UNBEARABLE Desire

By Ijreid

475K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 53

3.8K 53 1
By Ijreid

MAREEN POV

Iniiwasan ko si Navi nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa nalaman ko na nililigawan na niya si Armie.

Masaya siya alam ko, pero natatakot pa rin ako sa pwedeng gawin ng babaeng yun sa kanya. I can't trust her. She broke Nav twice at pwede niya ulit gawin yun.

Wala akong tiwala sa kanya at sa pagmamahal na meron siya para kay Navi. She can easily give up. Nav is not easy to handle lalo na kapag depress siya. I am afraid of what could have happen if trials come their way.

I love Nav. maybe not in a romantic way as before but i love him. Masasaktan ako kapag nasaktan siya. Wala pang napapatunayan yang Armie na yan kaya ayokong ipagkatiwala siya dito.

I already talk to Tita Scarlet, Navi's mother. Kinausap din daw siya ni Nav about kay Armie. Nung una ay against din siya sa gusto ni Nav lalo na sa agad na pagpapakasal nito, pero napilit din siya ng anak dahil masaya ito at siguradong sigurado na sa desisyon.

Kahit naman hindi ko pinapansin si Nav dahil nga sa balita niyang panliligaw at pakikiusap sakin na kilalanin si Mie ay nag-aalala pa rin ako sa kanya.

Ang bilis ng mga gusto niya. Hindi pa nga siya sinasagot ay pagpapakasal na kaagad ang iniisip niya. Masyado siyang nag-mamadali. What if pinapaasa lang siya nung Armie na yun? paano kapag hindi pa ito handang magpakasal? o kung bumalik na ulit ito sa ibang bansa at iwan siya?

Ang dami kong tanong. Ang dami kong iniisip. Ang gusto ko ay maging masaya siya at nakikita ko at nararamdaman ko na masaya nga siya kay Armie, pero may parte pa rin sa akin ang hindi maiwasang mag-alala.

Sabi nga sa kanta, too much love will kill you.

Paano kapag nasaktan siya ulit? Sobrang saya niya ngayon. Saya na hindi ko pa nakikita sa kanya noon.

Kung dati palang ay halos magpakamatay na siya sa pagmamahal niya kay Armie, ano pa ngayon?

Armie is weak. Nav is weak. No one is strong enough to save the other. Kung mahina sila pareho paano na lang ang mga pagsubok na haharapin nila in the future? pareho lang silang masasaktan.

Ang kailangan nilang dalawa ay matatag na taong aalalay sa kanila. maturity doesn't come with age. Nav appears strong, tough, strict but inside he's broken, waiting to be whole again.

I can't see that Armie is the right one for him.

Today is Ian's birthday. alam ko magkikita at magkikita pa rin kami ni Nav. ang nakakainis nga lang ay inimbitahan pa ng bwisit na birthday celebrant si Armie at ang mga kaibigan nito.

"Hey baby." tawag sakin ni Ian.

Nasa kotse niya kami at papunta na sa S Club para sa birthday celebration niya. Sinundo niya ako sa bahay at as usual useless lang ang pagtanggi ko dahil kahit kailan ay hindi yan magpapatalo sakin.

Ewan ko bakit sa club pa niya naisip mag birthday. for sure mambabae lang to dun.

Hindi ko lang siya pinansin kahit tinatawag niya ko. i-beybi niya ang mukha niya.

Rinig ko ang buntong hininga niya at tsaka napapagod na sinabing "birthday ko ngayon"

Napatingin naman ako sa kanya pero ang mata niya ay nasa daan pa rin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko. Alam ko namang birthday niya. Hindi ko pa siya nababati pero may regalo ako na hindi ko alam kung paano ko ibibigay. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan niya. Nakulitan na nga ang kapatid kong si Mandy sa kakatanong ko kung bagay pa ito o hindi kay Ian.

Speaking of her, sabi niya pupunta din siya.

Gusto ko sanang tanungin si Ian kung pupunta ang kapatid ko pero tinikom ko nalang ang bibig ko. Alam ko sa mga oras na to iniisip niya ay galit ako sa pag-imbita niya kina Armie.

Oo galit pa rin ako sa ideya na yun pero kahit gusto kong maging okay na kami ay nahihiya pa rin ako. 

