Scent of Heaven (Jax and Mara...

By littlemissann

479K 12.8K 1.1K

A story of true love. More

Scent of Heaven
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Read First!
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue - Jax's POV

Chapter 19

7.1K 201 19
By littlemissann


***

Litong lito ako.

May mga sinabi pa ang abogado pero di ko na masyadong naintindihan, at nagpaiwan na lamang ako ng kopya ng mga conditions ni daddy sa will niya.

Umupo sa tabi ko si Tita Maricar.

"I know that you're confuse, pero alam kong kilala mo rin ang Tito Rene mo, how greedy he is kahit noon pa man sa company ng daddy mo" sabi nitong malumanay na humagod sa likod ko.

"Sa akin anak, safe ang share mo sa mommy mo, kung pwede lang magprotesta...pero we're not blood related dun kami talo ng tito rene mo, mahirap patunayan yun sa korte" sabi nito.

"I'll give you some time to think about it" sabi ng abogado na nagpaalam.

Paglabas pa lang ng abogado ay pumasok na agad si Jake at Kuya Jax.

Lumapit agad si jake.

"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay" sabi kong palabas sakanila at nagpaalam kay Tita Maricar na magpapahinga muna.

Buong gabi akong di nakatulog at pinag isipan ang sinabi ng abogado. Naisip kong kailangan kong magdesisyon. Madalas noon ay nakikita kong ayaw ng mga kamaganak ni Daddy kay mommy kaya ng nawala si daddy ay alam kong ginawa lahat ni mommy ang makakaya niya para mapatunayan ang sarili bilang namumuno sa kumpanya.

Ang hirap ng iniwang responsibilidad ni mommy sa akin.

Kinabukasan ay nagkulong lang din ako sa kwarto ko. Naisip kong tanging si Jake lang ang makakatulong sa akin, bukod dito ay kung meron akong taong gustong makasama ko sa habang buhay ay sigurado ako na siya yun. Madalas kong naiisip na siya na ang mapapangasawa ko sa hinaharap, ngunit masyado yatang napaaga ngayon at di ko alam kung siya ay ganoon din ang naiisip sa akin. Alam kong mahal ako nito pero hindi ako sigurado kung handa na ba siya at kung naiisip na ba nito ang patutunguhan ng relasyon namin.

Napalingon ako sa gawi ng pinto ng nagbukas ito.

"J-jake"

Agad itong tumabi sa kin kaya umupo akong sumandal sa headboard ng kama.

"Are you okay?" tanong nito.

Tumango ako.

"Nandito ako kagabi pa pero sabi ni Yaya wag ka daw munang istorbohin, nagbakasakali lang ako ngayon na gusto mo na ng kausap."

"What's happening? Anong pinagusapan ninyo? Kasi ayaw ding magsalita nina Mommy confidential daw" tanong nito humawak sa kamay ko.

Di ako umimik at tinitigan lamang siya, naninimbang ako kung sasabihin ko na ba ito ngayon.

"Tell me, you know that you can always count on me" aniya.

Di pa rin ako umimik.

" Mahal, regardless of what it is, you can tell me" aniyang humahawak sa kamay ko, humahalik sa likuran ng palad ko.

Bumuntong hininga ako.

"Sounds so serious and delicate, ang lalim ng buntong hininga mo" aniyang ngumiti na alam kong pinapagaan nito ang tensyon.

"J-jake, do you love me?" tanong kong muli dito.

"Of course! Don't ever doubt about it, mahal na kita noon pa... why?" sbai nitong seryosong tumingin sa akin.

" Can you see your future with me?" alangang tanong kong muli.

"Syempre naman, noon pa... I love you at ikaw lang ang babae para sa akin hanggang pagtanda natin"

'I feel the same way" sabi kong tumungo at tumingin muli sakanya.

"What's with your weird questions?" tanong nitong nakakunot noo.

