Scent of Heaven (Jax and Mara...

By littlemissann

477K 12.8K 1.1K

A story of true love. More

Scent of Heaven
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Read First!
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue - Jax's POV

Chapter 28

7.9K 231 16
By littlemissann


***


"Need help?" tanong nito ng mapansin sigurong hirap na hirap akong abutin ang lock at zipper ng gown ko.

Medyo alangan ako dahil malamig na magmula kanina ang pakikitungo niya sa akin lalo na kapag dalawa lang kami. Alam kong nasaling ko siyang muli.

"Please" sagot ko na lamang na tinitingnan ito mula sa vanity mirror sa loob ng suite namin.

Lumapit ito at pumwesto sa likuran ko, at inabot ang lock mula sa itaas at zipper. Tiningnan ko ito mula sa salamin ngunit nakatungo lamang at seryosong nagkakalas ng lock ng damit ko.

Bahagya kaming natahimik pareho. Abo't abot ang kaba kong nararamdaman ang kamay nito mula sa batok ko habang kinakalas ang lock at padausdos ang zipper pababa. Ramdam ang dulo ng daliri nitong dumidikit sa balat ko, at ang hangin sa likod ko na ang ibig sabihin ay bukas na ang bandang likuran.

Napapikit akong kabadong kabado,di ko alam kung gagawin na namin ito ngayon, at kung gagawin man namin ay wala akong magagawa,parte iyon ng pakiusap kong pakasalan ako.

Tahimik ang buong kwarto.

Inintay ko na lamang ang susunod niyang gagawin.

"Freshen up, gamitin mo na ang washroom dito, i'll use the other one sa labas" ani nitong lumayo ng kaunti na tinitingnan ako mula sa salamin.

Tumango ako.

Nakahinga ako ng maluwag.

Paglabas niya ay nagmadali akong magtanggal ng gown at nag shower.

Nakapajama ako ng suot, ang weird lang na kung espesyal sana na gabi ito ay magsusuot pa ako ng damit na aakit dito, pero hindi pa ako handa.

Nagpapatuyo ako ng buhok ng kumatok ito. Nakatshirt lang ito ng puti at pajama rin sa pang ibaba.

Kabado na naman ako.

" Come out, we'll eat, di ka nakakain ng maayos kanina" sabi nitong dungaw sa akin mula sa pinto.

Tumango akong tumayo at ibinaba ang hawak kong suklay.

Nakahanda na ang pagkain sa labas.

Umupo ako sa tapat nito.

"Walang contents yan ng allergies mo" sabi nitong naglagay ng pagkain sa plato ko at kaniya.

"U-uhm J-jax, a-ano k-kasi" uutal utal kong sabi na sana kakausapin ko ito tungkol sa amin pero maagap akong sinabaran nito.

"We will not consummate our marriage tonight if that's what your worrying about, i know you're not ready" sabi lang nitong seryoso habang nakatingin sa plato niya.

"Thank you" sabi kong naluwagan ang dibdib.

"But we will eventually" sabat nito agad na ikinatahimik kong muli.

" We're husbands and wife now Mara, don't expect that i'll celibate-" sabi nitong pinutol ko rin agad.

"I know, i know Jax just give me time, i am aware of my duties as your wife that includes... " sagot ko pero di ko masabi sabi. ano nga ba? sleeping with him? sex? making love?

"Finish your food so we can rest, we're both tired and we'll talk tommorrow" maotoridad na sabi nitong muli.

Pagkatapos kumain at papahinga na ay pumasok na rin ako ng kwarto, pansin kong nakasunod ito sa akin, kaya nilingon ko itong nagtatanong sa mata kung bakit ito naka sunod sa akin.

"What?" aniyang nakakunot ang noo.

"N-nothing" sabi ko na lamang na tahimik na pumasok sa kwarto.

" Don't expect na matutulog ako sa labas, i'll sleep here too" aniyang nilagpasan ako.

Di ako umimik at dumiretso sa banyo, siya rin ay lumabas saglit siguro para magsepilyo sa labas. Rinig ko ang pagbalik nito uli sa kwarto. Nagtagal ako sa loob, ipinapanalangin ko na sana tulog na ito paglabas ko.