Inaway ko nga kasi siya dahil dun tapos biglang ako ang hihingi ng sorry? ayoko!

Alam ko hindi na niya mababawi ang imbitasyon dahil pumayag na si Armie at mga kaibigan nito. besides friends sila ni Armie kaya natutral lang na imbitahin niya. ang kinaiinis ko lang ay alam naman niyang di kami okay nung babaeng yun ay inimbitahan pa niya.

Alam na nga niyang may silent war kami ni Navi dahil sa panliligaw niya kay Armie , tapos gagatulan pa niya.

"We're here" sabi niya.

Nakarating kami ng S Club ng hindi man lang nakakapag usapan. Hindi rin ako nakarinig ng green jokes o paglalandi sa kanya the whole ride.

Hindi naman sa namiss ko, kaya lang kapag galit ako sinusuyo niya ako. ngayon wala siyang sinasabi.

"Baby ayoko na galit ka sakin" awat niya ng bababa na ko ng sasakyan niya.

Sa loob loob ko ay napangiti ako. 

So bothered pa rin siya. Akala ko wala na lang ito sa kanya at nagsasawa na siya.

"Baba na tayo. Baka andun na sila" hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.

Kainis na pride to! Ayaw talagang bumaba.

"Bakit ba ayaw mong isama ko sila?walang mangyayareng masama. Icecelebrate lang ang birthday ko. beside they are pregnant kaya naman wala kang dapat ipag-alala. Walang magwawala at maglalasing"

isa din yun sa kinatataas ng kilay ko. mga buntis tapos pinaunlakan ang imbitasyon ni Ian? Mas inuuna pa ang party kesa sa kapakanan ng mga anak nila. hanep na mga babae naman yun.

"I know what you're thinking baby. Hindi kami magyoyosi" nakataas pa ang kanang kamay niya

tsss! hindi naman yun ang iniisip ko eh.

"ayaw mo ba nun may kasama kang hindi iinom?"

inirapan ko lang naman siya. "you always have justifications in everything" I said.

dyan siya magaling eh. yung pagmukhaing tama lagi ang ginagawa niya kahit hindi naman.

"iniisip lang kita"

"in your face" sabi ko at tsaka bumaba na ng sasakyan.

Hindi ko na alam ang naging reaksyon niya basta nagtuloy tuloy lang ako sa pagpasok. ramdam ko rin naman ang pagsunod niya sa akin.

naging tahimik lang ako ng makarating kami sa event room. Andun na ang mag-asawang sina Yuni at Air pati na rin si Luis.

Napuno ng batian ang paligid pero hindi ko na pinapansin si Ian kahit anong panunuyo niya. Moody lang talaga ako ngayon. Effect na siguro ito ng menstruation ko. first day ko kasi ngayon.

"hoy ate ano na naman drama niyo ni Kuya? away na naman?" tanong ni Mandy na kararating lang.

"tsss!"

"grabe ka naman. birthday nung tao inaaway mo pa"

"pwede ba Mandy, kumain ka na lang dyan" sabi ko.

"Kuya Ian" sigaw niya at tinawag si Ian.

lumingon naman ito samin.

"kausapin ka raw ni ate" sabi niya.

nanlaki ang mata ko at inawat si Mandy. Tumatawa lang naman ang loka-loka. hindi ko tuloy alam ang sasabihing ng maglakad na siya palapit samin.

"kausapin mo na. ikaw naman ate lagi ka na lang nag-iinarte porket alam mong mahal ka nung tao. kapag yan nakahanap ng iba ewan ko na lang sayo" bulong niya

"edi gawin niya. wala akong paki" sagot ko naman.

"labas sa ilong teh?" pang-aasar niya.

sinamaan ko lang siya ng tingin.

"wag mong sabihing di ka pa rin makamove on kay kuya Nav. ate naman ilang years na yun. besides mas gusto ko si Kuya Ian sayo. mas bagay kaya kayo"

"ano yun?" tanong ni Ian ng makalapit siya. hindi na tuloy ako nakapagbigay ng sagot sa mga sinabi ni Mandy.

"wala. babatiin ka lang daw ni Mandy" sagot ko.

"ay naku teh. bahala ka na nga dyan" sabi niya sabay tayo. may ibinulong pa siya kay Ian na kinatawa nito.

ano na naman kayang sinabi ng kapatid ko?