" Mahal din kita Jake at wala akong maisip na gusto kong makasama habang buhay kundi ikaw" sabi kong tumitig dito.

"O-okay, what's going on?" aniyang nalilito.

Bumaba ako ng kama at umupo sa tabi niya.

" U-uhm Jake, w-will you marry me?" tanong kong kinakabahan.

"What?"

"I'm asking If you want to spend your life with me? Will you marry me Jake?" sabi kong kabadong kabado.

Marahil nalilito ito, dahil unusual na ang babae ang hihingi ng kamay ng lalake.

"A-are you serious?" nakakunot noo pero nakangiti.

"Yes, I'm dead serious Jake, I'll explain later... now can you please answer me first, will you marry me Jake?" tanong kong humawak sa mga kamay nito.

" O-of course, I want to marry you kahit kailan at saan mo gusto" aniyang natatawa.

"I'm serious here jake- " sabi ko

Humawak ito sa magkabilang braso kong pinatayo ako, at humawak sa baba ko para mapatingala ako rito.

"I'm serious too Mara Grace, I want and I will marry you, isa yun sa mga pangarap ko na makasama ka habang buhay, maging ina ng mga anak ko" sabi nitong nakangiti ng malapad.

"Thank you," ani ko.

Umiling lang ito at natawa.

"I just find it weird na ikaw ang magproproposed sa ating dalawa, pero kahit ano pang reason behind, I'll gladly accept it...I'm so happy... naunahan mo lang ako, I'll do it eventually" aniyang ngumiti at humawak sa magkabilang pisngi ko.

" Thank you Jake, sorry at mapapaaga lang ang pagkatali mo sa akin" sabi kong ngumiti.

"Alam ko namang di mo na ako pakakawalan, I'm very willing mahal... na maging slave mo habang buhay" aniya na siyang ikinangiti ko.

"I'm in love with you, so in love with you that I kept it for years to find a perfect timing para masabi ko sayo" sabi nitong seryosong tumitig sa akin.

Abot abot ang kaba ko at ang lakas ng pintig ng puso ko. Kung dapat ay nabunutan na akong isang tinik dahil sa problema ko pero ayaw tumigil ng puso ko sa lakas ng tibok nito.

'I. love. You" mahinang bulong nito na humalik sa noo ko kaya napapikit ako at dinaramdam ang sobrang pagmamahal nito. Humalik ito sa talukap ng mga mata ko at tungki ng ilong ko. Ramdam ko ang napakabanayad at marahan na halik nito sa labi ko, at dinarama ang bawat sulok ng bibig ko.

Nangangatog ang tuhod ko ko sa panghihina at sa kuryenteng dumadaloy sa likod ko mula sa baba paakyat ng batok ko. Ramdam ko din ang init ng pagmumukha ko. Mabagal at marahan ang halik nito, na humawak na ako sa magkabilang braso nito sa suporta. Humalik ito sa pisngi ko papuntang tenga at leeg ko pababa at siyang bumalik muli sa bibig ko.

"Jake" mahinang bulong ko dito na ibinuka na nag bibig ko para mahagilap ang dila at loob ng bibig ko.

Umupo ito sa kama na hindi pinuputol ang halik habang nakatayo ako, marahil naisip nito mangangalay ako sa tangkad niya.

Hinila ako sa kandungan niya kaya napaupo ako dito habang tumutugon sa halik nito. Humawak ako sa magkabilang balikat nito na siya nama'y sa likuran ko at baywang ko. Mainit sa pakiramdam, na kahit naka buhay ang AC ay ramdam ang init ng kwarto. Banayad muli itong humalik sa gilid ng baba ko paakyat sa tenga ko at pababang muli ng leeg ko, hinawi nito ang buhok ko sa gilid at humalik sa gitna ng tenga at balikat ko hanggang sa balikat ko mismo. Hindi ko maintindihan ang sensayong mainit sa pakiramdam.

