sa bar ay sinabi ko sa kanya na alam na ni Mie ang totoo. na nasabi ko na ang sekreto naming mag-asawa.

nung una ay okay lang si Paul. sabi pa niya na maganda naman ang relasyon ng dalawa at mukhang hindi magiging malaking problema. ang kaso ng sabihin kong buntis si Mie sa ibang lalaki ay nagulat siya.

kung si Paul nga nagulat na. ano pa kaya si Navi diba?

naging tahimik na kami buong byahe at hindi na pinag-usapan pa iyon hanggang makauwe sa bahay.

"mommyyy" sigaw ni Dan ng makita ako.

napangiti ako at inambahan ng yakap ang anak ko.

Nawawala talaga ang stress ko kapag nakikita ko tong anak ko.

Matapos ang isang oras ay naisipan kong tawagan na si Mie. naiinip ako kada ring ng phone niya.

nang hindi niya sagutin ay kinabahan na ako. Agad na nagdial ulit ako.

"shit!" yun agad ang pumasok sa isip ko.

hindi na ako mapakali sa kwarto namin. palakad-lakad ako rito at ng hindi na naman niya sinagot ay nagtext na ako.

To: Beautiful Couz

Mie nasaan ka? i'm calling you and you're not picking the phone. Nag-aalala ako. call me when you received this message.

Sent

nag-antay ako ng isang minuto. hanggang naging lima at nang sampung minuto na ang nakalipas ay tinawagan ko na naman siya.

nang hindi pa rin niya sinasagot ay tinawagan ko na si Nav.

Calling Nav...

Ilang minuto lang ay sinagot na niya ang tawag ko.

"hello Diane. kasama mo si Mie?" bungad kaagad niya saakin.

"hindi, akala ko kasama mo siya. sabi niya sa amin pupuntahan ka niya sa parking kasi gusto na niyang umuwe" sagot ko naman

"wala siya dito. i've been calling her pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko" bakas na ang pag-aalala sa boses ni Nav.

"sandali lang. naguguluhan ako. ang sabi niya magpapahatid siya sayo. sabi nga namin kami na ang maghahatid sa kanya pero sabi niya ikaw daw. kanina pa yun Nav. one hour ago pa." nag-aalalang sabi ko.

"shit! nasaan siya? sabi din nila Air umalis na siya kasama kayo."

"sandali tatawagan" sabi ko.

"call me back kapag nagreply na siya. i'll check if she's home" sagot niya

"sige" sabi ko sabay baba ng phone.

sinubukan kong tawagan ulit si Mie at nang wala na namang sagot ay nagtext na naman ako.

To: Beautiful Couz

Nag-aalala na ako. hinahanap ka na ni Nav. please reply MIe. wag mo kaming pakabahin.

Sent

pagkasabi nun ay agad akong naghanap ng maisusuot ko. Hahanapin ko ang pinsan kong yun. Natatakot ako sa posibleng gawin niya.

ano bang nangyare? oo problemado na siya ng iwan namin siya pero wala siyang nasabi na ganito sakin. bakit niya kailangang magsinungaling na magpapahatid siya kay Nav?

Hindi pwede ito.

Calling Danny...

"hello" paos pang boses na sagot ni Dan

"Dan!" sigaw ko.

"o ate?" mahina pa ring boses niya.

"nasa bahay ka ba? sa bahay niyo i mean. kindly check your ate? nakauwe na ba siya?" tanong ko.

"wait! bakit anong nangyare?" tanong naman niya.

"tinatawagan ko kasi siya hindi naman sumagot" sabi ko.

narinig ko ang pagbuntong hininga niya "baka nagpapahinga na yun. inaantok pa ako. galing pa ko ng 24 hour shift" sabi niya

"nasaan ka ba?"tanong ko.

"bahay. umuwe ako dahil maingay sa condo. andun si Kuya" sagot niya.

"just check on her baby Dan please? nag-aalala ako. parang may problema siya kanina. you know you're ate when she's sad" sabi ko

narinig ko ang sunod-sunod na kaluskos at alam kong sinunod na niya ako. Kapag ganun ang sinabi ko alam ko naalarma na siya. we don't want Armie depress. nasasaktan kami pare-pareho.

nakita kong pumasok si Paul.

"oh bakit nakabihis ka?" tanong niya

"hindi ko makontak si Mie" nag-aalalang sagot ko.

naiintindihan naman niya ako kaya wala na siyang nasabi.

"ate. wala siya dito. si Paige lang ang nakita ko sa kwarto nila" sagot ni Danny sa kabilang linya.

"shit!" nasabi ko nalang bago ko binaba ang call.

"anong nangyare?" tanong ni Paul.

"wala sa bahay si Mie tinawagan ko si Danny. tapos hindi rin alam ni Navi kung nasaan ang pinsan ko. wala daw siya sa party. ito na nga ba ang sinasabi ko hon" nag-aalalang sabi ko.

"calm down okay. baka kailangan lang niyang mapag-isa"

"in the middle of the night tapos buntis pa?" katwiran ko. "i don't think that's a good idea Paul"

"okay hanapin na natin siya" sabi niya.

"ako na. walang kasama si Daniel"

"andito naman sila Manang. i can't let you drive."

hindi na ako nakipagtalo pa, ang mahalaga ngayon ay mahanap namin kung nasaan ang pinsan kong yun.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
26.6K 1.1K 35
They met in a very conventional way like most couples do, but theirs is an unconventional story. Philippine Military Academy Cadet Marcus Franco, 22...
45.7K 1.2K 17
Maraming bagay na hindi naiintindihan si Daniel. He was bitter. He was jaded. He was a lost soul. But when he met Maris, tila unti-unting nasasagot l...