"Ano yun?" Tanong ko kay Ian ng umupo siya sa tabi ko.

"Wala naman. gaya ng sinabi mo binati lang niya ako"

sinamaan ko lang siya ng tingin.

"ikaw naman. Inaasar ka lang ng kapatid mo. Smile okay? Birthday ko tapos nakabusangot ang babaeng mahal ko"

"Tse!" Sabi ko sabay irap. isang malapad na ngiti naman ang isinukli niya sakin.

Alam ko sa sarili ko na naapektuhan ako kapag ganitong malambing si Ian kaya dinadaan ko na lang sa pagtataray.

"Nagtataray ka na naman. Come on let's eat. What do you want?" Tanong niya at hinila na ako patayo.

Sumama na lang ako. Ayoko na rin namang mag stay sa sour mood ko buong gabi. Monday pa naman ngayon, baka buong linggong maasim ang mukha ko.

"Nasaan na ang iba?" Tanong ko habang kumukuha ng pagkain.

"Malapit na sila Gia." Sagot niya.

"Pupunta talaga ang dalawang yun?" Tanong ko. 

Nakababatang kapatid kasi niya yung sina Gia at Lia. Pa-graduate na ang dalawang yun sa college. Yung isa Architecture ang kinuha, yung isa naman ay Engineering.

Balak ata nilang magtayo ng sarili nilang firm in the future.

"Yes, mapilit sila eh. gusto nilang makisaya satin"

"Pumayag ka?" tanong ko.

"Why not?" tanong rin niya.

Sasabihin ko sana na papaano siya makakahanap ng chicks kung andito ang mga kapatid niya? Syempre dapat good kuya siya.

Well sa pagkakakilala ko naman kay Ian, alam kong may pagka bully at playboy siya. Pero pagdating sa pamilya niya parang nagturn siya 360 degree dahil sa sobrang bait at lambing niya sa mga ito.

"Happy birthday Kuya!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin kaya napatingin kami sa may pinto.

Andun nakatayo ang dalawang kapatid niya na may dalang tig isang cake. May nakalagay na malaking number 3 sa cake na hawak ni Gia at number 1 naman ang kay Lia.

He's 31 and 3months younger than me.

Kinantahan tuloy siya ng happy birthday ng wala sa oras. Sinabayan namin sila sa pag-kanta at habang kumakanta kami ay siyang pagpasok ni Alexis.

Napatigil pa nga kami sa pagkanta dahil dun.

" go on" ngiting sabi niya pero nawala na kami sa moment.

"Blow your candles kuya and make a wish" sabi ni Lia

Nakangiting lumapit naman siya sa cake, pumikit at makalipas ng ilang sandali ay hinipan ang dalawang kandila.

Sabay sabay kaming pumalakpak at binati siya.

Nagsimula na ang kasiyahan. Nagkakantahan na rin kami.

Ilang minuto lang din ang nakalipas ay dumating na sila Angel at Lloyd at naging mas maingay sila.

"Bakit ngayon lang kayo?" Rinig kong tanong ni Yuni kay Angel

"Alam niyo naman ang mga bata" sagot nito.

"Sabagay. Si Aiken nga ay iniwan namin kina Mommy" sabi ni Yuni

"Kami rin. Ang kaso si bunso iyak ng iyak kaya di kami makaalis hanggat hindi natutulog."

Iba na talaga ang may pamilya at mga anak. Sila na ang priority mo sa buhay. Kung natuloy lang ang kasal ko noon, maybe i have a family now. Ang kaso ang tanong ay kung masaya ba ako? Knowing that Nav loves someone else.

Ang mga lalaki ay nagsimula na ring uminom. Ang aga aga pa lang inom na agad! Hindi pa nga kumpleto ang barkada.

"Ikaw bawal kang uminom ah." Paalala sakin ni Ian

"Alam ko na yun" sagot ko naman.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng magiging allergy ko ay sa alak pa talaga. Minsan naiinggit ako sa iba pero kapag naman uminom ako ay ako lang din ang mahihirapan.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga taong ayokong makita.

Kita ko si Nav na kahawak kamay si Armie. Nang magtama ang paningin namin ni Armie ay siya ang unang umiwas 

Tama yan! Mahiya ka.

When I look at her I keep on asking what she possess that Nav loves. Kasi kung tutuusin puro sakit lang naman ang ibinigay sa kanya nito.