Paglabas ko nga ay nakahiga na ito at nakatagilid sa kabilang parte ng kama, pagod din ako at di nakatulog kagabi kaya gusto ko na ring humiga. Dahan dahan akong humiga sa kama at humila ng kaunti sa comforter at tumagilid rin.

Kahit na antok na anotk ako ay pinakiramdaman ko ito ngunit parang tulog na rin siya kaya napapikit na rin ako. Papaantok na ako ng umalog ng bahagya ang kama, ramdam ko ang comforter na gumalaw na tumakip sa kalahati ng katawan ko. akala ko ba tulog na ito?

Di ako kumilos at pigil ang kahit ang paghinga ko, pinanindigan ko na tulog na tulog na ako. Bahagya itong lumapit ng kaunti sa akin mula sa likod ko at dumantay ang kamay sa bandang tiyan ko. Lalo akong kinabahan. di naman siguro ako gagapangin nito! ramdam ko rin ang paghinga nito sa ulunan ko.

Lalo akong di nakakilos, sa bigat ng kamay nito ay kaunting galaw ko lang ay malalaman nito na nagkukunwari akong tulog. Lumapit pa ito ng kaunti, at nang aakma na sana akong kikilos at aalma sa gagawin nito ay saka ko naman siya narinig na humilik na, tulog ba ito o nanaginip lang?

Napagpasyahan kong hayaan na lang muna at tatanggalin ko na lamang ang pagkakadantay pag tulog na tulog na siya, hanggang kahit ang mga mata ko at bumibigat na rin ang pakiramdam.

Nagising akong mag isa sa kama.

Paglabas ko ng kwarto ay nakaaayos na ang mga gamit namin.

"Mag almusal na tayo , then we'll go home" sabi nitong itinuturo ang mesa na malamang nag pa room service na lang. Sumulyap ako sa orasan at halos pasado alas diyes na at mukhang di pa rin nababawasan ang pagkain sa mesa.

Home. This the reality. Napabuntong hininga ako.

"Di ka pa kumain?" tanong ko habang nagsasalin ng juice para sa aming dalawa.

"I waited for you" simpleng sagot nito.

Tumango lang ako.

_

Malaki ang condominium unit niya na nasa pent house. Medyo maluwag ang living room, at sa kitchen. Halos kulay abo ang mga gamit ngunit mga moderno naman ito, typical bachelor's pad. Malinis rin at organized ang mga gamit. May pag ka OC siguro!

"Take your things upstairs" sabi nito kaya kinuha ko ang mga gamit kong sumunod sakanya. Alam kong ang ibang gamit ko ay naandito na, inayos na ni Tita Maricar bago pa ako nakalipat.

Pinagbuksan ako ng kwarto, pansin kong maluwag ang kwarto nitong may isang malaking kama sa gitna at sofa sa gilid at study table at dresser na malaki rin. Sinilip ko ang pintuan sa dulo ay banyo yun at sa kabila at bihisan at mga closet. Pansin kong naandon na rin nakaayos ang ibang mga gamit ko ngunit pansin ko rin sa kabilang closet ay ang gamit ni Jax.

"J-jax, bakit naandito ang ilang gamit mo?" tanong kong kinukumpirma ang nasa isip ko.

"Why? what's wrong? maluwag naman ang closet , kasya diyan kahit apat na tao ang maglalagay ng gamit." paliwanag nito.

"Dito ka rin magbibihis?" tanong kong muli.

"Of course, this is my room" sagot nitong nakakunot ang noo.

"Then why am I here?" tanong uli.

"Because this is your room too? what's your point Mara?Are you expecting that we're not staying in one room? we're legitimate married! hindi tayo tulad ng mga cliche movies or romance novels na mag asawang naghihiwalay pa ng kwarto! that's absurd! and besides iisa lang ang kwarto rito sa pad ko" sabi nitong salubong na salubong ang kilay.

Di ako nakaimik.

Lumapit ito sa akin na siyang ikinakaba ko lalo.