"Jake" sabi kong napapikit sa klase ng halik kito sa baba at leeg ko.

Huminto ito at humalik muli sa labi ko ko at sa humahangos sa noo ko.

"Let's stop, baka hindi ako makapagpigil, at di ko na maintay ang kasal natin" seryosong sabi nito na nakapikit.

Napangiti ako at sa pagtayo ko sanang kilos at pinigilan ako nito.

"Wait, don't move yet" aniyang halos humahangos.

Napakunot noo ako pero kumilos pa rin ako at di sinasadyang naramdaman ko ang matigas na bagay sakanya dahil manipis lang ang pajamang suot ko.

Mahinang nagmura ito.

Namula ako sa bagay na yon, ganon ba yon kabilis?

"Jake!" sabi ko dito kaya nagmadali itong pumasok sa banyo.

Natatawa akong nahihiya sa kilos nito. Di ko alam na ganun kabilis ang epekto nun...

Maya't maya ay lumabas na itong nakahilamos.

"Jake... okay ka na?" nakangisi kong tanong.

"Ang tigas ng ulo mo eh, pasalamat ka at nakapagpigil ako kundi baka hindi pa tayo ikinakasal buntis ka na" aniyang lumapit sa akin kaya napaatras ako ng napaatras hanggang tumama na ang likod ko sa pintuan ng cabinet ko.

"Jake..."

"I love you but I respect you also, I can still wait" aniyang humalik ng mabilis sa labi at noo ko.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Halika ka na sa baba, kagabi pa nagaalala si Yaya sayo" aniyang hinigit ko sa gilid nito palabas.



Pagbaba namin ay nagiintay na nga si Yaya sa hapag kainan, nakatitig lamang ito sa kamay namin ni Jake na magkahawak, ngumiti naman ito, sanay na sanay na si Yaya lusing sa presensiya ni Jake dito sa bahay pero magmula ng naging kami ay binawalan na niya itong magtagal sa kwarto ko lalo na ng nawala si mommy.

Sa anim na buwan namin ay di pa kami lumalagpas sa limitasyong yun.

" You need to eat, di ka rin kumain kagabi saka kaninang umaga" ani ni Jake na pinaglalagay ako ng pagkain sa plato ko.

"Opo dad" ngisi ko pero binalewala lang ako nito at patuloy pa ring naglalagay ng ulam at nagsasalin ng juice sa baso ko.

Kwinento ko ang napag usapan namin ng abogado. Ramdam ko ang titig ni Jake sa akin.

"I'm sorry Jake, don't think na kaya kita kinausap para lang doon sa pinagusapan namin ng abogado."

"I don't mind, hindi yun importante sa akin, i'm glad na ako ang naandito, naunahan mo lang naman talaga ako, its on my plan already...i'm very willing to be tied to you kahit bukas na" ngiti nito.

"Mahal kita Jake, napaaga lang talaga" sabi kong humawak sa mga kamay nito.

"I know, don't sweat it anymore...i perfectly understood it" aniya.

Samantalang si yaya lusing naman ay umiiyak na sa harapan ko.

" Ang bilis na ng panahon, parang kailan lang na pinipilit pa kitang pakainin, pinapaliguan at tinatabihan sa pagtulog ngayon mag aasawa ka na" aniyang humihikbi.

"Ya..." sabi kong lumapit at yumakap sakanya.

"Masaya ako para sayo anak...masaya ako at si Jake ang naandyan para sayo,alam kong maalagaan ka niya ng husto" ani nito na siyang ikinayakap ko pa lalo.

"Thank you ya, mahal na mahal ko po kayo, salamat po at naandyan kayo lagi" sabi ko na siyang yumakap rin si Jake dito.

"Jake! alagaan mong mabuti itong alaga ko ha, sandali alam na ba ito ng magulang mo?itong pinagusapan ninyo" aniyang excited.