The first time i saw her, akala ko matapang siya. Yung palaban. na ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya kahit hindi normal na ginagawa ng iba.

I find her cute that time.

I wonder where is that girl now? ibang iba kasi yun sa babaeng kilala ko na ngayon.

Sa pagkakakilala ko sa kanya ng dumating sila Nav sa buhay ko ay iba sa unang impression ko sa kanya. Very opposite pa nga kung tutuusin. Kung dati natutuwa ako sa personality niya ng una ko siyang makilala, ngayon naiinis na ako.

Kung dati i found her cute, ngayon i found her irritating.

Magtatagal ba sila? Sa asta kasi nila ngayon ay mukhang masaya sila. Rinig ko pa ang pagbati ng lahat sa kanila. they are officially a couple. Sa lakas ng boses ng boys ay alam na sa buong kwarto ang balitang sila na.

Parang last week lang ng sinabi ni Nav na liligawan na niya si Armie tapos ngayon sila na.

Finally Nav is happy. I can see it in his face. Wag lang talaga siyang saktan ni Armie. Ako na ang makakaharap niya! Nanahimik lang ako nung una dahil iniintindi ko si Nav, pero iba na pag nasaktan ulit siya. Kahit maliit na bagay lang yun makakatikim na talaga siya sakin.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila. Sumasakit lang ang mata ko.

Napatingin ako sa mga kasama nila. Somewhat they look familiar.

Pinakatitigan ko yung isa. Tapos yung katabi niya.

Hindi ako pwedeng magkamali. I know those two. namumukhaan ko sila. Naging pasyente ko sila.

Kate. I remember her. she's the one who's asking if I am pregnant.

Sila ang mga kaibigan ni Armie?

Is it really coincidence? or not?

hindi na kasi sila bumalik nung sinabi ko na mag follow up sila. well maybe it was coincidence after all. sabi nga ni Ian they are pregnant. Maybe they seek other specialist when they found out who i am. Well i don't really care.

Napatingin naman ako sa isa pang babae. She looks familiar too.

Pinakatitigan ko siya pero humarang si Ian at tinakpan ang babae.

Nag-uusap sila at tuwang tuwa naman yung si Ian kahit na halatang asiwa yung babae.

Diane! i remember her!

Siya yung  babae sa canteen na nakilala ni Ian sa bar. Diane Samonte if i'm not mistaken.

Tamo nga naman dito ko pa pala makikita ang babaeng yan. Ang darling ng birthday celebrant. Akalain mo nga naman, dito pa talaga nila naisipan mag get together.

Naging tahimik na ako sa buong party kahit lahat ay nag-iingay na. Kinakausap ako ni Ian pero tipid lang akong magsalita. Hindi ko talaga feel ang mga outsider dito.

Feeling close pa sila na akala mo magaganda. Hindi ko lubos maisip kung bakit pinayagan sila ng mga asawa nila.

That Diane girl, is she pregnant too? Ang sabi sakin ni Ian ay mga buntis ang mga kaibigan ni Armie. is she one of them?

Cass and Kate came to me last month to get pregnant kaya hindi na ako magtataka kung buntis sila. Diane on the other hand is i'm not sure. Hindi kasi siya umiinom. Same also with Armie and me. Well ako ay dahil allergic. Si Armie baka ayaw painumin ni Nav. Si Diane ang questionable. But the hell i care! Edi kung buntis siya edi maganda!

Kate became the life of the party. Harap harapan niyang asarin sila Nav at Armie sa pagiging PDA daw nila. Masyado siyang madaldal.

Nagawa pa niyang kumanta as Ian requested tapos ang pagkanta pa niya ay mukhang inaakit pa si Ian. 

Tsss! wala naman sa tono. 

Ang mga tao naman dito ay tuwang-tuwa din. even my sister.

that girl! no loyalty at all.

Sa asta ni Kate ay mukhang sanay na sa mga ganitong event. Kung wala lang tong asawa at kung hindi lang siya buntis i will think she's hitting on Ian.

Itong si Ian naman natatawa lang. Mukhang ineenjoy pa!

She asked Cass to sing with her but she refused. so she asked Diane instead. i was confused at first when Kate said Perez. akala ko nagkamali lang siya ng tinawag dahil si Armie ang tinutukoy niya. Yun pala magpinsan sila. 