"And about that consummating of our marriage, i will not force you, i'll make sure na gugustuhin mo rin yun at di ka napipilitan lang" bulong nito sa akin.

Nanindig ang balahibo ko sa sinasabi nito. Seriously?

"Bilisan mong magayos ng mga gamit mo, i'll wait for you downstairs, we'll talk" sabi nito sabay alis na naiwan akong tulala at tuliro.

_

"Wala tayong maid dito, and most of all your Yaya Lusing will not stay with us bukod sa may karamdaman siya ay kailangan din niyang magpahinga pagkatapos" sabi nitong nakahalukipkip samantalang akoa y nakaupo sa high chair sa countertable nito.

"Okay" sagot ko.

"As a wife, you will cook for us, help in the laundry keep our home clean and tidy all the time"

"I know Jax" sabi ko nasa isip ko na ito dati pa.

"You have to see to it na may breakast lagi and dinner and sa lunch kahit hindi na dahil bihira naman tayong dalawa na naaandito sa lunch except for weekends" sabi nito.

"I don't know how to cook, ni hindi nga ako marunong gumamit ng gas range na yan." protesta ko.

"I'll teach you" sabi lang nitong sinasabi pa uli ang mga kailangan kong gawain dito sa bahay niya.

"Di kaya katulong ang hanap mo?" irita kong pangiinis dito dahil kahit ako ay napipikon na sa sobrang pagmamando nito.

Lumapit ito sa akin.

"Bakit kaya mo na bang gawin ang ibang wifely duties mo?" mahinang sabi nitong tumitig sa akin na humawak sa magkabilang braso ko.

Natameme ako, at nagiisip ng pwedeng isagot. Kabadong kabado ako sa klase ng titig nito at kung ano ang tinutukoy niya.

"Huh? uh eh, sige! sige ako na nag magluluto" sabi kong kumakals dito.

NGumisi lang siya.

"Di rin ako marunong maglaba Jax, di ako marumong gumamit ng washing machine,at di rin ako marunong magplantsa, di ba kasi pwedeng sa laundry shop na lang yun" tanong kong umaasang papayag ito.

"No, yung mga damit kong pang opisina di pwede, handawash yun, i'll teach you how to use that washing machine and iron" balewala nitong sabi.

"P-pero Jax-" sabi kong pinuto ako nito agad.

"Pag aralan mo Mara! ayaw ko ng asawang di marunong sa bahay! besides sinabi mo naman na dati yan diba na pagaaralan mong magluto at kumilos sa bahay! now,what's the difference?!" iritable nitong sabi na lumayo ng kaunti sa akin.

Muli akong natahimik. Paano niya alam? Kay Jake ko yun sinabi noon.

Sandaling nanahimik kaming dalawa. Nilingon ko ito sa sala na ngunit nakatingin lang ito sa labasan.

"Okay, pagaaralan ko Jax...Lahat ng sinasabi mo gagawin ko" suko kong sabi.

YUn naman ang dapat di ba? this is one of the price of being married with him, i have to bear with the consequences. Muli kong naalala ang conversation namin ni Jake.

Flashback

"Jake, meron pa wala akong alam na gawaing bahay, di ako marunongmagluto, maglaba , mamalantsa pero marunong naman akong magligpit sa bahay"

Tumawa ito.

"I know that too, prepared na ko dyan, tsaka di naman helper ang hanap ko asawa" tawa nitong humarap sa akin at humawak sa pisngi kong nasa tapat kami ng pinto sa bahay.

"Pero pagaaaralan ko yun Jake, pagaaralan kong magluto alangana\ namang puro ice box cake ang ipapakain ko sayo" ngiti kong sabi na siyang ikinangiti nito ng malapad.

"And magpapaturo na ako kay yaya kung paano maglaba o gumamit ng washing machine at magplantsa" nahihiya kong sabi dahil wala talaga akong alam dito.

"Don't bother, pagaaralan natin yan pareho" aniyang humahalik sa noo ko.

That was before, and that will never happen anymore.

This is the reality, which i need to embrace. Being a good and dutiful wife for him.

***

thanks for the votes and comments!

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
7M 141K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.6M 53K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...