" Hindi pa po, sainyo pa lang namin nasabi" ngiti ni Jake.

"Sasabihin po namin mamaya"

" U-uhm Jake, this wedding, may kasamang responsibilidad ito" sabi ko na ang tinutukoy ko ang magiging posisyon nito sa kumpanya ng mabasa ko ang conditions ni Daddy"

"I know, naanticipate ko na yan, andyan ang parents ko to help us besides management major ako" ani nitong seryoso.


"I'm sorry"sabi ko.

" Shhh... this is just small thing to bear kumpara sa sayang nararamdaman ko ngayon, tsaka ganon naman talaga di ba? ang pagaasawa... through thick and thin, for richer and poorer,in sickness and health, till death do us part" sabi nitong humawak sa kamay ko.

" Ano ba yan, sa tanda ko na to kinikilig ako sainyo!" natatawang sabi ni Yaya.



--------------

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

Napatingin sa amin si Tita Maricar at tito Ben na nasa living room nila at si kuya Jax na paakyat ng kwarto nila.



"Tita" sabi ko pero pinigilan ako ni Jake.



"Dad, 'my, Mara and I decided to get married" aniyang diretsong tumingin sakanila.


Napatayo naman si Tita Maricar na humawak sa bibig niya.

" I'm happy anak" sabi nitong yumakap kay Jake at sa akin, at sinundan naman ni Tito Ben.

"I won't say welcome to the family anymore Mara, you're already a part of our family eversince, i'm so happy....finally i can call you as my real daughter" aniyang yumakap na nangingilid pa ang luha sa tuwa.


"I'm happy for both of you" ani ni Tito Ben.


" I knew this would gonna happen, sayang lang at di masasaksihan ni Almira pero naforesee na namin ito noon pa" naeexcite na sabi ni Tita Maricar na humawak sa bisig ng asawa.

" When is your planned wedding?, naku Ben naeexcite ako" ani ni Titang tuwang tuwa.


"Calm down honey, di tayo ang ikakasal" natatawang sabi ni Tito Ben.


Paglingon ko sa gilid kung saan nakatayo kanina si Kuya Jax ay bakante na iyon.


" Mara anak, sisiguraduhin nating ikaw ang pinakamagandang bride, at ako pinakamagandang mommy ng ikakasal" ani nitong tumatawa.


"Payakap nga sainyong dalawa, naku ang mga babies ko..." nakangiti nitong sabi.

" 'My, i know the situation of Mara, we've been together for a while,pero i've known her for a long time, i'm very sure to myself that she's the one for me" ani ni Jake sa magulang.

"Napakacheesy mo anak..."ngisi nito sa anak.

" Actually po yung totoo, ako po ang nag aya kay Jake, doon din naman po ang patutunguhan namin, mas mapapaaga lang po" nahihiya ko pa ring sabi.


"I'll do it eventually 'my, naunahan lang niya ako" sabat ni Jake.

"It's okay... we understand it, we know you love each other kahit noon pa, you both were so inseparable, naanticipate na namin ito, i susuggest ko nga sana ito pero ayaw naman namin kayong pangunahan"


" Congratulations to both of you, and Mara you should start calling us mommy and daddy" ani ni Tita Maricar na nakangiti.

" Opo" nahihiya kong tugon dahil mas kumportable ako sa dating tawag ko sakanila.

"Dad, i need your help soon sa lagay ni Mara sa company ng Dad niya" baling ni Jake sa daddy niya.

"Ofcourse, we'll guide both of you, by the way where's Jax? " baling ni TitoBen sa asawa.   


***

-tbc-

Continue Reading

You'll Also Like

479K 12.8K 51
A story of true love.
49.2M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
All or nothing By Cher

General Fiction

440K 24.2K 23
Saina Buensuceso spent years rebuilding herself. Hindi siya perpekto, at alam niya iyon. She wanted nothing but to be a good role model for her onlyn...