Akalain mo nga naman ang liit talaga ng mundo

So magpinsan pala sila ni Mie. Tsss! tignan mo nga naman ang pagkakataon. Si Mie na umagaw sakin kay Nav at ngayon naman ang pinsan niya ang pinagkaka-interasan nitong bwisit na katabi ko. Hanep! wala na akong masabi sa magpinsan na ito.

Diane and Kate started to sing. kahit naiinis ako sa Diane na yun, masasabi kong maganda pala ang boses niya. At ang malanding pagkanta niya sa chorus ay iba ang dating. dating na nakakakit.

nilingon ko si Ian na halatang tutok na tutok kay Diane.

"My hands to myself
Can't keep my hands to myself
My hands to myself
Can't keep my hands to myself
I want it all, no, nothing else-"

Nasusuffocate na ko sa nakikita at naririnig ko kaya naman bigla na lang akong tumayo at umalis doon. Hindi ako makahinga at hindi ko alam kung bakit.

dirediretso lang ako ng lakad. napatigil lang ako ng may humila ng braso ko.

"Reen where are you going?" tanong niya.

Hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng bar at naglalakad na sa gilid ng kalsada.

what is happening to me?

napaangat ang tingin ko kay Ian na nagtataka sa kinikilos ko. bigla naman akong natauhan at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.

"uuwe na ko" tipid lang na sagot ko at tsaka nagsimulang maglakad, ngunit pinigilan na naman niya ako.

"ano ba?" inis ng tanong ko.

"ano rin ba?" inis na rin niyang tanong.

"pagod na ko gusto ko ng umuwe. bitawan mo ko."

binitawan naman niya ako kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng bigla niya akong hilain at kaladkarin pabalik sa bar.

"Ian ano ba?!"

pinilit kong makawala pero hindi niya ko pinakinggan. nagpupumiglas ako pero ako lang ang nahihirapan.

"sasama ka ng maayos o bubuhatin kita?" seryoso niyang tanong.

"ayoko ng bumalik dun"

"ihahatid na kita" sabi niya.

"kaya kong umuwe ng mag-isa" pagpupumilit ko. ayoko siyang makasama. naiinis pa rin ako sa kanya.

"ano bang problema Mareen?" seryosong tanong niya

"Wala. gusto ko ng umuwe?"

"i understand you have your monthly period today but please try to be reasonable Reen. hindi na kita naiintindihan. nahihirapan na kong intindihi ka"

OMG! how did he know na meron ako?

"edi tigilan mo na kasi ako. nahihirapan ka diba edi tanggalin mo na ang nagpapahirap sayo. hayaan mo na ako" sagot ko sa kanya.

"kung ganun lang kadali edi sana noon ko pa ginawa"

"edi subukan mo. pagod ka na diba? edi tama na"

"hindi ko sinabing pagod na ako. sabi ko nahihirapan na akong intindihan ka. kapag tinatanong ko kung may problema ka ang sagot mo wala pero sa asta mo meron"

"bakit ba pinipilit mong meron eh wala nga. pwede ba Ian bumalik ka na lang dun.party mo yun diba? mag-enjoy ka" inis na sabi ko at tinalikuran naman siya.

"let's talk like adults Mareen" he said and stop me from walking.

"ikaw lang naman ang hindi makaintindi. i said i want to go home"

"ihahatid nga kita. ako ang sumundo sayo kaya ako ang maghahatid."

"may party ka pa"

"what's the sense kung wala ka naman."

napapagod na tumingin ako sa kanya. "tama na kasi Ian."

"anong tama na?"

"tigilan mo na ako." pagkasabi nun ay parang maiiyak na rin ako.

"ihahatid na kita" seryosong sabi niya.

"Ian" tawag ko sa kanya.

"mag-usap na lang tayo bukas"

"pero-"

"please Mareen, kahit ito na lang ang birthday gift mo sakin."

napakagat labi ako at tsaka napahawak ng mahigpit sa strap ng bag ko. Hindi ko pa pala nabibigay ang regalo ko.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at naglakad kami papunta sa parking ng bar. 

bukas kaya may mag-iiba na naman?

Ayokong mahulog kay Ian. yun ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko, ngunit sa tuwing naiisip ko na mawawala na ang lahat ng ito ay nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib .ang makita ang magkahawak naming kamay ay isang bagay na komportable na akong gawin.

Hindi pa ako handang magmahal. siguro gusto ko na siya o baka nga minamahal ko na siya.

napailing ako ng sumagi sa isip ko ang posibilidad na mahal ko na siya.

Iba't ibang emosyon ang nailalabas ko kay Ian. Sa palagay ko ay mas mabuting maging magkaibigan lang kami. mas okay pa noon eh. mas masaya kami noon kesa nung pinagtapat niya na mahal niya ako.

Hindi ko kasi maisip kung paano nangyare. kung bakit ako. nung una sinasakyan ko lang siya dahil akala ko nagbibiro lang siya pero sa ginagawa niya ay hindi na lang ito basta-basta.

Ilang beses na ba niya akong hinawakan sa kamay ng ganito? ilang beses na ba niya akong niyakap ng may malisya na kinagagalit ko? Ilang beses na ba niya akong ninakawan ng halik na dahilan ng mga pasa niya?

marameng beses na at hindi ko na mabilang. dalawang taon na kaming ganito at natatakot na akong sumugal sa pag-ibig ngayon. nasa isip ko pa rin na baka balang araw may makita siyang iba at ipagpalit din ako gaya ng ginawa ni Nav sakin. Iba ang reputasyon ni Ian, sa dame ng naging babae niya paano nalang kung magsawa siya?

pero kung totoo ang pinapakita niya at ramdam ko naman iyon ay natatakot pa rin ako. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung kelan ako magiging handa. ayokong maghintay siya sa wala at ayokong magkamali ulit.

napahinto ako ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. muntik na nga akong mabangga sa likod niya.

lumapit ako sa kanya at nakita ko ang pagtingin siya sa kanan. kumunoot ang noo niya na pinagtaka ko.

"okay ka lang?" tanong ko.

"teka lang" sabi niya at binitawan ang kamay ko.

naglakad siya papunta sa kanan. medyo tahimik ang paligid kaya naman rinig ang dalawang boses na mukhang nagtatalo. pamilyar ang mga iyon sakin.

sinundan ko ng tinigin si Ian at alam kong ang pupuntahan niya ay yung naririnig kong nagtatalo.

Sinundan ko siya at hinawakan sa braso ng maabutan ko. huminto naman siya sa paglalakad at tinignan ako.

"sino yun?" tanong ko

"parang si Armie" sabi niya at naglakad ulit.

Hindi ko matandaan ang boses ni Armie pero pamilyar. baka nga siya yun.

"yung isa?"

"Si Diane ata, yung pinsan niya" sagot niya.

pagkarinig ng pangalan niya ay naalala ko na naman ang malanding pagkanta niya kanina kay Ian na kinairita ko.

Ayan bumalik na naman ang inis ko sa magpinsan. Ano naman kaya ang pinagtatalunan nila?

Hindi nga nagkamali si Ian. Sina Diane nga at Armie ang nag-uusap. medyo tumataas ang boses nila lalo na si Diane pero hindi naman sila nag-aaway.

"tara na" aya ko kay Ian.

wala akong balak makiusyoso sa dalawa.

"sandali lang. tatawagin ko na sila. medyo madilim sa parteng yun baka mamaya may mangyare pang masama sa dalawa." sabi niya

napataas naman ang kilay ko. concern talaga siya ah.

"edi go. mauuna na ako"

"Mareen naman! sandali lang ito"

"take your time" sarkastik na sagot ko naman.

napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. hinila niya ako papalapit sa dalawa at wala na akong nagawa.

kahit kailan talaga ang lalaking to!

ngunit habang papalapit kami ay may mga salitang nasabi si Armie na kinagulat naming pareho ni Ian.

Napatigil kami sa paglalakad at pinanood ang magpinsan. patuloy sila sa palitan ng mga salita at hindi man lang naramdaman ang presensya namin.

This time naging sigurado na ako.

I will save Navi. No matter what happened I can't let her destroy him again.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 123K 39
League of Billionaire series #3 He's an ex-military billionaire. She's a wild party girl. With just one glance, she fell for those cold eyes and myst...
136K 1.5K 70
Both of them agreed to meet to settle all unsaid feelings. But what will happen in five days together in place no one will interfere. He wants a pro...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...